CONCEALED VAMPIRE

By Author_S

565K 12.1K 1.3K

All Rights Reserved. Copyright 2013: A Fiction/ Vampire/ Mystery/ Tragic/ Comedy/ Romance Story written by Au... More

CONCEALED
PROLOGUE : [ ISANG PATIKIM ]
Author's Note + Introduction :)))
BLOOD 1: LEGEND [ The Vampires' Ancestors ]
BLOOD 2: THE BEGINNING
BLOOD 3: NIGHTMARES
BLOOD 4: CHANGES
BLOOD 5: BIG NIGHT
SPECIAL CHAPTER: DANIEL'S THOUGHTS
BLOOD 6: CONFUSED
BLOOD 7: CIPHERS
BLOOD 8: ROMANCE
BLOOD 9: QUALMS
BLOOD 10: TRUTH AND LIES
BLOOD 11: IDENTITY UNVEILED!
BLOOD 12: HIDDEN FATE
BLOOD 13: MOMENTS
BLOOD 14: UNEXPECTED
BLOOD 15: CONFESSIONS
BLOOD 16: JEALOUS
BLOOD 17: DEATH
BLOOD 18: FAITH
BLOOD 19: DAY 1
BLOOD 20: AFTER DEATH?
BLOOD 21: REVELATIONS (1)
BLOOD 22: DAY 2
BLOOD 22: DREAMS OF REALITY
BLOOD 23: RETALIATION
BLOOD 24: CURLED TRUTH
BLOOD 25: INSIDE QUEN'S MIND
BLOOD 26: INSIDE QUEN'S MIND (2)
BLOOD 27: DEEP IN SAM'S MIND
BLOOD 28: RESOUNDED FEELINGS
BLOOD 29: LOVE FROM HATRED
BLOOD 30: DREAMS OF REALITY (2)
BLOOD 31: IMPRINTED DESTINIES
BLOOD 32: MISERIES OF PAST
BLOOD 33: LOVE CURSE
BLOOD 34: REDEMPTION (1)
BLOOD 35: REDEMPTION (2)
BLOOD 36: THE VISITORS
BLOOD 37: FLINCH OF THE FINAL VOYAGE
BLOOD 38: MOMENTS OF LOVE
BLOOD 39: ROOTING THE ROOTS
BLOOD 40: PUTTING BACK THE MISSING PIECES OF THE PUZZLE (1)
BLOOD 41: PUTTING BACK THE MISSING PIECES OF THE PUZZLE (2)
BLOOD 42: PUTTING BACK THE MISSING PIECES OF THE PUZZLE (3)
BLOOD 44: PUTTING BACK THE MISSING PIECES OF THE PUZZLE (5)
BLOOD 45: PUTTING BACK THE MISSING PIECES OF THE PUZZLE (6)
BLOOD 46: PUTTING BACK THE MISSING PIECES OF THE PUZZLE (7)
BLOOD 47: PUTTING BACK THE MISSING PIECES OF THE PUZZLE (8)
BLOOD 49: HATRED
BLOOD 50: REVELATIONS (2)
BLOOD 51: RESOLVED
BLOOD 52: FIRST KISS
BLOOD 53: AFTERKISS
BLOOD 54: THE MISSION
BLOOD 55: THE MISSION 2
BLOOD 56: ACTION
BLOOD 57: WANTED
BLOOD 58: ?
BLOOD 59: UNEXPECTED
BLOOD 60: TRUST
BLOOD 61: ROCK
BLOOD 62: I DONT WANT HIM TO DIE
BLOOD 63: RESURRECTION
BLOOD 64: SACRIFICE
BLOOD 65: BRIGHT SUN
BLOOD 66: UNVEILED TRUTH
BLOOD 67: TRUE STORY
BLOOD 68: FACE OFF
BLOOD 69: FACE OFF
BLOOD 70: FINALE
AUTHOR'S NOTE :)
EPILOGUE
SURPRISE!!!!

BLOOD 43: PUTTING BACK THE MISSING PIECES OF THE PUZZLE (4)

4.6K 134 14
By Author_S

THRYNA'S POV

“NIELL…” Ang tinuran ko ay hindi isang bulong kundi isang malumanay ngunit malakas na boses. Nagulat ako sa nakita ko. Nagulat akong nandito siya. Nagulat akong nagpakita siya. Pero bakit ditto pa? Bakit sa ganitong oras pa na makikipagkita ako sa aking mapapangasawa?

Ganito ba kalupit ang tadhana sa akin? Bakit pa kasi ako hinayaan ng pagkakataon na maging isang nilalang na nahulog sa binatang tulad ni Niell?

Sabi ni Kuya, hindi raw niya nakita si Niell, ang ibig sabihin ba nito, pumunta si Niell ditto mag-isa? Pero para saan?

Hindi ko namalayang lumapit pala si Niell sa akin. Unti-unti niya akong hinawakan sa kamay, tanda ng pag-alalay niya sa akin papunta sa upuan. Hindi ko pa rin alam kung saan ako huhugot ng lakas. Nanghihina ako.

Halatang nangulila ka sa kanya ng matagal, Thryna. Mapang-asar talaga ang isang bahagi ng isipan ko. Alam niya kung saan ako mahina. Pero, kung katotohanan ang pag-uusapan, hindi ko alam kung anong nangyari sa akin ng maglapat ang aming mga balat. May kakaiba akong naramdaman. Parang kung maaari ko lamang siyang yakapin noong mga oras na iyon, malamang, ginawa ko na. Kaso hindi, kasi baka magkagulo lamang ditto sa palasyo.

“Kamusta ka na?” Bati niya sa akin pero sa pamamagitan ng isang bulong.

“A-ayos lang.” Sabi ko na mautal-utal pa.

Bakit hindi ka nagpakita? Bakit bigla kang nawala! Bakit? Bakit ngayon ka pa bumalik, Niell? Nanunukso ka ba? Ito ang mga nais kong sabihin sa kanya pero hindi ko magawang masabi sa kanya. Bakit? Sapagkat wala akong karapatan.

“Hindi mo ba tatanungin kung kamusta na rin ako?” Bulong niya habang akmang uupo sa tabi ko.

“Ah…” Wala akong masabi kaya’t ngumiti na lamang ako sa kanya. Kinuha niya ako ng makakain. Gusto ko siyang pigilan dahil nakatingin na silang lahat sa amin. Mabuti at wala pa ang aking mapapangasawa. Hindi ko naman kasi makita kung sino sa kanila.

Tahimik silang lahat na nag-aayos ng kani-kanilang mga pagkain kaya nakanap ako ng pagkakataong makapagsalita, “Maaari ko na po bang malaman kung sino ang makaka-isang dibdib ko?”

Napatigil silang lahat sa sinabi ko. Halatang gulat na gulat sila sa akin batay sa kanilang mga titig. Kung nakamamatay nga ito ay malamang, kanina pa ako tumaob sa kinauupuan ko. Isang tao lang ang hindi natinag, ‘yung katabi ko. Hindi siya umiimik at halatang masaya siya batay sa ngiti niya.

Hindi ko napansin na nasa likod ko na pala ang aking ina at hinila ako sandali. “Anak, maaari ba kitang makausap sandali?”

 

 

 

 

 

 

Ito na ang aking kinatatakutan. Sinabi ko na nga ba. Bakit kasi nagpunta pa si Niell ditto?

Binangga ang dibdib ko ng kakaibang kaba pero sumunod pa rin ako sa aking ina.

“B-Bakit po?” Sabi ko ng makarating kami sa isang sulok ng palasyo.

“Pasensya ka na, Anak.” Sabi ng aking ina at halatang may pag-aalala sa kanyang boses.

“Para po saan, ina?” Wala akong maintindihan.

“Hindi ko kasi sinabi sa iyo ang tungkol sa iyong mapapangasawa…” Sabi ni Ina. “Hindi ko naman kasi talaga nais na magpakasal ka ng maaga ngunit kailangan iyon para sa iyong kabutihan at sa kabutihan ng palasyo. Alam mo naman iyon di ba?”

 

 

 

 

 

 

 

 

“Naiintindihan ko, Ina. Pero bakit niyo po sa akin sinasabi ulit ito?”

 

 

 

 

 

 

 

“Alam ko kasing hindi ka pa handa batay sa tanong mo kanina…”

 

 

 

 

 

 

“Ano pong tanong, Ina?”

 

 

 

 

 

Binalikan ko ang mga tanong na pinakawalan ko kanina…

Ang sinabi ko lang naman, “Maaari ko na po bang malaman kung sino ang makaka-isang dibdib ko?”Wala na akong ibang sinabi pa.

“Noong tinanong mo kung sino ang iyong mapapangasawa.”

 

 

 

 

 

 

“May mali po ba iyon, Ina?”

 

 

 

 

 

 

Kumunot ang noo ni Ina at hinawakan ang balikat ko.

“May mali roon anak sapagkat hindi mo isinaalang-alang ang presensya ng iyong makakaisang-dibdib.”

 

 

 

 

 

 

“Ngunit Ina, itinanong ko lang naman kung sino…”

 

 

 

 

 

 

 

“Hindi ba kapansin-pansin ang ginawang pagsalubong sa’yo ng iyong mapapangasawa? Hindi mo ba napansin ang pagiging maginoo niya sa pag-alalay sa iyo sa iyong upuan?”

 

 

 

 

 

 

“Ibig niyong sabihin… Ina… ang mapapangasawa ko ay…”

 

 

 

 

 

 

 

Hindi na ako nakapagpatuloy pa. May biglang nagsalita sa aking likuran.

“Ako, Thryna. Ako.”

===========

AN: Short update lang po. Naging busy kasi kanina. Magupdate ulit ako tomorrow morning. Dalawang updates since short lang. :))) 

Share niyo itong story sa friends niyo. :)))) Thank you. 

Pwede pa lang magpadedicate. :))) Wala ng pending sa list ko pero may isang reserved. :)))

Continue Reading

You'll Also Like

Beat d' Undead By babyhon28

Mystery / Thriller

13.2K 385 24
Paano kapag pagkagising mo isang araw eh makita mo sa labas ng bahay na nagkakainan ang mga kapitbahay mo? Yung tipong kitang kita mo kung paano sakm...
93.9K 2K 69
"THAT LITTLER GIRL IS OUR BUTLER? " ACTION/COMEDY/LOVE She's just a little girl, such an ordinary girl na akala mo madaling mapaiyak. But do you be...
625K 39.1K 58
Eight different students with eight different stories. No one told them that entering Royalonda High will be one of the biggest events of their lives...
83.7K 5.4K 15
Rocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school...