My Beautiful Stalker (1)

1.4K 53 0
                                    

Kailan nga ba nag-umpisa ang lahat ?
Kailan nga ba ako nag-umpisang magising na may nakalagay ng fresh rose sa bedside table ko at may kasama pang note. Weird di ba ? Dahil bukod sa Condo ako tumutuloy at nasa ika-animnapung palapag ang unit ko,Paanong makakapasok ang isang tao dito mismo sa kwarto ko ng hindi man lang nakikita ng security guard sa lobby at wala ring nakita sa CCTV footage ng pilitin kong ipareview ito.
Madalas ay maaalimpungatan ako at makikitang nakabukas ang bintana.
Minsan nga ay gusto ko ng isipin na may maligno sa unit ko eh.

Kahit sa twing papasok ako sa trabaho,pakiramdam ko ay may nakasunod sa akin at may mga matang nagmamasid. Ang Creepy 😭.

"Lumipat ka na kaya ng Condo ? Nakakatakot yang stalker mo. Baka mamaya baliw yan at maisipan ka pang gawan ng masama." Nakakunot ang noong suhestyon ni Lovi habang naglalakad kami papasok sa elevator.

"Sa tingin mo ba maaasikaso ko pa yang paglipat ? Ang daming trabaho tapos madalas ay rush pa. " Natigilan ako ng parang biglang lumamig sa loob ng elevator. "Naramdaman mo ba yun ?"

"Alin ? Hoy Rhian,tigilan mo ko hah. Wag kang manakot. Itutulak talaga kita."

Huminto ang elevator sa floor namin.
Magkasunod kaming lumabas.
Kumapit ako sa braso ni Lovi dahil pakiramdam ko ay may nakatingin sa akin.

"Nandito sya." Wala sa loob na sabi ko habang patingin-tingin sa paligid.

Umirap si Lovi pero mababakas mo ang takot sa mukha nya.

Naupo ako sa table ko at binuksan yung computer sa harap ko ng mapansin ko ang isang papel na dilaw na nakatiklop at nakalapag malapit sa mga papeles na nirereview ko.
Kinuha ko iyon at binuklat.

August 12,1517
Bonju Corporation
Vito Cruz,Malate Manila

Rhian,

Napakaganda mo talagang pagmasdan habang naglalakad,ang makintab mong buhok na sumasalamin sa busilak mong puso ay dahilan para lalo akong mahulog sa iyo. Ang marahan mong paghinga sa tuwing natutulog ka ay naghahatid sa akin ng kakaibang kasiyahan.
Mag-iingat ka palagi. Ako'y narito lamang at magmamasid.

-G.-

Napalunok ako.
Hindi dahil sa nilalaman ng sulat kundi dahil sa Address at Petsa na nakalagay.
Panahon pa ng mga Hapon ang Bonju Corporation at hindi pa ako buhay noon.
At isa pa,2017 na ngayon pero 1517 ang petsang nakasulat. Ibig sabihin,.Baka nagpaplano pa lang si Ferdinand Magellan na Humanap ng ruta papunta dito.

"Huy ? Ang tahimik mo dyan ? Iniisip mo pa rin ba yung sa elevator ?" Tanong ni Lovi.

Pinakita ko rito ang sulat at maging sya ay nagulat rin.

"Ang lakas ng trip ng stalker mo ah. Seryoso ? 1517 ? Baka naman pinaglololoko ka lang nyan. Pang ilang sulat na ba yan ?" Tanong nya." Baka naman trip ka ni Mr.Guevarra."Biro nya.

"Pang 14 na to. Ang iba ay sa Condo naka-address. Parang kilala talaga nya ako at mukhang nasa Condo sya kapag natutulog ako." Kinakabahang tanong ko.

"What if..ipacarbon dating natin yan para malaman natin ang totoo ? May kilala akong gumagawa ng Carbon Dating." Alok nya.

"Sige," Sang-ayon ko. Gusto ko rin kasing malaman kung totoo ba to.

***

"Its a 500 year old paper." Sabi ng kaibigan ni lovi pagkatapos ay ibinalik sa akin yung sulat. " itago mo iyan at wag mong ipapakita sa iba dahil baka kuhanin yan at ilagay sa Museum. Galing ang sulat na yan sa nakaraang limandaang taon."

Nagulat kami pareho ni lovi.

"Pero paanong--bakit sa akin naka-address ? At tsaka parang kilalang kilala na nya ako." Takang tanong ko.

"Hindi ko rin alam." Sagot ng kaibigan ni Lovi.

Pagkatapos naming mag-usap ay nagpaalam narin kami agad.
Palaisipan pa rin sa akin kung sino ang nagpapadala ng mga sulat at kung kanino galing ang mga Rose at note.

"Gusto mo ba ay samahan muna kita sa Unit mo ?" Tanong ni Lovi at mukhang nag-aalala sakin.I smiled at her pagkatapos ay umiling ako.

"Ano ka ba ? Hindi na okay ? Hindi naman siguro sya masamang tao. Ni hindi nga nya ako hinahawakan eh. Kung may masamang balak sakin yung taong yun,dapat ay wala na ako ngayon." Sagot ko.

"Oh sige,basta mag-iingat ka hah ?" Bilin nya bago kami maghiwalay ng daan.

Sa lobby ay agad na akong sinalubong ng security guard at may inabot na isang bouquet ng roses. Bahagya pa itong nakangiti at parang nanunukso pa.

"Kanino po galing ?" Tanong ko.

"Hindi ko alam. Wala naman card na nakalagay tsaka delivery boy lang ang naghatid nyan,ibigay ko daw kay Rhian,eh ikaw lang naman ang kilala kong Rhian dito."

"Ganon ho ba ? Sige po salamat." Sabi ko at pumasok na ako sa elevator.Muli ko na naman naramdaman yung kakaibang lamig kaya kinilabutan ako.

Pagdating ko sa 60th floor ay agad na akong pumasok sa unit ko at pilit kong iniignora ang lahat ng pangyayari.
I act normal as i can kahit pakiramdam ko ay may nakatingin sa akin.

Nagluto ako ng dinner ko at kumain ng tahimik. Pagkatapos kumain ay naghugas ako ng plato,naglinis ng mesa pagkatapos ay naligo at nagbihis.

Naupo ako sa kama ko at binuksan ang laptop ko para magresearch tungkol sa mga cases na kagaya ng nangyayari sakin pero wala akong nakita.
Napatingin ako sa Roses na nakapatong sa bedside table ko.
Mukhang alam nya kung anong bulaklak ang gusto ko.

Tiniklop ko yung laptop at pabagsak na nahiga sa kama.
Sino ka ba talaga ? Iyon ang tanong na naiwan sa isip ko bago ako tuluyang hilahin ng antok.

"You're still Beautiful Rhian.."

Naalimpungatan ako sa boses na narinig ko at sa hangin na dumampi sa tenga ko.
Unti-unti akong nagmulat ng mata pero wala akong nakita maliban sa nakabukas na bintana.
Sumilip ako doon pero wala akong nakita.
Sino ba naman kasi ang maglalakas loob na dumaan sa bintana eh nasa 60th floor ako.😣

Isinara ko yung bintana at babalik na sana ako sa kama ng sumara ang pinto.Napaigtad ako pero tinignan ko pa rin kung sino ang naroon.
Tanging likod na lamang ng isang tao ang nakita ko at tuluyan na akong nawalan ng malay ng makita ko itong tumagos sa pader.

TO BE CONTINUED..

RaStro StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon