Collectanea (ViceRylle)

By vicerylleland

111K 3.3K 423

Collection of ViceRylle one-shot stories More

Collectanea
ViceRylle Story sa MMK (1)
I Almost Do
Superstar
Baby
Baby (part 2)
Baby (part 3)
Baby (part 4)
Baby (part 5)
ViceRylle Story sa MMK (2)
My MVP
Ikaw
Tampuhan
Wedding Bells
For the Fans: Pagpapakilala
For the Fans: Pagpapaliwanag
For the Fans: Pagpapasalamat
For the Fans: Karylle's Take
The Greatest Gift
The One That Got Away
Sequel
Magkabilang Mundo
A/U
Untitled
BFF
Secret
Secret (part 2)
Weirdly Beautiful
Secret (part 3)
KATANUNGAN
Superstar (part 2)
Ako Muna
Isang Dosenang Hopia
BFF (Part 2)
Wedding Bells (part 2): VhongAnne x ViceRylle
For the Fans: A ViceRylle Baby's Take
ViceRylle
ViceRylle II
Party
*just checking in
Surge: Teaser
Surge (part 1)
Surge (part 2)
Surge (part 3)

Kaya Ko Nang Wala Ka

1.6K 70 7
By vicerylleland

A/N: I kind of messed up the timeline a bit para swak sa storyline. And please do imagine that Karylle is not yet married here. Okay? Thanks.
.
.
.
.
.
Kasalukuyang nasa dressing room ngayon sila Karylle at Vice. Ang glam team ni Karylle ay nasa hallway at naghihintay na matapos ang usapan ng dalawa sa loob.

Makalipas ang ilang minuto ay mabilis na lumabas si Vice ng kwarto at kita ang pagpupunas nito ng kanyang mga mata. Nagtataka man ay bumalik na ang team sa loob ng dressing room.
GARY: Karylle, is everything okay?
KARYLLE: (sighs) Tara na. I have a flight to catch tomorrow morning.
.
.
.
.
.
Pagkauwi ni Vice sa kanyang bahay, nagbilin sya sa mga kasamahan nya na huwag siyang istorbohin. Dumiretso agad sya sa kanyang kwarto.
BABOT: Ano'ng sabi ni Vice?
JACKIE: Wag daw po syang istorbohin.
BABOT: Nasaan sya?
JACKIE: Umakyat na po sa kwarto nya.
BABOT: Sige.

Paakyat na sana si Babot sa ikalawang palapag nang marinig nya ang kanilang ina na nagsalita.
ROSARIO: Hayaan mo na muna si Tutoy, Babot.
BABOT: Kakausapin ko lang, Nay.
ROSARIO: Hayaan mo muna syang mag-isa. Kailangan yun ng kapatid mo.

Sa kwarto, nakahiga lang ngayon sa kama si Vice at nakasubsob sa unan. Pilit nyang tinatawagan si Karylle ngunit wala pa rin itong sagot. At dahil na rin sa pagod, hindi nya namalayan na nakatulog na sya.
.
.
.
.
.
Pagkagising ni Karylle, nainis sya dahil nadrain ang battery ng kanyang phone. Saglit nyang chinarge ang kanyang phone habang siyay naliligo at pinagpatuloy ang pagchacharge sa byahe patungo sa airport.

Pagdating sa airport, agad na pinuntahan ni Karylle ang lalaking nakatayo sa gilid at binigyan ito ng yakap.
KARYLLE: Vhong! (hugs) Good morning!
VHONG: Uy! Good morning, K! Ready ka na sa flight?
KARYLLE: Yup, I'm ready. Lets go to US!

Binuksan na muli ni Karylle ang kanyang phone para magpost sa Instagram nang mapansin nya ang sunod-sunod na notifications ng missed calls at text messages.
VHONG: Busy ah (chuckles)
KARYLLE: (closes all notifications) Wala 'to Oh, boarding na pala tayo!
VHONG: Oo nga. Tara na!
.
.
.
.
.
A few days passed at abala sa kani-kanilang trabaho sila Vice at Karylle. Si Vice ay nasa Pilipinas at patuloy pa rin sa pagpasok araw-araw sa Showtime at ilang commitments outside the noontime show. Si Karylle naman ay nasa Amerika pa rin para sa concert tour nila ni Vhong.

Nasa venue sila Karylle para sa rehearsal. Si Vhong pa ang nakasalang kaya nagpasya si Karylle na maglipat ng mga pictures sa kanyang laptop mula sa kanyang camera. Habang hinihintay ang pagtatransfer ng files, binuksan ni Karylle ang isang folder na ilang araw na rin nyang hindi nakikita. Napapangiti si Karylle habang tinitignan ang mga pictures hanggang sa marating nya ang isang larawan. Absentmindedly, hinawakan nya ang mukha ng nasa larawan na tila ay kaharap nya talaga ito. Bigla rin nagflashback kay Karylle ang naganap sa araw na iyon kung kailan kinuhanan ang larawan.

>>>FLASHBACK<<<
*knock knock*
KARYLLE: Sino yan?
*knock knock knock*
KARYLLE: Sino yan?
*knock knock*

Sinilip ni Karylle ang peephole sa pintuan ngunit wala syang nakitang tao. Babalik na sana sya sa kanyang living room nang may kumatok ulit. Kinuha nya ang Game of Thrones sword nya at nagtungo sa pinto. Binuksan nya ito. Wala pa ring tao ngunit nakita nya sa sahig ang isang kahon na mistulang isang regalo. Tumingin sya sa paligid at nakita ang isang pamilyar na lalaki na nakatayo sa gilid.

Hawak ng lalaki ang isang bouquet ng sunflowers. Tumingin ito sa kanya at nakasmirk na tinanggal ang sunglasses na suot nito.
?: Hi Kurbabe.

Hindi mapigilan ni Karylle ang kilig at napangiti nalang nang makita si Vice sa labas ng kanyang unit. Kahit nakatapak lang ay tumakbo sya patungo kay Vice at niyakap ito ng mahigpit.
VICE: Hala! Ang higpit ng yakap ah.
KARYLLE: I miss you.
VICE: Namiss din kita. Sobra.

Nagtungo sila sa loob ng unit. Hindi na rin napigilan ni Vice na matawa nang makita ang nobya na may bitbit na laruang espada.
VICE: Bakit ka may ganyan? Ano ba yan? (laughs)
KARYLLE: Ikaw kasi eh! Malay ko ba kung sino yung taong makulit sa labas na panay ang katok.
VICE: Protection mo yan?
KARYLLE: Oo, bakit ba?
VICE: (laughs)

Napahinto sa pagtawa si Vice nang may makitang liwanag na nagflash sa kanyang mukha. Si Karylle naman na ngayon ang tumatawa habang hawak ang camera.
VICE: Ana Karylle!
KARYLLE: Akala mo ha! (belat)
VICE: Ang panget ko dyan!

Nag-agawan ang dalawa sa camera at ang ending ay nagpicture lang sila nang nagpicture together. Pagkatapos noon ay nagkwentuhan lang sila tungkol sa nakaraang trip ni Vice sa Korea at sa mga interesting na bagay na nangyari kay Karylle sa Pilipinas.
>>>End of Flashback<<<

VHONG: Karylle!

Bumalik na sa ulirat si Karylle. Sinara nya ang laptop nya at nagpanggap nagpunas lang ng mukha ngunit pinahid nya talaga ang kanyang mga mata.
VHONG: K, ayos ka lang? Kanina ka pa namin tinatawag.
KARYLLE: Sorry. May iniisip lang ako.
VHONG: Sige. Ikaw na yung magrerehearse nung song number mo.
KARYLLE: Okay.
DIRECTOR: Karylle, are you ready?
KARYLLE: Yes, Direk. Pero can I change my song?
DIRECTOR: Why? Okay naman na yung first choice mo ah.
KARYLLE: I don't feel like singing it today. I want something else.
DIRECTOR: Okay, tell me. Para masabihan ko na rin yung banda.
KARYLLE: "Bakit Pa Ba" by Jay-R.
DIRECTOR: Woah. Ang bigat ng emosyon nyang song na yan ah.
KARYLLE: Yes, pero that's what I want to sing. Okay lang po ba?
DIRECTOR: Comedy concert 'to pero sige. I guess, it's okay to have a bit of sadness.
KARYLLE: (smiles) Thanks, Direk.
.
.
.
.
.
ANNE: Tayo nalang magdate.
VICE: Nako! Ayan na naman ah.
ANNE: Aaah! (backs out)
VICE: Gusto nya na naman magdate kami. Tas tatanungin nya na naman ako kung wala akong balak magkaanak.
ANNE: Hindiiiii!
VICE: Ito talaga. Gusto talaga nito eh!
ANNE:  Hindi!
VICE: Pag ito napagbigyan ko, tataba 'to.

VICE: We appreciate your effort to be here today but I think you need to rest.
ANNE: Thank you. Ikaw bang magpapayag sa akin? Papayagan mo ba ako?
VICE: Alam kong gusto mo lang akong makita today, Anne, pero---

VHONG: K! Napanood mo yung Showtime nung mga nakaraang araw?
KARYLLE: Ah... Hindi. Ba... Bakit?
VHONG: Ang saya nung mga past episodes! Nagguest host sila Bela, Robi, at Luis.
KARYLLE: Oh? Marami kasi tayong absentees.
VHONG: Kaya nga eh. Sige na. Magpahinga ka na rin. Ang ganda ng kinalabasan ng show natin kanina.
KARYLLE: Yeah, you did great.
VHONG: Ikaw din. Lalo yung kanta mo. Grabe! Hugot kung hugot!
KARYLLE: (smiles) Goodnight, Vhong.

Muling binuksan ni Karylle ang phone nya para i-close ang video sa Twitter na hindi na rin nya natapos panoorin.
KARYLLE: Dati ako yung sinasabihan nya ng ganoon. Yung binibiro nya. Yung nilalambing nya... Argh! Dati yun, Ana Karylle! Way before you dumped him. Way before you made the biggest mistake of your life!
.
.
.
.
.
Naghanda na si Vice para sa taping ng Gandang Gabi Vice. Inintro na nya ang kanyang mga guests at nagkaroon ng interview portion. Pagkatapos noon ay nagfocus na sila sa field of expertise ng kanyang guests: ang pag-awit.
VICE: Anong pinakamalungkot na kanta para sa inyo?
MOIRA: Ayun po, "Malaya". I think.
VICE: Yung doon sa "Camp Sawi"?
MOIRA: Opo.
VICE: Please. Kantahin mo for us.
MOIRA:
Pasensya na
Kung papatulugin na muna
Ang pusong napagod
Kakahintay

Kaya sa natitirang
Segundong kayakap ka
Maaari bang magkunwaring
Akin ka pa?

Mangangarap hanggang
sa pagbalik
Mangangarap pa rin
Kahit masakit

Baka sakali
Makita kitang muli
Pagsikat ng araw
Paglipas ng gabi

Kundi pipilitin
Ang di pa para sakin
Baka sakaling
Maibalik

Malaya ka na
Malaya

Sa pagkanta ni Moira, nag-iba ang emosyon ni Vice. Tila ba ang kanta ay sinulat para sa kanya, sa kasalukuyang nadarama nya.
.
.
.
.
.
Dahil walang masyadong gagawin si Karylle, natiyempuhan nya online ang streaming ng GGV taping. Nagdadalawang-isip pa sya nung una kung panonoorin nya ito o hindi. Mas pinili nya ang nauna. Pinindot nya ang link at nanood sya ng taping.

Saktong si Kaye Cal naman ang iniinterview ngayon ni Vice. Nagtanong ito sa guest kung ano yung pinakamasakit na kanta at sinagot nito ang "Isang Araw".
KAYE:
Kung maibabalik ko lang ang dati
Di na kita bibitawan pang muli
at ipadarama ko sayo na mahal kita
araw-araw, araw-araw

Ngayon ikaw ay nasa piling nya
At ngayon ako ay nagsisisi na
Ngunit walang magawa
Kundi ang humiling na sana

Oh Diyos ko
Isang araw lang ang hinihingi ko
Isang araw lang naman
Pagbigyan mo na ako
Bigay mo na sa'kin 'to
Nang maramdaman muli
at marinig muli
na mahal nya rin ako

Dahil sa mapagbirong tadhana, kung anong naramdaman kanina ni Vice ay ganoon din ang naramdaman ni Karylle ngayon.
VICE: Gawa tayong kanta.
MOIRA: Ano'ng pinagdadaanan mo ngayon ate Vice?
VICE: Kunwari ang title nung kanta, ano... "Kaya Ko Nang Wala Ka"

Kaya ko nang wala ka
Kahit na masanay pa
Alam kong hindi 'to madali
Malilimutan din kita
para sa'kin

Di ka man mawala sa isip
Ikaw ay pilit na lilimutin
Saan ba dapat pumunta
Kung ikaw lang ang alam kong tagpuan

Paalam na, paalam na, paalam na
Kaya kong wala ka

Kaya ko nang wala ka
Kakayanin kahit masakit pa
Kahit hanggang ngayon ay masakit
Dadaanin nalang sa awit

Kaya ko, kaya ko,
kaya kong wala ka

Paalam na, paalam na
Ang tanging hiling ko'y
Huwag nang bumalik pa

Parang bumaliktad ang ikot ng mundo. Si Karylle na ngayon ang pilit na tumatawag kay Vice. Ilang missed calls na sya ngunit walang sumasagot. Panay text na rin nya at private messages sa social media. Balewala na sa kanya kung mahal ang fee ng pagsesend ng messages sa Pilipinas. Basta ang alam lang nya ay kailangan nyang makausap si Vice.
From: Vicey
Nasa taping pa po si Meme. - Buern

Napafacepalm nalang si Karylle at nahiya dahil nakalimutan nyang on-going pa din ang taping ni Vice.

Habang hinihintay ang next guests sa GGV, bumalik muna si Vice sa kanyang dressing room. Humarap sya sa kanyang vanity mirror at pinunasan ng tissue ang kanyang mata. Rinig din ang pagsinghot ni Vice.
BUERN: Ahm... Meme?
VICE: Hm?
BUERN: Panay tunog ng phone mo kanina kaya sinagot ko muna na nasa taping ka.
VICE: Sige. Sino ba yun?

Kinuha ni Vice kay Buern ang cellphone nya at naupo sa kanyang silya. Chineck nya ang call log at messages.

Missed calls:
Karylle Tatlonghari (8)

Unread Messages:
Vhong Navarro (1)
Anne Curtis (1)
Karylle Tatlonghari (11)

From: Vhong Navarro
Brad! Nakita ko na yung pinapahanap mong sapatos. Meron ding size mo. Anong kulay gusto mo? May black, white, tsaka red. Reply ka nalang agad para mabalikan ko bukas. Pasara na yung tindahan ngayon eh.

From: Anne Curtis
Sis! Sama ka sa'min tonight?

From: Karylle Tatlonghari
Vice, can we talk?

From: Karylle Tatlonghari
Busy ka ba?

From: Karylle Tatlonghari
Please answer my calls

From: Karylle Tatlonghari
I'm sorry for everything that I've said.

From: Karylle Tatlonghari
Please give me another chance... Please give us another chance.

From: Karylle Tatlonghari
I'm sorry. Please forgive me.

From: Karylle Tatlonghari
Vice please... Hindi ko kaya. I need you. I want you back.

From: Karylle Tatlonghari
Sana hindi totoo yung sa impromptu song mo.

From: Karylle Tatlonghari
Pero if that's actually how you are feeling right now, I guess I'm too late. I guess I have to accept and respect your decision.

From: Karylle Tatlonghari
But Vice, please know that I'm regretting everything now.

From: Karylle Tatlonghari
Hindi ko kaya nang wala ka.

To: Vhong Navarro
Sige. Yung white nalang. Thank you!

To: Anne Curtis
Kayo nalang. May taping pa ako tonight. Pasabi nalang sa kanila. Salamat.
.
.
.
.
.
Kinabukasan, hinintay na muna ni Vhong si Karylle bago magtungo sa breakfast buffet sa hotel. Nagtaka si Vhong nang makita si Karylle dahil may suot itong sunglasses.
VHONG: Good morning!
KARYLLE: Morning.
VHONG: Ang baba ng energy ah.

Sabay na silang nagpunta sa kainan sa baba ng hotel. Kumuha ng pancakes, egg, at bacon si Vhong at isang baso ng orange juice habang si Karylle naman ay kumuha lang ng toast, jam, at isang cup ng coffee.
VHONG: Umiyak ka kagabi, ano?
KARYLLE: Ha?
VHONG: Bakit? May problema ba?
KARYLLE: Wala 'to.
VHONG: Karylle, ang tagal na nating magkakilala at araw-araw tayong magkasama. Alam ko pag may problema ka.
KARYLLE: (sighs) I'm fine, Vhong.
VHONG: Si Vice ulit?

Tumingin si Karylle kay Vhong pagkatapos noon ay yumuko ulit at pinaglaruan ang jam sa ibabaw ng toast.
VHONG: Bakit mo kasi hiniwalayan?
KARYLLE: I was wrong.
VHONG: Pinakinggan mo ba yung side nya?
KARYLLE: I was stupid.
VHONG: Sinubukan mo bang kausapin ulit?
KARYLLE: Busy sya.
VHONG: Try mo nalang kausapin pag-uwi natin.
KARYLLE: Wala na. He already gave up. Tsaka mukhang nakamove on na sya.
VHONG: Subukan mo lang. Kilala ko yang si Vice. Mahal ka nun talaga. Nakita ko kung paano sya umiyak nung araw na yun. As in humagulgol sya sa dressing room nya. Gusto ka niyang habulin nung pasakay ka na sa sasakyan mo. Tinanong pa nga nya ako kung anong oras ang flight natin. Gusto ka niyang kausapin ulit at pigilan. Gusto ka niyang pigilan para baka sakaling maayos nyo pa lahat.

Binaba ni Vhong ang utensils nya. Kinuha nya ang atensyon ni Karylle para masigurong nakikinig talaga ito sa kanya.
VHONG: Noong nasa airport tayo. Nandun sya.
KARYLLE: Bakit hindi nya ako nilapitan? Bakit hindi nya ako pinuntahan.
VHONG: Nung nakita ka nya, nagbreakdown ulit sya at nag-attempt syang tumakbo papunta sayo pero pinigilan sya ni Babot at nung driver nya. Wala sa wisyo si Vice nung araw na yun. Medyo lango pa kasi buong gabi uminom.
KARYLLE: (yuko)
VHONG: Masyado syang naapektuhan sa breakup nyo. Bumalik yung dating Vice na gabi-gabi umiinom. Nawala yung Vice na iba yung ngiti araw-araw pagpasok sa Showtime. Yung Vice na puro pag-ibig, hindi yung dati na maya't maya umiiyak dahil sa lalaki. 
KARYLLE: Ang tanga ko 'no?
VHONG: Hindi, K. Nagkamali ka lang. Sa ilang taon nating magkakasama sa Showtime, nakilala ko na kayo.  Nag-iba ang aura mo nung naging close kayo ni Vice. Nagbago ka for the better. Iba yung glow mo pag kasama mo sya. Pero itong buong leg ng concert tour natin, nagbago. Alam kong nakangiti ka, nagbibiro ka, pero hindi ikaw yung Karylle na kasama ko sa Showtime. Kita yung lungkot sa mga mata mo.
VHONG: Hindi sa sinisisi kita o ano, ha? Pinupunto ko lang na kayong dalawa ang source of happiness ng isa't isa. Try to win him back.
KARYLLE: Pero he gave up.
VHONG: Paano mo naman nasabi?
KARYLLE: I was watching a livestream of GGV taping yesterday. He sang an impromptu song with his guests. Alam natin pareho na pag nag-impromptu si Vice, yun yung tunay nyang nararamdaman. Yung gusto nyang sabihin.
VHONG: Subukan mo pa din. Alam kong willing siyang tanggapin ka ulit.
.
.
.
.
.
.
.
Sa bahay ni Vice, gumagayak sya para pumunta sa District 8 nang may marinig siyang magdoorbell. Inutusan nya si Jackie na tignan kung sino ang nasa gate.
JACKIE: Ma'am Karylle? Ano pong ginagawa nyo dito?
KARYLLE: Hi. Ahm... Nandyan ba si Vice?
JACKIE: Opo. Nasa kwarto po nya.
KARYLLE: Ah... May lakad ba sya?
JACKIE: Opo, pupunta po sya sa District 8.
VICE: Jackie, sino ya---

Natigil si Vice nang makita si Karylle sa labas ng gate nya. Nakajacket pa rin ito at mukhang kagagaling lang ng airport. Nakita rin ni Vice ang taxi na naghihintay sa likod nito. Nagbigay ng awkward smile si Karylle kay Vice at si Vice naman ay nakatingin lang din sa kanya.
KARYLLE: Hi.
VICE: Anong ginagawa mo dito?
KARYLLE: I just wanted to talk to you.
VICE: Yung metro ng taxi mo, tumatakbo pa.
KARYLLE: Okay lang. Pinaghintay ko talaga sya kasi inanticipate ko na yung mga possible na mangyari. All of those will lead to me leaving.
VICE: Ano ba ang mangyayari?
KARYLLE: Well, A, I would go here and you're "not here". B, itataboy mo ako. Ayun. Kaya pinaghintay ko si kuya kasi ayokong maglakad mamaya palabas ng gate ng subdivision. Ang layo pa man din ng bahay mo sa gate.

Naglakad si Vice patungo sa kinaroroonan ni Karylle at may binunot sa likod ng bulsa nya. Binuksan nya ang pintuan ng taxi, binayaran ang driver at pinaalis ito.
KARYLLE: Why did you do that? (nalungkot) Well, I guess this is the part where you'll kick me out. Revenge mo kumbaga.

Binuksan ni Vice ang gate at sinenyasan si Karylle na pumasok. Naglakad sila papasok ng bahay at doon tumayo lang si Vice at tumingin kay Karylle na tila naghihintay ng sasabihin.
KARYLLE: Oh, I forgot to give you these. (abot ng bouquet of flowers)
VICE: Ano 'to?
KARYLLE: Part ng piece offering.
VICE: Okay.
KARYLLE: I know may lakad ka kaya I'll make this quick. Just give me a few minutes.

Kinuha ni Karylle ang kanyang phone at pinatugtog ang instrumental ng isang kantang kakarinig lamang ni Vice a few days ago. Kinanta ni Karylle ang first verse at chorus ng kanta.
KARYLLE:
Kung maibabalik ko lang ang dati
Di na kita bibitawan pang muli
at ipadarama ko sa'yo na mahal kita
araw-araw, araw-araw

Oh Diyos ko
Isang araw lang ang hinihingi ko
Isang araw lang naman
Pagbigyan mo na ako
Bigay mo na sa'kin 'to
Nang maramdaman muli
at marinig muli
na mahal nya rin ako

Pokerface pa rin si Vice nang matapos ni Karylle ang kanta. Medyo nawawalan na rin ng pag-asa si Karylle pero pinigilan nya ang sarili na umiyak. Pumikit na lamang sya.
KARYLLE: This one is my response to your impromptu song.

Hindi ko kaya na wala ka
Kahit na pilitin pa
Alam kong hindi 'to madali
Nagsisisi sa'king nagawa
Sana akoy patawarin

Di ka nawala sa isip
Ikaw ay pilit na susuyuin
Saan ba dapat pumunta
Kung ikaw lang ang alam kong tagpuan

Patawad na, patawad na, patawad na
Hindi ko kayang wala ka

Hindi ko kaya na wala ka
Di kakayanin kahit anong gawin
Kahit hanggang ngayon ay nagsisisi
Dadaanin nalang sa awit

Mahal ko, mahal ko,
Hindi ko kayang wala ka

Patawad na, patawad na
Ang tanging hiling ko'y
Sana ako'y mahal mo pa

Doon na nagbreakdown si Karylle. Puro sorry ang maririnig na sinasabi nito kasabay ang paghikbi. Napaluhod na rin ito habang umiiyak.
KARYLLE: I'm sorry. I'm sorry. I'm sor---

Napatigil sa pagsasalita si Karylle nang maramdaman ang dalawang braso ni Vice na nakayakap sa kanya. Kinulong nya ang dalaga sa kanyang bisig at hinimas ang buhok nito at panaka-nakang binibigyan ng mga munting halik.
VICE: Sshh... Tahan na. It's okay.

Tumingin si Karylle kay Vice at pinunasan ng huli ang mga luha sa kanyang mga mata.
VICE: Inaamin ko, nasaktan ako. Hindi ako sumasagot sa'yo, di dahil galit ako o ano pa man. Nasaktan lang talaga ako sa mga nangyari. Pero no need for apologies. Pareho tayong nagkamali. Mahal pa din kita. Walang nagbago doon. It has been and will always be you.





The end.

------------------------------------------------------------
A/N: Nainspire ako doon sa mga songs nung guesting nila Moira Dela Torre at Kaye Cal sa GGV eh hahaha. Please let me know what you think about this story. Comment, tweet, anything.

Thank you

Continue Reading

You'll Also Like

85.8K 3.5K 126
Nang gumraduate si 'Hanamichi Sakuragi' sa Shohoku High School mula sa Kanagawa Prefecture ay nagpasya siyang makipagsapalaran sa Tokyo bilang 1st-ye...
11.5M 335K 68
X10 Series: Arthur Evangelista He dumped me at our own wedding. I left. I met HIM. And there came the SECRET. Do you want you to know about it? Let's...
Connection By Ara

Fanfiction

112K 1.9K 18
They told me to be grateful for the roof above my head, food on my table, affording hundreds of thousands of tuition fees, and all the other luxuriou...
6.9K 483 16
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and accomplished doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her aloof attitude e...