CHAPTER 19

3.4K 90 4
                                    

Chapter 19

Love’s POV

After class, bigla nalang sumulpot sa harap ko si Travis. Nagtilian pa yung mga classmates ko sa pag-aakalang sinusundo ako ng prinsipe nila.

“Ba’t ngayon ka lang? Kainis toh, wala tuloy akong ka-chikahan sa room.” Sabi ko sabay irap sa kanya

Ngumisi siya tapos biglang pumunta sa harap ko. Naglalakad kami kaya naman napatigil ako kasi nakaharang siya sa dadaanan ko.

“Miss mo ko noh?” tanong niya

Umismid muna ako. “Che! Oo naman, nakaka-miss yung kakulitan mo!” sabay tirik ng mata ko

Nagulat ako dahil bigla nalang niya akong niyakap. Darn, ayan na ang mga tao sa paligid, kinukuhaan na kami ng picture!

“U-Uy! Nagkaka eksena na tayo dito!” sabi ko

Kumalas siya sa yakap suot suot ang isang ngiti na abot gilagid. Yung parang nanalo sa lotto ng 1 billion pesos? Ganon po.

Kinuha niya yung hand bag ko na pink at isinukbit niya sa malaki niyang braso. Pati yung envelope na dala ko, kinuha din niya.

“Kagagaling mo lang sa sakit kaya dapat bawal ka magbuhat ng mabibigat.”sabi niya

Ngumuso ako. “Duh! Puro pampaganda laman niyan.” Sabi ko sabay martsa paalis kasi masyado nang marami ang tao sa paligid

Humabol naman sa kin si Travis. Habang naglalakad kami, panay ang ikot ng mata ko. May hinahanap ako eh. Yung baklang mahal ko.

“Bakit ba lingon ka ng lingon dyan? Eh nandito naman ako sa tabi mo. Naghahanap ka pa ng iba.

Ewan ko kung may meaning yung sinabi ni Travis kasi bigla nalang siyang nagging seryoso. Napatigil na naman tuloy kami sa paglalakad.

“Anong drama mo?” nakapamewang kong tanong

“Wala. Let’s go.” Sabay hatak ng kamay ko

Wala na kong nagawa ng hinatak niya ang kamay ko palabas ng campus. Bigo din akong Makita si baklita. Nasan kaya yun? Leshe naman oh, namimiss ko na siya!

Hinatid ako ni Travis sa bahay namin. Doon na rin siya kumain kasi pinilit siya ni mommy. Buti wala si daddy, galit parin ako sa kanya.

Kakatapos ko lang mag shower ng biglang tumunog ang message tone ng cp ko.

1 message received

Baklita:

Sweet niyo naman.

Shit.

Nakita niya kami ni Travis? Oh no!

Halos magkandarapa ako sa kakaisip kung ano ang sasabihin ko. Damn this gay! Nagseselos ba siya?

Me:

Selos ka naman?

Sent.

Humiga ako sa kama at hindi na binitawan pa ang cellphone ko. Nagpagulong gulong ako sa kama dahil mukha akong tangang natataranta sa kakaisip sa kanya. Kung nakita niya kami, bakit niya hinayaan na hawakan ni Travis ang kamay ko? Akala ko ba mahal niya ko? Nananaginip lang ba ko non? Eh bakit di ko siya nakita kanina?

“Aaarrgh!!”

Naisabunot ko ang dalawa kong kamay sa buhok ko. Shit, gulong gulo ako. Bakit ba kasi hindi niya linawin nang hindi ako naguguluhan at….umaasa.

That "GAY" I LOVE...(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon