That "GAY" I LOVE...(COMPLETE...

By MissAnnlovable

119K 3.1K 85

They say that you will always find love at the most unexpected PERSON. Well I guess, that's right. ('_ _) Hi... More

CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8.1
CHAPTER 8.2
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
Chapter 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
FINAL CHAPTER

CHAPTER 23

3.7K 86 1
By MissAnnlovable

Chapter 23

Lovely’s POV

Nasaan ako? Bakit madilim?

Naglalakad ako papunta sa hindi ko malaman na direksyon. Kanina pa ako lakad ng lakad pero parang walang katapusan ang daang tinatahak ko.

Ano nga bang nanyari at nandito ako sa madilim na daan na ito? Na may diretsong daan at hindi ko matanaw ang hangganan. Anong ginagawa ko dito? Patay na ba ako?

Naaalala ko ang nangyari sa akin. Nabangga ako. Ang huling nakausap ko ay si Shelly. May pupuntahan ako.

Teka…

Si Baklita!

Nako, siguradong malilintikan ako kapag nalaman niya na hindi ako sumipot sa kanya. Papunta na naman ako nun eh. Kaso, nabangga ako. Or should I say, may bumangga sakin?

Oo. Tama kayo. Si Jules ang pinili ko.

Bakit?

Hindi ko rin alam.

Basta, bigla nalang kusang gumalaw ang paa at kamay ko papunta sa direksyon niya. Siguro nga. Dahil gusto kong malaman kung ano ang sasabihin niya.

Ikasaya ko man o ikasakit ng damdamin ko. Alam mo yung pakiramdam na wala ka nang pakialam kung masasaktan ka man? Makita mo lang siya at makausap, bawing bawi kana.

Ewan pero….mukhang tinamaan yata talaga ako ni Baklita. Lakas eh! Ayoko nang maging indenial, lalo lang lumalala.

Si Travis?

Alam kong masasaktan siya sa naging desisyon ko kung natuloy yung pagpunta k okay Baklita. Siguro…..timing din yung pagkakabangga sa akin.

Hindi nila nalaman kung sino ang pinili ko.

Pero alam ko namang darating din ang oras na kailangan ko nang pumili.

At kahit maging tanga at masaktan man ako sa magiging desisyon ko, si Jules parin ang pipiliin ko ng pauli-ulit.

Alam kong hindi ko pa siya lubusang kilala. Masyadong maikli ang panahon para mahalin ko siya ng ganito. Pero….does it really matter?

Basta ang alam ko lang…..sa tuwing kasama ko siya…..napakasaya ko. Nandyan yung puso ko na grabe tumambol. Yung mga paru-paru sa loob ng tyan ko. Yung pakiramdam na buong-buo ako.

Kahit na nasasaktan ako dahil siya ay isang bakla, siya parin talaga. Hindi ko alam kung anong kahihinatnan ng desisyon kong ito at nang pagmamahal ko sa kanya.

Bahala na.

Tumigil ako sa paglalakad at naupo sa kalsada. Bakit kaya hindi ako makarating sa dulo ng daan na ito? Pagod na pagod na ako.

“Hindi pa ito ang oras mo, Lovely.”

Lumingon ako sa pinagmulan ng boses. Sa likod ko, isang lalaking may nakakasilaw na damit na puti ang nagsalita.

“At sino ka naman?” tanong ko

Unti-unti siyang lumapit sa akin. Umupo siya paharap sa akin. Napakaaliwalas ng mukha niya. Nakangiti siya sa akin. Parang kilala ko siya pero hindi ko alam ang pangalan niya.

“Nakalimutan mo na nga ba talaga ako,Cha-cha?”

Natigilan ako. Cha-cha? Alam kong may isang tao lang ang tumatawag sa akin niyan. Sino nga ba siya? Sino ba itong lalaking nakaupo sa harap ko?

“Hindi ko maalala.” Sabi ko

Ngumiti siya. “Alam kong kinalimutan mo ako hindi dahil gusto mo. Alam ko ang lahat nang naging paghihirap mo noong bata pa tayo. Gusto kong malaman mo na hindi kita sinisisi sa nangyari Cha-Cha. Kung maibabalik man ang nangyari, ganun parin ang gagawin ko. Ayokong mapapahamak ka Cha.”

Naguguluhan ako sa mga sinasabi niya sa akin. Nakakunot noo akong tumingin sa kanya. “Hindi kita maintindihan.” Sabi ko

Nagulat na lang ako ng bigla niya akong yakapin. Hindi ko magawang kumalas dahil panatag ang loob ko sa kanya. Parang kilala ko na siya. Matagal na.

“Gusto kong humingi ng tawad sa lahat ng ginawa ni papa ko sayo at sa daddy mo Cha. Alam kong labis na nasaktan si papa sa nangyari. Pero hindi kita sinisisi. Hindi kailanman. Hindi na mahalagang malaman mo pa ang nangyari.”

Kumalas siya ng yakap at tumayo. Naglahad siya ng kamay at tinanggap ko naman iyon. Nakatayo na kami ngayon. Matangkad siya sa akin. Guwapo rin siya. Ngumiti siya muli sa akin.

“Natutuwa akong makita ka ulit at makausap ka Cha. Hindi pa ito ang oras mo. Maraming naghihintay sa pagbabalik mo. Bumalik kana.”

Nginitian ko siya. “Salamat.”

Lumapit siya sa akin at hinalikan niya ako sa noo. “Ingatan mo lagi ang sarili mo, Lovely. Lagi akong nakabantay para sayo.”

Tumango ako sa kanya. Naglakad na siya paalis. At saka ko lang naalala na hindi ko pa alam ang pangalan niya.

“Teka!” pigil ko sa kanya

Tumigil siya sa paglalakad at humarap sa kin. Medyo nasa malayo na siya.

“Anong pangalan mo?” tanong ko

Ngumiti siya ng ubod ng tamis sa akin at saka ako sinagot sa tanong ko. Oliver.”

Nagpatuloy na sya sa paglalakad habang ako ay tumango ng ulo. “Oli.” Banggit ko bago ako tuluyang mawalan ng malay.

-------

“Oli…”

Unti-unting nagmulat ang mata ko. Nasisilaw ako sa liwanag na tumatama sa mata ko. May naaaninag akong mga tao sa harap ko. Medyo blurred pa ang vision ko.

“Gising na si Lovely!”

“Oh my! Besshieee!”

“Ang anak ko…Lovely!”

“Lovely?! Ako to si Travis!”

Naririnig ko ang mga boses nila. Napangiti ako ng lihim. Thank God at ibinalik niyo ako sa kanila. Thank you Lord for giving me another life.

Tawagin niyo ang doctor! Gising na si Lovely!”

=====

“Bruhaaa ka! Pinag-alala mo kaming lahat!”

Ngumiti ako kay Shelly bago niya ko sinugod ng mahigpit na yakap. “Aw. Be careful, ang sugat ko.” Paalala ko sa kanya

Humiwalay siya agad sakin at nag peace sign. Nakaupo ako sa kama ko habang masayang nakatingin sakin si Mommy, Travis, at Shelly.

“Anak, salamat at hindi mo ako iniwan.” Si mommy

Lumapit sa akin si Mommy na umiiyak kaya napaiyak na rin ako. “Syempre naman My, edi nawalan kayo ng napakagandang anak pag iniwan ko kayo?” pagbibiro ko

Tumawa silang tatlo habang marahang yumakap din sa akin si mommy. Pinunasan ko ang mukha kong nagkalat ang luha.

“Teka, ilang araw akong tulog mommy?” tanong ko kay mommy

Nagtataka kasi ako. Ang payat payat ng katawan ko. Para na akong skinny bones. Eeeew!

“Anong ilang araw? Linggo kamo, bruha! Dalawang linggo kang tulog!” sagot ni Shelly

Tumingin ako ng masama sa kanya. “At kelan ka pa naging si mommy Shelly? Tsss!”

Nagpeace sign siya sa akin.

“Lovely…..”

Tumingin ako kay Travis at saka ngumiti. Teka, na coma rin ba siya? Eh ba’t ang payat din nito?

“Travis?! Anyare sayo? Na-coma ka rin ba?”

Ngumiti siya nang malungkot sa akin. Pumayat kasi siya. Tapos yung mga mata niya, parang pagod na pagod. In short, mukha siyang burn out.

Sasagot na sana si Travis nang manguna na naman tung si Shelly Bomb. -_-

“Panong di magmumukhang bangkay yan? 24/7 yan sa pagbabantay sa yo Lovely Charia! Halos hindi na kumain at matulog yan sa pagbabantay sayo. Ni ayaw na ngang umuwi niyan para maligo—”

“Ang OA mo na Shelly. Tsss!” putol sa kanya ni Travis sa pinagsasabi niya

Namumula ang tenga ni Travis sa hiya. Hahaha! Ibig sabihin, totoo.

Lihim akong napangiti ng mapakla. So….mahal na mahal pala talaga ako ni Travis. Sana lang talaga, natuturuan ang puso.

Nagkukuwentuhan pa kami nila mommy nang biglang may taong hindi ko inaasahan na dumating.

Napatigil kaming apat sa pakikipagkwentuhan at nanahimik. Pumasok siya sa loob at tumingin sa akin. Nagbaba ako ng tingin dahil hanggang ngayon, malaki ang tampo ko sa kanya. Sa daddy ko.

“Lovely? Mabuti naman at nagising kana.” Mababa ang kanyang boses

Hindi ako nag-angat ng tingin sa kanya. Malakas ang kutob kong papagalitan lang naman niya ako at ipagpipilitan na naman sa akin ang letseng fixed marriage na yan!

“Uh…tita, maiwan po muna namin kayo. Lalabas lang po muna kami ni Shelly para bumili ng makakakain.” Paalam ni Travis

Maya-maya pa, narinig ko ang pagsara ng pinto. Hindi parin ako nag-aangat ng tingin. Nanaig ang tensyon sa loob ng kwarto ko. Naging tahimik kaming tatlo. Walang gustong magsalita.

“Bakit ka nandito?”

Nilingon ko si mommy nang maramdaman ko sa boses niya ang galit at tampo kay daddy.

“G-Gusto ko sanang makita ang anak ko, Minda.”

Nakagat ko ang ibabang labi ko sa narinig ko sa daddy ko. For the first time in my effin life, ngayon ko lang narinig sa kanya na tinawag niya akong anak.

“Umalis kana. Nakita mo na siya. Maayos na siya. Hindi ka namin kailangan dito.”

Gustong gusto nang lumabas ng luha ko pero pinipigilan ko lang. Alam ko namang malaki narin ang tampo ni mommy kay daddy dahil madalas na itong walang oras sa amin. Idagdag pa na hindi man lang siya nagpakita nang madisgrasya ako.

“Hindi ako aalis dito Minda dahil nandito ang pamilya ko.” Pinal na sabi ni daddy

Tumingin ako sa kanya. Ang payat din ng daddy ko.Gulo-gulo ang buhok niyang laging nakaayos noon. Mukha din siyang pagod at walang tulog. Ano bang nangyayari?

“At ang lakas naman ng loob mong tawagin kaming pamilya—”

“Minda! Alam ko na ang lahat ng pagkakamali ko. Sa iyo lalong lalo na sa anak ko. Napakalaki ng pagkukulang ko sa inyong dalawa. Patawarin niyo sana ako. Nagsisisi na ako.” Kasabay noon ay ang pagiyak ni daddy

Hindi ko na rin napigilan ang sarili ko at umiyak. Parang lahat ng sama ng loob ko sa daddy ko…nabura simula nang aminin niya lahat ng pagkakamali at pagkukulang niya sa amin.

“D-Dad?” tawag ko sa kanya

Napatigil siya sa pag-iyak at napatingin sa akin. Sinenyasan ko siyang lumapit sa akin na kaagad din naman niyang ginawa. Niyakap ako ni daddy habang umiiyak siya. Tumingin ako kay mommy at nag thumbs up. Umiiyak din siya.

“Patawad anak. Alam kong naging mahigpit at walang kwentang ama ako para sayo. Pero babawi ako anak. Babawi ako sa munti kong prinsesa. Babawi ang daddy.”

Tumango ako ng ulo. Maya-maya lang ay dumalo na rin si mommy sa yakapan naming dalawa ni mommy. Napakasaya. Ang sarap sarap sa pakiramdam ko. Ayos na kami ng pamilya ko.

Isa nalang ang hindi ko pa naaayos…..

--------------------

A/N;

Sunod na ang Epilogue. Salamat sa pagsubaybay sa That Gay I Love. Hintayin niyo ang Epilogue para malaman niyo kung magkakatuluyan pa ang dalawang mag love birds.

See you all sa Epilogue!

'MissAnnlovable

Continue Reading

You'll Also Like

4M 149K 46
Four high school students living in a world of complicated first love, dream and friendship. (year 1996) Note: Original Sound Tracks are available at...
3.5M 141K 46
SIS (Social Issue Series) #1: Objectifying Women Over protectiveness of boyfriends are often romanticized as cute and caring nowadays. To the point t...
1.4M 61.7K 45
Disclaimer: This is a Filipino story |COMPLETED| What will happen if the notorious troublemaker find herself getting manipulated in her own game resu...