That "GAY" I LOVE...(COMPLETE...

By MissAnnlovable

119K 3.1K 85

They say that you will always find love at the most unexpected PERSON. Well I guess, that's right. ('_ _) Hi... More

CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8.1
CHAPTER 8.2
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
Chapter 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 23
FINAL CHAPTER

CHAPTER 22

3.5K 82 0
By MissAnnlovable

Chapter 22

Shelly’s POV

 

“Kamusta na siya Shel? Hindi parin ba siya nagigising magmula kanina?”

 

 

Umiling ako sa tanong ni Wessley, ang pinsan ni Lovely. Kasama niya yung magandang asawa niya at cute na anak niya.

“Give Tita Lovely a kiss on her cheeks Wen-Wen.” Utos ng asawa ni Wessley sa cute na anak nila

Dahan-dahang lumapit ang bata kay Lovely at hinalikan ito sa pisngi. Pero ganoon parin, walang reaksyon galling kay Lovely. Tulog parin siya. Maputla at puno ng bandage sa katawan.

 

Tumingin ako kay Lovely at nagsalita. “Hey, Lovely. Nandito ang Kuya Wess mo at asawa niya kasama ang cute mong pamangkin. Hindi ka parin ba gigising dyan? Sapakin na kita eh. Nag-aalala na kaming lahat sayo.” Sabi ko

Pero katulad kanina, wala parin. Naluluha na naman tuloy ako. It’s been 3 fucking days pero hindi parin siya nagigising.  Ayokong mawalan ng pag-asa. Alam kong gigising ang bestfriend ko. Marami pa siyang pangarap.

Nagkwentuhan kami ng pamilya ni Wessley at maya-maya lang ay umalis na sila. Ako lagi ang bantay ni Lovely dito. Si Tita tuwing gabi ang bantay kay Lovely. Marami ring bumibisita kay Lovely na mga ka schoolmate namin at iba pa naming kaibigan. Simula nang macoma si Lovely, hindi parin bumibisita ang daddy niya.

 

“Babaita! Ano ba? Masyado mo nang kina-career ang pagiging Sleeping beauty ah? Aba’y baka hinihintay mong halikan ka pa ng prinsipeng baklita mo bago ka dumilat dyan? Nako wag ka nang umasa. Hindi ka man lang nga binibisita eh.”

 

 

Totoo. Laging si Travis ang nandito na laging may bitbit na flower. Ni anino ng baklitang mahal nito? Hindi ko man lang nakita. Kahit si Evo. Siguro nga wala talaga silang pakialam sa min. Na para sa kanila, isang laro lang ang lahat ng ito.

“Gumising kana Lovely, please. Miss na miss ko na ang bestfriend ko.” At tuluyan na naman akong naluha

----

Mga ala-singko ng hapon dumating si Tita Mindy (mommy ni Lovely). Napagpasyahan kong lumabas muna para bumili ng makakain dyan lang sa kalapit na convenience store ng hospital.

Pagkalabas ko ng kuwarto ni Lovely, napansin ko ang isang nurse na kakalabas lang galling sa katabing kwarto ni Lovely. Napakunot noo ako. Last time kasi, vacant pa yung room na yan, occupied na pala ngayon.

Lalagpas na sana ako nang mapansin kong naka awang ng kaonti ang pintuan ng katabing kuwarto ni Lovely. Hindi ko alam pero parang may nag-uudyok sa akin na silipin ang pasyente na nasa loob ng kuwarto.

Hawak ko na ang seradura ng pintuan. Kinakabahan ako sa di ko malaman na kadahilanan. Weird. Binuksan ko ng kaunti ang pintuan para sumilip.

“Excuse me, may kailangan ka?”

 

 

Halos lumabas ang puso ko dahil sa gulat. Nyeta naman oh! Napabitiw ako sa seradura ng pintuan at napatakbo ako ng mabilis dahil sa gulat nang isang babaeng maputla ang kumalabit sakin mula sa likuran ko.

Hindi na ako nag atubili pang lingunin ito basta kumaripas nalang ako ng takbo. Nakalabas agad ako ng hospital. Huminto na ko sa pagtakbo dahil baka isipin nang iba na masyado kong OA dahil tumatakbo takbo pa ko eh isang hospital yun.

Naglalakad na ako papuntang convenience store pero hindi parin maialis sa isip ko ang kagustuhan na makita ang pasyente na nasa loob ng kwartong iyon. Kanina nung sumilip ako, alam kong lalaki ang nandoon. Bakit?

Dahil pamilyar sa akin yung pabango ng taong nasa loob nun.

 

 

========

 

Third Person POV

 

“Anong masasabi mo Mr. Ariza? Mamamatay na ang anak mo! Magiging patas na rin tayo!”

 

 

Tumalim ang tingin ni Mr. Ariza sa lalaking nakaharap ngayon sa kanya. Mistula itong wala sa sarili sa paraan ng pagngisi nito sa kanya.

“She can’t die. My daughter is stronger than your weak son.” Pinal na sabi ni Mr. Ariza

Nanlisik ang mata ng kausap niyang lalaki kasabay ng pagpapakawala ng isang suntok sa mukha ni Mr. Ariza. Tumama iyon sa pisngi ni Mr. Ariza.

“Anong sabi mo?! Hindi mahina ang anak ko! Nang dahil dyan sa buwisit mong anak kung kaya’t namatay ang anak ko!” nanggigil na sinabi ng lalaki sa kanya

Umiling si Mr. Ariza. “Aksidente ang nangyari, Allan. Walang kasalanan ang anak ko sa pagkamatay ng anak mo. Hindi mo lang matanggap ang pangyayari kaya naghahanap ka ng mapagbibintangan sa pagkawala niya!”sigaw niya sa lalaking kausap niya

Para namang baliw ang lalaking kausap niya ng biglang lumungkot ang mukha nito at magsimulang umiyak ng malakas. “Hindi! Hindi aksidente iyon! Sinadya ng buwisit mong anak ang lahat! Kung hindi tatanga tanga ang anak mo para pumunta sa napakalalim na parte ng dagat, hindi siya susundan ni Oliver para iligtas!”

 

 

 

Tumalim ang tingin ni Mr. Ariza kay Allan. Hindi niya akalaing ang pinakamatalik niyang kaibigan noon, ang magpapahamak sa anak niya. Ito ang totoong dahilan kung kaya’t sinadya niyang ilayo ang loob niya sa anak na si Lovely. Mahal niya ang anak niya. Mahal na mahal. Ito lang ang nag-iisang anak nila ni Mindy (ang nanay ni Lovely).

Simula nang nangyari ang aksidenteng iyon, maraming pagbabago ang nangyari sa anak niya, kay Lovely. Dahil paulit-ulit na sumusugod si Allan noon sa bahay nila para sisihin ang anak niya sa nangyari, labis na dinamdam ni Lovely ang pangyayari. Hindi ito kumakain at naging mailap sa lahat ng tao. Nagkaron din ito ng phobia sa tubig dahil sa nangyari. Araw-araw ding sinisisi ng paslit na si Lovely ang kanyang sarili dahil sa nangyari.

Naawa siya sa anak niya dahil sa murang edad, dinaranas nito ang isang pagsisisi na hindi naman niya kailangan isisi sa sarili niya dahil aksidente ang lahat ng nangyari. Kung kaya’t ginawa nilang lahat ng asawa niya para makalimutan ni Lovely ang madilim na pangyayaring iyon sa memorya niya. Nagawa naman nila iyon. Sa pamamagitan ng mga niresetang gamot ng doctor na pampalimot.

Nang mabura na sa memorya ni Lovely ang pangyayaring iyon, sinimulan na rin niyang idistansya ang sarili sa anak niya. Masakit para sa kanya na isipin ni Lovely na hindi niya ito mahal. Pero ito lang ang nakikita niyang dahilan para parusahan ang sarili sa hindi magandang ala-alang idinulot noon kay Lovely.

“Kung matibay ang anak mo, gagawin ko parin ang lahat para mamatay siya! Lahat-lahat, Kier! Simula nang namatay ang anak ko, nang dahil sa peste mong anak, tinuring ko nang mortal na kaaway ang pamilya mo!”

 

 

Malungkot na ngumiti si Mr. Kier Ariza kay Allan Moses Delgado sa narinig niya. Alam niyang gusto niyang maranasan kung gaano kasakit mawalan ng anak, at hindi niya hahayaang mawala ang kaisa-isang anak niya.

“Aksidente ang lahat Allan. Walang may gustong mangyari ang lahat. Nalunod ang anak ko at sinagip siya ng anak mo. Sa kasamaang palad, pinulikat ang anak mo at tuluyan na siyang hindi nasagip. Siguro hanggang doon nalang talaga ang buhay ng—”

 

 

“Hindiii! Pinatay niyo siya! Pinatay ni Lovely ang anak kong si Oliver!”

 

 

Muli na namang sinapak ni Mr. Delgado ang kawawang si Mr. Ariza. Ito ang dahilan kung bakit hindi siya nakakadalaw sa anak niya sa hospital; dahil kinidnap siya ni Mr. Delgado. Ang buong akala ng asawa niya ay nasa ibang bansa siya at nakikipag business meeting sa kliyente nila.

“Papatayin na rin kita Kier. Kayo ng buong pamilya mo. Wala man lang nakapansin sa pagkawala mo? Nakakaawa ka naman. Wag kang mag-alala, isusunod ko agad ang asawa at anak mo. Para naman hindi ka maging malungkot sa imyerno!” at isang suntok muli ang pinakawalan ni Mr. Delgado

Hindi makapanlaban si Mr. Ariza dahil siya ay nakatali. Wala na ring pag-asa pa na makatakas siya dahil sa dami ng tauhan ni Mr. Delgado. Nalulungkot siya dahil hindi na siya mabibigyan ng pagkakataon na makasama ang anak niya at bumawi sa lahat ng pagkukulang niya.

“Nabulag kana ng galit mo Allan. Sige, kung ikakasaya mo ang pagkawala ko, patayin mo na ako. Huwag na huwag lang ang anak at asawa ko!”

 

 

Kumuha ng baril si Allan sa isa sa mga tauhan niya. Ikinasa niya iyon at itinutok ang nguso ng baril sa noo ni Kier. “Mauuna ka lang sa kanila Kier. Susunod din sila.”

 

 

Pumikit si Mr. Ariza. Ipinapanalangin niya sa Itaas na patawarin siya sa lahat ng pagkukulang niya sa kaisa-isang anak niya. Kung maibabalik lang sana ang lahat.

“Paalam, dati kong kaibigan.”

 

 

Hinihintay niya na ang pagtunog at pagsabog ng bungo niya nang may marinig siyang malakas na pagsabog mula sa labas ng lumang gusali na ito.

 

“Stop pointing your gun to the father of the girl I love.”

 

 

 

Napadilat ng mata si Mr. Ariza at laking gulat niya nang makita ang lalaking laging kasama ng anak niya. Alam niya lahat. Mayroon siyang tauhan na nagbabantay kay Lovely. Nasabi nga ng tauhan niya na ito daw ang lalaking laging kasama ng anak ko.

“Oh? Mr. Jules Chastene Quarez? Why the sudden change of heart? Akala ko ba’y may pustahan pa tayong dapat tapusin? Na kapag tuluyang nahulog sayo ang anak nito, hindi mo na babayaran pa ang laki ng pagkakautang mo sa kin?!”

 

 

Nagulat si Mr. Ariza sa narinig. Lumakad si Jules papunta sa kanila. Seryosong-seryoso ito habang may hawak ding baril. “That was before. Noong gago at uto-uto pa ako. Mahal ko na si Lovely. Mahal na mahal. Siya ang nagparealize sa akin na may silbi pa ko dito sa mundo. At iyon ay ang alagaan at mahalin siya. Tapos sinaktan mo siyang hayop ka!

 

 

Ngumisi si Mr. Delgado sa narinig. Hinarap niya si Jules. “Bakit? Dahil sa maganda ang anak ng ungas na to? Mamamatay siya Jules. Wala ka nang magagawa pa dun.”

 

 

 

Nag-init ang dugo ng binata kung kaya’t sumugod siya kay Mr. Delgado at sinapak niya agad ito. Natumba ang matanda. “That’s for Evo! Para sa ginawa nang mga tang among tauhan na barilin siya!”

 

 

Tumayo si Jules at kinalagan si Mr. Ariza. “I owe you an explanation, sir.” Magalang niyang sinabi kay Mr. Ariza

Tinignan siya ng seryoso ni Mr. Ariza. “Maraming explanation ang kailangan ko young man.”

 

 

Tumango si Jules. Itinuro niya ang daan palabas. “Alam kong gusto mong linisin ang lahat ng kalokohang ginawa mo bago mo harapin ang anak ko. Tama yan.”

 

 

Lalabas na sana mula sa pintuan si Mr. Ariza nang magpaputok ng bala si Mr. Delgado. Patay na lahat ng tauhan ni Mr. Delgado sa loob ng kwarto na iyon.

“At saan ka pupunta? Hindi kana makakalabas pa ng buhay dito!” at muling nagpaputok ng bala si Allan sa kanila

Yumuko si Kier at Jules dahil sa sunod-sunod na pagpapakawala ng bala ni Allan. Mistula na itong wala sa sarili.

Tumayo si Jules at nakipag-agawan ng baril kay Allan. Pasimpleng lumabas na ng pintuan si Kier para saklolohan ang binata.

“Pakialamero! Kung alam ko lang na ikaw ang sisira sa plano ko, matagal na kitang pinatay!”

 

 

Nag-aagawan pa rin sila ng baril. “Hindi ko hahayaan na patayin mo si Lovely!” sigaw ni Jules

*bang*

 

 

Bumagsak sa sahig si Jules habang malaki ang ngisi ni Allan sa labi.

*bang*

 

 

Tuluyan na ding bumagsak si Allan. Tumingin siya sa bumaril sa kanya at si Kier iyon. Bumalik para tulungan si Jules.

“Patawarin mo ako Allan. Pero ito lang ang tuluyang makakapagpatahamik sa iyo. Nawa’y makita mo na ang anak mo sa kabilang buhay.”

 

 

Nakadilat ang mata ni Allan ng bawian ito ng buhay. Kaagad namang binitawan ni Kier ang baril at nilapitan ang may tamang si Jules.

Inakay niya ito palabas ng gusali. Maya-maya lang din ay dumating na ang mga pulis para saklolohan sila.

-----

Shelly’s POV

 

“Shelly! Si Lovely!”

 

Napabalikwas ako nang marinig ang natatarantang sigaw ni Tita. Umayos ako ng upo at tumingin kay Lovely. Pero tulog parin naman siya.

“Shelly! Naigagalaw na ni Lovely ang index finger niya! Oh my God! Salamat po! Salamat po at may reaksyon na si Lovely!” lubos na ikinatutuwa ni Tita

Sumilay din ang ngiti sa akin. Isang relief na ngiti. Atleast ngayon, alam naming lumalaban si Lovely. Sabi ko sa inyo eh, hindi niya ugaling mang-iwan.

 

 

“Oh my gosh Beshiee! Finally, naigagalaw mo na rin ang daliri mo. Naririnig mo ba ako? Lumaban ka Loves ha? Marami kaming naghihintay sa pag-gising mo. Pagaling kana Loves plssss. Miss na miss na kita eh.” Tumulo ulit ang luha ko

Gumalaw ulit ang index finger niya. Tumingin ako sa mukha niya pero payapa pa rin itong natutulog. Alam kong naririnig niya ako. Lumapit ako sa kanya at kiniss siya sa pisngi siya.

“Salamat Lovely, hindi mo kami iniwan.”

 

 

==========

A/N:

Pag-iisapan ko pa kung ito na ang last chapter or may isa pa ulit bago mag Epilogue. I just badly want to end this story. Short story lang naman talaga to. Okay lang sa mga nadisappoint about ending this so soon. Just understand me , okay? :)

'MissAnnlovable

 

 

 

 

 

Continue Reading

You'll Also Like

133K 4.2K 34
Mahal ko siya . Kahit na mas babae pa siya kaysa sa akin.
205K 8.7K 90
Does he really feel complete?
134K 381 5
"Kailangan ba talaga ang sex sa isang relationship?"