Diary ng Tababoy.

By nheliipot

21.1K 538 72

Ako po si Denisse at mataba ako! More

Diary ng Tababoy.
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 13.2
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 16.2
Chapter 16.3
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27

Chapter 14

543 19 0
By nheliipot

KRIIIIIIINGGGGG

KRIIIIIIINGGGGG

KRIIIIIIINGGGGG

                Arayy ko naman. Sakit naman sa tenga talaga nitong alarm clock ko oh. Nag-inat-inat muna ko bago tumayo. Nagmumog at naghilamos tas bumaba na ko para magbreakast. 

                "Goodmorning beh!", binaba ni papa ang binabasang niyang dyaryo at binati ako ^___^

                "Morning pa!"

                Lumabas naman si mama galing kitchen at dala-dala yung breakfast namin na tapa. Hmhmmm bango naman. May mga tomatoes pa sa dulo. Pag kainan talaga para kaming nasa resto kasi sobrang sarap ng mga luto nila at may design ek-ek pa :))

                "Morning bebe. Kain ka na", sabi ni mama sakin at umupo na din. 

                Nilagyan ako ni manang ng juice sa baso ko. Dami kong kinuhang pagkain promise. Fried rice, tas tapa at 2pcs na hotdog. At bumulos pa ko ng isa pa. Plain rice naman at cornbeef, hinalo ko yung cornbeef sa rice ko. Weird ba? Sorry ganun talaga ko kumain pag may cornbeef eh, hinahalo ko sa kanin :)

                "Dahan-dahan naman", sabi sakin ni mama. Tumawa lang naman si papa. 

                Bumaba naman si kuya para kumain na din. Nagmamadali siya. Bago siya umupo, kinausap ko siya. 

                "Kuya. Hatid *lunok ng pagkain sa bibig ko* mo naman ako ulit oh pleaseeeee!"

                "Nako baby girl, sorry kaso ngmamadali talaga ako eh. Late na ko!", kumuha siya ng hotdog at dali-daling kinain ito. Tas kumuha naman ng tapa at kanin at inubos yun kagad. Parang PG lang kung kumain kuya?

                "Kuya! Manners mo naman!!", arte kong sabi sa kanya. 

                "Sorry! Late na talaga ako eh!" oo nga eh. Ubos na nga kagad pagkain niya tas tumayo na siya kagad. 

                "Ligo na ko. Sorry talaga baby girl ah. Next time na lang!" hayy okay. Nag-nod ako sa kanya at dali-dali siyang umakyat para maligo. 

                "Ma? Pa? Eh kayo po?" ^__^

                "Gamit ng papa yung kotse."

                "Na kay Manong Lito(driver namin) pa yung kotse galing Batangas eh. Maya-maya pa siguro dating nun. Inutusan ko kasi siya kaninang madaling araw" 

                Awww nagpout naman ako. 

                "Si Red diba sabay naman kayo lagi nun?", nagtatakang tanong ni mama sakin, "edi siya na lang kasabay mo diba?"

                "Ay", nagsmile ako ng pilit, "Oo nga pala hehe!"

                Napayuko naman ako at nag-isip. Tsk. Red? Iniiwasan ko na kasi siya these past few days eh. Diba nga pag umaga lagi kaming magkasabay nun papunta sa school pero...

Red:

Ching sabay tayo bukas ah! :)

Reply: Ay? Sabay kasi kami ni mama eh. 

..

Red:

Morning ching! Sabay tayo ah! 

Reply: Hala. Nandito na ko sa school eh. May proj kasi kaming kailangan tapusin (pero wala naman talaga)

..

Red:

Goodnight ching :) sabay tayo punta school bukas. 

Reply: Ihahatid ako ni kuya eh. 

..

Red: Ching!!!!! Sabay naman na tayo bukas oh!!! :)

Reply: Awww isasabay ako ni papa eh. On the way naman daw kasi sa work niya. Sorry :(

                Oh ngayon anong palusot naman kaa yung sasabihin ko? Huhu isip...

                "Ma! Pa!", sigaw ni kuya, "Alis na ko. Bye! Bye baby girl!!"

                Hala. Sobrang bilis naman nun si kuya. Naligo ba yun? Parang 5 buhos lang ginawa nun ah.  Tumayo naman na ko para maligo na din. 

.....

                Nagbihis na ko. 

                "Ay? Nahuhulog yung palada ko. Sira ata." -__-

                Tinignan ko namin yung palda ko pero wala naman sira. Sinuot ko na ulit O_O Wow. Ibig sabihin? Weh? No way? 

                Tumakbo ko para kuhanin yung tape measure sa drawer ko at... BOOM 39 na lang waist line ko. Dati 46 to ah? 

                Humarap ako sa mirror at kinapa-kapa yung mukha ko. Wow pumapayat nga ako ah! Improving!!

                Grabe naman kasi yung Trainer. Daig ko pa ata si Pacquiao kung i-train ako ni Arick eh -_- 

                Magti-three months na din pala kami nagwowork-out. Inferness ah!!!

***

                "Pa, mama alis na po ko!", nagbeso ako sa kanila. 

                "Bye beh! Ingat"

                "Sige. Gusto mo ba na itext ko si Red para sabihing sabay n-"

                "WAG NA MA!!"

                "Bakit naman? Magkaaway kayo?"

                "Huh? Hi-hindi. Hindi po. Ah eh... Uhm wag niyo na itext. Ah kasi po. Kasi po natext ko na. Hehe"

                Lumabas na ko ng bahay at speaking of Red, nagtext na nga siya. Ayun nga, sabay nga daw kami. Ano na irereply ko?

                Huhuhu bat ba kasi ako nagkakaganito? Bat ba naiilang ako sa bestfriend ko? Tsk. Baliw ko talaga. Haaaay. 

                Nagpipindot ako sa cellphone ko at nag-iisip kung anong pwedeng ireply sa kanya.

                "CHING-CHING!" 

                O_o

                "Red? Bat ka andito?" hala nakasalubong ko siya dito sa playground namin. Bat andito na siya kagad? Umalis na nga akong maaga para hindi ko siya makasabay.

                "Wala lang. Hinintay na kita dito. Buti naman nagsabay na tayo!" ^__^

                "Ah hehe oo nga. Magrereply na nga ako sayo eh" tinuro ko yung cellphone ko at maya-maya sabay na kaming naglakad palabas ng village at sumakay na din ng bus papuntang school. 

***

                Tulad ng dati habang nasa bus kami, ngsasalita lang siya. Kwento ng kwento! Ang daldal niya. 

                Ako naman nakikinig naman ako pero hindi ako interesado. Pano ba naman puro school, at KYLIE yung kwento niya. 

"oo nga"

"hehe"

"ah"

"aahhhhh"

Lang yung mga sagot ko sa kanya. 

                "Bat ganun? Parang iba ka ngayon?"

                "Huh?"

                "Parang ang cold mo kaya!"

                "Ako malamig?!", hinawakan ko yung pisngi ko, "hindi naman ah, mainit nga eh hehe"

                "Hindi ka naman kasi nakikinig eh tas ang tipid mo pa sumagot!" galit yung tono niya. 

                "Di ah!"

                "Oh tignan mo, ang iiksi ng sagot mo!", salubong na yung kilay niya. Hala nakakatakot!

                "Iniiwasan mo ba ko?!", tanong ni Red. Hala!

                Napalunok ako sa tinanong niya. 

                "Ahhh..."  Ano sabihin ko? Biglang tumigil yung bus.

                "Andito na tayo. Tara!" tinulak ko siya para tumayo. 

***

                "Oh tapos? Umamin ka?" 

                "Hindi ah! Never!" nandito kami ni Joan sa girls' bathroom. Inayos ko yun palda ko. Bumili na ko ng perdible. Pumapayat na ang lola niyo eh :)))

                "So forever ka na lang ganun ang peg?"

                "Huh? Ewan?"

                "Eh pano kung tanungin ka ulit niya. Malamang bestfriends kayo at lagi kayong magkasama nun noh kaya wala ka pa ring takas dun!!"

                "Eh? Ewan ko. Edi hindi na ako ulit magpapahalata!"

                "Eh nahalata ka nga eh! Bat kasi hindi ka na lang umamin sa kanya. Sabihin mo, alam mo Red ang manhid mo! Hindi mo ba talaga maramdaman na gusto kita o nagtatang-" hinawakan ko yung bibig ni Joan. Ang ingay-ingay! Baka may ibang tao dito oh. 

                "Sssh!!!"

                "Sorry!!" ^_^v bulong niya sakin

Bigla namang may nagflush at may lumabas na isang babae sa cubicle. 

Nagtinginan kami ni Joan. 

Lagot na!!!!!

| KYLIE's POV |

Naks. Bida ka Kylie? Pumi-POV ka na din ah! Hahaha okay ang sama kong author. Nyahaha

                "Wait lang girls ah! CR lang muna ko."

                "Sige Kylie! Una na kami sa taas."

                "Okaaay!"

                Pagpasok ko sa cr. Uy walang tao, nakakatakot naman. Haha joke. Pagpasok ko sa cubicle, saktong may pumasok din sa cr. Buti na lang may kasama na ko. Hahaha

                "Tinanong niya kung iniiwasan ko daw ba siya huhu patulon naman. Paayos na palda ko"

                "Kasi naman. Edi ikaw na pumapayat! Ayaaaan ok na!!"

                "Thanks!" 

                Hahaha chismosa ko lang. Nakikinig ako sa usapan nilang dalawa. Hahaha

                "Oh tapos? Umamin ka?" 

                "Hindi ah! Never!"

                "So forever ka na lang ganun ang peg?"

                "Huh? Ewan?"

                "Eh pano kung tanungin ka ulit niya. Malamang bestfriends kayo at lagi kayong magkasama nun noh kaya wala ka pa ring takas dun!!"

                Wow. Lovestory pala ito. Hahaha  Friendzoned siguro? Tsk tsk kawawa naman. Sino kayang mga characters dito? =))

                "Eh? Ewan ko. Edi hindi na ako ulit magpapahalata!"

                "Eh nahalata ka nga eh! Bat kasi hindi ka na lang umamin sa kanya. Sabihin mo, alam mo Red ang manhid mo! Hindi mo ba talaga maramdaman na gusto kita o nagtatang-" 

                "Sssh!!!"

                Hahaha tumayo na ako at inayos ko na yung uniform. Kapangalan pa ng boyfriend ko yung gusto niya ah. Haha ang cool naman. 

                Finlush ko na yun toilet at.....

                Teka.... RED?!?! Hindi kaya........

                Lumabas na ko sa cubicle at tahimik sila. Naghugas ako ng kamay at nung tumingin ako sa salamin, nakita kong tinitignan nila ko na parang takot na takot. 

                Tama nga ako. Yung bestfriend ni Red yung naririnig ko kanina. 

                "Denisse right?" kinuha ko yung panyo ko sa bulsa at pinunasan ko yung kamay ko. 

                Nag-nod lang siya. 

                Gusto ko tarayan siya. Pero hindi ko magawa. Kasalanan to ni author eh. Character ko kasi dito eh mabait daw at martyr. Para siyempre si Red at Denisse ang magkatuluyan. 

Joke lang! Hahaha

                "Hindi naman kasi talaga mahirap mahalin si Red eh. Tas bestfriends pa kayo kaya hindi talaga kita masisisi" ^_^

                Isipin niyo na na plastic ako. Pero hindi ah. Yun talaga yung gusto kong sabihin sa kanya. 

                Naiintindihan ko kasi si Denisse eh. Nagkagusto na din kasi ako dati sa "bestfriend" ko. Akala ko nung una, kuya-kuyahan ko lang siya pero narealize ko na naiinlove na pala ko sa kanya. 

                Hanggang sa ayun, grumaduate na siya. 2yrs kasi yung tanda niya sa kin eh. And as a remembrance, binigyan ko siya ng scrap book with pictures msgs and all at dun sa last part umamin ako sa kanya. 

                Pero wala eh. Nawalan na kami ng communication nun. Nanakaw dati yung phone ko kaya wala na kong number niya, hindi pa naman uso yung fb nun, tas bumibisita naman siya sa school nun kahit college na siya pero pinagtataguan ko siya eh. 

                Ewan ko. Nahihiya ako sa kanya eh. Hanggang sa nabalitaan kong nagka-gf na siya. Pinilit ko siya kalimutan kaso.....

                "Sorry!" sabi sakin ni Denisse. 

                "Maniwala ka o hindi, ok lang talaga sakin" ^_^

                Yinakap ko siya. 

                Awww parang ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya nung magkayakap kami. 

                "Sige alis na ko ah", sabi ko sa kanilang dalawa. 

                "Denisse, hayaan mo. Wala akong narinig" ^_^

                Lumabas ako ng cr na may mga ngiti sa labi ko. 

                Pag-akyat ko. Nakita ko si Red na nag-aabang sakin. 

================================================= 

Dear diary, 

Alam na ni Kylie lahat!! Ang bait nga niya eh. Parang ang gaan ng loob ko sa kanya. 

Haaayyy hindi ko din masisisi si Red kung bakit si Kylie yung mahal niya :)

~sumesexy na baboy! 39 na lang waistline ko. Wuhooooo!

=================================================

Thanks you sa mga readers, fans at nagvo-vote sa story ko :> Thanks din sa mga nagfollow sakin sa twitter! Sa mga hindi pa, follow niyo ko @jnelpakiss (haha nagpromote) Ayun thank u so much! Love u guys! :>

Continue Reading

You'll Also Like

109K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...