Baby (part 4)

2.9K 91 25
                                    

A/N: Dahil panalo ang FEU...
--------------------------------------------

JOSEPH: That's it? Hindi nyo talaga pinaglaban ang isa't isa?
KARYLLE: Hindi na. Mahirap kasing ipilit, anak, ang mga bagay na hindi talaga pwede.
VICE: Tama ang mommy mo. Tsaka yung story namin, parang yung kwento mo kanina. Yung love mo for writing, hindi mo na-pursue because you were studying a different course and that is Architecture. Ikaw ang nasa posisyon ng Mommy mo. Ako yung Journalism and si daddy Yael mo ang Architecture. Nagets mo?
KARYLLE: Kaya pag nagmahal ka, ipaglaban mo sya kahit gaano pa kaomplikado ang sitwasyon nyo. Wag mo kaming gayahin ng daddy ninong mo na naging duwag sa pag-ibig.
JOSEPH: (nods) Yes, Mommy. Daddy Ninong, can I ask you something?
VICE: Depende. Charot! Ano yun?
JOSEPH: Mahal mo pa rin ba si Mommy?

Saglit na napatigil sa pagkain si Karylle. Si Vice naman ay tumingin sa kanya.
VICE: Hindi naman nagbago yung nararamdaman ko sa mommy mo eh. Mahal na mahal ko pa rin yan.
JOSEPH: Ikaw, Mommy? Mahal mo pa ba 'tong si Daddy Ninong?
KARYLLE: Don't get me wrong ha? Mahal ko ang Daddy Yael mo. Pero iba ang tama ko sa baklang 'to eh.
JOSEPH: Mommy, ang labo naman! (Chuckles) Mahal mo pa ba si Daddy Ninong? Yes or no lang.
KARYLLE: Oo naman. Mahal ko yan... mahal ko pa rin yan.
JOSEPH: Ugh! Bakit kinailangan pang maging komplikado ng buhay na 'to? You still love each other pero you didn't end up together... Sad life.
.
.
.
.
.
After a few days, umalingawngaw sa media ang tungkol sa rebelasyon nung nakaraan na may anak sila Vice at Karylle. Samutsaring mga reaksyon ang nabasa nila sa social media sites. May ilang natuwa, may bumatikos, at may iba namang walang pakialam.

"OMG! May totoong ViceRylle baby"
"Kaya pala eh! Kamukha ni K si Joseph pero may namana rin sya kay Vice. Like yung height."
"Hay nako! Bunga ng bawal na relasyon. Psh."
"Yuck! Si K nakipag-ano sa baklang kabayo na yan. Kadiri! Pwe!"
"21 anyos na yung anak nila. Hayaan nyo na. Grabe talaga magreact ang mga tao."
"May anak sila Vice at Karylle? Okay. I don't care."

TONI: Mga Kapamilya, let's welcome sa The Buzz, Vice Ganda!
VICE: Hi Toni! (Beso) Magandang hapon po sa mga nanonood!
TONI: Vice, kamusta?
VICE: Mabuti naman. Okay na okay ako.
TONI: Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Kumakalat sa social media ang issue na may anak daw kayo ng co-host and ka-loveteam mo sa Showtime na si Karylle. Totoo ba ito?
VICE: Hindi na rin ako magpapaligoy-ligoy pa... Oo, may anak kami ni Karylle.
TONI: Pwede bang malaman kung sino ito?
VICE: Kilala nyo sya. 21 years old na sya, architect na sya and nagmomodel rin.
TONI: Is this him? (shows picture sa screen)
VICE: Yes. Joseph Ybrahim Tatlonghari Yuzon.
TONI: Bakit nasa apilyedo ni Yael? At nagtatanong ang iba, si Joseph ba ay bunga ng bawal na pag-ibig?
VICE: No. Pinag-usapan talaga namin. He was not made by accident.
TONI: So, bakit ikaw ang naging ama at hindi si Yael? Hindi naman ikaw ang asawa ni Karylle.
VICE: Okay para mas maintindihan ng lahat, para akong naging "baby maker" nung mag-asawa. Yael has a problem kasi kaya di sila makabuo. They asked me kung pwedeng ako.
TONI: No offense, Vice, ha? Pero bakit of all people, ikaw pa?
VICE: Ayan din ang tanong ko sa kanila. And let's just say na may mga bagay in the past na sa amin nalang ni K kaya pinili nila ako. And after a few days, pumayag naman ako.
TONI: Lately lang din nalaman ni Joseph, di ba? What was his reaction?
VICE: Nung una, syempre nagulat sya and nagalit. Hindi sya umuwi ng ilang araw. Pero eventually, natanggap naman nya. And he even said na he's proud na si Vice Ganda ang tatay nya. Wala daw syang pake kung bakla ako. Basta ayun.
TONI: Aww... that's sweet. So do you have any message for them? For Joseph?
VICE: Kay Joseph nalang. Anak, thank you for accepting me. Salamat at tinanggap mo ang katotohanan na ako talaga ang tatay mo. Sorry kung late mo nang nalaman ang totoo. Sasabihin ko lang ulit sa'yo yung sinabi ko noong nasa nursery ka pa nung ospital. Anak, hindi kita ikinakahiya at mas lalong hindi kita itinatakwil. Tanggap na tanggap kita. Ikaw ang pinakamagandang blessing na natanggap ko from God. I love you, anak.
TONI: Thank you, Vice. Mga Kapamilya, Vice Ganda!

Collectanea (ViceRylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon