CHAPTER 20

3.5K 81 2
                                    

Chapter 20

Lovely’s POV

 

“What should I do now Sheeeeely?!!!!!!”

 

 

Binigyan niya lang ako ng isang blanking ekspesyon at tumitig sa akin ng diretso. Nandito kami ngayon sa caf dahil break time. Kanina ko pa napapansin ang pagkawala ni Shelly sa sarili niya.

“What’s the matter Shel? Anong problema?” tanong ko sa kanya at hinawakan ang kamay niya

Binawi niya yung kamay niya sa akin at ngumiti ng mapakla. “Nothing. Im just….not in the mood.”

Nag nod nalang ako sa kanya at saka ipinagpatuloy ang pagkain sa pizza ko. Tinignan ko ulit si Shelly na ngayon at nakatulala naman sa pagkain niyang walang bawas. Ano kayang problema niya? Bakit ayaw niyang sabihin sa akin?

“Away kayo ni Evo?”

 

Nagulat nalang ako dahil biglang tumalim ang tingin niya sa akin at dumilim ang kanyang aura. Para bang may nasabi akong hindi maganda.

“I’ll go ahead. Just follow what your heart says.’’

Tapos dali-dali siyang tumayo at iniwan akong mag-isa dito. Hindi man lang niya sinagot yung tanong ko kung nag away ba sila ni Evo. Alam niyo, for the first effin time, ngayon ko lang nakita na ganyan kawala sa sarili niya si Shelly. I’ve known her as a jolly and crazy friend. Tipong tatawanan at pag tritripan lang ang mga problema na darating sa buhay niya. Pero ngayon iba eh. Alam kong may mali.

 

 

Kinuha ko sa bag ko ang cellphone ko at itinext si Evo. I need to know what the hell is happening to my bestfriend.

After ko i-text si Evo, dumiretso na ako sa next class ko. Hindi pumasok si Travis at balita ko hindi rin pumasok si Jules. Paano na toh ngayon? Hindi naman pwedeng silang dalawa ang puntahan ko at the same time. Ano yun tig-30 minutes lang?

Habang nag didiscuss yung prof namin, sige naman ang pag-iisip ko kung ano na ang gagawin ko mamaya. Tumingin ako sa watch ko at 2:00 pm na. Ibig sabihin, may 1 hour nalang ako para mag decide kung saan at kanino ako tutupad sa usapan.

“Ms. Ariza, please answer question number 1.”

That "GAY" I LOVE...(COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant