Someday (8)

665 51 10
                                    

RPOV

Malungkot akong nakaupo sa puting buhangin habang tinatanaw ang dagat na unti-unti ng hinahalikan ng araw.

"Dagat..huh !" Natatawang bulong ko sa sarili ko. "Parang pagmamahal ko sa kanya,matatanaw mo na may hangganan pero hindi mo masusukat kung hanggang saan."

"Rhian." Hindi ako lumingon hanggang sa maramdaman ko na may naupo sa tabi ko. " Anong ginagawa mo dito ? Nagsesenti ka ?" Natatawang tanong ni Sheena.

Paano ko naman sasabihin na Oo nagsesenti ako dahil Yung babaeng gusto ko ay ikakasal na,Na yung babaeng pinili kong mahalin ay hindi ako mahal,Na hindi ako yung babaeng nakikita nya na makakasama nya sa future,Na yung babaeng pinangarap ko mula pa noon ay bestfriend ko.

"Naks ! lalim nun ah. May problema ka ba ? Kanina ka pa namin napapansin. Nandun kami lahat sa cottage at nagkakasiyahan pero ikaw nandito mag-isa,nakaupo na parang kawawang bata na inagawan ng candy." Napailing ako.

"May problema ba ?" Tanong nya ulit ng hindi ako kumibo. "Pwede mong sabihin sakin,Magkaibigan tayo di ba ?" Tuluyan ng nalaglag yung mga luhang kanina ko pa pinipigil.

Ganon pala talaga.
Kusa pala talagang papatak yung luha kapag hindi na kayang sabihin ng labi mo yung mga salitang dumudurog sa puso mo.
Niyakap ako ng mahigpit ni Sheena at pilit pinapakalma.

"Sssshhh..Everything will be okay." Samo nya habang hinahaplos yung likod ko. "Kung ano man yang pinagdadaanan mo,malalampasan mo rin yan."

"Sheens.." Pukaw Sa amin ng isang boses. Tinig na dahilan kung bakit nagwawala ang puso ko. Bumitaw sa akin si Sheena at mabilis ko naman na tinuyo ang luha ko.

Tumayo si Sheena at nagpaalam na akin.

"Anong ginagawa mo dito ?" Tanong ko ng hindi sya tinitignan. Naupo sya sa tabi ko at kahit hindi ko sya lingunin,alam kong nakatanaw din sya sa papalubog na araw.

"Naiipit ako sa sitwasyon na kailangan kong magpakasal at dapat akong sumugal." Umpisa nya kaya napatingin ako sa kanya,bakas sa malalaking mata nya ang lungkot. "Hindi ko kayang isugal yung pagiging magkaibigan natin Rhian..Hindi dahil sa hindi kita mahal kundi dahil natatakot ako na baka panandalian lang yung nararamdaman mo sakin,magbago ka,iwan ako at pati pagkakaibigan natin ay maisakripisyo."

Silence.

"Nasanay na ako na mahalin ka mula sa malayo." Dugtong nya kaya natigilan ako. "Nasanay na ako na kaibigan mo lang ako,Na hanggang doon lang tayo. Bakit ?"

Anong bakit ?

"Ilang taon na tayong magkaibigan..Ilang taon tayong naging masaya bilang magkaibigan,Bakit ngayon mo lang narealize na mahal mo ako ng higit pa sa kaibigan ? Bakit mo pa sinabi.." Garalgal ang boses na tanong nya.

"Ilang taon kang nawala,Tapos isang araw bigla kang babalik at sasabihin na inlove ka sakin ..Bakit ? Para saan pa ? Para Guluhin yung nararamdaman ko ? Para ipakita sakin kung paano ako dapat itrato ? Rhian Okay naman ako sa set up namin ni Solenn eh,Kahit na palagi kaming may pinag aawayan Gusto ko pa rin syang makasama.."

"Masaya ka ba ?" Sa wakas ay tanong ko.

"Mahal ko sya." Sagot nya.

Napabuntong hininga ako.

"pero sayo ako masaya." Dugtong nya.Gustong magdiwang ng puso ko dahil sa sinabi nya. "Yung pakiramdam na parang kilala na kita kahit ang totoo ay hindi naman talaga,Imbes na mainis ako kapag naghihilik ka ay napapangiti ako tapos sasahihin ko Hay naku ! Kumakanta na naman ang balyena.." Natawa sya pero agad din nagbago yun at napalitan ng lungkot.

"Pero hindi na pwede eh,Hindi na tayo pwede. Ayokong saktan si Solenn kahit palagi nya akong nasasaktan. Hindi na tayo pwede kasi ikakasal na ako." Malungkot na Dugtong nya pagkatapos ay tumingin sya sakin,agad akong nag-iwas ng tingin at mabilis na tumayo pero agad din nyang hinawakan yung kamay ko.

"Im sorry." Halos pabulong na sabi nya.

"Never say Sorry for loving someone." Muling kong pinunasan yung luha sa mata ko at matapang na hinarap sya. "Ill be okay. Hindi ko pipilitin na magheal agad yung sugat na nilikha mo o yung peklat na iiwan nito." Yun lang at mabilis na akong naglakad palayo sa kanya.

Inabutan kong nagkakasiyahan ang lahat sa cottage. Inayos ko yung sarili ko bago ako humarap at nakisalamuha sa kanila.
.----*

GPOV

"Go RhiRhi !!" Tili ni Kath habang sumasayaw sayaw pa sa mesa. Napapailing na lang ako sa pinag-gagagawa nya. "Knock them all !!" Hiyaw pa nito.

Sinulyapan ko si Rhian na mukhang nag eenjoy na din sa kalasingan nya.
Inabot sa kanya ni Luis yung microphone habang pumipili sya ng kanta sa videoke na nirentahan namin.

"Trivia lang guys !" Sabat ni Sheena. " Alam nyo ba ng sobrang galing kumanta ni Rhian ?"

"Sows ! Matagal na naming alam yown!" Namunungay ang matang sagot ni Chynna. "Pakitaan mo sila Rhian !"

Hindi ko pa sya narinig kumanta,I mean ..oo kumakanta sya pero pambasag eardrum eh 😂 Umayos ako ng upo ng biglang humilig sa balikat ko si Solenn. Mahina talaga yung alcohol tolerance nya.

"Ehem ! Mic test mic test." Natatawang sabi ni Rhian na para bang hindi kami galing sa heart to heart talk kanina. "Hmmmmmm..." Naghumming na sabi nya.

"Someday Your gonna realize.." Umpisa nya,everything's fade to background. Ang lamig ng boses nya.😓 "One day You'll see this through my eyes.."

Sh*t ! Ano ba Rhian !
Wag mo nga ako tignan ng ganyan !😠
Naghihiyawan yung mga kasama namin pero parang si Rhian lang talaga yung naririnig ko. tsk!

"By then i won't even be there even if i cared.." Yung kaninang kislap sa mata nya ay napalitan ng lungkot. "I know you dont really see my worth..You think you're the last girl (guy) on earth,Well ive got news for you I know im not that strong but it wont take long..Wont take long.."

"Coz someday someones gonna love me
the way i wanted you to need me
Someday Someones gonna take your place
One day ill forget about you
You'll see I wont even miss you..Someday..Someday.."

Napayuko ako.
Hindi ko kayang salubungin yung mga titig nya,Naiinis ako dahil ang laki ng epekto nya sakin 😟..At yung kanta 😭😭Bakit ba parang kinakausap nya ako using that song.

"Right now i know you cant tell
Im down and im not doing well
But one day these tears they will all run dry
I wont have to cry sweet goodbyes

Coz someday someone's gonna love me
The way i wanted you to need me
Someday Someones gonna take your place
One day ill forget about you
You'll see i wont even miss you
Someday,I know Someones gonna be there

Coz someday someone's gonna love me
The way i wanted you to need me
Someday Someones gonna take your place
One day ill forget about you
You'll see i wont even miss you
Someday,Someday.."

Tapos na ang kanta.
Wala na akong naririnig kundi ang mga hiyawan ng nagkakasiyahang mga kaibigan.
Pero bakit umuugong pa rin sa isip ko ang salitang "Someday?"

TO BE COTINUED..

RaStro StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon