CHAPTER 23

3.7K 86 1
                                    

Chapter 23

Lovely’s POV

Nasaan ako? Bakit madilim?

Naglalakad ako papunta sa hindi ko malaman na direksyon. Kanina pa ako lakad ng lakad pero parang walang katapusan ang daang tinatahak ko.

Ano nga bang nanyari at nandito ako sa madilim na daan na ito? Na may diretsong daan at hindi ko matanaw ang hangganan. Anong ginagawa ko dito? Patay na ba ako?

Naaalala ko ang nangyari sa akin. Nabangga ako. Ang huling nakausap ko ay si Shelly. May pupuntahan ako.

Teka…

Si Baklita!

Nako, siguradong malilintikan ako kapag nalaman niya na hindi ako sumipot sa kanya. Papunta na naman ako nun eh. Kaso, nabangga ako. Or should I say, may bumangga sakin?

Oo. Tama kayo. Si Jules ang pinili ko.

Bakit?

Hindi ko rin alam.

Basta, bigla nalang kusang gumalaw ang paa at kamay ko papunta sa direksyon niya. Siguro nga. Dahil gusto kong malaman kung ano ang sasabihin niya.

Ikasaya ko man o ikasakit ng damdamin ko. Alam mo yung pakiramdam na wala ka nang pakialam kung masasaktan ka man? Makita mo lang siya at makausap, bawing bawi kana.

Ewan pero….mukhang tinamaan yata talaga ako ni Baklita. Lakas eh! Ayoko nang maging indenial, lalo lang lumalala.

Si Travis?

Alam kong masasaktan siya sa naging desisyon ko kung natuloy yung pagpunta k okay Baklita. Siguro…..timing din yung pagkakabangga sa akin.

Hindi nila nalaman kung sino ang pinili ko.

Pero alam ko namang darating din ang oras na kailangan ko nang pumili.

At kahit maging tanga at masaktan man ako sa magiging desisyon ko, si Jules parin ang pipiliin ko ng pauli-ulit.

Alam kong hindi ko pa siya lubusang kilala. Masyadong maikli ang panahon para mahalin ko siya ng ganito. Pero….does it really matter?

Basta ang alam ko lang…..sa tuwing kasama ko siya…..napakasaya ko. Nandyan yung puso ko na grabe tumambol. Yung mga paru-paru sa loob ng tyan ko. Yung pakiramdam na buong-buo ako.

Kahit na nasasaktan ako dahil siya ay isang bakla, siya parin talaga. Hindi ko alam kung anong kahihinatnan ng desisyon kong ito at nang pagmamahal ko sa kanya.

Bahala na.

Tumigil ako sa paglalakad at naupo sa kalsada. Bakit kaya hindi ako makarating sa dulo ng daan na ito? Pagod na pagod na ako.

“Hindi pa ito ang oras mo, Lovely.”

Lumingon ako sa pinagmulan ng boses. Sa likod ko, isang lalaking may nakakasilaw na damit na puti ang nagsalita.

“At sino ka naman?” tanong ko

Unti-unti siyang lumapit sa akin. Umupo siya paharap sa akin. Napakaaliwalas ng mukha niya. Nakangiti siya sa akin. Parang kilala ko siya pero hindi ko alam ang pangalan niya.

“Nakalimutan mo na nga ba talaga ako,Cha-cha?”

Natigilan ako. Cha-cha? Alam kong may isang tao lang ang tumatawag sa akin niyan. Sino nga ba siya? Sino ba itong lalaking nakaupo sa harap ko?

That "GAY" I LOVE...(COMPLETED)Where stories live. Discover now