KARMA'S Appetite Series 1: Ch...

DraxAndme tarafından

18.2K 612 46

A group of friends and their "KARMA". "Naging mabait naman ako, Lord, di'ba? Naka-move on naman na siguro ak... Daha Fazla

Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12

Chapter 1

3K 56 0
DraxAndme tarafından


"Table number twenty seven is clear."

Anunsyo ni Krit sa mga kasamahan nang ilapag ang kahuli-hulihang steak na order ng naturang mesa sa platong nakahanda. Pagkatapos ay nakangiting tiningnan niya sa monitor na nasa gilid at itaas na bahagi ng kusina ang ihahanda para sa susunod na customer.

"Chef, okay na kami. Magpahinga ka na." sabi ni Yen na isa sa tatlong apprentice niya. "Patapos na ang nasa function room at nagkakasiyahan na lamang."

Tumango-tango siya. "Five minutes and I'm on the go again."

"Hindi na. Kaya na namin. Sisigaw na lamang kami kapag lumubog na kami dito sa sobrang busy."

Humayo na lamang siya at hindi na nakipagpalitan pa ng salita. Ganoon ka pursigido ang mga alagad niya sa KARMA'S Appetite na kung kaya lang din naman ng mga ito ang trabahao ay hahayaan na siyang magmukmok sa opisina.

Krit headed out from the fussy kitchen and went to her office. Binuksan niya ang pintuan na diretso sa maliit na terasa ng silid at tumungo roon para magpahangin. Ang init kasi kapag ang kaharap ay kalan. Nababawasan na nga ang taba niya ay malagkit pa sa katawan.

Inamoy niya ang sarili. Iyon ang problema. Kapag wala sa kusina ay saka magpaparamdam ang mga alaga niya sa tiyan dahil nagugutom na. She stretched her arms and decided to take a bath. Bahay niya rin mismo ang restaurant na pinagtra-trabahuan dahil may kwarto siya roon na tinutulugan.

"Hi." masiglang bati niya nang sagutin ang cellphone. Pinindot niya ang loudspeaker button para mahubad ang suot na damit. "May problema ba?"

"Wala naman." nababagot na tugon ni Raise na isa sa kaibigan niya at chef din ng KARMA'S Appetite. Nasa branch ito ng Cebu at siya naman ay nasa Davao. "I'm bored."

"Wala kayong booking?" Ang ibig niyang sabihin ay mga advance listed events na ang ginagamit ay ang function room for special occasions.

"Kaninang umaga at isa lang. Kaya kanina pa ako nakatunganga."

"And the F and B?" tukoy niya naman sa area kung saan labas-masok ang mga customers na naisipang doon kumain.

"Kaya na raw nila." sagot nito at bumuntong-hininga.

She laughed. "Ipinagtabuyan ka rin pala."

"Pwede na siguro tayong mag-bakasyon. Ano sa tingin mo? Ayaw na sa atin ng mga estudyante natin." Raise said, pertaining to their apprentices.

"Pwede naman siguro. Magpaalam tayo kay boss." tugon niyang alam na alam naman na papayagan sila.

"I think Mad can do that."

"Call her and update me. On the go naman ako parati."

Dahan-dahang inilubog ni Krit ang katawan sa katamtamang lamig na tubig ng bathtub. Nakaramdam siya ng kaginhawahan nang tanging ulo na lang niya ang hindi nababasa. Ipinikit niya ang mga mata pagkatapos maiayos ang sarili sa komportableng posisyon. Sa wakas, makakapaghinga na siya mula sa buong araw na pagluluto.

A smile formed on her lips when her college buddies' faces appeared on her mind. Sa isiping magkakasama na naman silang anim ay natutuwa na siya at na-e-excite. Ilang buwan na rin mula nang huling nagkita sila na kompleto. At hindi pa nakapag-bonding dahil abala sa bawat trabaho.

Ang KARMA'S Appetite ay ang restaurant na kasalakuyang pinag-tra-trabahuan ni Krit at ng mga kaibigan niya. Kakilala ni Mad ang may-ari na nag-alok sa kanila at hindi naman nila tinanggihan, halos tatlong taon na ang nakaraan. Kung tutuusin, masyadong mataas ang offer sa kanila kahit baguhan pa lang sila noon. Idagdag pa na pinaplano pa lang ng mga panahong iyon ang naturang negosyo at sila ang magsisimula.

Marahil dahil na rin sa background nilang nagkaroon ng special at intensive training sa London sa isang sikat at exclusive school. Nakatanggap kasi sila ng scholarship no'ng nag-aaral pa sila at libre lahat na may allowance pa. Sa kabaitan ni tadhana, natiyempo pang grupo nila ang nakasalo ng naturang pagkakataon kaya mas lalo silang naging malapit sa isa't-isa na parang magkakapatid na. Kaya ang makapag-trabaho sa iisang restaurant ay parang tahanan na at walang ipinagkaiba sa nakaugalian nila.







"Yen, prepare this for me."

Ipinasa ni Krit kay Yen ang ginagawa nang isa sa mga tauhan sa kusina ay tinawag siya. Lumabas siya at nilapitan ang supervisor ng food and beverage na siyang may sadya kamo sa kanya.

"Chef Krit, pasensya na sa abala."

Ngumiti siya. "Ayos lang. May problema ba?"

"Wala naman po. Sa function B, gusto raw po kayong makilala ng mag-asawang nagdiriwang ngayon ng kanilang anibersaryo."

Dalawang event kasi ang inaasikaso niya na halos nagkandasabay at oras lang ang pagitan. Mabuti na lang at nakapaghanda na siya sa unang nakapag-book na isang binyag nang tawagan siya ng kaibigan niyang si Alhe kahapon ng umaga na naka-assign sa Makati. Sinabi nito ang tungkol sa surprise anniversary treat na naka-book dito. Subalit nang mapag-alaman ng naturang regular customer na may branch ang KARMA'S Appetite sa Davao, nagbago ang isip nito at sinabing kung pwede ay sa lugar na lang niya ituloy ang pinaplano. Doon daw kasi nakatira ang mag-asawang i-tre-treat nito.

Krit could have refused but the customer offered to double, or even triple the payment. Hindi sa gahaman siya sa pera. Mas importante ang pahinga niya sa kanya. Ang kaso, kung pahinga ang pag-uusapan, mas magandang ituloy sa bakasyon na siyang napagplanuhan nilang magkakaibigan. Kaya tinanggap niya dahil pagnagkataon, hindi pa nangalahati ang taon ay lalagpas na sila sa kitang inaasahan sa katapusan.

Nang kausapin naman niya ang mga empleyado kinagabihan ay sumang-ayon ang lahat. Maliban kasi sa overtime ay may ekstra pang bayad dahil biglaan. Nang maipangako ng mga ito na makakayanan nila, saka siya um-oo kay Alhe. Pero heto at sinisingil na siya ng katawan dahil sa pagpupuyat na ginawa para maihanda na rin nila ang lahat kagabi.

"Mag-aayos lang ako." aniya at mabilis na pumasok sa kwarto.

Nagpalit si Krit ng panibagong chef's uniform. May talsik ng mga niluto na kasi ang suot niya at nakakahiya namang humarap sa customer na ganoon ang itsura. She fixed her hair, freshened herself and prepared a smile. Siniguro niyang maitatago ng mga ngiti niya ang kapaguran bago tinungo ang silid kung saan ginaganap ang kasiyahan.

"Excuse me, Ma'am, Sir. This is Chef Krit." pakilala ng waiter na tumawag sa kanya kanina.

"Hi. I'm Ryan Cruz and this is my wife June." inilahad ng dalawa ang kamay na mabilis niyang tinanggap.

"I'm Chef Krit Seguva. Nice to meet you."

"The pleasure is ours." magiliw na tugon ni June. "Pasensya na at naistorbo ka namin. Gusto ka lang talaga naming makilala."

"At para kusa mong makita ang mukha ng mga critic." dagdag ni Ryan. Tinapik ito ng esposa nito na para bang sinasaway.

"He's kidding."

"No worries, Ma'am. Importante sa amin ang komento at opinyon ng mga customer namin to improve our capacity. So feel free to discuss anything with me or the in-charge staff." though she's confident enough, hindi maiiwasan na may hindi nakokontento at may ilan talaga na may mairereklamo pa rin.

"See?" ani Ryan saka tumawa. "At kung makasaway ka, Hon, para namang negatibo ang sasabihin natin."

Nagliwanag ang mukha ni Krit sa narinig.

"Kunsabagay." sang-ayon ni June. "Just these words, Chef." anito sa kanya. "Everything is perfect. The taste of the food, the ambiance, the service and the design. Lahat, nag-swak sa panlasa naming mag-asawa."

"I'm glad." usal niyang tuwang-tuwa talaga. "At credit sa taong sinunod lang namin para maging matagumpay ito. Mukhang kilalang-kilala niya kayo."

"Kapatid ko kasi kaya hindi na katakataka."

"Takot iyon sa'yo, Hon."

"Of course not. Ang bait ko nga sa kanya kaya may regalo tayong ganito."

Naiiling na binalingan siya ni Ryan. "My wife is quite meticulous in terms of surprising her. May ugali siya na kung mang-so-sorpresa na lang sa kanya, dapat sagarin na. Hindi iyong may mapupuna pa siyang hindi kaaya-aya." kwento nito.

"Ano ka ba? Huwag mo nga akong ibuking. Hay naku, Chef Krit. 'Wag kang makinig diyan."

"Makikinig siya since I'm your husband. And trust me, Chef. Kada-date namin noon, parating nasa hukay ang isa kong paa dahil sa kaba na baka hindi niya magustuhan."

"But I still end up being your wife."

"Of course. 'Coz I'm your true love." Ryan said confidently and pulled June to give her a peck on the lips.

Lihim na natutuwa si Krit sa kakulitan ng mag-asawa. Sa tantiya niya ay nasa early thirties lang ang mga ito kaya bloom na bloom pa ang sweetness at hindi nahihiyang ipakita kahit sa harap niya at ng mga bisita. Makikita din ang pagmamahalan sa titig na ibinibigay ng mga ito isa't-isa kaya hindi maiwasang mainggit ang mga nakakatunghay, lalo na ang single na gaya niya.

"Oops! Ayaw yata na pinag-uusapan siya. Tumatawag na ang kapatid mo."

"Sabihin mo, congratulation kamo galing sa ate niya. Dahil nag-i-improve na siya."

"Roger that." nag-excuse si Ryan at muli naman siyang hinarap ni June.

"Anyway, can I call you Krit? Para matanggal ang formality."

"Sure." agad niyang tugon.

Part of Krit's duty is to get along well with customers if she's aiming for success. Maliban sa head ched siya ay siya rin ang nag-ma-manage. Sa dalawang taon na nag-e-exist ang restaurant, ang estratehiyang iyon ang nakapag-stabilize ng branch na hawak niya. Naniniwala siyang nasa kamay ng mga satisfied customers ang kapalaran kung magpapatuloy pa ang inaalagaan at minahal na niyang KARMA'S Appetite.

And comfortability with them is the key.

"So, Krit, gusto kong personal na hingiin sana ang contact details mo. You see, me and Ryan own a magazine company and I would be very very very happy if you'll accept my offer."

Nagulat siya sa narinig. "Su-sure." tanging sagot niya nang rumagasa ang excitement.

"Pero sa susunod na natin pag-usapan ang mga plano ko. Maybe, we'll set an appointment with you? Kung kailan ka lang bakante."

"Sige. " kung anu-ano na ang pumapasok sa isip niya sa salitang 'magazine' pa lang. Sana matuloy. "Just contact me anytime."

"And I really hope that you are fine with my idea. Chef ka pa rin naman kahit tanggapin mo." biro nito na ikinatawa niya rin.

"Good. Dahil hindi pa naman ako nagsasawa sa amoy ng pagkain at wala pa akong balak magpalit ng propesyon." pakikisakay niya. "Pero kung ano man iyan, I'll think about it carefully." kailangan din kasi niya ang opinyon ng mga kaibigan niya at ng may-ari bago um-oo.

"Mabuti naman. At sapat na sa akin ang sinabi mo para maging positibo ako."

And Krit felt the positive vibes too. Dahil kung saka-sakali, libreng exposure iyon para sa restaurant.







"Bakit hindi ka na mag-asawa at nang may mahila ka nang mga anak?"

Hindi pinansin ni Cyril ang kapatid niyang si June at nagpatuloy sa pagkain. Umagang-umaga, sermon ang inabot niya dahil hihiramin niya ang mga anak nito. Imbes magpasalamat dahil araw ng mga puso at makakapag-solo ito at ng asawa nito, siya pa ang mukhang nang-iistorbo.

"Hon, madali ang mag-asawa. Mahirap ang maghanap ng asawa."

"You hit it, Ryan." sang-ayon niyang nakipag-kamay sa kagigising lang na bayaw. Nasa bahay siya ng mga ito para makapagpahinga mula sa pagbabad sa trabaho no'ng mga nakaraang buwan.

"Nahirapan kang hanapin ako?" tanong ni June.

"Nahirapan. But worth it." bawi ni Ryan saka hinalikan ang asawa nito sa labi. "At ikaw, Cyril, makinig ka. Para hindi ka na naiinggit sa amin."

"At sino ang may-sabing naiinggit ako? I'm happy with my life."

"Kung masaya ka, hindi ka mag-sa-sidetrack sa mga anak namin."

"Mahal ko ang mga pamangkin ko. That's why I'm giving my time with them."

"Give your time on finding someone." patuloy ni June. "Hindi habang-buhay ay ibibigay din ng mga anak ko ang oras nila sa'yo."

Hindi na umimik pa si Cyril. He's still young, he thought. Ang makipag-argumento sa mga itong iba na ang priority ay walang-sense. Iba na kasi talaga ang pananaw ng dalawang taong naging isa na kaysa sa taong solong-solo pa ang buhay gaya niya.

"Ihahanda ko na ang mga anak ko. Make sure not to pamper them whole day."

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

131K 4.2K 16
Madalas mapagkamalang lalaki si Naville dahil sa maiksi niyang buhok, pananamit at pagkilos. Pero balewala iyon sa kanya dahil ang importante ay mapa...
14.8K 262 14
Si Messy ang dakilang tindera pero magbabago ang buhay nya ng lumipat sya ng trabaho bilang isang katulong na pinaka hate nya sa lahat ng trabaho . B...
192K 3.4K 83
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...