SHE KNOWS LOVE (Published und...

By anjbuenaphr

326K 5.2K 225

This book was published back in 2014. Happy reading ",) More

Chapter One
Chapter Two.1
Chapter Two.2
Chapter Three.1
Chapter Three.2
Chapter Four.1
Chapter Four.2
Chapter Five.1
Chapter Six.1
Chapter Six.2
Chapter Seven.1
Chapter Seven.2
Chapter Eight.1
Chapter Eight.2
Chapter Nine
Chapter Ten.1
Chapter Ten.2
Chapter Ten.3
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen.1
Chapter Fourteen.2
Chapter Fifteen.1
Chapter fifteen.2
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen.1
Chapter Seventeen.2
Chapter Eighteen.1
Chapter Eighteen.2
Chapter Nineteen
Epilouge

Chapter Five.2

8.4K 159 5
By anjbuenaphr

Nag-aabang ng masasakyang jeep pauwi si Margaux. Nasa may labasan siya ng unibersidad sa bandang unahang shed. Ayaw kasi niyang makasabayan ang ibang estudyante na pauwi na rin. Mag-isa lang siya noon mga oras na iyon.

May nakita siyang paparating na isang itim na Escapade at inakala niyang lalampas lamang sa kanya. May kasunod kasi itong pampasaherong jeep ngunit nagulat siya nang tumigil ito sa harap niya. Bumukas ang gitnang pinto.

"Sakay!" pasigaw na sabi ng isang lalaking nakatakip ng bonnet na itim. Bigla siyang natakot. Nakahakbang siya paatras at akma siyang tatakbo ngunit mabilis siyang nahagip ng lalaki.

"Ano ba? Bit-" Hindi na siya nakasigaw dahil natakpan na ng lalaki ang bibig niya at para siyang papel na binuhat papasok ng sasakyan.

"Saan n'yo 'ko dadalhin? Ano ba? Bababa ako!" galit na galit niyang sigaw. Inabot niya ang handle ng pinto ngunit ayaw magbukas noon. Lalo siyang kinabahan.

"Sino ba kayo?" Nahihintakutan niyang tanong. Walang sumagot sa dalawang lalaking nasa loob. Nakatakip pareho ang mukha ng mga ito.

Umangat ang mukha ng driver at tumingin sa review mirror. Then she was horrified. Hindi na naman ito sumagot bagkus pinasibad ang sasakyan.

"Pababain n'yo 'ko dito. Sino ba talaga kayo?"

Wala pa ring sagot. Mabilis ang takbo ng sasakyan. Bigla binalot ng kaba si Margaux. Mabilis ang pagpapatakbo ng driver. Saan siya dadalhin ng mga lalaking ito? Sino ba ang mga ito? At anong kailangan ng mga ito sa kanya? Is she being kidnapped?

"Hoy!" Sigaw niya sabay hampas sa balikat ng driver. Pinigil naman siya ng kasama nito.

"Ano ba? Huwag ka ngang magulo!" Galit na saad ng driver.

Dahil sa nag-alala rin na maaari silang maaksidente ay minabuti na lamang niyang tumahimik. Puno ng takot ang dibdib niya ngunit hindi niya iyon ipinapakita. Hindi dapat mahalata ng dalawa ang pagkasindak niya.

"Saan n'yo dadalhin?" Taranta niyang tanong. Pilit niyang pinapagana ang isip upang makatakas at makahingi ng tulong. Luminga siya at nakita ang bag niya. Mabilis niya iyong binuksan upang kunin ang cellphone niya ngunit natigil iyon nang magsalita ang driver.

"Huwag ka nang mag-akasaya ng oras. Mapapahamak ka lang kung susubukan mong humingi ng tulong." Ma-awtoridad nitong saad. Napatingin siya dito. Nakita niya na nakasulyap din ito sa review mirror. His deep eyes were strikingly looking at her.

"A-ano bang gusto n'yo kasi?" She asked looking at him sharply.

"Mag-uusap lang tayo. May ilang bagay din akong ipapagawa sa'yo." Sagot ng katabi niya.

"Kung pera ang-"

"Tumahimik ka nga." Agap ng driver. Muli siyang napalingon dito. Tila pamilyar sa kanya ang boses ng lalaki.

Hindi na siya nakatugon. Marahil sa tapang ng tinig nito o sa takot na biglang bumalot sa kanya. Her abductors was tough.

Nagkasya na lamang siya sa pagsandal. Mukhang wala siyang magagawa sa ngayon. Nag-aalala siya na totohanin nito ang banda kung magmamatigas pa siya. Nag-aalangan man ay sumandal na lamang siya.

Habang abala ang lalaki sa pagmamaneho ay nakaramdam ng kaunting hinahon si Margaux. Wala na itong sinabi matapos na manahimik siya. Manaka-naka na lamang itong tumitingin sa kanya. Ganoon ang kasama nito. Hindi naman siya itinali o binusalan ang bibig.

Nagkaroon siya ng pagkakataon na mapagmasdan ang driver. Nakasuto ito ng itim na T-shirt at itim ding camo cap. Itim din ang nakatakip sa mukha nito. His eyes were even familiar. "Hindi masamang tingnan ako pero nakakailang ang tingin mo." Napapitlag siya nang muling marinig na magsalita ang driver.

Wala sa loob niyang napatingin siya sa katabi niya. Tahimik lang ito sa nakatanaw sa labas ng sasakyan. Wala na siyang isinagot upang maitago ang pagkapahiya. Nakita niya kakaibang tingin ng driver. Umiwas na lamang siya at nanahimik.

"Baba." Walang ngiting saad ng driver sa kanya nang pagbuksan siya. Hindi siya sumunod. Natatakot siya na baka saktan siya o kaya ay may mga kasama pa ito.

"Baba na." Utos pa ng katabi niya.

Kanina habang daan ay nakita niyang pumasok sila sa isang bakanteng lote. Malalim na lamang ang gabi kaya wala nang tao doon at ilang ilaw sa daan na lamang ang nagsilbing tanglaw nila habang tinahak ang loob na kalsada.

"Come on." Inip na dugtong ng driver. Wala siyang nagawa kundi bumaba.

"Dito na lang ako." Sabi ng kasama ng driver na hindi na bumaba ng sasakyan. Tumango lang ang driver.

Pagkababa ay kaagad na umikot ang mga mata niya. Bigla niyang nayakap ang sarili nang makita ang malawak na lote sa kanyang harapan. Bakit siya doon siya dinala ng lalaki? Dito ba siya nito papatayin? She was horrified on that thinking.

Iglap siyang lumingon sa lalaki.

"Anong ginagawa natin dito?" Pilit na itinatago ang panginginig niyang tanong.

"Mag-uusap lang tayo." Tangi nitong sagot at hinagip kanyang braso. Ang init na nagmumula sa palad nito ay kaagad na gumapang at nagdulot hindi mawaring pakiramdam kay Margaux.

She was confused between intimidated and warmed at the same time. Hindi niya kilala ang lalaki. Idagdag pa na basta na lamang siya nito dinala sa hindi pamilyar na lugar ngunit heto siya na tila gumaan pa ang pakiramdam sa simpleng hawak na iyon. Parang nawalang bigla ang takot niya.

"Saan?" muli niyang tanong. Hinarap siya nito saka tinanggal ang nakatakip sa mukha nito.

"Ikaw!" Gulat na gulat niyang sigaw nang makitang si Jaiden pala ang 'kumidnap' sa kanya. "Bwiset ka talaga! Ano ba talagang kailangan mo sa'kin?"

"Mag-uusap nga lang tayo."

Pagkasabi noon ay naglakad na ito habang hila-hila siya. Tila patungo sila sa gitna ng lote. Sinilip niya ang tinatahak nila at nakita ang dalawang upuan at nakatutok ang spotlight na nanggagaling sa kung saan. Malinaw naman ang buong lugar dahil sa mga street lights na nakapalibot doon.

"Upo." Utos nito nang makarating sila. Tinitingnan niya si Jaiden at ang bawat kilos nito habang nauupo siya sa folding stool. Kinuha nito sa gilid ng upuan ang isang papel.

"Pirmahan mo." Sabi nito sabay abot noon kasunod ang isang metallic pen. Kumunot ang noo niya habang binubuklat iyon. At umangat na lamang ang mga kilay niya nang mapagtantong formal letter iyon.

She gaped but she initiated a look to him, "Ano ba 'to? Dinala mo 'ko dito parang sa sulat na 'to?"

Tumingin ito sa kanya.

"Just do what I say at makakauwi ka nang maayos. Pirma na." Masungit nitong sagot. Nairita na si Margaux. Si Jaiden pa ang may ganang magsungit?

Tuluyan nang nawala ang takot at pagkailang sa kanya at napalitan na iyon ng inis. If this man stole her precious time just to have access for her signature must be really out of his mind.

"Baliw ka talaga." She commented.

Nagbuntong-hininga ang binata at tila napipikon itong muling humarap sa kanya. "Sabihin mo na ang gusto mong sabihin. Basta gawin mo na lang ang mga sinasabi ko para hindi na tayo magtagal. Permit letter 'yan na nagsasabing okay lang na interview-hin kita."

"Ano? Interview? Para saan?" Hindi niya naintindihan si Jaiden.

"Case study."

Sumandal siya sa upuan habang nakatingin kay Jaiden. Umupo ang binata sa katapat na upuan. Nakatungo ito sa hawak nitong notebook na noon lang niya napansin. Hindi pa rin niya pinipirmahan ang papel.

"Do you do slum book?" umangat ang mga mata niya sa narinig. Kasunod noon ang pag-angat ng mga kilay niya.

Nahalata niya ang mga pagkailang sa mga mata ni Jaiden. Ni hindi ito makatinign sa kanya nang diretso. Surely his guts was not used to what he was doing or worse not comfortable. Gusto na niyang paniwalaan na napipilitan lamang itong humarap sa kanya. Lihim siyang napangiti.

Maya-maya'y iniabot nito ang ilang papel na naka-stapler. "Here. Pagkatapos mo...fill this up. Don't forget the essay part."

May ilang segundo marahil ang lumipas bago nagawang hawakan ni Margaux iyon. Hanggang sa hindi na niya kayang pigilan ang sarili at bigla na lamang siyang bumunghalit ng tawa.

"Sigurado ka bang hindi kita fan? May slum book ka pang nalalaman." tanong niya sa diretsong tagalog habang nangingiting nakatunghay sa binata.

And when he looked at her, a danger was planted in his burning eyes but something beautiful glittered as he got confused.

"Hindi. Si Ma'am Alegre ang may gustong interview-hin kita." He said and she stared. Saka biglang nagngitngit niyang tiningnan ang papel.

'Talagang hindi ako titigilan ng doktor na 'yon ah.' Galit niyang bulong sa sarili.

niya iyow!?

Continue Reading

You'll Also Like

197K 3.9K 22
"Whatever happens, even if my heart stops beating, it will not stop from loving you." Unang beses pa lamang na nagtama ang mga mata nila, alam na ni...
4.9K 221 20
"This is your fault. Bigla ka na lang dumating isang araw at bumalik sa buhay ko. Hindi mo na ako pinatahimik simula noon." Teaser: Kate went to Seo...
4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
65.5K 1.5K 10
Bagaman tutol si Ria sa kagustuhan ng kanyang ama na ipakasal siya sa hindi pa niya nakikitang anak ng kaibigan nito, wala siyang magawa. Iyon lang k...