CHAPTER 9

4.3K 117 3
                                    

CHAPTER 9

 

Travis’s POV

 

“Kyaaaaaaahh!”

 

“I love you Travis!”

 

“Please be mine!”

 

“I will do everything just to make you happy!”

 

Hay, everyday na papasok ako ganyan lagi ang sasalubong sa akin. Actually, hindi lang sa school, kahit saang lugar, lagi akong pinagkakaguluhan. =___=

Minsan, nakakasawa na din maging gwapo. Lalo na kung hindi naman ako napapansin man lang ng taong pinaka gusto ko. Si Lovely.

Nandito ako ngayon sa loob na ng kotse ko. Naging wild na yung mga fans ko masiyado. Tinodo ko yung aircon dahil sobrang init sa labas kanina. Actually, kanina pa tapos ang klase ko, I just decided to go back to school para sana sunduin si Lovely.

Pero napuntahan ko na yata lahat ng lugar sa school pero kahit ni anino ni Lovely hindi ko nakita. Siguro nakauwi na din yun, kasabay ni Shelly.

Tumingin ako sa front seat kung saan nandun ang isang boquet of pink roses with a bear. Pumunta ako sa nearest mall just to buy this stuff, ibibigay ko sana kay Lovely.

Pero mukhang mababalewala na naman ang effort ko para sa kanya. Buwisit! Kailan ba ko mapapansin ni Lovely?! Nakakabaliw na, nababaliw na ako sa kakaisip sa kanya!

Naisabunot ko ang dalawa kong kamay sa aking buhok at napayuko sa manibela.

Matagal ko na siyang gusto, ni hindi ko nga alam kung pagkagusto pa itong nararamdaman ko sa kanya. Dahil kahit nagmumukha na akong tanga sa kakapapansin sa kanya, tuloy parin ako sa pangungulit na mapansin niya.

Itatapon ko nalang sana yung roses and yung bear ng may nakita ako sa side mirror kong babaeng dadaan.

Pagkatapat niya sa kotse ko, binuksan ko ang window ko at iniabot nalang ito sa kanya.

“Miss, sa iyo na lang ito, I won’t be needing that. Have a great day!”

 

Napansin kong bahagya siyang namula sa ginawa ko. Ang cute niya mag blush. Si Lovely kaya? Kelan ko kaya siya makikitang mag blush ng dahil sa akin?

Isinarado ko na ang bintana at matulin na pinaadar ang kotse ko.

 

 

 

Love’s POV

 

“Bye Bigirl! Sleep well! Tomorrow’s gonna be our first day! Goodmornight!”

That "GAY" I LOVE...(COMPLETED)Where stories live. Discover now