SHE KNOWS LOVE (Published und...

Von anjbuenaphr

326K 5.2K 225

This book was published back in 2014. Happy reading ",) Mehr

Chapter One
Chapter Two.1
Chapter Two.2
Chapter Three.1
Chapter Three.2
Chapter Four.1
Chapter Four.2
Chapter Five.1
Chapter Five.2
Chapter Six.1
Chapter Six.2
Chapter Seven.1
Chapter Seven.2
Chapter Eight.1
Chapter Eight.2
Chapter Nine
Chapter Ten.1
Chapter Ten.2
Chapter Ten.3
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen.1
Chapter Fifteen.1
Chapter fifteen.2
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen.1
Chapter Seventeen.2
Chapter Eighteen.1
Chapter Eighteen.2
Chapter Nineteen
Epilouge

Chapter Fourteen.2

7.3K 117 3
Von anjbuenaphr

Kanina pang pinapanood ni Margaux si Jaiden habang balisang naghihintay sa kanya sa gitna ng bakanteng lote na pinagdalhan nito sa kanyang noong 'kinidnap' siya nito. Tinawagan siya ni Jaiden bago mag-uwian at binigyan ng instruction kung paano pupunta sa meeting place nila.

Nasasaktan si Margaux habang pinapagmasdan ang binata. Hindi niya alam kung tama bang lapitan pa niya ito. Nakaupo ito sa naka-set na mesa. Halatang pinaghandaan nito ang date nila. Parang piniga ang puso niya habang nakikita ang kanyang kaligayahan.

Araw niya si Jaiden. Nagbigay liwanag sa madilim niyang buhay. Langit ang pakiramdam niya sa tuwing kasama ang binata. Kung paano niyang pinagtabuyan ito ay siya namang sipag nitong mapalapit sa kanya. Oo nga't interview lamang ang hangad nito noong una. Ngunit pinatunayan naman nitong hindi natapos sa pag-uusap na iyon ang lahat sa kanila.

Ngunit paano niya mamahalin si Jaiden? Paano niya ipapadama dito ang pagmamahal niya? Kung ang sarili niya ay hindi niya pinahahalagahan. Hindi niya magawang maging totoo nang lubos dito dahil natatakot siya. Hindi niya alam kung paano pakikitunguhan ang nararadaman niya. Paano kung hindi naman talaga nito tanggap ang buong pagkatao niya? Hindi pa alam ni Jaiden ang lahat.

Napapitlag siya nang biglang tumunog ang cellphone niya. Nakita niyang nasa tainga ni Jaiden ang cellphone nito. Marahil siya ang tinawagan ng binata.

Sinagot niya ang tawag. "Hi."

"Sa'n ka na?" tanong nito at nakita niyang tumayo. Lumapit ito sa isa pang mesa na mas maliit. May isang bouquet ng bulaklak doon. Hinawakan iyon ni Jaiden. Napangiwi si Margaux. Jaiden looked so gorgeous in his faded pants and a polo shirt. Nakatupi ang mahabang manggas hanggang sa siko nito. Talagang dapat lang na maging modelo ito.

"H-heto na." Aniya at ibinaba ang cellphone. Nagbuga siya ng hangin saka nagpasyang lumakad palapit sa binata.

Naramdaman marahil ni Jaiden ang presensya niya kaya lumingo ito sa gawi niya. Kaagad itong ngumiti.

"Narito ka na pala. Tinawagan pa kita." Saad ng binata at hinila ang isang upuan. "Please sit, my forever."

Hindi napigilan ni Margaux na mapangiti. Jaiden was so adorable not to be swooned. Lumapit siya dito saka naupo. Saka naman ito naupo sa tapat niya. May nakahanda nang tila masarap na dinner sa harap niya.

"Oh." Tila may naalala ito at muling tumayo. Kinuha nito ang bulaklak. "For you."

"Thanks." She said sweetly. "Grabe ang effort."

"S'yempre." Nagyayabang naman nitong tugon. Muli itong naupo.

"Paano mo nagawa 'to eh nasa school tayo buong araw?" puno ng mangha niyang tanong.

"Connections." Tipid nitong sagot.

She rolled her eyes. Wala na siyang balak na alamin pa ang naginga paraan nito. Ang mahalaga ay napasaya siya nito.

"Gusto ko kasing bumawi. Hindi kasi okay 'yong dinner natin kasama ni Kuya." Saad ni Jaiden.

"Ano ka ba? Ako nga ang awkward no'n kaya hindi natuwa ang kuya mo."

Tiningnan siya nito. "Margaux, may gusto lang sana akong linawin."

"Ano 'yon?"

"Yong Mass Chronicle."

"Ah 'yon ba? Contributor ako sa kanila. Isang taon na. I'm sorry hindi ko nasabi kaagad." Agap niya.

Nakakaintindi itong tumango. "Okay lang. At least ngayon alam ko na."

Pilit na ngumiti ni Margaux. May nais sabihin ang kanyang kalooban ngunit walang salitang mamutawi sa kanyang labi. Napipigil ng kibig sa kanyang lalamunan. Nasasaktan siya. Nasasktan siya dahil mahal na niya ang binata. Ngunit pakiramdam niya ay tila may mali. Maling mahalin niya ito tulad ng mahalin siya nito.

"May problema ba?" Tanong nito na nakatitig sa kanya.

Umiling siya. Nag-iwas siya ng tingin. Pasimpleng humugot ng hininga upang kalmahin ang sarili. Ayaw niyang sirain ang mga ngiti ni Jaiden. Hindi niya kayang makita itong malungkot.

"Sayaw tayo." Sabi nito at nagtatanong ang mga matang tumingin siya dito. Ngunit hindi naman siya tinugon nito dahil hinila siya ni Jaiden patayo.

"Walang tugtog." Sabi niya ngunit hindi naman ito sumagot. Bagkus iniikot siya nito hawak ang isang kamay. Hindi niya napigilang mapangiti.

Nang muli siyang mapaharap dito ay pumulupot ang braso nito sa kanyang baywang habang ang isang kamay ay hawak ang kanyang kamay. He gracefully swayed her. Napapangiti niyang tiningnan ito.

"Corny mo talaga." Aniya kahit na kinakain na siya ng kilig.

Isang tila kay tamis na ngiti ang ginawa nito. "Araw...liwanag na natatanaw...Ulap...sa yakap mo'y nadarama...langit...pag-ibig mo na kay sarap...tila lumilipad sa t'wing kasama ka...aking sinta."

She laughed. "Anong kanta 'yan?"

"Hindi mo na kailangang malaman. Baka sabihin mo corny na naman ako." Sagot nito at muling kumanta. Muli siyang napatawa. His voice maybe sweet but not enough to be a singer. Ngunit maaari na niyang tanggapin iyon para sa effort.

Kusa nang humilig ang kanyang ulo sa dibdib ni Jaiden. Saka pumikit habang pinakikinggan ang pagkanta kasabay ng pagasasayaw nila. Saka ito niyakap.

"Malaya mang lumisan...at di na magparamdam...Ito'y di gagawin...kaylanma'y di kita iiwan...dahil..."

Nanatiling nakapikit si Margaux. Naririnig niya ang tinig ni Jaiden pati na ang pagtibok ng puso nito. It was like magical. Tila inililipad nga siya ng pagtibok na iyon sa isang mahiwagang lugar na tanging sila lang ang nakakaalam.

wQ<5

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

128K 2.3K 11
This is the first of five books and the very first mini series that I did for Precious Hearts Romances. All five books were approved; four are alread...
1.4M 61.3K 271
In which Neve keeps texting her deceased friend's number, at first in order to cope with the loss, and later on, as a force of habit. After four year...
128K 2.3K 9
Kaaway ni Eliza si Alec Buenaventura, isang negosyanteng wala nang inisip kundi ang sariling interes. Kaya naman nang malaman niya ang diperensiya ni...
1M 33.1K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...