SHE KNOWS LOVE (Published und...

Von anjbuenaphr

326K 5.2K 225

This book was published back in 2014. Happy reading ",) Mehr

Chapter One
Chapter Two.1
Chapter Two.2
Chapter Three.1
Chapter Three.2
Chapter Four.1
Chapter Four.2
Chapter Five.1
Chapter Five.2
Chapter Six.1
Chapter Six.2
Chapter Seven.1
Chapter Seven.2
Chapter Eight.1
Chapter Eight.2
Chapter Nine
Chapter Ten.1
Chapter Ten.2
Chapter Ten.3
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Fourteen.1
Chapter Fourteen.2
Chapter Fifteen.1
Chapter fifteen.2
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen.1
Chapter Seventeen.2
Chapter Eighteen.1
Chapter Eighteen.2
Chapter Nineteen
Epilouge

Chapter Thirteen

8.4K 134 7
Von anjbuenaphr

Napatingin si Jaiden sa kamay niya na may hawak sa kamay ni Margaux. Ramdam niya ang panlalamig niyon. Napangiti siya sabay tingin sa dalaga. Nasa parking lot sila ng restaurant ng kuya Geoff niya dahil napapayag niya si Margax na magdinner doon. Nais kasi niyang maiayos ang hindi magandang pagkakilala nina Margaux at ng kanyang kapatid.

"Relax." Sabi niya kay Margaux na panay ang pagbuntong-hininga at panay ang estima sa sarili.

Margaux looked neat and pretty wearing a green sequined romper. Nagulat siya sa totoo lang dahil iyon ang unang pagkakataon nakita niyang naka-dress si Margaux. Madalas na mga high waist skinny na madalas kulay itim at hanging blouse na madalas namang maluwag ang kaya lumalaylay at nalalantad ang balikat ng dalaga.

"Relax naman ako ah." Sabi ni margaux ngunit panay ang buntong-hininga. Napapatingi niyang niyakap ang dalaga saka hinalikan ang noo nito.

"Mabait si Kuya, okay?" Aniya habang hawak ang balikat ni Margaux. Tiningnan siya nito at pilit na ngumiti. He smiled light. Saka inakbayan ang dalaga. He even felt her trembling.

"Wala naman sa'kin kung mabait s'ya. Alam ko naman 'yon." Sabi ni Margaux.

"Kaya nga hindi ka dapat kabahan." Tugon niya. "Let's go?"

Tumango ang dalaga at inalis naman niya ang kamay sa pagkakaakbay dito saka muling hinawakan ang kamay ni Margaux. Umaga pa ng pumunta ng restaurant si kuya Geoff upang kumutahin ang operation niyon. At hindi alam ng kapatid niya na kasama niya si Margaux. Hindi niya sinabi dahil gusto niya ay hindi na makakaiwas ang kuya niya kapag nakita na ang dalaga.

Kaagad na pinaupo ni Jaiden si Margaux sa elevated na bagahi ng restaurant. Couch ang upuan doon at magkakalayo ang mga mesa. Iyon ang pribadong parte ng restaurant. VIP area kumbaga.

Kinawayan niya ang isang waiter nang makaupo siya sa tapat ni Margaux. Kaagad namang lumapit ang tinawag niya.

"Good evening, Sir Jaiden." Kaagad na bati ng waiter. He winced.

"Wag mo na nga akong i-sir. Si Kuya ang boss n'yo hindi ako. 'Asan pala s'ya?" Sabi niya at kumamot na lang sa ulo ang waiter.

"Nasa office n'ya kausap ni Sir Hans. Ipapatawag ko ba?" Tugon ng waiter. Si Hans ay ang chinese na kaibigan ng kuya na siya ring business partner ng kuya niya.

"Hindi na. Ako na lang." Aniya saka nilingon si Margaux habang lumalayo naman ang waiter. "Puntahan ko lang si Kuya."

Nakita niyang pagkabalisa ni Margaux. "Teka-"

"Sandali lang ako. Tatawag ako ng waiter para maka-order ka na." Agap niya sa akmang pagpopretesta ni Margaux saka siya tumayo. Nginitian niya ito at mabilis na sinabihan ang isang staff upang estimahin ang dalaga.

Malalaki ang hakbang niyang inakyat ang second floor kung saan naroon ang opisina ng kuya niya.

Kaagad niyang nakita ang kapatid niya nang buksan ang pinto. Nakaupo naman sa harap na visitor's chair ay si Hans.

"Hi, Kuya." Bati niya habang lumalapit sa mga ito. Nginitian siya ni Hans na tumayo naman.

"I have to go. May kapalit na 'ko." Ani Hans.

"Aalis ka na agad kuya Hans? Kararating ko lang." Sabi niya. Tinapik nito ang balikat niya.

"May lakad pa 'ko. Tapos na rin naman kaming mag-usap ng kuya mo. Sige." Anito at mabilis na lumabas ng opisina.

Nilingon niya ang kapatid na nakatingin sa kanya. Nakapatong ang kamay nito sa executive table.

"Naligaw ka." May lamig pa rin nitong tanong. He sighed.

"Kuya..." Saad niya at muling nagbuntong-hininga. "Kasama ko si Margaux. Kain tayo."

Nag-iwas ng tingin si Geoff at tila napagod na sumandal sa upuan nito. Saka muling bumalik ang tingin sa kanya.

"Kuya, okay si Margaux. Medyo awkward nga lang no'ng nakita mo kami pero di'ba nasabi ko na. Girlfriend ko s'ya kaya gusto kong makilala mo s'ya." Himig nakikiusap na sabi ni Jaiden.

Nagtalo sila ng kuya niya noong araw na dumating ito at madatnan sila ni Margaux. Initially, Geoff thought of unwelcoming Margaux as a woman. Nag-isip kaagad ang kapatid niya na naglalaro lamang si Margaux sa relasyon nila. Na hindi siya seseryosohin ng dalaga. It was, maybe, because of how Margaux looked that day. Lagi naman. Madalas na iba ang dating ni Margaux sa maraming tao. Ngunit gusto niyang ibahin ang tingin ng kuya Geoff niya tungkol sa girlfriend niya.

"Seryoso ka ba sa kanya?" tanong ni Geoff.

Tumango siya. "Oo, Kuya."

Ang ilang araw at linggo niyang pagkabalisa na si Margaux ang nasa isip ang kinailangan niyang pagtantuin bago pa niya imbitahin ang dalaga noong kaarawan niya. Sinagot na niyang ang tanong niya sa kanyang sarili kung bakit hindi mawala sa isip niya ang dalaga at kung bakit ganoon na lang ang concern niya kay Margaux. Kung bakit galit na galit siya nang bastusin ito ni Kevin at kung bakit hindi mawala sa isip niya ang ginawa nitong paghalik sa kanya.

Marami mang kailangang ikonsidera tungkol sa nararamdaman niya para kay Margaux dahil nga hindi ito tulad ng tipikal na dalaga na tulad ng karamihan ang sa eskwelahan nila, wala naman siyang mahanap na tamang dahilan kung bakit hind dapat gustuhin si Margaux. He enjoys talking to her. Gumagaan ang pakiramdam niya at nawawala ang pagod niya kapag nasisilayan si Margaux. Gusto niyang marinig nang madalas ang boses nito. Kahit pa nagsususngit ito palagi sa kanya. At parati na ay iba ang tibok ng puso niya sa tuwing kasama ang dalaga.

Hindi iyon ang unang pagkakataong na-inlove si Jaiden. Marami na rin siyang nakarelasyon. He could say that his past relationship was though did not failed, but never a success. Natapos ang lahat ng iyon dahil nawala o sadyang wala ang tamang timpla ng pag-ibig. Hindi niya naramdaman. Na tanging kay Margaux niya naranasan. It was also the first time he introduced a girl to his brother. Not for the formality. Again, it was only Margaux.

Nakita niyang nagbuntong-hininga si Geoff saka tumayo. "Okay. But it is only for tonight."

Napangiti si Jaiden dahil sa sayang bigla niyang naramdaman. "Thanks, Kuya. I owe you one."

Umiling ito. "Wag mo 'kong pasalamatan. Ayoko lang maging bastos sa kahit na sinong babae. Alam kong naghihintay s'ya."

Hindi nawala ang ngiti niya dahil sa sinabi ni Geoff. "Thank you pa rin."

Pagkasabi niyon ay sabay na silang lumabas ng opisina upang puntahan ang naghihintay na si Margaux. At nang makalapit kay Margaux ay kaagad namang tumayo ang dalaga.

"You don't have to. Please sit." Anang kuya niya at ito pa ang nagpaupo muli kay Margaux. Tila napapantastikuhan namang tumingin ang dalaga sa kanya. Nginitian niya ito.

Tinawag naman ni Geoff ang isang waiter at mabilis na nagsabi ng kakainin. Palibhasa'y kabisado nito ang menu. Sila naman ni Jaiden ay tamang pasimpleng nagkakangitian.

Margaux looked so radiant. Nakangiti ito kahit halatang naiilang. Inabot niya kamay nito na nasa ibabaw ng mesa.

"I ordered a lot. Ubusin n'yo ha." Sabi ng kuya niya nang harapin sila. Inalis niya pagkakahawak sa kamay ni Margaux. Tiningnin ni Geoff ang dalaga.

"Kuya." Pag-agaw niya sa atensyon ng kapatid niya sa pag-aakalang tatanungin nito si Margaux. "Ito na ba ang treat mo sa birthday ko?"

Tumawa si Geoff. "Pwede. Actually, I planned a vacation for us. Sa Thailand sana tayo. 'Yon sana ang regalo ko sa'yo. Pero-"

"That's okay." Agap niya. Hangga't maaari ay ayaw niyang dagdagan pa ang awkwardness na nararamdaman ni Margaux.

Geoff sighed. Tiningnan siya ng kapatid niya. A tension had built. Ngunit alam naman niyang naiintindihan siya ng kuya niya.

"So, Margaux." Biglang bumaling si Geoff sa dalaga. Napatingin siya sa nagulat na si Margaux. "Anong course mo?"

"M-Multimedia Arts po." Sagot ni Margaux sabay abot sa tubig at uminon. "Dati po BS Education ang course ko but I shifted."

"Why?" Kumunot ang noo ni Geoff. Siya naman ay hinayaan lang na sumagot si Margaux dahil gusto ko rin niyang malaman ang dahilan ng dalaga.

Margaux was still unease. "Ahm, napatigil po kasi ako ng isang sem. Personal matters. Nag-shift ako sa multimedia for practical reason. May Ad agency kasi ang...ang asawa ng Dad ko. Magtatrabaho ako don' kapag naka-graduate ako."

"Asawa ng dad mo?" Tila naguluhang saad ng kuya niya. Noon naman dumating ang mga pagkain kaya bahagya silang nakahugot ng hangin ni Margaux.

"Ah kuya-" Tinangka niyang sumingit ngunit umangat ang kamay ng kuya niya na sinasabing huwag muna siyang magsalita.

Nakita niyang ang pagbuntong-hininga si Margaux. "Hindi ko po kasi nanay 'yong asawa ng dad ko."

"Saan ka nakatira?" Tanong pa ni Geoff habang kampanteng naglalagay ng pagkain sa plato nito. Hindi alintana ang tensyong ibinibigay nito sa kanila ni Margaux.

"Kay Mama." Ani Margaux.

"Saan?" pagdidiin ni Geoff sa tanong. Lihim siyang napangiwi. Hindi na kailangang malaman ng kapatid niya na sa Tondo nakatira ang dalaga. Minsan na niyang tinangkang puntahan ang lugar ng tinitirhan ni Margaux. Iyon ay noong mga araw na nag-iiwasan pa sila ng dalaga.

"Tondo po." Sagot ni Margaux sabay tingin sa kanya.

Natigil ang akmang paglalagay ng special fried rice ni Geoff sa plato nit sabay tapon ng tingin sa kanya. He knew that look. Hindi na siya nagulat.

"Bakit naman BS Education ang una mong course?" hindi na yata mauubusan ang tanong ang kuya niya. Daig pa nito ang isang ina kung mag-interrogate ng tila manliligaw. Hindi tuloy niya naiwasang makaramdam ng inis.

"Alam mo kuya, ang dami mong tanong." Komento niya habang nilalagyan ng pagkain ang plato ni Margaux.

"Natural lang 'yon sa tingin ko. Di'ba Margaux?" sagot naman ng kuya niya.

Tumango lang ang dalaga na halatang walang magawa. "Okay lang. I want to teach sana kaya kinuha ko ang Educ."

"Teach what?" Si Geoff.

"History." Mabilis na tugon ng dalaga. Napatingin siya muli dito. Kaya pala madalas na history books ang binabasa nito kapag nasa library.

"History." Geoff rephrased. "You love history?"

"Yeah." Tila nasisiyahang sagot ni Margaux.

"Do you have history?" kaagad na tanong ng kuya niya at natigil ang akmang pagsubo ni Margaux. Natigilan ito.

Nagpalipat-lipat ang tingin ng dalaga sa kanilang magkapatid. Alam niyang nagulat ito sa tanong at walang mahagilap na sagot.

"L-lahat naman po 'ata tayo." Ani Margaux.

Nagkibit ng balikat ang kapatid niya. "Oo naman."

"Margaux?" Sabay-sabay silang napalingon nang marinig ang pagtawag sa dalaga.

Malapit sa mesa nila ay isang lalaki ang nakatayo. Nakatingin ito kay Margaux at kunot na kunot ang noo na tila kinikilala pa ang dalaga.

"S-Sir." Ani Margaux. Lumapit ang lalaki sa kanila.

"Hi." Anito saka tumingin sa kanila.

"Ahm, Si sir Philip." Pakilala ni Margaux sa lalaki.

"Hi, I'm Philip Salcedo, Mass Chronicle." Anang lalaki na nakipagkamay sa kanila. Lalo siyang nagtaka. Alam niya ang tungkol sa online magazine na Mass Chronicle ngunit ang pinagtakhan niya ang kinalaman ni Margaux sa naturang lalaki.

"Si Jaiden po, sir. At saka si...sir Geoff. Half owner po nitong restaurant." Sabi pa ni Margaux.

"Hello, sir." Anang Philip Salcedo sa kanyang kuya. "You have a nice place."

"Thank you." Sagot naman ng kapatid niya. "Come join us."

Ngumiti ang lalaki. "Hindi na. I was about to leave. Nakita ko lang kasi si Margaux." Hinarap nito ang dalaga. "Nagulat ako sa hitsura mo ngayon. You looked good. But anyways, tatawagan sana kita pero since nakita na kita sasabihin ko na na pumunta sa office sa Friday. May mahalaga tayong pag-uusapan."

"P-po?" Tila nagulat si Margaux sa narinig.

"Sa office ko na lang sasabihin." Sabi nito at hinarap sila muli. "Sorry sa istorbo. Mahirap lang kasing hagilapin 'tong writer ko na'to kaya sinamantala ko na."

"Writer?" Hindi niya napigilang mag-react.

Napatingin sa kanya si Mr. Salcedo na sa tingin naman niya ay hindi ganoong katanda na. Baka ka-edad lang ito ng kuya niya.

"I guess s'ya na ang magpapaliwanag." Sagot nito at tumayo naman bigla si Margaux.

"S-sasamahan ko lang s'ya sa labas." Anang dalaga at hindi na siya hinintay na tumugon. Sumama na ito kay Mr. Salcedo.

"I'm sorry, Jaiden. Pero hindi ko s'ya gusto." Anang kuya niya nang maiwan sila. Nakatingin pa rin ito kina Margaux.

"Wala akong nakikitang dahilan para hindi mo s'ya magustuhan." Tugon niya.

Tumingin ito sa kanya. "You barely know her. Pupusta ako. Hindi mo alam ang mga sagot sa mga tanong ko kanina sa kanya. And that Philip Salcedo? Ngayon mo lang din nalaman ang tungkol sa kanya."

Hindi kaagad nakasagot si Jaiden. Amindo siya na may katotohanan ang sinabi ng kapatid niya. At totoong nainis siya sa nangyaring tagpo. He felt stupid. Ipinakilala niyang girlfriend si Margaux ngunit maraming bagay pa rin ang hindi niya alam tungkol dito.

"I'm sure. You are also trying to convince yourself that she's worth fighting for while you are trying to convince me. Tama ba ako?" Saad pa ni Kuya Geoff. Itinuloy nito ang naudlot na pagkain.

Napangiwi siya. "Kuya, you're over-analyzing. S'yempre marami pa kaming kailangang alamin tungkol sa isa't-isa."

His brother snorted. "Hindi ko na kailangang i-analyze ang girlfriend mo. Alam natin pareho kung sino at ano s'ya. The way she looks, she talk. At sa mga sagot niya. Mukhang marami s'yang itinatago."

"Hindi mo alam ang totoo, Kuya." Agap niya.

"Hindi ko na kailangang malaman ang buong pagkatao niya. I'm talking to you as your brother. 'Eto lang ang sa'kin. Love a woman that will bring out the best in you. Not someone that you have to fix. Baka hindi mo namamalayan ikaw na ang kailangang ayusin. Kasi sinira na n'ya ang buhay mo." Sabi nito.

"Ano ba ang ipinaglalaban mo, Kuya?" Nagsimula nang mairita niyang tanong.

Pinahid nito ang napkin ang labi nito. "Kaligayahan mo. Look. Tayong dalawa na lang ang magkasama. If I lose you, I will be nothing. Alam kong alam mo 'yan. Hindi sa ayaw kong magmahal ka. Pero magmahal ka sana nang walang kasamang burden."

"Alam ko ang ginagawa ko. At masaya ako na nakilala ko si Margaux. Please naman. 'Wag mo naman sana s'yang husgahan agad." Sagot niya.

"My judgment was not right away. Sinasabi ko lang kung anong nakikita ko. You definitely know what I am talking about. Pa'no ba kayo nagkakilala? O nagkalapit man lang?" may iritasyon na ring saad ng kapatid niya.

"Mahal ko s'ya." Agap niya at tinitigan niya ang kuya niya. "That's it. Intindihin mo sana 'yon."

Hindi na muling nagsalita ang kapatid niya at kahit na alam niyang hindi nito ikinatuwa ang nangyari sa dinner nila ay hinayaan na lang. Hanggang sa bumalik si Margaux ay wala nang ibang itinanong ang kuya niya na nagpailang sa dalaga.

2.0pt;line-he{wj"

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

4.9K 221 20
"This is your fault. Bigla ka na lang dumating isang araw at bumalik sa buhay ko. Hindi mo na ako pinatahimik simula noon." Teaser: Kate went to Seo...
4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
128K 2.3K 11
This is the first of five books and the very first mini series that I did for Precious Hearts Romances. All five books were approved; four are alread...
1.4M 61.3K 271
In which Neve keeps texting her deceased friend's number, at first in order to cope with the loss, and later on, as a force of habit. After four year...