SHE KNOWS LOVE (Published und...

By anjbuenaphr

326K 5.2K 225

This book was published back in 2014. Happy reading ",) More

Chapter One
Chapter Two.1
Chapter Two.2
Chapter Three.1
Chapter Three.2
Chapter Four.1
Chapter Five.1
Chapter Five.2
Chapter Six.1
Chapter Six.2
Chapter Seven.1
Chapter Seven.2
Chapter Eight.1
Chapter Eight.2
Chapter Nine
Chapter Ten.1
Chapter Ten.2
Chapter Ten.3
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen.1
Chapter Fourteen.2
Chapter Fifteen.1
Chapter fifteen.2
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen.1
Chapter Seventeen.2
Chapter Eighteen.1
Chapter Eighteen.2
Chapter Nineteen
Epilouge

Chapter Four.2

9.2K 158 1
By anjbuenaphr

Napatingin na lang si Jaiden kay Ivan nang nagmadaling umalis si Margaux. Hindi nila inasahan pareho na makikita nila ang dalaga sa club house na iyon.

Nang matapos ang klase nila ay nagkayayaan silang magkakaibigan upang mag-unwind. Kasama sina Anthony at Mark. Si Kevin ang nagsuhestiyon ng lugar dahil nabanggit nito na kakilala nito ang may-ari. Hindi siya dapat sasama dahil binalak niyang hanapin sa unibersidad si Margaux. Kailangan na kasi niyang maumpisahan ang project niya. Ngunit nagiging mailap si Margaux. At tila tadhana naman ang naglalapit sa kanila dahil hindi inaasahang nakita niyang ang dalaga. Ngunit naging mailap na naman ito.

Gusto niyang lapitan si Margaux. Gusto niyang kausapin ito. Pakiramdam niya ay dapat nadugtungan pa ang nangyari kanina. It was not just the kiss. Para sa kanya ay tila dapat ay makapag-usap sila. More the interview he was pursuing. Nakita rin naman niya ang pagkabigla ni Margaux nang magtama ang mga mata nila. At tila ayaw niyang pangalanan ang nakita niyang emosyon sa mga mata nito. Parang natakot ito sa kanya. Pero bakit naman?

"Pa'no mo nakilala si Margaux Ilustre?" narinig niya tanong ni Kevin kay Bogie. Napatingin siya sa mga ito.

"Magkatropa na kami highschool pa lang." Sagot ni Bogie na abalang nagpupuntirya ng bola.

"That hot lady. Item na ba kayo?" Ani Kevin. Kumunot ang noo niya nang mapansin ang kakaibang ngiti nito.

"Item? Ano kami? Binebenta?" Namimilospong sagot ni Bogie. Umangat ito mula sa pagkakatungo at hinarap si Kevin. "Hindi kami talo no'n. Abnormal kaya 'yang si Margaux."

Tumawa si Kevin. Ganoon din sina Mark at Anthony. "Okay. Since wala naman pala kayo. Baka pwedeng..."

Nagtatakang tumingin si Bogie kay Kevin. "Pwedeng ano?"

Lumapad ang ngiti ni Kevin. "Ilakad mo 'ko sa kanya."

"Type mo si Margaux?" Tanong ni Ivan na nagtapon ng tingin sa kanya.

Kevin smirked. "Oo, bakit? She's hot. At saka balita ko malupit daw 'yang si Margaux. Laging may baong rubber. Alam mo na. She is like everybody's girl."

"Anong sinabi mo?" Ani Bogie. Tila hindi nito nagustuhan ang sinabi ni Kevin. Kahit naman siya. Pakiramdam niya ay binabastos ni Kevin si Margaux.

Umangat ang balikat ni Kevin. "Ano ba, Bogie? Don't tell me hindi mo alam. Akala ko ba magkaibigan kayo. At saka...wag mo rin sabihing walang score eh, galing kayo sa taas kanina."

"Tarantado ka ah!" biglang nagalit si Bogie at mabilis na nasugod si Kevin. Tumama ang kamao ni Bogie sa nguso ni Kevin. Lumagpak si Kevin sa sahig at mabilis na dumugo ang labi.

"You asshole!" Ganti namang sigaw ni Kevin nang makita ang dugo sa kamay nito. Mabilis itong tumayo at akmang susugurin si Bogie nang pigilan nila.

"Kevin, tama na!" saway ni Ivan habang yakap ito. Siya naman ay pumagitna kina Kevin at Bogie. Hawak naman nina Anthony at Mark si Bogie.

"Ang bastos ng bibig mo! Mag-toothbrush ka nga. Ang baho ng hininga mo! Hindi mo ako kilala at lalong hindi mo kilala si Margaux. Gago!" galit ding sabi ni Bogie.

Napatingin siya kay Bogie. His eyes were bristling with rage. Marahas ang paghinga nito at nanginginig ang labi. Namumula rin ang mukha nito. Lumapit siya dito.

"Pasensya na, Bogie." Aniya at nakitang bahagya itong nahimasmasan. Hinarap naman niya si Kevin.

"Dude, tama na. Chill lang tayo." Mahinahon niyang sabi sa kaibigan. Ngunit kung siya ang tatanungin ay gusto rin niyang suntukin si Kevin.

"Nagsabi lang ako ng totoo." Sagot ni Kevin pagkatapos ay tumingin kay Bogie. "Ipagtatanggol mo pa 'yang cheap girl na Margaux na 'yan? Eh halos lahat ng lalaki sa school nakuha na s'ya. Come on. Let's not be hypocrites here. Alam na alam natin ang kwento nila ni Paul. At saka adik 'yan-"

"Tang-" Muli bumulusok ang galit ni Bogie at sumugod mula. Tumulong na siya upang mapigilan ito. Baka masaktan na talaga si Kevin.

"Kevin, ano ba? Hindi nakakatuwa ang ginagawa mo ha. Tama na!" Nainis na rin niyang saway kay Kevin. Bahagyang natigilan si Kevin. At nagngitngit na nagpumiglas kay Ivan.

"Get out of my place, Kevin. Habang may natitira pang katinuan sa ulo ko." Nagbabantang sabi ni Bogie.

Kevin smirked like mocking. "Eh 'di umalis."

Pagkasabi noon ay tila nagyayabang pa itong lumakad palayo sa kanya. Sinundan nila ito ng tingin at bago pa tuluyang makalabas ay nagawa pang mag-dirty finger sa kanila. He felt weird. Hindi nila inasahan ang inasal ni Kevin. Bakit ganoon na lang ang pagtingin nito kay Marguax? At parang galit ito sa dalaga.

Lumayo na sina Anthony kay Bogie nang mawala na si Kevin. Halos magkakasabay silang nagbuntong-hininga.

"Siraulo 'yang Kevin na 'yan." Paghihimutok pa rin ni Bogie.

"Pasensya na." Aniya.

Umiling si Bogie. "Wag kang humingi ng sorry. Hindi naman kayo ang mabaho ang bibig."

"Pero pasensya pa rin. Nanggulo kami dito. Naistorbo tuloy ang ibang nagalalaro." Sagot niya.

Gumala ang paningin ni Bogie. May ilang table ang okupado at sadya ngang nabulabog dahil sa nangyari. Nakita niya ang pag-iling nito sabay kumilos upang kausapin ang ibang naroroon.

"Ahm, mga kaibigan, pasensya na sa abala. Pero okay na po. Kaunting kaguluhan lang po 'yon." Anito sa ibang guest ng club. Nakakaintindi namang tumango ang karamihan.

"Uwi na rin kami siguro, Jaiden." Sabi naman ni Anthony. "Hassle na. Kita na lang tayo bukas sa school."

Tumango siya bilang pagsang-ayon.

"Sens'ya na." Sabi naman ni Mark kay Bogie at panabay nang umalis sina Anthony at Mark.

Naiwan silang tatlo nina Ivan. Nilingon sila ni Bogie. Aburido itong nasuklay ang buhok. He sighed.

"Okay ka lang ba?" Tanong ni Ivan kay Bogie.

"Okay lang ako. Kayo ba?" Naupo ito sa bar stool.

Pinakatitig ni Jaiden si Bogie. Napaisip siya sa inasal nito kanina. Nakita niya kung paano ito nagalit nang bastusin ni Kevin si Margaux. Nainis din naman siya. Lihim niyang ikinatuwa na sinuntok ni Bogie si Kevin. Galit na galit si Bogie kay Kevin. Malamang na sadyang malapit ito kay Margux.

"Mabuti wala na si Margaux. Siraulo talagang si Kevin." Ani Ivan. Napatingin sila ni Bogie dito ngunit mabilis din niyang ibinalik ang tingin kay Bogie.

"Mga tao talaga." Umiiling na sabi ni Bogie. "Masyadong mapanghusga. Wala naman s'yang alam tungkol kay Margaux pero kung bastusin 'yong tao gano'n ganon na lang."

Nagkatinginan sila bigla ni Ivan. Kasabay ng pagkaramdam niya ng guilt. Hindi ba't ganoon din naman ang tingin nila kay Margaux? Kaya nga ilag sila sa dalaga dahil sa kumakalat na reputasyon nito.

"Masyado lang kasing publicized 'yong relasyon nila dati ni Paul. Tapos bigla ring nag-break. Kaya nag-conclude ang mga studyante na...alam mo na." Si Ivan.

Umismid si Bogie. "Hindi gano'n si Margaux. Hindi lang nila alam ang totoong nangyari."

Kumunot ang noo niya. "Ano ba talagang nagyari noon?"

Tumingin sa kanya si Bogie.

"Iyon naman, eh, kung okay lang sa'yo na sabihin." Dagdag niya nang makita ang uri ng tingin ni Bogie.

"Wala ako sa posisyon para magkwento. Personal na buhay ni Margaux 'yon." Sagot nito.

Napatango na lang siya sabay sulyap muli kay Ivan. Umangat lang ang kilay ng kaibigan niya. Naintindihan na siya ni Ivan. Malaki ang maitutulong ni Bogie kung makakakuha sila ng impormasyon tungkol kay Margaux.

"Isa lang ang sigurado ako. Mabait si Margaux kahit pa parang walang kwentang tingnan." Sabi pa ni Bogie.

Napangiti siya. "Grabe ka naman. I found her pretty. Hindi naman s'ya mukhang walang kwenta."

Sabay siyang tiningnan nang kakaiba nina Ivan at Bogie. He immediately got the massage. Umangat ang mga kamay niya.

"Hey, wala akong masamang ibig sabihin. She's really pretty. Medyo over nga lang ang style n'ya pero kaya naman n'yang dalhin." Palingun-pingon siya sa mga ito.

"Eh bakit namumula ka?" tila nang-aasar pang tanon ni Ivan. Playing a smile.

"Sira!" natatawa niyang sabi sabay bato ng isang billiard ball na nasalo naman ni Ivan. Napatawa na rin si Bogie.

Nagbibiruan na sila nang maramdaman niya na tila nagba-vibrate ang cellphone niya. Kinuha niya iyon at tiningnan.

"Si Kuya." Sabi niya sabay tingin kay Ivan. "Sagutin ko muna."

Lumakad siya palayo sa mga kausap at sinagot ang tawag ng kapatid niya. Ipinagtaka niya ang biglang pagtawag ng kapatid.

"Kuya." Aniya nang mailapat ang cellphone sa tainga niya. Iniisip pa rin niya ang dahilan kung bakit biglang tumawag ito.

"I have good news, Bro." Kaagad na sabi ng kuya Geoff niya.

"What news?"

Narinig niya ang pagtawa ng kapatid niya. Kahit paano ay nabawasan ang kaba niya. Hindi naman pala masama ang lagay nito. Iyon kasi ang sumagi sa isip niya bago sagutin ang tawag. Nag-aalala siya bigla sa kalayaan nito.

"Mapapaaga ang uwi ko d'yan. Good news di'ba?"

"What?" naibulas niya. Kung ang kuya niya ay masaya siya ay parang lalong nadagdagan ang alalahanin. Hindi pa niya naaayos ang mga grades niya. Wala pa ngang kasiguraduhan ng mairaraos niya ang pag-aaral sa kasalukuyang school year.

"Whoa, why? Parang hindi ka natuwa. Ayaw mo ba akong makita?" sabi ni Geoff.

He sighed. "H-Hindi naman sa gano'n, Kuya. Nagulat lang ako. Eh, kelan ka ba uuwi at saka bakit biglaan?"

"Nakasama kasi ako sa ipapadala ng agency para Philippine Fashion Week. I'm also the new endorser of VM Co." sagot ng kapatid niya.

Supermodel ang kuya Geoffrey niya na nakabase sa New York. May anim na taon na nang umalis it upang pagyabungin ang karera sa pagmomodelo. Dati ring modelo ang kanilang ina. Samantalang isang movie director ang kanilang ama. Ngunit sabay na namatay ang mga magulang nila sa isang vehicular accident sa Baguio may sampung taon na ang nakakaraan.

Mahirap man ang naging buhay nilang magkapatid ngunit naitaguyod naman siya ng kuya Geoff niya. Tumigil ito sa pag-aaral upang pinasok ang modeling. Hindi naman ito nabigo. Madaling ito sumikat dahil taglay naman nito ang kailangan sa isang modelo. At makalipas lang ang dalawang taon ay pinalad itong makaalis ng banda para sa mas malawak na karera. At sa New York na nito ipinagpatuloy ang pag-aaral.

Sa kasalukuyan ay tatlumpu't lima na ang kanyang kuya Geoff. At nagpapahiwatig na ito na nais na nitong pagbago ng prayoridad. Tulad ng pag-aasawa. Ngunit hindi naman niya nakikitang may matino itong relasyon.

"Talaga?" Nababahala man sa mabilisang pag-uwi ng kapatid niya ay natutuwa naman siya dahil sa lalong pagsikat nito. Mas sikat pa nga ito sa kanya sa bansa gayong siya ang nasa Pilipinas.

"Yup. So, maghanda ka. Babalitaan kita kaagad. I'll see you soon, Bro." saad ni Geoff. Halatang masayang-masaya ito.

"Ahm, yeah. S-Sige, sige." Isinagot na lang niya.

Hanggang sa matapos ang usapan nila ay bitbit na niya ang alalahanin tungkol sa kapatid niya. Kailangan na talagang ma-corner si Margaux Ilustre.

Continue Reading

You'll Also Like

1M 33.3K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
47.6K 694 12
"The one who loses, falls." "Hindi ko kayang makita kang nasasaktan. Kahit sinabi ko sa sarili ko na naka-move na ako at hindi na kita mahal, ayaw ma...
3.7M 101K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
123K 2.5K 12
Nang magpunta si Claire sa Bangkok dahil sa trabaho niya, hindi niya inakala na makakatagpo siya roon ng isang lalaki na gaya ni Macoy. He was the mo...