The One That Got Away

3K 76 18
                                    

A/N: Based on the title, alam nyo na kung anong klaseng storya 'to :) 

--------------------------------------------------------------------------------------------


Karylle's POV

First day of school namin ngayon. I can't believe it! Fourth year high school na ako. Sa March, gagraduate na ako.


Narito kami ngayon sa hall ng school. Bilang first day, magsasalita muna ang principal namin sa harap. Dahil fourth year na kami, alam na namin kung saan dapat pupunta at ano dapat ang gagawin. As usual, one line for boys and one line for girls per section. Nasa bandang gitna ako ng pila kasi hindi naman ako katangkaran at hindi rin naman ako maliit.


Pagkatapos ng aming morning prayer, kumanta na kami ng Lupang Hinirang at nirecite ang Panatang Makabayan. Nagulat na lamang ako nang may kumalabit sa akin. Estudyante rin sya, matangkad at may itsura. Mukhang baguhan lang sya dito sa school.

STUDENT: (whispers) Dito ba yung section A?

KARYLLE: Yes. Doon yung pila ng boys.

STUDENT: Salamat.


Matapos ang mahabang speech ng principal namin, umakyat na kami sa aming mga designated rooms. Sa third floor ang classroom namin kaya umakyat na kami. Nakasabay ko sa pag-akyat yung lalaking nagtanong sa akin kanina. Pagdating sa classroom namin, sumama ako sa mga kaibigan kong sila Anne at ang boyfriend nyang si Vhong.

VHONG: Huy K! Sinong tinatanaw mo sa dulo?

ANNE: Si Dingdong na naman ba?

KARYLLE: Why would I look at him? Move on na, Anne.

ANNE: Sino nga kasi?

KARYLLE: That boy at the back. Ngayon ko lang sya nakita.

VHONG: (looks at the back) Oo, bago lang yan.

ANNE: Alanganin naman syang nagtransfer. Last year na ng high school.

KARYLLE: I guess he has his reasons, Anne. Mahirap naman magconclude.


Our adviser came in. Most of us ay kilala na nya kasi tatlong taon na nya kaming kasama. Napansin nya ang lalaking transferee doon sa likod kaya tinawag nya ito at inatasang magpakilala ng sarili sa harapan. Tumayo rin naman agad ang lalaki at nagpunta sa harapan.

STUDENT: Good morning everyone. My name is Jose Marie B. Viceral. You can call me Vice for short.

ADVISER: Thank you, Mr. Viceral!


Orientation, house rules, and requirements. Two subjects na ang lumipas at break time na namin. Again, I saw Vice standing there, looking for a table where he could eat his lunch. Nabigla nalang ako nang tawagin sya ni Vhong.

VHONG: Vice! Dito ka nalang sa amin oh. May upuan pa sa tabi ni Karylle.

Lumapit si Vice sa amin, bitbit ang kanyang tray ng food. He sat down and smiled at us. He thanked us and he started eating.

VHONG: Hi Vice!

VICE: Hi.

VHONG: Ako nga pala si Vhong. Ito ang girlfriend ko si Anne. And yang katabi mo, si Karylle. Kaibigan namin yan.

Collectanea (ViceRylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon