Wedding Bells (part 2): VhongAnne x ViceRylle

1.4K 48 3
                                    

November 2017...

Katatapos lang ng bridal shower ni Anne na surprise ng kanyang Showtime family. Isa-isa nang nag-uuwian ang mga hosts at staff.
ANNE: Guys, thank you for this.
KARYLLE: Anything for you, Anne! We're so happy you're getting married. Konti nalang!
ANNE: (squeal of joy) Thank you talaga K!

Sa kabilang side naman ay nag-uusap sila Vice, Vhong, at Teddy. Nagpunta sa kanila si Karylle para magpaalam.
KARYLLE: Guys, I'll go ahead. Nandyan na sa labas yung sundo ko.
VICE: Yes naman! May driver na sya!
VHONG: Uy! (hampas kay Vice)
VICE: Charot lang!
KARYLLE: Sanay na ako dyan kay Vice, bruh!
VICE: Oo nga. Ingat, K! (beso)
KARYLLE: Bye guys!
VHONG: Ingat!
TEDDY: Aalis na rin ako. Sabay na tayo palabas, K. See you guys tomorrow!

Palabas na sila Teddy at Karylle ngunit naiwan muli si Karylle sa mesa nila Anne dahil tinawag sya ng huli. Si Teddy naman ay nauna nang lumabas para umuwi. Naiwan pa sila Vice at Vhong sa mesa nila dahil hindi pa ubos ang iced tea ni Vice. Tahimik lang si Vhong na nakatingin kay Vice habang busy ito sa pag-inom at paggamit ng cellphone.
VICE: Uy Vhong! Makatitig ka sa'kin ah. Type mo ba 'ko, brad?
VHONG: Sira!
VICE: Bakit ka ba kasi nakatitig? Nakakailang.

Nakapangalumbaba na si Vhong sa mesa. Si Vice ay nagcecellphone lang din.
VHONG: Paano mo nagawa yun?
VICE: Ha?
VHONG: Paano mo nalagpasan yun?
VICE: Vhong, okay ka lang?
VHONG: Paano mo nakayanan yung sa inyo ni K?
VICE: Anong sa'min ni K? Vhong, move on!
VHONG: Hindi naman sa pagiging selfish, pero ang sakit pala kapag ikakasal na yung ka-loveteam mo. Masaya ako para kay Anne, pero may sakit din kasi.
VICE: Oo naman. Walong taon mong kasama si Anne.
VHONG: Pero paano mo nakayanan yun? Nung kinasal si K.
VICE: (scoffs) Hindi ko nga kinaya, di ba? Kitang kita naman doon sa conversation natin sa Viber.
VHONG: Pero tignan mo ngayon. Bumalik na yung dating kayo ni Karylle.
VICE: Oo, bumalik pero hindi one hundred percent. Kumbaga ngayon, may limitations na kasi may asawa na sya.
VHONG: (sighs)

Tinawag ni Vice ang waiter at nagparefill ng iced tea sa mga baso nila ni Vhong at nanghingi pa ng chips.
VICE: Awkward lang sa simula kasi naninibago ka pa. Pero eventually, masasanay ka rin.
VHONG: Ikakasal na si Anne in a few days.
VICE: Kaya make the most out of it. Wag mo akong gayahin.

Napatingin si Vhong kay Vice na ngayon ay nakatingin na kay Karylle sa kabilang mesa.
VICE: Sinayang ko yung natitirang mga buwan na dapat sinulit ko habang hindi pa sya Mrs. Yuzon. Nagtampo pa ako sa kanya.
VHONG: Pero ang importante, okay na kayo ngayon.
VICE: Oo. Kaya nga sulitin mo na. Kita mo yung ngiti ni Anne ngayon? Dagdagan mo pa yun.
VHONG: Paano?
VICE: Be the supportive loveteam that she has. Tsaka magrereflect din yun sa fans nyo. Atleast, makikita ng fans nyo na masaya ka for her. And they'll feel the same way. Gawin mo yung mga hindi ko nagawa for K noon.

Tumahimik lang ulit ang dalawa at inubos na ang iced tea nila. Kapwang nakatingin ang dalawa kayla Anne at Karylle.
ANNE: Ano yan? Inuman??
VICE: Oo! Iced tea!
ANNE: Ayos yan ah!
VHONG: Gusto nyo?
ANNE: No, thanks.

Hindi nagtagal, nagpaalam na si Vice kay Vhong dahil nasa labas na ang driver nya. Pinanood ni Vhong si Vice sa paglalakad nito. Nakita nyang bumeso pa ulit ito kay Karylle at Anne. Sabay na naglakad ang dalawa palabas ng venue.

Tumayo na si Vhong at sinuot ulit ang jacket nya. Nakita nya si Anne na kinuha ang bag at bouquet.
VHONG: Pauwi ka na?
ANNE: Ah... oo.
VHONG: Sabay na tayo palabas?
ANNE: Sige.

Sabay na lumabas si Vhong at Anne. Pagdating nila sa entrance, nakita na nila ang sundo ni Anne.
ANNE: Mon amour!

Lumapit si Erwan sa kanila at kinuha ang bitbit ni Anne. Humalik sya sa pisngi ng fiancée at nakipagkamay kay Vhong.
ANNE: We'll go ahead, Vhong.
VHONG: Sige. Ingat kayo. (smiles)
ERWAN: We'll go ahead.

Sumakay na si Anne sa passenger's seat ng kotse. Pabalik na si Erwan sa driver's seat nang tawagin sya ulit ni Vhong.
VHONG: Erwan!
ERWAN: Yes?
VHONG: Congratulations.
ERWAN: Thanks man. (smiles)

Nanatili lang na nakatayo doon si Vhong habang pinanood na tuluyan makalayo ang kotseng sinasakyan nila Anne at Erwan.


The end

----------------------------------------------------------
A/N: First time kong gumawa ng one-shot na VhongAnne centered 😂 Imagine nalang na yan yung nangyari kagabi haha

**If you guys are interested in a different kind of ViceRylle fanfic and if you also happen to like "Sitio Pulang Lupa", please check out my latest story here in Wattpad. It is called "ISLA DE APOSTOLES". ViceRylle fanfic pa rin yun pero with a twist. Thanks!

Collectanea (ViceRylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon