RPOV
RHIAN ❤
An open letter to my second love,
Thank you so much for proving to me that one heart break doesn't define everything. Thank you for letting me know that there is someone out there who can be true to her words. Someone whom can I lean on during the hard times of my life.
Thank you so much for making me believe that there's nothing wrong with me. That I'm just with okay with my imperfections. Thank you for accepting my scars and my past whole heartedly.
Thank you for always cheering me up when I'm down. Thank you for the funny antics you do to ease my pain. Thank you for being different among the rest. Thank you for defying the odds for the both of us.
Thank you for making me believe in love again. You made me realise my worth by loving not by breaking my heart.
Thank you so much for everything. Thank you for your unconditional love..for loving me without expecting anything in return. Masaya ako na nakilala kita,na nagmahal ako ng isang katulad mo,na minahal ako ng isang Rhian Ramos.
Pasensya sa pagkukulang.Pasenya na kung hindi ko natupad yung mga pangako ko.
Umaasa ako na makakahanap ka ng taong mamahalin ka ng sobra at hindi sasayangin yung pagmamahal mo.
Ayokong nakikita kang nasasaktan.
Ayokong umiiyak ka dahil sa kalagayan ko,Wag mo na akong hanapin dahil hindi na ako magtatagal. I only have 1 more week to live at gusto ko na sa mga oras na to ay pinag-aaralan mo ng kalimutan ako.
Be strong Babe. Be strong for me.
I love you so much and i will forever cherish our memories together.
GLAIZA.
"Wag mo nga akong pinaglololoko.😠" Inis na sigaw ko kay Jasmine. She became Glaiza's Friend after the incident in my office. " And ano nga palang ginagawa mo dito sa unit ni Glaiza ? May surprise ba kayo sakin ? " Nakangiting tanong ko pagkatapos ay dere-deretso akong pumasok sa loob. "Glaiza ?? Babe ! Im here. Wag ka na ngang magtago dyan. Lumabas ka na dahil sasamahan pa kita para sa chemo mo."
"Rhian..enough. Wala na si Glaiza." Awat sakin ni Jasmine at hinawakan ako sa braso para pahintuin sa paglalakad.
"No ! Bakit ba pinagtitripan nyo ako ?!😠 ." Sigaw ko. "Glaiza's here ! Ang sabi nya hihintayin nya ako. Ang sabi nya samahan ko sya sa doctor 😭. ! Glaiza ! Please..wag mo na akong biruin ng ganito."
"Rhian..im sorry. Nagpunta ako dito para din sana bisitahin sya,but iyang sulat na lang na iyan yung inabutan ko dito. I tried to call her pero unatteded na yung phone nya." Paliwanag ni Jasmine.
"Ba-baka..baka nagpunta lang sya sa tahimik na lugar. " Naiiyak na sabi ko. " siguro ay nagpahatid sya sa lugar na dati naming pinuntahan. Ill go ahead."
"Teka,sasamahan na kita." Nag aalalang sabi ni Jasmine at mabilis na sumunod sakin.
****
"Rhian ! Slowdown ! Oh my god ! Balak mo bang magpakamatay ?!" Tili ni Jasmine. "Kung gusto mo pang makita si Glaiza,magdahan dahan ka ! Dadamay mo pa ko eh."
Iniliko ko yung kotse at inihinto sa tabi.
Isinubsob ko yung mukha ko sa manibela ng kotse at tuluyan ko ng pinakawalan yung paghikbi at luha na kanina ko pa pinipigil.
"Rhian..Please,wag kang umiyak." Nag aalalang sabi ni Jasmine. " Baka ito lang yung naisip nyang paraan para makalimutan mo sya agad."
"Ang tanga tanga ko.😭 dapat hindi ako umuwi kagabi. Dapat hindi ako nagpahinga sa pagbabantay sa kanya.😭. "
Hinahaplos ni Jasmine yung likod ko at pilit akong pinapakalma.
Nang mahimasmasan ako ay agad kong pinunasan yung luha ko at muli akong nagdrive patungo sa lugar na sinasabi ko.
There's no sign of Glaiza.
Tahimik akong bumalik sa kotse at umupo.
Bumuntong-hininga ako at muling ini-start yung kotse.
"Rhian ? Are you okay ?" Tanong ni Jasmine habang nakahawak sa braso ko.
Nanatili akong walang kibo sa buong byahe namin pabalik sa unit ni Glaiza.
Dere-deretso akong pumasok at naupo sa kama ni Glaiza.
Nakatingin sa akin si Jasmine at parang alalang alala na.
"Rhian,umuwi ka muna. Maghintay na lang tayo ng balita." Sabi ni Jasmine.
"Ayoko. Ikaw nalang ang umuwi. Hihintayin ko si Glaiza." Walang emosyong sagot ko habang nakatitig sa kawalan.
Napailing si Jasmine.
"Oh sige,basta kumain ka ha ? May pagkain pa yata sa ref." Utos ni Jasmine bago tuluyang umalis.
Paglabas ni Jasmine ay muling tumulo yung luha ko. Niyakap ko yung unan na ginagamit ni Glaiza.
"Glaiza..bakit mo ako iniwan ?😭 ang sabi mo hindi mo ako iiwan..bakit di ka naging tapat sa pangako mo ?😭" Sobrang mugto na yung mata ko dahil sa kaiiyak at halos paos na rin ako.
Hindi ako natulog ng araw na yun. Hinintay ko si Glaiza. Naghintay ako ng balita pero wala.
Walang Glaizang umuwi. Walang nagparamdam. Kahit man lang sana sa nagpakita yung multo nya at kinausap ako.😭
Narinig kong bumukas yung pinto.
"Rhian ?" Tawag ni Jasmine. "Huy ?"
Hindi ako lumingon. Nakaupo lang ako sa isang sulok.
"Jade,natatakot na talaga ako." Narinig kong sabi ni Jasmine. " look at her. Kahapon pa sya ganyan."
Footsteps.
"Rhian..please,be strong." Sabi ni Jade sabay haplos sa braso ko. Yumuko ako. "Hindi gugustuhin ni Glaiza na nagkakaganyan ko."
😭
"Kung nandito sya,hindi sana ako magkakaganito." Sagot ko.
Napabuntong-hininga sila pareho.
"Rhian,pwede bang umiyak ka na lang ? Mas nag aalala ako sayo kapag ganyang hindi ka umiimik or umiiyak eh." Sabat ni Jasmine. "Tsaka kumain ka na."
"Hindi ako gutom." Tipid na sagot ko. " pwede bang umalis na kayo ? Gusto kong mapag-isa."
Nagkatinginan sila.
"Okay,aalis kami. Pero make sure na kakain ka at wala kang gagawin na makakasama sayo." Bilin ni Jade kaya tumango na lang ako.
Hinalikan ako ni Jade sa pisngi bago tuluyang lumabas ng kwarto.
"Rhian." Tawag sa akin ni Jasmine pagkatapos ay naupo sa tabi ko. " Natulog ka ba ? Mukha kang zombie. Ay hindi..kamukha mo na pala si Annabel."
Natawa ako sa sinabi nya.
Ganon din kasi yung sinabi ni Glaiza sakin.
"Hala ! Nababaliw ka na . Bakit ka tumatawa ha ?!" Singhal ni Jasmine sabay layo sakin.
"Gaga ! Lumayo ka nga dito." Inis na sigaw ko.
"No,i wont hanggat hindi kita nakikitang kumain." Sabi nito pagkatapos ay lumabas.
Pagbalik nya ay may dala na syang tray ng pagkain.
Agad kong nalanghap yung mabangong amoy ng arozcaldo. Bigla akong nakaramdam ng gutom.
Inilapag nya yon sa side table at sinubuan ako hanggang sa naubos ko yung laman. Napangiti sya sa nakita.
Pagkatapos kong uminom ng tubig ay pinagbalat nya ako ng orange. Pakiramdam ko ay parang nagkaroon ako ulit ng lakas.
Lakas para maghintay at umasa na may Glaiza pa akong hinihintay.
TO BE COTINUED..
CTTO : WORDS OF TRUTH SLAP