You heal my broken heart

jhanhettes

69.7K 1.3K 125

"paano ipaglalaban ang kasalukuyang minamahal, kung biglang nanumbalik ang nakaraan? mahihilom pa ba ang puso... Еще

You heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart
you heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart

You heal my broken heart

2.2K 36 0
jhanhettes

Part 10

Panay ang daldal ni Jaeyoung kanila Janna habang sila'y naglalakad, ngunit ang nakaka appreciate lang ng mga kinukwento niya ay si Shen, halos diretso pa rin ang tingin ni Janna kaya bawat bitaw ng mga kuwento niya ay napapalingon siya kay Janna, pero wala pa ring reaksyon ito, hanggang sa nakarating na sila sa bus stop na tamang tama naman ang hinto ng bus, kaya agad na nakasakay sila. Nang makatungtong na sila sa loob nito ay agad na hinila ni Janna si Shen sa dalawang magkatabing bakanteng upuan sa bandang kaliwa sa gitnang upuan ng bus, at naupo naman si Shen malapit sa bintana.
  Napansin naman ni Jaeyoung na may bakanteng upuan naman sa likod nila kaya umupo siya rito.

Maya maya'y kinausap ni Shen si Janna...

*bes, dapat ang katabi mo si Jay! saglit at makikipagpalitan nga ako! (pabulong na sabi ni Shen)

*wag kang ano Bes! umupo ka diyan ok?! ikabit mo yang headphone mo sa tenga mo! (sabay suksok ng headphone sa tenga ni Shen na hawak hawak na ng kaibigan sa kanang kamay nito)

*Ok! ok! ituloy mo lang yang pagiging bato mo! good luck sayo ha?! hmm! makapagpatugtog na nga lang sa cellphone ko!

*tama yan! wag kang mangulet diyan (sabay pahamon na ngumiti si Janna)

*pipikit lang ako, kalabitin mo ko pag nakarating na tayo ok?!

*Ok! tama yan, pumikit ka na diyan nang manahimik ka (banggit ni Janna)

pagkaraa'y pumikit na nga si Shen, at pagkaraan nama'y narinig naman ni Janna na may nagtext sa cellphone niya, kaya kinuha niya ito sa bag at tinignan kung sino ang nagtext.

Nagsalubong ang kilay niya ng makitang si Jaeyoung ang nagtext sa kanya, ngunit di niya pinatulan ang text nito, hanggang sa sunud sunod ang pag text nito sa kanya, kaya sa inis niya ay plinano niyang lumingon sa kanang likuran ngunit may biglang kumalabit sa kanyang kaliwang balikat, kaya napalingon siya sa kaliwa.

Paglingon niya ay siya namang ikinagulat niya ng husto at nagpakabog ng husto sa kanyang puso dahil sa pagkagulat ng nakadungaw sa mukha niya si Jaeyoung na halos magkasalubong na ang mga mata nila na nakatitig sa isa't isa,
At biglang nagsalita ito..

*Janna, ipapakita ko sayo na gustong gusto talaga kita, sana bigyan mo ko ng kahit onting puwang lang diyan sa puso mo. (sabay ngiti nito na nagpailang kay Janna)

*hu--wag mo nga kong ginaganyan! (sabay baling ng kanyang mga mata sa kanan at bumulong) sinabi ko na ngang focus lang ako sa career.

*hindi ako titigil hanggang sa makuha ko ang loob mo (sabay pilyong ngiti nito)

*hindi ako easy to get, kaya tumigil ka na sa mga pinagsasasabi mo.
(sabat ni Janna)

*i know that you're not an easy woman, i've never met a woman as difficult as you Janna, alam ko kung bakit ka ganyan, may dahilan ka kung bakit may mga bagay ka na gusto mong baguhin sayo, ok lang namang mag focus ka sa career mo. Naintindihan ko naman yung pinupunto mo sa sinabi mo noon eh, love has nothing to do with money, right? but with way you look at life.

sabay pilyong ngiti nito at bumalik sa kinauupuan. Habang si Janna naman ay napakagat sa labi at napailing iling ng maalala niya ang mga sinabi at ang mga ikinilos niya noong nagkatagpo sila ni Jay sa resto bar sa Baguio.

Maya maya'y naisipan na lang ni Janna mag headphone na rin ng mawala ang kabog sa dibdib niya at nilaro ang game sa kanyang cellphone at itinuon ang kanyang isip dito. Sa kakatuon niya sa nilalarong games sa kanyang Cellphone ay biglang nagulat ito ng kinalabit siyang muli ng nakatayong si Jaeyoung..

*Bakit na naman!
(painis na sabi ni Janna)

Nagulantang ang mga tao sa loob ng bus ng marinig nila ang boses ni Janna, kaya napatitig sila dito..

*Nakahinto na kasi yung bus Janna, tara na? (pagtatakang tugon ni Jaeyoung sa di nito maintindihang naging reaksyon ni Janna)

Sa sobrang hiya ni Janna ay agad niyang kinalabit ang kaibigan at naunang bumaba..

*nandito na pala tayo?! (banggit ni Shen) anong nangyari sa babaeng yon at ang bilis bumaba! (banggit pa nito na nagtaka sa kaibigan)

Sabay baba din nila sa bus. Nang makababa na sila ay agad na kinausap siya ni Shen..

*Anyare sayo bes at ang bilis mong bumaba? di pa naman tayo late kung makababa ka para kang hinahabol diyan (banggit nito)

sabay duro ni Janna kay Jaeyoung, gusto niyang magsalita pero napapapigil siya, kaya hinila  na lang niya si Shen..

*bilisan na lang nating makarating sa factory!(sabay binilisan niyang palakarin si Shen)

Pilyo na lang napangiti si Jaeyoung sa kanya habang sumunod ito sa kanila. Hanggang sa pinuna siya ni Janna..

*hindi mo na kami kelangang sundan, pumunta ka na lang sa pupuntahan mo. (magkasalubong na kilay na banggit ni Janna)

*Ano ka ba naman bes! alam kong nasabi ko rin na mag focus ka sa career mo, pero wag mo namang pagbawalan ang puso mong tumibok muli! pansinin mo na kasi siya! (bulong ni Shen sa kaibigan)

*tumahimik ka diyan bes!

Maya maya'y nakarating na sila sa factory, agad na nagsalita si Shen at kinuha ang pansin ni Jaeyoung..

*Jay! kung di ka busy pwede mo ba kaming daanan dito mamaya? isama mo si Henry ok?!!

*ano na naman yang pumasok sa utak mo bes?! (banggit ni Janna na salubong ang kilay)

*Ok! pupunta kami mamaya dito (banggit ni Jaeyoung)
sabay palihim na may binigkas na salita si Jaeyoung kay Shen..

*Thanks!
(sabay ngiti ni Jaeyoung)

*sige pasok na kami Jay! bye! (banggit ni Shen)

*bye! (sagot ni Jaeyoung)

Nang oras na ng breaktime ay paunat unat pa ng mga kamay sina Janna at Shen dahil sa pagod. Pagkarating sa kanya kanyang locker ay agad na kinuha ni Shen ang cellphone nito sa loob ng bag. Nagulat si Janna ng bilang nagbitaw ng pagkagulat na salita ang kaibigang si Shen..

*HAA! jusko mama! (sabay humagulgol ng iyak si Shen)

*BAKIT BES! Anong nangyari!! (pag-aalalang banggit ni Janna)

*bes~! (banggit ni Shen habang umiiyak) kelangan kong umuwi sa Pilipinas! naghihingalo ang mama ko sa ospital!! (hagulgol muli nito)

*Bakit siya naospital?!

*Kelangan kong magpaalam bes! uuwi ako bes! kelangan kong umuwi! (banggit ng di mapakaling si Shen)

*Bes! huminahon ka muna! wag kang mataranta ng husto para makapagpaalam ka ng tama, umupo muna tayo bes, kalma lang! (pag-aalalang banggit ni Janna habang inaalalayan ang kaibigan)

Lumipas ang ilang oras hanggang sa nakapagpaalam na nga siya at pumayag naman ang boss nila, kaya pagdating ng oras ng uwian ay inalalayan muli ni Janna ang kaibigan palabas ng factory na halatang hinang hina dahil sa narinig na masamang balita.

Paglabas ng Factory ay napansin naman ni Janna ang nakatayong si Jaeyoung na nakasandal sa kanyang kotse kasama si Henry.
Napansin naman nila Jaeyoung ang dalawa, papangiti na sana si Jaeyoung sa dalawa ng mapansin ang nanlulumong mukha ni Shen at Janna, kaya agad niyang pinuntahan ang mga ito kasama si Henry na napalakad din..

*bakit, may nangyari ba sa inyo? (pag-aalalang banggit ni Jaeyoung) ihatid ko na kayo pauwi, mukhang may hindi magandang nangyari kay Shen, (sabay hawak nito sa likod ni Shen)

wala na ngang kung anu- anong nabanggit si Janna sa kanya at sumunod na lang din ito papunta sa kotse ni Jaeyoung dahil na rin sa pag-aalala kay Shen, Pinagbuksan naman ni Henry ang mga ito ng pinto ng kotse at naupo ito sa may driver seat at inistart ang kotse.
Habang umaandar ang kotse ay biglang napapaluha pa rin si Shen, kaya hinagod hagod ni Janna si Shen habang nakasandal sa kanya ito, pilit na pinapatapang din ni Janna ang loob ni Shen sa bawat paghagod nito sa kanya. Napapatingin din si Jaeyoung sa kanila habang nag-aalala rin. Napatingin din siya ng husto kay Janna na pinagmamasdan ang mukha nito na napapansin nitong napapaiyak narin pero pinipigil ang emosyon, kaya hindi na rin niya mapigilang mag-alala rin dito, kaya napabuntong hininga siya.
pagdating sa tinutuluyan ng dalawa ay agad na bumaba si Jaeyoung at pinagbuksan ng pinto ang dalawa at inalalayan din si Shen na tahimik pa ring napapaluha sabay nagsalita..

*Jay pasensya na, sorry~ (sabay iyak muli nito)

*ok lang Shen, magpahinga ka na. (banggit ni Jaeyoung)

sabay binaling naman ni Jaeyoung ang sarili kay Janna..
*Janna alis na kami

*Salamat Jay, sige papasok na kami sa loob (banggit ni Janna na malungkot ang mukha)

Pagkapasok ng dalawa ay nakadungaw pansamantala si Jaeyoung sa bahay na tinutuluyan nila habang nag-aalala din, maya maya'y niyaya niya na ring umalis si Henry.

Maagang gumising si Janna na di gaanong nakatulog dahil sa pag-aalala rin sa kaibigan. Kaya pagtayo niya ay nagulat ito ng makitang nag-aayos na ng gamit si Shen, kaya dali dali niyang tinulungan itong magtupi ng mga damit. Pagkaraa'y bigla siyang kinausap ni Shen...

*Pasensya ka na bes, hindi mo na ko makakasama araw-araw, mga pang- hapon pa naman yung mga kasama natin dito sa bahay.

*kaya nga bes, wala ka na naman sa tabi ko. (sabay palungkot na reaksyon ni Janna)

*alam mo bes, ito lang ang ipakikiusap ko sayo, alam kong may galit ka sa puso mo, pero wag mo sanang kalimutan na may mga tao ding gusto ka, gaya ko (sabay hawak sa dibdib). kaya wag mong hayaang isara ang puso mo sa ibang tao gaya ni Jay, kahit kelan naman hinding hindi natin maiiwasang masaktan, tama lang na makalimot sa masasamang nakaraan, pero wag mong kalimutang magmahal.

*hindi ko alam kung makakaya kong magtiwala uli bes. Ayokong maulit muli yung mga nangyari sa akin.

*hindi naman natin alam ang takbo ng kapalaran eh, ang mahalaga wala kang naargabyadong tao, nagmahal ka lang. Hindi naman lahat ng tao kagaya ng mga nanakit sayo eh, nakachamba ka lang ng mga taong insecure at plastik. Pero diba napatunayan mo rin naman na may mga taong naging totoo sayo?

*Hindi ko ganun kilalang tao si Jay bes
(sagot ni Janna)

*bakit, ako ba nung umpisa, kilalang kilala mo naba ako? diba hindi, pero nakaya mong magtiwala sakin na totoo akong kaibigan sayo. (baggit ni Shen kay Janna)

Pagkaraa'y sinagot muli siya ni Janna..
*Titingnan ko. Tama na nga yang sermon mo, ayusin na natin tong gamit mo. Dapat sarili mo ngayon ang iniisip mo, pati ako inaalala mo.

*syempre, naging parte ka na rin ng buhay ko! ikaw talaga. (sabay tupi nito ng damit)

Nang sumapit na ang oras na papasok na si Janna, agad siyang nag-asikaso ng sarili, at bago lumabas ay nagpaalam muna ito kay Shen.

Nakayukong naglalakad si Janna papuntang gate. Pagbukas niya ng gate ay biglang may kumausap sa kanya.
Inangat niya ang kanyang ulo at napatingin dito.

Agad niya 'tong nakilala..

Walang iba kundi si Jaeyoung.

*good morning Janna (wika nito habang nakadungaw sa kanya)

-END OF PART 10-

Продолжить чтение

Вам также понравится

I Was Never Yours Blair

Любовные романы

40.8M 1.1M 42
When Arianna marries billionaire Zach Price to save her family, she doesn't expect to fall in love with a man who'd always consider her a second choi...