Best thing i (N)EVER had

Από septemberoyal

445K 6.5K 1.1K

Try ko lang....... Pwede ba? Hehehehe...... Kinain na talaga ako ng sistema! JB kase eh! Kahit may pinagdadaa... Περισσότερα

PROLOGUE
1
2
3
4
5
6
7
8
10
11
12 (HUWAG KA NG UMIYAK )
13
14 (AKAP)
15
16
17
18 ( UNKNOWN FEELINGS)
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33(Ambon)
34
35
36
37
38
39
40
41(Moving Closer)
42
43
44
45
46
47
48
49
50(HEARTBEAT)
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
64
65
66
67
68
69
70
71
72
73
74
Not an update
75 (Sa bingit ng isang paalam)
76( Bibitawan ka )
77
78
79
80 (Hindi tayo pwede)
81(The hardest thing)
82 (beaddie moments)
83
84
85
86
87

9

5.2K 66 2
Από septemberoyal

JHO

Exact 1 month na mula nung mag cool off kame. Oo. Cool off .Cool off ang tawag ko dun. Ayaw ko isiping breakup  ang nangyare sa min.
Kahit na ang gusto nya ay breakup talaga.
Sya lang naman ang may gusto non,pero di ako pumayag.Ayaw ko nga!

Masyado ko syang mahal para pakawalan ko.Selfish na kung selfish!Pero ayaw ko syang mawala.Ayokong sayangin ang higit apat na taon na pagmamahalan namin.

Di naman naging perpekto ang love story namin.May mga selosan,tampuhan,na di naman maiiwasan.Bihira din ang masasabe kong away talaga pero naaayos din namin,basta nakapagpalamig na kame ng init ng ulo.Di namin matiis ang isat isa............DATI.

Kaya nga lutang ako netong mga nakaraang linggo kase pilit kong iniisip kung saan ba ako nagkamali or nagkulang ba ako?
Inip na inip akong hintayin ang araw na 'to kase ito yung deadline na hiningi ko sa kanya para makapagisip kame.....Sya.
Oo.Sya lang,Kase ako,alam ko kung ano ang gusto ko.

AYOKONG MABASURA ANG LAHAT.
AYOKO SYANG MAWALA.
MAHAL NA MAHAL KO SYA.

Kinakabahan ako habang naglalakad papalapit sa inuupahan nyang apartment.
Dinala na rin nya kase ako dito noon.Bale pinakita lang nya sa kin yung bago nyang place kase dati nag be-bedspace lang sya,
Mabuti na rin ito may privacy sya.

Going back to the topic.
Nandito na ko sa harap ng  gate.Nagaalangan ako kung magdo-doorbell pa ba ako o hindi na?
Mas pinili kong wag na.Di naman na kailangan kase ginagawa ko naman ito "noon" at di naman big deal sa kanya.

( "noon" nga di ba? "noon" yun pero ngayon......)

Shut up! Di ka nakakatulong.
Pati ba naman utak ko di pabor sa ginagawa ko?
Sinusunod ko lang kung ano ang tama!
Mali ba yun?

( Oo.Mali kase para ka ng tanga dyan.)

Shhhhh.....andame mong alam!

Kakatok na sana ako ng biglang magbukas ang pinto.

"Hi?"ako.

"A-ah....H-hi." Alanganin na bati rin neto sa kin.

Kung nagtataka kayo kung sino yung kausap ko.Si Jared yun,barkada ng boyfriend ko.Magkakilala na kame matagal na rin.Pero pansin ko lang parang nagulat pa yata(?) sya sa kin.

"Pre, tara na----Louisse?" gulat din sya oh.

Isang malapad at napakatamis na ngiti ang ibinigay ko sa kanya. "Hello. Aalis kayo?"

Nagkatinginan muna ang dalawa at pansin kong sumenyas si jared sa kanya pero kunware wala akong nakita.

"A-ah....Oo eh.May ano kase eh...."

Sige ipahalata mong magsisinungaling ka.

"May group project kame kase at.....at ano.....late na nga kame eh."pagsisinugaling nya.Alam kong alibi nya lang yun.Tsss....

Natango ako. "Baka naman pwede tayong mag-usap?" tanong ko sa kanya.

"Di pwede eh." Agad netong sagot.

"One month na tayong di nakakapag usap kaya nagbaka sakali ako na ngayon pwede na."ako. "kahit sandali lang-----"

"sa ibang araw na lang kaya kase alam mo nagmamadali talaga kame,di ba pre?"putol nya sa kin.

"please lang.Kahit kalahating oras lang.Kailangan naten i-ayos ang lahat." pagmamakaawa ko sa kanya.

"pero---"

"alam mo,pre,siguro mauuna na ko sayo.Ako ng bahala magpaliwanag sa kanila sabihin ko na lang na male-late ka ng konte."si jared tas tinapik ito sa balikat at may ibinulong. "Ayusin mo na yan ,pre."

Kunware wala akong narinig.Bumaling sa kin si jared at ngumiti bago umalis.
Napabuntong hininga na lang itong kaharap ko habang nakatingin sa kin.

"Tara?"aya nya.






Dinala nya ko sa meeting place namin everytime na lalabas kame para magdate.
Isang coffee shop malapit sa university nila.
Kakain muna daw kame bago namin pagusapan ang  "issue" namin.

"kamusta ka?" di ko mapigilang magtanong.Pansin ko namayat sya.
Ako ba ang dahilan kung ba't ganyan sya ngayon? Ibig sabihin ba neto pinuproblema nya ang nangyare sa min?

( wag assuming 'te.Baka masaktan ka sa isasagot nya sayo.)

Ang epal mo no?

"uhm,ano kase.... nagda-diet kase ako ngayon tas naggi-gym na rin."mukhang nahihiya pa sya sa sagot nya.

"ahhh...."ako tas natango.😞

( oh,ano ka ngayon?)👅

Katahimikan....

Bakit parang kulang sa tamis itong cake.
Dapat matamis 'to kase chocolate flavor pero parang ang tabang?

( parang feelings nya lang.ANG TABANG NA.)

Huminga ako ng malalim. "I miss you."

Napatingin sya sa kin at sinalubong ko rin naman ang tingin nya.
Wala na kong nakitang ningning sa kanyang mga mata.
Sign na ba ito na wala na?
Hindi! Di pwede!

Inabot ko ang kamay nya na nakapatong lang sa mesa. "Can we revived it? please?"

Ipinatong din nya yung isang kamay nya  dun at tiningnan ako sa mata.
May sasabihin sana sya  pero biglang tumunog  na naman ang phone nya.
Nakailang ring na rin ang phone nya,
siguro  "kailangan" na sya dun.

Nag excuse sya sa kin para sagutin nya ang tawag.Tumango ako tas nagmadali syang lumabas,pinanood ko lang sya.

Bakit masaya sya ngayon na kausap nya "yun"?
Kita ko mula rito sa kinauupuan ko kung pano ngumiti ito at nagbago ang mood ng magkausap sila.

Kase kanina lang ang bigat ng aura nya ng magkausap kame at para bang napipilitan
lang.Pero ngayon biglang gumanda ang mood nya.
Masyado ko syang kilala para malaman na...... Erase! It can't be!

"Sorry."sya.

Di ko namalayan na nakabalik na sya sa table namen.Masyado akong busy sa kakaisip.

"kain na."aya pa nya.Nagsimula na nyang kainin ang para sa kanya.Habang ako,ay nilalaro lang ang tinidor. Nawalan na ako ng gana.

"Kailan pa?" di ko mapigilan ang sarili ko
Nasasaktan ako sa ginagawa nya.Sa ginawa nya.

"huh?" tas napaangat ng tingin sa kin.

Painosente ka pa! Yan ang gusto kong sabihin sa kanya,pero pinili kong wag na.
Pinakalma ko sarili ko at huminga ng malalim.

"kailan mo pa ako niloloko?" kalmado po ako.

Napatigil sya sa pagkain at tinitigan ako ng seryoso. "hindi kita niloloko.At lalong di kita niloko."

Napahigpit ang pagkakahawak ko sa tinidor. "talaga?eh,ano yun?"

"Pinakelaman mo ang phone ko?"di sya makapaniwala.

Oo.Pinakelaman ko nga phone nya,eh,kase naman ring ng ring kanina.Wala naman talaga akong balak kaya lang antagal nyang umorder ng merienda pero nung sasagutin ko na sana ay huminto na 'to kaya ang alam ko ay tumigil na kung sino man yung natawag.Eh,kaso nag vibrate ang phone nya kaya kinuha ko na kase nga di ba sabe nila ni jared may group project sila baka importante yun kaya ginawa ko binuksan ko na phone nya .Alam ko naman ang password nya saka okay lang naman dati yun ah,eh ba't ngayon bawal na?

"Di mo dapat pinapakelaman ang gamit ko."halata ang inis sa boses nya.

"okay lang naman dati ah. isang buwan lang ang nakalipas bawal na?"sabe ko na naiinis din.

"Yun na nga eh. DATI.DATI nga di ba?" sya pa rin.

"so ngayon bawal na talaga?"sarcastic kong sabe sa kanya.

" OO! wala na! "agad nyang sagot.

Natahimik ako sa sinabe nya.
Alam ko naman ang isasagot nya pero  di ko inasahan ang magiging reaction nya.
Galit sya.

"Eh, bakit ka ba nagagalit? ah,alam ko na kase ayaw mong malaman ko ang pinag gagawa mo these past few weeks?  Ayaw mong malaman ko ang panloloko mo! " mariin kong sabe sa kanya.

"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na di kita niloloko? Ha? Kase in the first place,
wala na tayo. Break na tayo. One month ago. "tuluy tuloy nyang litanya.

Para akong sinampal ni ate ly sa sinabe nya.
Biglang may kutsilyo na tumurok  banda sa dibdib ko. Ang sakit ng pakiramdam ko ngayon. ANG SAKIT! POTA!

Nag iba ng ekspresyon ang kaharap ko.
Kung kanina ay naiinis at nanggigigil sa ginawa ko ngayon ay lumambot ang itsura nya at parang natataranta.
Kase nagsisimula na kong umiyak sa harapan nya.
May karamihan na rin kase ang customer  dito baka gumagawa na kame ng eksena.

Huminga sya ng malalim tas pilit na inaabot ang kamay ko pero iniiwas ko ito.

"Louisse....Im sorry. Im so sorry. I think kailangan na talaga nating----"

"Mas kailangan kita."putol ko sa kanya na naiyak na.

"Pero di na ko masaya.Ayokong ipilit natin na okay pa ang lahat,na wala na tayong problema----"

"Ano ba ang problema? Ako ba? Sige mag aadjust ako. Magiging maluwag na rin ako ,tulad ng dati----"

"May dinedate na ko."halos pabulong nyang sabe pero sapat na para marinig ko. "Her name is Erica.Siguro mga two weeks na rin simula ng mag date kame. Schoolmate namen sya and may ilang subject na magkaklase actually,masaya syang kasama,magkasundo kame halos sa lahat.....At......At parang nafa-fall na ko sa kanya." pag amin nya.

Lalong bumuhos ang luha ko sa sinabe nya.
Lalong lumabo na ang sa min.
Humihikbi na ko at lumalakas na rin ang pag iyak ko pero wala akong pake nasasaktan ako! Sinasaktan ako ng kaharap ko!

Naramdaman ko na lang ang pag pisil nya sa kamay ko na naabot na pala nya ng di ko namamalayan,nakatungo kase ako ngayon.
Ayokong makita ang mata nya na nagsasabi ng totoo.

"Ayoko ko ng saktan  ka pa.Ayoko ng umasa ka pa na kaya pa pero ang totoo wala na.
Wag mo ng pahirapan pa ang mga sarili naten,palayain mo na ko.Tapusin na naten 'to.Mag break na tayo."

Sa huling sinabe nya ay doon pa lang ako nag angat ng tingin.At kahit hilam na sa luha ang mga mata ko ay nakita kong naiiyak na rin ito.
Siguro nasasaktan din sya sa nangyayare at nahihirapan din.
Pero ako. Ako,ang mas nasasaktan at nahihirapan sa mga nangyayare! POTA NAMAN OH!

"Itigil na naten,louisse. Im very sorry." sabe nya tas tumayo na.

NAiwan ako dito ng nakatulala at inaabsorb ang mga sinabe nya kani kanina lang.

( Tumayo ka dyan at habulin mo! )

Ganun nga ang ginawa ko.Patakbo kong lumabas ng coffee shop at umaasa na maabutan ko pa sya.
Nagpalinga linga ako sa pagkalabas ko,
And thank god nandito pa sya.
May kausap sya sa phone habang nag aabang ng masasakyan.
Tumakbo na ko baka makasakay pa sya.

































"BAHAM......Wait! "



























AN:

Yun naman pala!

May name naman pala si  "ex".😁

Antagal kong pinag isipan kung sino ang gagawin kong  "ex" ni jho.Nagtatalo kase ang utak ko at si brain.Hehehehe.....✌

Ayos ba? kung hindi.....eh di hindi.Madali akong kausap.Joke lang po.

Good night!!!💤💤💤

WALA PO SANANG TAGGING.

PS:

Yung name na JARED and ERICA ay gawa gawa ko lang po.
Wala kase akong kilala na friend nila kaya nag imbento na lang po ako.

Inuulit ko po na ang mga ganap at ilang characters na mababanggit dito ay pawang mga imahinasyon lamang ni otor.
Salamat po.
Peace po tayo!   ✌😃😃✌











Συνέχεια Ανάγνωσης

Θα σας αρέσει επίσης

192K 8.3K 24
Where Lewis Hamilton goes to a cafe after a hard year and is intrigued when the owner doesn't recognise him. "Who's Hamilton?" Luca says from the ba...
108K 2.5K 41
When your PR team tells you that we have to date a girl on the UCONN women basketball team and you can't say no to it... At first you don't think too...
608K 37K 101
Kira Kokoa was a completely normal girl... At least that's what she wants you to believe. A brilliant mind-reader that's been masquerading as quirkle...
1.7M 56.4K 70
In which the reader from our universe gets added to the UA staff chat For reasons the humor will be the same in both dimensions Dark Humor- Read at...