DESTINED TO BE THE PERFECT TWO (7)

1K 60 4
                                    

RPOV

Mabilis na lumipas ang panahon.
Unti-unti na ring bumibigay ang katawan ni Glaiza.
Maputla na ang balat at tuyot na rin ang labi nya. Nakabalot ng tela ang ulo nya para itago ang nalalagas ng buhok nya.
Madalas na rin ang pagkakaroon nya ng pasa sa iba't-ibang parte ng katawan.

Minsan naiisip ko,bakit sya pa ?
Bakit hindi na lang iba ?

"Pst ?" Pukaw sa akin ni Glaiza habang nakatitig ako sa kawalan. "Umiiyak ka na naman ba ?" Nahihirapang tanong nya.

Agad kong pinunasan yung namumuong luha sa mata ko at nilingon ko sya ng nakangiti.

"Hindi kaya." Nakangiting sabi ko. " Gusto mo bang mamasyal ?"

"Gusto ko sa--nang..magpunta- sa mall.." Putol putol na sagot nya sabay hawak sa kamay ko." Pu-pwede ba ?"

I held her hands and slightly squeezed it.

"Ofcourse Baby." Masuyong sagot ko sabay halik sa pisngi nya. " i love you so much." Bulong ko.

She gave me a weak smile.

"I love you too.." Nakangiting sagot nya.

Tumayo ako para itulak yung wheelchair nya pagkatapos ay binuhat ko sya papasok sa kotse bago ko ipasok yung wheelchair nya.

Umikot ako papunta sa driver seat.
Tinignan ko muna sya.
She's always giving me that unknown emotion.
Weak smile,teary eyes,gasps at malalalim na mensahe like "Kapag namatay ako..pangako,babalikan kita." At kapag sinasabi nya yon,hindi ko mapigilang maiyak.

Wala pang isang oras ay nakarating kami agad sa mall na sinasabi nya.

"Saan mo gustong pumunta ? Gusto mo,nood tayo ng movie o kaya kain muna tayo ?" Tanong ko kay Glaiza habang tulak ko yung wheelchair nya.

"Punta--ta-yo..Sa gown ren-tal. " Nauutal na sabi nya kaya natigilan ako.

"Hah ? Bakit doon ?." Takang tanong ko pero dinala ko pa rin sya sa gown rental na sinasabi nya.

"May- gus.to. lang akong..bilhin." Sagot nya.

Nang makarating kami sa shop na sinasabi nya ay agad kaming inasikaso ng staff na nandon.
May sinasabi sa kanya si Glaiza pagkatapos ay may itinurong kwarto sa amin.

"Tara." Aya ni Glaiza kaya muli kong tinulak yung wheelchair nya. Tumambad sa akin yung sari saring gown at barong . Halo-halo.

"Rhian.. Gus.to kong..bumili ng gown..para sa burol ko.." Nakangiting sabi ni Glaiza habang tinitignan yung mga gown na naka-display.

Napahigpit yung kapit ko sa wheelchair nya.
Pilit kong pinipigil yung hikbi na kanina pa gustong kumawala sa bibig ko.
Walang patid yung pag-agos ng luha ko.

"Rhian..that ..color. Gusto ko ..yan." Putol putol na sabi nya kaya lalo akong napaiyak.
Lumuhod ako sa harap nya at nagmakaawa na wag nyang gawin sakin to.

"Glaiza..no,please..dont do this to me.😭 Wag ka naman ganyan. Wag mo naman gawin sakin to." Umiiyak na sabi ko habang nakahawak sa tuhod nya.

She cupped my face and wipe away my tears.

"Ssshh..dont.cry..Wala..na akong--pag-asa." Sagot nya pagkatapos ay ngumiti sya ng mapakla. "Ayo.ko ikaw ang--pumili. Ng . Gown ko. Baka..pink yung..kunin mo eh." Natatawang sabi nya.

"May pag-asa ka pa. Gagawa ako ng paraan. Dadalhin kita sa america,magagaling ang mga doctor doon." Desperada kong sabi." Please,lumaban ka. Wag mo kong iiwan.😭"

Nag iwas sya ng tingin sa akin pagkatapos ay itinuro nya yung gown na gusto nya kaya wala na akong nagawa kundi ang bilhin iyon kahit labag sa loob ko.

RaStro StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon