Magical Tale: Pure De Luxe (o...

By simplegorgss

17K 429 45

She's no one to someone, she's no where to be found and she's out of love by all. A girl wants to find hersel... More

Author's Note (Read)
Prologue
Introduction of the 5 castle
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 7.1
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 12 Real
Chapter 13
Chapter 14

Chapter 5.1

762 21 1
By simplegorgss

"Z-zoren?" nagulat ako sa kung sinong humawak sakin, siya lang pala. Bakit mukhang badtrip ata siya sakin. Ang sakit pa ng pagkakahawak niya habang kinakaladkad ako palayo kay  Prinsipe Sky. Nakakabastos tuloy kay Sky ang ginawa niya! 

"Zoren ma..masakit" pinipilit kong alisin ang pagkakahawak niya sa braso ko pero masyado siyang malakas para maalis ko.

"Zoren nakakahiya kay Sky, di pa ako nakakapag paalam at nakakapag pasalamat sakanya." sabi ko sakanya, binitawan naman niya ang braso ko at tumingin sakin ng seryoso. Im dead. bakit parang nagiging red ang mata niya. 

"Z-zoren?" di siya nagsasalita e, nakatingin lang sakin ng seryoso. Napansin kong huminga ng malalim si Zoren at..

"Pagkatapos mo kong iniwanan, makikita lang kitang may kasamang lalaki. Ganyan ka ba kawalang respeto sa sarili mo ha? Umuwi na tayo, nakakawalang gana ka kasama!" sabi niya sakin, napako ang mga paa ko sa pinagtatayuan ko. Ako? Walang respeto sa sarili? Wow ha! Ang kapal ng mukha niya.

"Hoy Zoren Halimao, para sabihin ko sayo, di ako malandi! At may respeto ako sa sarili ko. Kaya ko lang naman kasama si Sky dahil tinulungan niya ako at nilibre ng pagkain. Ang bait nga niya e. Di tulad mong masama ang ugali!" sabay talikod nanaman. Kasi nakakabadtrip na talaga siya. Kung siya lang naman makakasama ko ulit pagkauwi sa bahay, di na ko uuwi dun! Mas gusto ko pang maglibot at mamatay kesa kausapin at makipag bangayan sa Halimao na ito.

"Hoy walk out girl! San ka nanaman pupunta! Pag umalis ka talaga, makikita mo ang hinahanap mo!" napahinto ako sa paglalakad, hindi dahil sa sinabi niya kundi parating si Sky. Omg :'> Nakita ko din ang dalawang maliit na may dalang parang lollipop.

Nang makalapit na si Sky sakin, tinignan niya ang kaliwang braso kung saan ako hinawakan ni Zoren ng mahigpit.

"Masakit ba? Mukhang mahigpit ang pagkakahawak at ganito kapula." sabi niya sakin sabay tumingin kay Zoren at nagsmirked. Ang gwapo niya pag nag i-smirked siya. Ang hot! Waa. Hindi! Tumigil ka Aliyah. Tumingin naman ako kay Zoren pero iniwas ko agad dahil ang sama ng tingin niya sakin, if looks could kill, pinaglalamayan na ako.

"Ah hindi, okay lang ako Prinsipe Sky." sagot ko sakanya. Okay lang talaga ako dahil kaharap kita. 

"Wag mo na ako tawaging prinsipe, Sky nalang!" sabi niya sakin at tumango lang ako, kinikilig ako deep inside tagos buto, pero di ko lang pinapahalata. Buti pa siya concern sakin, di tulad ng halimao na yun. *sabay tingin kay Zoren*

"Aliyah Aliyah Aliyah! Ang sarap neto, tikman mo!" biglang sulpot ni Hada sa harapan naman ni Prinsipe Sky, ay ni Sky pala. 

"Wow mukhang masarap nga! Patikim nga." bago pa ibigay ni Hada ang sinasabi niyang masarap, e inunahan na siya ni Baby Liyah.

"To, to, to, to!" pangungulit niya habang inaabot sakin ang dala niyang pagkain kaya kinuha ko na! Kaya naman si Hada e napasimangot. Minsan ang bait ni Hada, madalas masungit mana sa amo niya. Ay Mali, Walang bahid na kabaitan yung amo niya, puro masungit.

"Osige na nga, akin na iyan Hada, kakainin ko na rin." nakangiting sabi ko kay Hada pero nagtatampo pa rin siya. Maya't maya ngumiti na din. Ang bipolar naman ng maliit na ito. 

"Ang takaw talaga." sabi ng isang singit sa eksena namin ni Sky, Si Zoren, kahit malayo siya narinig ko pa rin e. Mukhang sinadyang lakasan niya at tumalikod sabay sumipol. Ang yabang talaga.

"Oo nga pala, paano kayo nagkakilala ni Zoren?" tanong sakin ni Sky.

"Teka, oo nga din pala, sino ka?" mataray na tanong ni Hada kay Sky. Kaya kinuha ko si Hada at tinakpan ang bibig niya sabay ngumiti kay Sky. Nakakahiya. Prinsipe pa naman!

"Ah hehe. Patawad. Nagkakilala kami ni Zoren dahil inampon ako ng Lolo niya. Ayun kaya pansamantalang nasa bahay nila ako nakatira." paliwanag ko kay Sky at tumango tango lang siya sa sinabi ko.

"tino ka?" isang cute na cute na boses ang nagsalita at si Baby Liyah ko pala yun. Lumipad sa harap ng mukha ni Sky. Kinuha ko rin si Baby Liyah at tinakpan ang bibig niya.

"Patawad ulit. Hehe ang kukulit talaga ng dalawang ito." sabi ko kay sky at ngumiti lang siya. Ohmaygulay talaga. Akala ko puro halimao nalang makikita ko sa mundong ito mayroon pa lang mabait na nga, plus pogi pa! Napatigil ako sa pagde-daydream dahil may humawak nanaman sa braso ko.

"Wala ka bang balak umuwi ha?" biglang sulpot ng isang halimao! Sino pa ba? Edi si Zoren de Halimao.

"Wala ka talagang respeto sa mga babae Zoren." sabi ni Sky kay Zoren. Tama! Ang sungit pa! Pinaglihi sa masamang loob ata to e.

"Di naman ako babaero at pinaglalaruan ang mga babae." proud na sabi ni Zoren kay Sky. Teka nga kung makasalita sila sa isa't isa. Atsaka sinong babaero? Si Sky? Mukhang di naman. Kung makagawa ng storya tong isa. Ang bait kaya ni Sky.

"Magkakilala ba kayo?" tanong ko. 

"Oo/Hindi" ayan ang sabay nilang sagot, Oo si Sky, Hindi si Zoren.

"Hoy walk out girl, umuwi na tayo." sabi niya sakin ni Halimao. Tinapunan ko naman siya ng masamang tingin at sabay tingin kay Sky na nakangiti na.

"Sky sige, mauuna na kami. Ingat. Salamat nga pala." tumango lang siya sa sinabi ko, pagkatapos nun hinila na ako ni Zoren. 

Nang medyo nakakalayo na kami kay Sky at inalis ko na ang pagkakahawak niya sa braso ko, pinakawalan ko na rin ang dalawang makukulit at huminga pa sila na parang tinorture ko sila Grabe. pero ang sakit talaga ng braso ko e! Leche siya! 

Tuloy tuloy naman siya sa paglalakad niya na parang wala siyang kasama. Hindi ba niya gagamitin ang super power niyang makapunta sa isang lugar para mapabilis ang paguwi namin? Hays. Pinapahirapan talaga ako ng lalaking ito. Wala pa nga ito e, baka bukas o mamaya may ipapagawa siya sakin.

"Huy Zoren" Tawag ko sakanya. Si Hada at Liyah ay nagpapahinga sa ulo ni Zoren, mukhang napagod sa paglalaboy nilang dalawa kanina. Mabuti naman at nagkakasundo na sila. 

"Zoren" tawag ko ulit sakanya pero mukhang walang balak ako pansinin dahil hindi siya humaharap sakin. Hmp

"ZOREEEN" Medyo nilakasan ko na boses kaya napahinto siya. Lumingon naman siya sakin na nakasimangot.

"Paano kayo nagkakilala ni Sky?" sa tanong kong iyon, mas lalo siyang napasimangot. Ano bang meron sakanila ni Sky at magkagalit sila? Bitter? Mag-ex ba sila? Ha-ha.

"Wala kana dun." sabay lakad niya ulit. Ang sungit talaga!!!!!!!!!!!

Pero dahil makulit ako, kukulitin ko siya.

"Zoren Zoren Zoren bakit nga?"

"Zoren, Uy"

"Zor zor zore ren ren ren"

"HALIMAO!" 

Nagulat ako ng bigla siyang magsimula magkwento, mukhang epektib ang pangungulit ko sakanya. O rindi rindi na siyang marinig ang boses ko kaya nagsalita na siya para tumigil ako. Hmp.

"Mag ka klase kami ni Sky sa Magical Academy. Doon tinuturuan kang paano gamitin ng maayos ang kapangyarihan mo. Doon may matutunan kang bagong teknik o kapangyarihan. Maaaring madagdagan ang kapangyarihan mo kung ikaw ay nag wagi sa laban nyo ng isang madrina na may kapangyarihang gusto mong makuha." habang nagke-kwento siya, iniimagine ko mga sinasabi niya. Para mas lalo kong maintindihan diba? Nakakamangha talaga dito. Sana ako din makapag aral dun para may makuha akong kapangyarihan pero malabo dahil isa lamang akong MORTAL. 

"Kaya kami may galit sa isa't isa ni Sky. Mali, kaya siya ay may galit sakin dahil alam naman ng lahat na mas gwapo ako, mas magaling at mas matalino kesa sakanya. Nakikipag kumpetensyahan siya sakin sa lahat ng bagay pero di niya ako magawang talunin dahil weak siya.... katulad mo" sabay tawa pa niya. Yung tawang pang mayabang.

"Tss yabang. Atleast mabait si Sky, di tulad mo halimao na nga itsura mo, halimao pa ugali mo." nanahimik naman siya sa sinabi ko.

"Di mo ko kilala kaya wala kang karapatan sabihin sakin iyan." sabi pa niya at nauna nang pumasok sa may hardin ng mansyon ni Lolo, andito na pala kami sa bahay. Di ko napansin dahil sa kwento ni Zoren.

Mukhang di ata maganda yung sinabi ko kay Zoren, pero totoo naman dahil lagi niya akong pinagsusungitan. Lagi siyang nakasimangot sakin kapag kinakausap ko siya kung di naka simangot, nakapoker face naman! 

Pero di ko naman pagkakailang gwapo siya. 

Zoren's Pov

Naiinis ako kaya inunahan ko na siyang pumasok sa bahay, di ko alam bakit ganun nalang kung makapuri ang babaeng un kay Sky. Palibhasa di niya kilala ng lubusan si Sky. Bahala siya. Pakialam ko ba sakanya. Buhay niya yun.

Pumasok ako sa kwarto ko para magpahinga. Si baby liyah naman ay nasa kwarto ni Aliyah, nilapag ko sa kama dahil tulog. Teka, anong tinawag ko? Baby Liyah? Ugh hindi! Dun sa maliit na pangit na yun na mana sa amo niya, yun ayun pala dapat. 

"hmm" habang nakahiga ako sa kama may naisip akong pagpapahirap kay Aliyah. Tama! Papahirapan ko siya habang wala pa si Lolo. Subukan niya lang magsumbong! Patay siya sakin. 

Lumabas ako ng kwarto at hinanap si Aliyah. Pagkatingin ko sa sofa andun siya, nakatulala na nakangiti, mukhang kinikilig. Psh. Dahil ba kay Sky kaya siya ganyan? Aba! 

Tignan natin kung makangiti pa to sa papagawa ko.

"Hoy weak ugly monkey." tawag ko sakanya, bigla namang nawala sa mukha niya ang ngiti niya. Tumingin siya sakin ng masama.

"Ano nanaman!?" yan ganyan lang, natutuwa ako kapag nagsusungit ka sakin. Mas nakakatuwa ang itsura niya kapag nagagalit, lumalaki ang ilong.

"Linisan mo ang limang kwarto sa pangalawang palapag! Ngayon din!" utos ko. Haha. Nakakatuwa ang reaksyon niya parang sasabog na sa inis. Wala naman siyang ibang magawa kundi sundin ako dahil may utang na loob siya sakin.

"LIMA? Limang kwarto?! Okay ka lang ba? Bakit naman lima? Ang dami nun?!" sunod sunod na tanong niya sakin. Ewan ko ba, bakit kwarto ang naisip ko. E malinis naman yun dahil wala namang gumagamit. Bahala siya, linisan niya nalang kahit walang dumi. Ha-ha.

"Bingi ka ba? Bilisan mo. Naiinip ako." pang aasar ko lalo sakanya. 

"Grrrrrr!!!!!" padabog na umakyat siya sa pangalawang palapag. Natutuwa ako kapag nagagalit siya. Ewan ko ba! Ngayon lang ako natuwa ng ganito sa babae. Siguro dati wala lang akong mapag libangan at ngayong dumating siya sa bahay siya ang ginawa kong libangan, naeexcite nga ako minsan gumising e para asarin lang siya. 

Aliyah's Pov

Mukhang ito na nga ang pagpapahirap na sinasabi niya sakin. Sa lahat ng pwedeng iutos sakin bakit ito pa? Ang linisan ang buong limang kwarto sa pangalawang palapag. Anong trip niya? Tss. Pagpapahirap nga Aliyah e, ano gusto mo? Relax lang. Psh. Kahit na sobra pa rin iyon.

Padabog na umakyat ako sa hagdan at pumasok na sa isang kwarto. Nagulat pa ako ng binuksan ko ang pinto. Oo nga, sobrang pangit... sobrang pangit talaga ng ugali niya, bakit niya naisipang ipalinis ang kwartong ito na malinis naman!? ANO BANG TRIP NIYA! AHHH!

"Zoreeeeeeen!!!!! Arggghhh!!!!" 

--

A/N: Update again. May nagbabasa pala ng walang kwentang story na ito. Haha <3 Thank you guys! Mukhang wala ng pag asang mag kaayos ang dalawang ito. Kung mag-away parang aso't pusa. 

Sana magustuhan nyo po ito. :) Pakibasa po ang Lover's Revenge, im sure magugustuhan nyo ang kwentong iyon. Maniwala kayo sakin : )

VOTE * COMMENT * BE a FAN

-simplygorgss

Continue Reading

You'll Also Like

172K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...