Jacinta's Conspiracy (WattysP...

Da YukiYna

5.6K 253 39

Sa pag-iikot ni Himaya sa lumang bahay ng lola niya sa Iloilo hindi niya inaasahan na mapapagawi siya sa baha... Altro

******
I: Simula
III : Ang Paglalakbay
IV: Iloilo, Ang Banwa Ko
V: Estranghero
VI: Piging
VII: Kalayaan
VIII: Liham
IX: Pagsisiwalat

II: Ang Naburang Alaala

701 36 6
Da YukiYna

You're a mystery that's about to be told.
~~~~~~~~~~~~~~


Napabalikwas siya ng bangon sa kama ngunit naramdaman niya ang biglang pag ikot ng paningin at mabilis naman siya inanalayan ng lola niya.

"Hija, are you okay?" bakas sa mukha ng Nana niya ang pag-aalala.

"Ang sakit ng ulo ko po," daing niya habang sapu-sapo ang noo niya.

Hindi niya maalala kung paano siya napunta sa silid. Ang huling na alaala niya ay hinahanap niya ang kanyang abuela ngunit parang may kulang sa nangyari. Pakiramdam niya may nangyari kaso hindi niya matanto kung ano iyon.

Marahan na hinaplos ng abuela niya ang kanyang ulo at nilagyan ang likod niya ng unan para maging komportable siya.

"Magpahinga ka ulit, Hija. May lagnat ka pa rin." nakangiting pahayag nito sa kanya.

"Anong nangyari, Nana? I was looking for you." Napakunot ang noo ng lola niya sa nasabi.

"I was at the library." tipid nitong tugon sa kanya.

Papaano nangyari iyon? Pumunta ako kahapon doon hindi kita nakita.

Naghihimutok na sabi ng isipan niya. Alam niya na hinanap niya sa bawat sulok ng lumang bahay ang lola niya at hindi niya ito nahagilap.

"Anong nangyari sayo? Nakita ka na lang naman nakahandusay sa labas ng silid aklatan."

Alam niya may nangyaring kakaiba kahapon. Nawawala na ba siya sa tuliro? Gulong gulo ang kanyang isip hindi niya mapagtanto ang eksaktong nangyari sa kanya.

"Nana, hindi ko po maalala ang tanging alam ko hinahanap po kita," paliwanag niya at napabuntong hininga siya sabay pangalumbaba.

"Himaya, diin ni halin ang pulseras mo?" bulalas na wika ni Nana Imelda habang hawak hawak ang pulsuhan niya. Nagulat siya sa naging reaksyon ng lola niya pero hindi niya pa rin mapagtanto ang emosyon nito.

( Himaya, saang galing ang pulseras mo?"

Napatingin siya sa pulseras na suot-suot niya. Isa itong manipis na bangle bracelet at hindi siya sigurado kung diamante ang mga nakapalamuti rito at higit sa lahat hindi kanya ito.

Nagpalitan sila ng tinginan ng abuela niya. Wala siyang kamuwang muwang paano napunta sa kanya ang alahas.

"Nga man ara sa imo ang pulseras ni Jacinta?" pabulong na pahayag sa kanya ng Nana Imelda niya.

(Bakit na sayo ang pulseras ni Jacinta?)

"Nana, honestly I didn't know but who's Jacinta?"

Nanaig ang katahimikan sa pagitan nila. Hindi ito kumibo parang tinatantiya nito kung dapat ba sabihin sa kanya o hindi. Palaisipan sa kanya ang tungkol sa babaeng binanggit ng lola niya. Hindi man lang ito naikwento sa kanya.

Ang angkan ng mga Ledesma ay isa sa mga kilalang pamilya sa Iloilo. Naalala niya minsan na ang isa sa mga kapatid ng lolo ng lolo ng lola niya ay naging gobernadorcillo ng Jaro. Hindi na katakataka na may mga lihim na ang tanging pamilya lang ang nakakaalam.

Sino ba si Jacinta? sa loob-loob niyang sabi sa sarili.

Hinawakan ng kanyang lola ang dalawang kamay nito at pinisil ang kamay nito.

"Si Jacinta ang nag-iisang anak na babae at bunsong anak ni Don Mariano Ledesma," pagsisimula ng kwento ng Lola niya.

"Hindi po ba siya ang gobernadorcillo ng Jaro dati at may hacienda sa Negros noong panahon ng mga kastila?" Napatango ng ulo ang kanyang abuela. Alam niya ang kwentong iyon minsan na niya itong naikwento noong bata pa siya.

Minsan ng nabanggit ni Nana Imelda niya ang tungkol sa mga anak nito. Si Don Mariano meron siyang apat na lalaking anak ang pinagtataka niya bakit hindi man lang nabanggit si Jacinta. Anong meron kay Jacinta?

"What happened to Jacinta?"

"No one really knew what happen to her, hija. Maraming haka haka ang kumalat noong panahong iyon nang mawala siya ngunit lahat ng iyon pawang gawa-gawa lang." malungkot na tugon sa kanya. Hindi niya maintindihan bakit parang binaon sa limot ang tungkol kay Jacinta.

Nakaramdam siya ng pagkahabag at lungkot para sa dalaga kahit hindi man ni ya ito nakilala.

"Pero bakit parang hindi niyo nabanggit ang tungkol sa kanya?"

"Ayaw na ayaw nilang pag usapan ang tungkol kay Jacinta. It's a sensitive topic especially on Mariano's side. Inisip na lang nila na naglayas ito at wala ng balak bumalik."

Napatango na lang siya alam niya may family tree ng mga Ledesma. Sadyang ipinanganak sa probinsya ng Iloilo ang angkan nila pero iba sa kanila ay lumipat ng Negros dahil meron silang mga hacienda doon. Nagsimula ito sa mag asawang sina Vicente Ledesma ay Analisa Lacson. Meron silang limang anak na lalaki na sina Domingo, Mariano, Emilio, Luisito at Ynocencio.

Ang angkan nila ng mga Ledesma ay galing kay Luisito kumbaga para na siyang apo nito sa talampakan kung susumahin o higit pa roon. Tanyag sila sa iba't-ibang larangan mapa agham man o sining. Kilala sila sa pagiging tanyag sa ano man larangan na tinatahak nila.

Naalala niya ng minsang nagkaroon sila ng grand reunion ng buong angkan ng Ledesma hindi niya inaasahan ang dami nila pala sa buong Pilipinas.

"How did you know that she owns this bracelet? " usisa ni Himaya habang pinagmamasdan niya ang pulseras.

"Tingnan mo ang bracelet may naka engrave yan na pangalan niya."

Tinanggal niya sa kanyang pulsuhan ang alahas at tingnan ang pangalang nakasulat. Tama ang lola niya pag mamay-ari iyon ni Jacinta.

Ang malaking katanungan ay paano napunta sa kanya ang pulseras. Iniisip niya dapat niya alalahanin ang nangyari sa kanya kahapon. Impossible kukuha siya ng bagay na hindi kanya.

"Himaya, gusto mo na bang kumain? Merong hinandang agahan si Meding."

Naputol ang kanyang malalim na pag-iisip at napatingin sa abuela niya. Bago man siya nakasagot ang tiyan na mismo ang sumagot para sa kanya. Napangiti ang kanyang lola at napailing na lang siya.

"Huwag ka masyadong mag-isip, hija. There must be a reason why you have Jacinta's bracelet but for now. Let's eat, shall we? "

Napangiti na lang siya. "That's a better idea."

***********************

Pagkatapos nilang mag agahan ay naisipan niyang tawagan ang kanyang ina. Nakalimutan na niyang gawin kahapon dahil sa nangyari sa kanya ngunit hindi nito sinasagot ang selpon nito.

Tatawagan niya na lang ito mamaya. Lumapit siya sa veranda ng bahay at ipinikit ang kanyang mga mata habang sinasamyo ang hanging na marahang tumatama sa kanyang pisngi. Isa ito sa mga nakagawian niya pag nababagot siya at ito rin ang paraan niya pakalmahin ang sarili niya.

Habang ginagawa niya iyon may naririnig siyang kaluskos sa tabi niya napadilat siya at lumingon sa likuran pero wala namang tao. Umalis kasi ang lola niya may pupuntahan ito ngayong hapon at hindi niya lang alam kung saan. Kibit balikat niyang hindi pinansin ang mga naririnig niya may sinat pa rin siya hanggang ngayon kaya possible na guni guni niya lang iyon.

Naisipan na lang niyang magbasa ng kanyang paboritong libro. Kaya pumunta siya ng sala at kinuha sa may mesa ang libro at sinimulang ibinuklat pero dumulas ito sa kanyang kamay at bumagsak sa sahig na nagbigay ng ingay sa buong bahay lalong lalo na ang sahig ay yari sa kahoy.

Nang damputin niya ito hindi niya alam parang nakaramdam siyang ng panlalamig at panginginig ng kamay.

What the hell was wrong with her? She wasn't on her best self since yesterday.

Kastigo niya sa kanyang isip. Mas lalo siyang nanigas sa kanyang kinakatatayuan nang may tumawag kanya.

"Jacinta!"

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Yuki's Notes :

This story is challenging for me to write but I love doing research Philippine History. History is one of my favorite things. Hahaha

I hope you like this story. Please vote and comment on it. Thanks!

This story is dedicated to chiharabanana. I enjoyed reading her historical fiction. I couldn't wait for the next update. Hehehe

Continua a leggere

Ti piacerà anche

3.1M 165K 37
"I'm sorry, I love you." Married to a man who hates her family to death, Agnes Romero Salazar is in vain as she discovered her husband's secret affai...
752K 12.8K 4
She has to die to travel from the past to the future. This is all for the handsome guy with attitude problems whose arrogance is incomparable, yet he...
232K 8.8K 59
She will do everything to be back from where she is from, but will she be able to risk everything? Nag lakbay labalik si Amira sa taong hindi niya aa...
425K 19.2K 60
Died and reincarnated in the book she last read, Arisia hopes to live an interesting life unlike her previous boring one. What will be in it for her...