SHE KNOWS LOVE (Published und...

By AkoSiAnjBuena

328K 5.3K 225

This book was published back in 2014. Happy reading ",) More

Chapter One
Chapter Two.1
Chapter Two.2
Chapter Three.1
Chapter Three.2
Chapter Four.1
Chapter Four.2
Chapter Five.1
Chapter Five.2
Chapter Six.2
Chapter Seven.1
Chapter Seven.2
Chapter Eight.1
Chapter Eight.2
Chapter Nine
Chapter Ten.1
Chapter Ten.2
Chapter Ten.3
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen.1
Chapter Fourteen.2
Chapter Fifteen.1
Chapter fifteen.2
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen.1
Chapter Seventeen.2
Chapter Eighteen.1
Chapter Eighteen.2
Chapter Nineteen
Epilouge

Chapter Six.1

8.7K 159 5
By AkoSiAnjBuena

Marahas na binuklat ni Margaux ang ilang piraso ng papel pati na ang slum book na iniabot ni Jaiden sa kanya. Galit na galit siya hindi lang sa kaharap niya kundi pati na rin kay Miss Alegre.

"Nagkakaroon ka ba ng mga nightmares?" tanong ni Jaiden habang nagsusulat siya sa slum book. Umangat ang ulo niya at tiningnan ang binata.

"Wala."

"Are there times that you feel you wanted to smash something?" sunod na ni Jaiden na hindi siya tinatapunan ng tingin. Tila napipilitan lamang ito sa mga tanong.

"Yeah. Katulad ngayon." Tugon niya. Ngunit hindi pinatuluan ni Jaiden ang sinabi niya.

"Sports, may sports ka ba?"

Kunot ang noo niya. Parang malayo iyon sa mga naunang tanong. "Billiards, minsan."

Tumaas ang kilay nito sa sinabi niya.

"Bakit?" Naitanong niya nang makita ang tingin ni Jaiden sa kanya. Sa dalas niya sa bilyaran ni Bogie ay nakahiligan na rin niya ang bilyar.

"Wala." Sagot nito at muling nanahimik. At hindi pa man nagtatagal ay nagtanong na naman ito.

"Ilang taon ka na?"

Nagtatakang tumingala siya kay Jaiden. "Nasa slum book na ang tanong na 'yan."

Lumipad ang mga mata nito sa hawak niyang slum book at sandaling walang sinabi. Maya-maya'y muli itong nag-iwas ng tingin.

Margaux half smiled. She was amazed on how Jaiden frowned. Hindi niya sinasabi kay Jaiden na pamilyar sa kanya ang mga tanong nito. Iyon nga ang mga tanong ni Dra. Alegre sa kanya noong subukan nitong pasukin ang totoong nararamdaman niya.

Isinara niya ang sinusulatan at hinarap ang binata. Napatingin naman si Jaiden sa kanya. Pinagtakhan nito marahil ang inasal niya.

"Bakit tumigil ka na? Tapos ka na ba?" taka nitong tanong.

"Magtanong ka na lang. Tinatamad na 'kong magsulat." Sagot niya at nakitang tila hindi sumang-ayon si Jaiden sa sinabi niya.

"Pero-"

"Magtanong ka na lang." Giit niya. Nag-uumpisa na siyang mainis. Tila mabigat na nagbuntong-hininga si Jaiden.

"Hindi mahirap ang ipinapagawa ko, Margaux." Puno naman ng awtoridad nitong tugon.

"Ayoko na nga." protesta pa rin niya.

"Hindi ka uuwi hangga't hindi mo natatapos 'yan." He insisted with an alarming look.

"Ano ba kasing kinalaman nitong slum book na 'to sa gusto mong mangyari?" Nainis na siya. Kitang-kita niya ang namumuong pagkapikon sa mga mata nito. But she insinuated. It was as if she wanted to provoke him.

"Hindi ko alam kay Ma'am Alegre. Basta gawin mo na lang." Mariin ding tugon ni Jaiden.

"Wag mo 'kong pilitin." muli niyang giit.

"Please." He then said.

Bahagyang nagulat si Margaux sa nakitang emosyon sa mga mata nito. Bigla siyang naumid. Sa likod ng tapang ng mga titig nito ay nasisilip niya ang determinasyon. Unti-unti ay naiintindihan niya na sadyang may dahilan kung bakit nito ginagawa ang mga bagay na iyon.

"Mamaya na lang." Tila sumusuko niyang sagot.

Nabuga ng hininga si Jaiden. "Sandali lang naman ito. Pagkatapos nito ay makakauwi ka rin."

"Bakit mo kasi ginagawa 'to? Magkano bang ibinayad ni Dra. Alegre sa'yo?"bigla ay naitanong niya.

"Wala akong obligasyon na sagutin ang mga tanong mo. Ako ang nagtatanong." Malamig na sagot ni Jaiden.

"Weh 'di nga?" nang-aasar pa niyang saad.

Pikon itong muling nagbuga ng hininga. "Hindi ako nakikipagbiruan. At inuulit ko, wala akong obligasyon na sagutin ang mga tanong mo, okay?"

"Eh bakit nga? Siguro bagsak ka sa subject n'ya." nangungulit niyang saad.

"Bahala ka kung anong gusto mong isipin. Basta kailangan nating tapusin 'to." Mahinahon nang sagot nito.

"Anong natin? Ikaw lang. Problema mo 'to di'ba?"

"Oo. Natin. Dahil hindi kita pakakawalan kung hindi ka makikipag-coordinate." Mabilis na sagot ni Jaiden na nagpakunot ng noo niya.

"Ayos ka rin 'no." pagsusungit niya.

Wala na naman itong isinagot bagkus itinuro ang slumbook. Sinasabi na ituloy na lamang niya ang ginagawa at huwag nang maingay. Wala na siyang nagawa kundi ituloy ang pagsulat doon. Binilasan na lang niya ang pagsagot.

Matapos ang slum book ay hinarap namam niya ang questionnaire. Pinasadahan niya ng tingin iyon. Kasunod ay ang pamilyar na pakiramdam nang una niyang nabasa ang mga tanong.

'Do you love your father?'

Marahas na ibinalik ni Margaux ang papel kay Jaiden habang nakababa ang tingin. She cannot even think straight upon reading that damn question. Naiirita siya sa mga tanong. Tama ang sagot niya kay Jaiden kanina. She wanted to crash something at that moment.

"Hindi mo pa 'to nasasagutan?" Ani Jaiden nang tingnan nito ang questionnaire.

She sighed heavily. Hindi niya tinapunan ng tingin ang binata. "Maiintindihan ni Ma'am Alegre kung hindi ko man 'yan sagutan."

Ang tinapos na lang niyang sagutan ay ang ang slumbook na hindi niya makuha ang dahilan kung bakit kasama pa iyon. Ngunit napansin niya na tila nakatitig ito sa kanya.

"Ba't ka ganyan makatingin?" mataray niyang tanong dahil parang kakaiba ang paraan ng pagtingin nito.

"Wala lang. I just found you...beautiful." Mahina ang boses nito sa huling salita.

Biglang lumundag ang puso ni Margaux sa sinabi ni Jaiden. Wala siyang naramdamang pagpapanggap sa tinig ng binata. Kaagad siyang nailang. Wala sa loob na nag-iwas siya ng tingin kasabay ng pakiramdam niyang pag-iinit ng pisngi niya.

"Salamat." Saad ni Jaiden. Tiningnan niya si Jaiden at bumilang ang ilang segundo na nagtitigan sila. Hindi alam kung sino ang humahanga kanino. Ngunit sa huli ay siya rin ang nagbaba ng tingin.

"S-Siguro naman ay pwede na 'kong umuwi?" Sa halip ay paiwas niyang tanong. Hindi na niya nagugustuhan ang uri ng tibok ng puso niya. Nag-eenjoy siya kahit na naiinis siya kay Jaiden. At parang ayaw na isipin ang kahihinatnat ng katotohanang iyon.

Nagbuntong-hininga ang binata. "Sige."

Inayos nito ang mga papel saka tumayo saka inilahad ang kanang kamay sa harap niya, giving her a hand to stand up. Natigil tuloy ang akma niyang pagtayo.

"Sige na." saad ni Jaiden nang makitang nag-aalangan siya.

She breathed out but she still grabbed his hand. At sa simpleng pagdantay na iyon ay may tila mahinang kuryenteng kumurot sa kanya. Hindi kayang ipaliwanag ng simpleng kamalayan ngunit kayang pakinggan ng kanyang katawan.

Parehong walang imik na nakarating sila sa pinagparadahan ng sasakyang. At hanggang doon at hanggang bitawan nito ang kamay niya ay hindi niya ito magawang tingnang nang deretso. She felt awkward but excited at the same time. Lubos niyang ipinagtataka iyon.

Nagbukas ang gitnang pinto ng sasakyan at mula doon ay lumabas ang kaibigan ni Jaiden.

"Si Ivan." Ani Jaiden. "S'ya na ang maghahatid sa'yo pauwi."

"Huh? Bakit?"Huli upang bawiin ni Margaux ang sinabi. Nagtataka nang tumingin sa kanya ang magkaibigan.

Kung tutuusin ay wala namang masama kung Ivan ang maghatid sa kanya. Nabigla lamang siya dahil tila ayaw pumayag ng kalooban niya. Parang gusto pa niyang makasama ang binata. Wala siyang gustong maintindihan sa kanyang nararamdaman nang mga oras na iyon. Ngunit nangingibabaw sa kanya ang pagiging makasarili at nais niyang makasama pa ang binatea. Saka na lang niya iintindihin kung ano iyon kapag kaya na niyang harapin ang tagong damdaming kinalkal ni Jaiden sa kanya.

"I-ibig kong sabihin...ahm...makakauwi naman akong mag-isa." Nagpalusot na lang siya. "Tama. Makakauwi naman ako."

"No. Kami ang nagdala sa'yo dito. Ihahatid ka ni Ivan." Saad ni Jaiden.

Lihim na umismid si Margaux. Ganoon ba kamanhid ang mga lalaki kaya hindi siya maintindihan ni Jaiden?

"Hindi na talaga." Agap niya sabay sulyap kay Ivan. "Baka kung saan pa 'ko dalhin nitong kasama mo."

Natawa ngunit umismid si Ivan. "Aba naman! Talaga? Ako pa ang pinag-isipan mo ah."

"Ivan." Saway naman ni Jaiden. Nanahimik naman si Ivan.

"Ayoko namang gawin 'to dahil ako naman may pakana nito. Pero may importante akong lakad kaya si Ivan ang maghahatid sa'yo. Don't worry. Makakarating ka sa inyo nang maayos. Ako ang sasapak sa kaibigan ko kung sakaling mapahamak ka." Mahabang paliwanag ni Jaiden nang makita sa kanya ang matinding protesta.

Muli siyang nagbuntong-hininga kahit lihim na napapangiti. Kung magpaliwanag si Jaiden ay animo'y kasintahan ang kinukumbinsi na magpaiwan.

"Okay na." She said short.

"Sige." Sagot nito at nilakihan ang bukas ng pinto na nilabasan ni Ivan kanina. Tahimik siyang lumulan doon.

"Mag-ingat ka. Salamat." Sabi nito nang maisara ang pinto.

"Ikaw?" May biglang pag-aalala niyang tanong.

"Ako nang bahala sa sarili ko." Sagot ni Jaiden. "Ikaw, okay ka lang ba talaga? Hindi ko sinasadyang takutin ka kanina. I just really need to do this."

"Okay na 'yon." Tugon niya. Naramdaman niya ang pagsakay ni Ivan sa driver seat.

"Good. Ivan, ikaw na ang bahala sa kanya." Pagkasabi niyon ay muli itong tumingin sa kanya at nagulat na lamang siya nang bigla nitong abutin ang batok niya upang mailapit dito. His lips reached her forehead that he kissed it so gently.

Napahigpit ang hawak niya sa pinto at tila nanigas ang lahat ng parte ng katawan niya. Wala sa hinagap niya na gagawin ni Jaiden iyon.

Hanggang itaboy siya nito at paandarin ni Ivan ang sasakyan ay tila wala sa sariling walang mahagip na sagot sa ginawa nito.

Continue Reading

You'll Also Like

87.6K 1.2K 12
SEQUEL TO Marco and Jannah's story entitled UNTIL YOU FOUND ME. Southern Fever Band Book 3. ----------- "It's not bad to fall in love with a friend...
127K 3K 23
"Hindi pa huli ang lahat para sa atin, Faith. Hindi na natin maibabalik ang mga taong nagdaan pero puwede pa tayong magkasama-sama, di ba? And this t...
68K 2.7K 20
Alyssa Montenegro was a timid rich girl who supposed to marry a man chosen by her parents. Isang areglong kasalang magliligtas sa ari-arian ng kanyan...
44.7K 2.4K 54
Hinagod siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. Hanggang sa ibalik nito ang paningin sa kanyang mukha. She was shivering. A delicious kind of sh...