For the Fans: Pagpapasalamat

1.5K 56 6
                                    

Continuation...

Tapos na akong magpakilala at magpaliwanag. Ngayon ang bahaging ito ay nais kong ialay sa inyo. Sa aking mga Little Ponies, ito ang message ko for you.

To my beloved Little Pony,
Simple lang ang gusto kong sabihin sa'yo. I love you! Bakit "I love you" lang? Kasi pag mahal mo ang isang tao, nandoon na ang lahat. Inspirasyon mo ang mahal mo, mahalaga ang taong iyon para sa'yo, pinasasalamatan mo ang taong mahal mo, at malaki ang utang loob mo sa kanya. At ganoon ako sa iyo.

Alam kong hindi ako naging perpektong ehemplo. May mga kapintasan ako at may mga pagkakamali ako. Gayunpaman, tinanggap mo ako ng buong-buo at patuloy na sinusuportahan since day one.

May mga pagkakataong nagpapaalam ka sa mga magulang mo para manood ng concert o gig ko, pero hindi ka pinayagan. Minsan naman, kulang kasi ang budget. Madalas ka rin na hindi nakakabili ng magazines kung saan cover ako, o kaya naman ng mga albums ko. Months before magPasko, tinitipid mo na ang baon mo para makapag-ipon. Yung naipon mo, gagamitin mo pambili ng ticket para makanood ka ng pelikula na entry ko sa MMFF. Gusto kong malaman mo na naaappreciate ko ang efforts mo. Salamat!

Lately, I've been crying each night. Kahit sinabi kong deadma lang ako sa bashers, di ko pa rin maiwasang masaktan. Tao pa rin naman ako, may puso rin ako at lalong hindi ako manhid para hindi maramdaman ang sakit ng pang-aalipusta nila. Hindi ko lang pinapakita sa'yo na nasasaktan ako kasi alam kong may pinagdadaanan ka din. Alam kong inaabangan mo ako sa Showtime o sa GGV para kahit sa maikling panahon ay mapangiti ka at malimutan ang pinagdadaanan. Pinipilit kong magpakatatag at magmukhang masaya sa harap ng camera kasi umaasa ka sa akin. Alam kong sa akin ka humuhugot ng saya. Tandaan mo, habang sinusuportahan mo ako, magpapakatatag ako hanggang sa huli para sa'yo.

Maraming tao ang dinidiscourage ka na idolohin ako pero nagawa mo pa rin akong ipaglaban. Salamat sa'yo. Thank you sa tweets mo sa akin. Hindi ko man narereplyan, pero nababasa ko yun at naaappreciate ko iyon. Salamat sa pagtatanggol sa akin, sa pagpapagaan ng loob ko, sa pagkocomfort mo sa akin kahit through tweets lang. Marami nang tumalikod sa akin pero ikaw, nandyan pa din. May mga sumuko na pero ikaw, patuloy mo pa rin akong pinagtatanggol. Hindi ko hiniling na gawin mo iyon pero nagkusa ka. Maraming salamat.

I may not be able to meet you all in person pero sana malaman mo na mahal kita at salamat sa pagsuporta mo sa akin. Habangbuhay kong tatanawin na utang na loob iyon. Kung hindi dahil sa'yo, wala ang lahat ng meron ako. Baka isa pa rin akong bakla sa comedy bar na nanghihiram lang ng damit sa mga kaibigan kapag may gig. Baka sa munting tirahan pa rin namin sa Tambunting ako nakatira at umaasa sa jeep at LRT kapag bumibyahe. Kung wala ka, wala si Vice Ganda. Maraming salamat sa'yo!

Gusto ko lang sabihin sa'yo na ang buhay natin ay hindi madali. Maya't maya may pagsubok kang pagdadaanan. May mga tao kang makakasalamuha. Ang iba'y makakasundo mo, ang iba naman ay hindi. Wag kang magbabago para tanggapin ka nila. Hindi mo kailangan magpa-impress kasi hindi na ikaw yun. Hayaan mong tanggapin nila kung sino ka. Kung di ka nila tanggap, deadma lang. Hindi sila kawalan. May mga tao kang makikilala na mas better sa kanila at kaya kang tanggapin ano man ang trip mo sa buhay.

Value your family. Mahalin mo ang mga magulang mo. Kasi tignan mo ako, wala na yung tatay ko. Hinihiling ko na sana nandito pa sya ngayon. Pahalagahan mo sila. Maaaring may time na magkagalit kayo pero wag mo silang kasuklaman. Kahit naman ganun sila, mahal ka nila. Pati yung mga kapatid mo. Sandalan nyo ang isa't isa kaya pahalagahan nyo ang bawat isa.

Ipagpatuloy mo lang ang pangarap mo. Mag-aral ka lang ng mabuti. Naaappreciate ko ang pagsuporta mo sa akin pero wag mong pababayaan ang pag-aaral mo. Huwag kang tumulad sa akin. Gusto kong bumalik sa pag-aaral pero hindi ko na magawa. Don't waste the opportunities. Super proud ako sa'yo sa kung ano man ang marating mo sa buhay. Basta remember to keep your feet on the ground. Ang mga papuri sa'yo, ilagay mo sa puso mo at huwag sa ulo.

Sabi nga ng aking friends sa animal kingdom: "Kapit lang", sabi ng Tarsier; "Wag na magpatumpik-tumpik pa. Takbo!", sabi ng Kabayo; "Keep your head up high.", sabi ng Giraffe

Maraming salamat sa iyo! Habangbuhay akong tatanaw ng utang na loob sa iyo. Hindi porke't hindi kita finafollow or never kitang nameet ay balewala ka na sa akin. Mahalaga ka sa akin, tandaan mo yan at mahal na mahal kita!

Your biggest fan,
Vice Ganda
(Meme, Mother Horse, Tatay Pogi, Daddy Vice)

The end.

---------------------------------------
A/N: Violent reactions? Opinions? Please leave a comment. Thank you

Abangan ang "For the Fans: Karylle's Take". Within this week, I will publish that. Busy lang talaga sa school.

Collectanea (ViceRylle)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα