That Elementary Jerk! (Jerk S...

By billysmile13

2.6M 17.3K 1.4K

Ang lalakeng makaasta sa kanya na ginawang Physics ang buhay niya, just like her favorite subject itself. Sky... More

Prologue
Chapter 1: Mr. Peeler
Chapter 2: Time Waster
Chapter 3: His Fault
Chapter 4: Guilty
Chapter 5: Ms. Romantic Potato
Chapter 6: Mag-aaral daw?
Chapter 7: Positive Negative
Chapter 8: Lobo
Chapter 9: Acquaintance
Chapter 10: Mature Elementary
Chapter 11: F na F
Chapter 12: That Girl Part 1
Chapter 12: That Girl Part 2
Chapter 13: Gentleman
Chapter 14: Mr Peeler's Real World
Chapter 15: Peeler-Potato Syndrome
Chapter 16: Uniting Soul
Chapter 17: I Love You Negative!
Chapter 18: Playing Safe
Chapter 19: The Switch
Chapter 20: Clone
Chapter 21: Kuya Prince
Chapter 22: Careless Goofy (naCG)
Chapter 23: I Love You Positive?
Chapter 24: Chasing Goofy (naCG2)
Chapter 25: Unmutual Feelings
Chapter 26: Syncing Syndrome
Chapter 27: Hopeless
Chapter 28: Study + Hang Out
Special Chapter (with EXO)
Chapter 29: Option
Chapter 30: Dying
Chapter 31: Stick up Part 1
Chapter 31: Stick up Part 2
Chapter 32: Hot
Chapter 33: Comparison
Chapter 34: Physics Phyllis
Chapter 35: Opposite Repelling
'Epic'logue
Chapter 36: Test Him
Chapter 37: Child Way
Chapter 38: Authentic 'Peel'is Jerk!
Chapter 39: Power Rangers Tale
Chapter 40: Peelist Phyllis!
Chapter 41: Rings
Chapter 42: Gentleness or Choices?
Chapter 43: Attached
Chapter 44: Reaction Paper
Chapter 45: Phyllis?
Chapter 46: Bothered
Chapter 47: Testing Failed
Chapter 48: Hatred
Chapter 49: Troublemaker
Chapter 50: April Fools
Chapter 51: Deceiving
Chapter 52: Tell Me Why
Chapter 53: Skyllis
Chapter 54: Fiction Jerk!
Chapter 55: Kilay!
Chapter 56: Expectation Vs. Reality
Chapter 57: The Marriage
The Jerkiest Ending (Epilogue)
'Peeler'ngeorong Mensahe + Prequel (Before Story) + New Update 1/13/2016
Facts/ Trivia about TEJ
Title Alternative Survey
That Elementary Jerk's Group
That Elementary Jerk Self-Publish Book

Chapter 58: Faking It! (Edited 12/5/2014)

20.7K 97 5
By billysmile13

Quick note: As of 12/5/14, mejo may pinalitan ako dito due to realization na nonsense pala ang pagkaflow nito. Dahil pinlano kong lagyan ng sequel ito dati kaya tinanggal ko ang revelation dito dati. Now, nilagay ko na with all touch of editing it.

---

Umuwi ako ng bahay na basang basa ako ng ulan. Hindi ko alam pero mas naging dramatic yung journey ko papuntang bahay namin. Hindi ko naman ginusto mangyari 'to. Pero bakit nagiging madrama na ang buhay ko. At hindi naman talaga ako basang basa ng ulan e. Imagination rain lang yung kapag malungkot ang isang anime character.

Pagkapasok ko sa pintuan ay nakita ko naman agad si mama sa harapan ko na bigla naman akong tiningnan ng parang may nagawa akong kasalanan sakanya. Nagpeke pekean na lamang ako ng ngiti sakanya para hindi niya mahalata na malungkot talaga ako.

"Anak may hindi kaba sinasabi sakin?" Nang marinig ko naman ang tanong na yan mula sa bibig niya ay bigla naman akong nakaramdam ng kaba sa dibdib ko. "Sabihin mo na sakin lahat. Hindi ako magagalit." Napayuko na lamang ako sa narinig ko mula sa kanya kaya napagdesisyunan ko nalang na sabihin na sakanya lahat. Total wala na rin naman e.

"Ma, tungkol yun kay Phyllis. Oo nagsinungaling ako. Hindi na ako scholar at wala na akong trabaho sa Sparluke. Hindi na ako kumukuha ng pera sa gobyerno dahil hindi ko na kaya Ma!" Napayakap nalang ako bigla sa minamahal kong ina at hinimas himas niya ang buhok ko habang kayakap ko siya.

"Naiintindihan ko na nahirapan ka. Sinabi na sakin lahat ni Phyllis ang lahat ng 'yun. Ang ayoko lang ay ang umiiyak ka." Bigla ko namang pinunasan yung luha ko nung pagkayakap ko kay mama. Ayaw niya nga ako na malungkot ako. "Pero Ma, bakit kanina parang galit ka samin ni Phyllis?" Tanong ko naman sakanya.

"Kasi ayoko siyang pumapasok nalang siya sa kwarto natin. Babae ka Skype. Pero alam ko na ang lahat lahat ng sainyong dalawa. Sinabi niya sakin lahat nung umalis kayo ng babae kanina. Ako nga nagsabi sakanya na sundan ka niya." Mas lalo pa akong napayakap kay mama sa narinig ko mula sa kanya. Naiintindihan niya ko. Ang sarap sobra sa pakiramdam na yung magulang mo ay pinagkakatiwalaan ka.

"Alam mo naman pala Ma e! Bakit mo pa 'ko pinagsalita kanina! Pinakaba mo naman ako e!"

"Tinatakot lang kita! Mabuti pa't matulog kana dun sa taas."

"Sige po!"

Umakyat naman ako sa taas na punung puno padin ng lungkot ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam kung bakit ko ginawa yung kanina! Pero atleast alam ko na. Alam ko na yung lugar ko sa buhay ni Phyllis. Hindi ko na kailangan mamakelam pa.

Pagkapasok ko sa kwarto ko ay may nakita akong dalawang regalo sa kama. Ito yung nakita kong hawak ni Phyllis kanina na tinatago niya ah?

Hinawakan ko naman ang regalong nakabalot sa gift wrapper. Nakabox din ito kaya inalong alog ko ito kung ano ang nasa loob nito. Pero sa sobrang pagkaalog ko nito ay may nalaglag na isang pirasong patatas sa sahig. Naintriga ako lalo kaya naman binuksan ko ang regalong nilapag ni Phyllis kanina dito sa kama. Pagkabukas ko nito ay napahawak naman ako sa mga patatas na nakalagay sa kahon. Marami rami rin dito at may note naman ito sa loob na nakagusot na.

I'm gonna love you only 365! Hindi sa one year lang kita mamahalin pero 365 represents 'The Loving Skype'.

Napangiti naman ako na nakaluha ng konti sa nabasa ko. Hindi ko alam kung tears of Joy ba 'to pero masyado akong natuwa sa nabasa ko. Kumuha pa ako ng panibagong note sa kahon na hawak ko ngayon na kasama ang mga patatas.

Kainin mo 'to ng nilalaga muna ah? Baka kasi mas lalong tumigas ang pagmamahal mo sakin kapag kinain mo 'tong bato na bato.

Ito ka o? Patatas! Hehe! Ganyan ka katigas nung ayaw mong umamin na may gusto ka sakin.

Buksan mo na yung kabilang regalo.

Sinunod ko naman ang sunod sunod kong nabasa sa note sa regalong binuksan ko na puno ng patatas kaya naman kinuha ko ang isa pang regalo na nasa tabi ko. Hindi ko na inalog pa ito kaya naman dali dali ko itong binuksan. Pagkabukas ko ng box ay may box nanaman na nakabalot ng wrapper. pero may nakadikit naman na note dito.

Magagamit mo 'to pang habang buhay at magugustuhan mo ito.

Dali dali ko namang binuksan ang box na maliit na yun nang bigla namang tumambad sakin ang Peeler. May note pang nakalagay na...

Sabi ko sayo magagamit mo 'ko habang buhay e. Tara let's get use our babies! Our little Peeler and Potatoes.

Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko pero parang nanghihinayang ako na hindi ko siya pinaglaban kanina. Hindi ko man lang siya pinakinggan kanina.

Itinabi ko naman ang mga regalong binuksan ko na galing kay Phyllis at lumabas muli ng kwarto. Pumunta ako sa kwarto niya pero nakita kong wala nang laman ito. Blankong blanko na at wala nang ni kahit anong bakas sa katauhan niya dito. Hindi ako alam kung bakit ganito. Nakakapangsisi sa sarili ko na hindi ko siya pinagbigyan. Hindi ko manlang naisip na that time ay sincere na siya sa mga sinasabi niya. Hindi ko magawang magisip ng matino nung oras na yun!

---

Kinabukasan, nagising nalang ako na nakatulog dito sa kwarto ni Phyllis. Hindi ko namalayang dito ko nakita yung sarili ko kakaisip sakanya. Masyado naba akong miserable para isipin yung nangyari kagabi? Ang drama nanaman ng atmosphere ko.

Pumunta naman ako sa kwarto ko nang makita kong tamang tama na tumutunog ang cellphone ko. Nakita kong si Jeff ang tumatawag sakin kaya naman nasagot ko agad ito.

"Hello?"

"Skype puntahan ka namin diyan ah? May pupuntahan tayo."

Hindi na ako sumagot pa at nagbigay nalang ako ng sign na pumapayag ako sa gusto nila. Hindi ko alam kung ano ang pakay nila sakin pero hindi naman ata nila ako ipapahamak. SIla lang naman 'tong nagcacare sakin talaga e. 

Nang puntahan ako ni Jeff at CG dito ay pinagsuot nila ako ng dress at umalis na rin agad. Hindi ko talaga alam kung anong pakay ang gagawin nila sakin pero bigla akong kinabahan. Parang may clue na kasi ako kung anong gagawin namin e. Pinagdress nila ako at wala akong kaalam alam sa nangyayari ngayon.

Nasa taxi kami ngayon kasama ko ang dalawa, nagbabakasakali na maisagot nila ang mga ginagawa nila sakin kaya naman tanong ako ng tanong sakanila. Ayaw nila akong sagutin. Mukha na akong baliw dito na tanong ng tanong sakanila pero hindi nila ako sinasagot. Mistulang naiingayan na sakin ang taxi driver dito pero sila parang mga bingi, nagkukunwaring walang naririnig mula saakin.

Nang makababa na kami ng taxi ay pumasok kami sa isang hotel na kung saan ay parang may event. Hindi ko lubusang makita kung ano ang nangyayari dito sa loob kaya naman sinundan ko nalang si CG at Jeff para malaman kung ano talaga ang pakay namin dito. Pumasok kami sa isang lugar kung saan marami ang tao at nakita ko ang sign na 'Quinn-Rocke Wedding'.

Tama nga ang hinala ko. Pinapamukha ba sakin ng mga kasama ko ang realidad ng buhay? Hindi na ako umimik pa kaya sinakyan ko nalang ang trip ng dalawang 'to.

"Skype. Nakita mo naman kung nasa'n tayo. Ayos ka lang ba?" Tumango na lamang ako sa kanilang dalawa at pumasok sa loob. Pagkapasok namin sa loob ng reception ay hindi ko mapigilang hindi umiyak.

Naglakad kami papasok ng reception area nang bigla naman pumunta ang dalawa dun sa nakatayong babae sa may entrance ng reception room. Si Kayley nakita ko, nakadress na hindi ko malaman na natuwa ba dahil sa nakikita niya ngayon, o sarkastikong natutuwa dahil nakita niyang nandito ako.

Hindi ako nagsasalita dahil nakita kong may nakatayong lalaki sa tabi niya. Hindi ko kayang tingnan 'to. Wala dapat ako dito! Pakinggan nga lang na ikakasal si Phyllis ay nasasaktan na ko e. Ito pa kayang kasal na pinuntahan namin?

Hindi lang ako makalingon ng maayos dahil nasa state of awkward ang nangyayari ngayon. Hindi ko maisip na nangyayari sakin 'to. Hindi dapat.

Nakita ko naman na nagoffer ng kamay sakin si Phyllis kaya naman nakipagshake hands nalang din ako sakanya. Sigurado akong si Phyllis 'to. Hindi ko alam kung anong gagawin 'ko.

"Skype kamusta na?" Hindi naman ako nakasagot pa kaya naman yumuko nalang ako. Napataas nalang muli dahil hindi na sila nagsasalta sa harapan ko kaya naman tumingin na ako kay Phyllis.

Pero pagkataas ko ng ulo........ Iba ang hinala ko!

"Pervist? Anong ginagawa mo dito?" S-si Pervist yung lalake?! I thought it was Phyllis. Pero yung sign dun sa labas! "Y-yung sign dun sa l-labas?" Sobrang nauutal kong sabi sakanya nang bigla siyang tumuro dun sa harapan. Sa parang stage ba.

"Our parents made it. Not ours." Naiyak naman ako sa narinig ko mula kay Pervist kaya naman hinigitan ko siya sa siko niya. "Si Phyllis Pervist nasaan!" Masyado na ata akong desperado pa pakiusapan siya sa ganitong bagay.

"Walk with me."

Pumunta naman kami sa parang veranda ng reception area at dun niya kong simulang kwentuhan.

"My real name is Phyllis Rocke, Skype." Nakatingin na lamang ako sakanya at hindi ko alam kung ano ang sinasabi niya sakin.

"Wag ka namang ganyan Pervist o!" Pagdiin ko na sakanya dahil ayoko ng pinagsasayangan ng oras ko ang pangyayaring ito.

"The Pervist that you're calling is really the Phyllis that you've known! That's his real name." Nagulantang naman ako sa narinig ko kay Pervist hindi ko siya maintindihan! Bigla namang kumunot bigla ang noo ko sakanya.

"Bakit mo sinasabi sakin 'to Pervist. Hindi totoo yang sinasabi mo. Siya si Phyllis. Yung Phyllis na nakilala ko."

"Pero ako si Phyllis Skype. Nandito ako Skype, hindi mo lang ako nakikita." Sinusubukan naman niya akong suyuin pero nilalayuan ko siya habang umiiling sakanya. "Pervist tigilan mo 'ko! Hindi nga ikaw si Phyllis! Hindi ka Jerk! Hindi ikaw yung elementary na immature na nakilala 'ko. Tigilan mo 'ko!" Para bang sa pagkakataong ito ay pinipilit niya ako na sumunod nalang sa gusto niyang pagyakap niya sakin.

"Hindi talaga kita makikita! Dahil hindi ikaw yung Phyllis na nakilala 'ko!" Halos masigaw sigaw ko na sakanya pero hindi ko talaga siya mahigitan.

"Skype! Pinagawa ko lang kay Pervist yung paglapit niya sayo para mapasakin----" Nagulat nalang ako nang biglang dumating ang tatlo sa harapan namin. Si Kayley, Jeff, at CG. Nakikita nilang nasasakal na ako sa ginagawa sakin ni Pervist.

"HINDI IKAW SI PHYLLIS! ANG KULIT M-MOOOOO!" Nang makawala naman ako sa mahigpit niyang yakap ay nagulat naman ako dahil may biglang sumapak kay Pervist sa mukha kahit na hindi pa siya tapos sa pagkukwento. Hindi ko alam kung ano ang paniniwalaan ko pero wala akong nagawa kundi umiyak.

Binigyan naman namin siya ng pagkakataon na magpaliwanag pa at pinigilan ko si Jeff na patulan ang lalaking napaupo sa harap namin.

"Pinagkunwari ko si Phyllis bilang ako. Yung Phyllis na kilala niyo ay ipinagpalit ko ng pangalan sa pangalan ko." Bigla naman akong umiwas ng tingin sa kanya. Hindi ko alam ang ibibigay kong ekspresyon mula sa kanya.

"Bakit mo sinasabi s-sa'min 'to?" Halos mautal utal kong sabi na may namumuong boses ng pag-iyak sa pagkasalita ko. "Nabuko na rin ako ng tatay namin, kaya aaminin ko na sainyo, para man lang makabawi sa kapatid ko."

"At kelan mo pang naging kapatid si Phyllis, ha?!" Pagsingit ni Jeff nang nagawa ko namang pagbigyan siya sa pagpapatuloy niyang pagpapaliwanag.

"Foster family kami ni Phyllis. Dahil hindi na siya binalikan ng tunay niyang magulang, ay napasa'min na talaga siya. Hindi ko man maamin sa sarili ko, pero naaawa ako dahil sa pinaggagagawa ko sa kanya." Nagsimula naman itong tumayo para harapin kami sa patuloy niyang pagkukwento.

"Pinagpanggap ko siya sa pangalan ko, dahil gusto kong ipagpatuloy niya ang pag-aaral ko sa Elementarya na ipinagkait ko naman sa kanya ang pag-aaral niya." Naramdaman kong hiyang hiya na siya na kinukwento niya. "Kilala niyo siyang isang 'Phyllis Rocke', akin ang pangalan na 'yon. Ginamit niya ang pangalang iyon para pagtakpan ang kasalanang nagawa ko sa tunay kong pangalan. Pinagpalit ko ang mga pangalan namin para mas madumihan ko ang kanya, at patuloy na linisin ang akin."

"At ngayon, sinusukuan na niya ang pagpapanggap niya, kaya naman nang tumakas siya sa kamay ko, ay naglakas loob itong nagsumbong sa tatay namin at sa pulis. I made him battered as himself. Tinakeadvantage ko ang pagkaduwag niya." Nagsimula namang yumuko ito na para bang wala na siyang mukhang ihaharap sa harapan namin. Hindi ko alam na magagawa pala niya 'to ng lubusan sa isang inosenteng tao.

Namumuong pagsisisi naman ang bumuo sa boses nito. "Pinagtakpan niya ang mga pasakit niya sa buhay sa pagpoprotekta niya kay Skype-- sa'yo." Pagkasabi nito sa harap ko. "Dahil sinabi kong pag 'di niya sinunod ang pinapagawa ko sa kanya, ay sasaktan kita." Hindi ko na alam ang sasabihin ko. Gusto ko nang makita ang Phyllis na nakilala ko, ang taong pumroptekta sa'kin sa harap ng taong 'to.

"Sinubukan kitang saktan sa kamay ko, na palambutin ang puso mo, paibigin ka, at durugin ang puso mo. Pero dahil alam kong weakness ni Pervist 'yun, pinoprotektahan ka talaga niya kahit anong mangyari dahil dineal up ko siya na ikaw ang target kong saktan kung hindi siya nagpamipula sa'kin."

"Kaya ba, gano'n na lang ang mga galaw niyang malaisip bata at pagkaimmature dahil lang sa mga pinagawa mo? Stupid!" Nabulong ko na lamang sa sarili ko. Illusyon lang din pala ang mga pinaggagagawa sa'kin ng Peeler Jerk na 'yon para iwasan ang totoo niyang pananakit sa kanya ng Pervist na 'to. Masakit mang isipin na hindi niya ako mahal, pero responsibilidad niyang protektahan ako.

 

"Kaya ko sinasabi 'tong pag-amin ko, dahil inutusan niya akong sabihin sainyo ang totoo, bilang pambawi sa kanya. Ayaw niyang magpakita dahil na din sa mga ginawa niya sa'yo kaya ako ito, nagpapahiya sa sarili ko dahil sa pinaggagagawa ko."

"Mas lalong ayaw ka namin makita dahil sa mga ginawa mo, HINDI MO PWEDENG GAWIN SA'MIN 'TO! NAKAKAPANIRA KA NG ARAW BRO! NASAN SI PHYLLIS SABIHIN MO SAMIN!" Pagsigaw naman ni Jeff nang nakita kong wala na talagang mukhang ihaharap ang kaharap naming si Pervist.

"HINDI KO NA ALAM KUNG SAN SIYA NAGPUNTA."

"WAG NA WAG KANG MAGPAPAKITA SAMIN KAHIT KELAN!" Pagbanta naman ni Jeff sakanya nang nakita ko din na pinagtutulungan na siya nila Kayley.

"How dare you!" Narinig kong pagsampal ni Kayley sakanya. Bigla namang lumapit si Kayley sakin para suyuin ako. Hinimas himas naman niya ang likod ko. Habang si Jeff naman ay hawak hawak padin niya si Pervist sa kwelyo nito dahil sa sunod na pagsuntok niya dito.

"Kayley, I'm sorry. Hindi ko sinasadya."

"Tigilan mo nga ko, naging bitter sa'kin si Phyllis na para bang hindi na niya ako napansin dahil sa'yo! May isang araw na hindi ako kinausap ni Phyllis nang dahil pala sa mga pinaggagagawa mong pagmamanipula sa kanya. Naging duwag siyang harapin ako dahil sa mga pinagpaplano mo sa kanya. Nagawa ko pang siraan si Skype na akala kong mapagseselos ko siya kay Phyllis, dahil akala ko magkaparehas kayo ng pangalan. Iyong Pervist pala ang minahal ko, hindi ang Phyllis na pagpapanggap niya lang sa pangalan mo!" Muling sigaw niya dito nang sinuyo naman ako nito.

"Skype i'm sorry. If I was mistaken, nagkamissunderstood lang tayo. Pare-parehas lang tayong niloko ni Pervist." Hindi nalang ako nakapagsalita sa sinabi niya sakin kaya napayuko nalang ako.

Hindi ko alam kung dapat ba kong maniwala dahil sa mga pinagsasabi ni Pervist o dapat din ba akong magalit dahil sa ginagawa niya kanina? Hindi ko namang napigilang mapaluha sa narinig ko mula kay Pervist kaya naman tumakbo ako palayo sakanila.

Bakit nangyayari sa'kin 'to! Hindi pwedeng mangyaring si Phyllis ay si Pervist! Hindi ko man lang napagbigyan siya na magpaliwanag sa sarili niya.

Phyllis Rocke, the Peeler Jerk one, where are you? You are really an elementary jerk who's this childish and immature for not conquering yourself to that real Phyllis. Why did you do this for yourself!

Continue Reading

You'll Also Like

68.5M 897K 84
[PUBLISHED UNDER SUMMIT MEDIA] Love. Sacrifice. Forgiveness. Although Andrea Vianca seems like a typical girl at Southern Yale University...
7.8K 190 20
Rank #1 in TiffanyHwang (09-25-21) Rank #2 in TiffanyHwang (04-06-19) 5 years had pass as Mira and Rhobert are getting strong in their relationship. ...
108M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...
4.1M 69.5K 43
Rohan has been meaning to find the perfect distraction for him whose life is empty. After suffering the death of his ex-girlfriend, he totally lost t...