Masakit man para kay Dylan ay ipinasiya niyang iwasan na si Hoseok.
Kung dati ay simasamahan niya ito sa solo practice, ngayon ay hindi na.
Iniwasan na rin muna niya ang magbitaw ng mga hugot.
Subalit isang araw ay bigla na lamang nabunyag ang pinaka-iingat ingatan niyang lihim.
"Dylan?" tawag sa kaniya ni Hoseok sa kalagitnaan ng dance practice.
"Bakit?"
"Babae ka?"
Hindi nakaimik si Dylan at labis din ang kaba niya habang nagkakatitigan sila ni Hoseok.
Matutuwa na ba ako ngayong na-notice na ako ni J-Hope as a girl?
Sept 24, 2017