DESTINED TO BE THE PERFECT TWO (5)

1.3K 63 2
                                    

GPOV
@De'well

"Glaiza,bakit parang wala kayong costumers ngayon ?" Takang tanong ni Rhian habang inaalalayan ko syang maupo. " Dont touch me."

Ang arte nito.😒
Kundi ko lang talaga sya mahal kanina ko pa sya sinipa palabas ng restaurant na to eh.

"Ahm inarkila ko kasi tong buong area para sa date natin." Alanganing sagot ko sabay tingin sa kanya

"Paano kung hindi ako pumayag na makipag-date sayo ? De nasayang lang yung araw na nakasara to." Mataray na sabi nya.

"Alam kong papayag ka. Pabebe ka lang." Bulong ko.

"May sinasabi ka ?!"

"Wala. Sabi ko ang ganda mo ngayon. Ang cute cute oh." Sabay kurot ko sa pisngi nya.

"Ano ba ! I said dont touch me diba ?" Inis na sita nya sabay irap.

"Sungit." Bulong ko sabay tawag sa waiter. "Pakilabas yung mga niluto ko."

"Ikaw yung nagluto?" Tanong ni Rhian .

"Hindi,kusa lang syang naluto. Hmp" pagtataray ko din.

"Pilosopo !😒 bahala ka nga sa buhay mo !" Inis na sabi ni Rhian at mabilis na tumayo pero hinawakan ko sya sa braso."what ?!"

"Sorry na. Oo na,ako yung nagluto nun." Sabay kamot ko sa kilay. "Im just hoping na magustuhan mo."

"Why are you doing this,Glaiza ?" Takang tanong nya pagkatapos ay naupo ulit. "Please,Bumalik ka na lang sa dati. Yung Glaiza na walang pakialam sakin,yung Glaiza na walang pakialam sa nararamdaman ko..so that i can move on easily..wag mong hayaang mahulog ako sa bitag mo."

Nagulat ako sa sinabi nya.

"Rhian..its not my intention to hurt you. Masyado lang mabilis yung mga pangyayari sa pagitan natin. Ayokong samantalahin yung pagkakataon na gusto mo ako." I held her hands across the table." Gusto kong ligawan ka muna. Gusto kong magkaroon tayo ng matibay na foundation para maharap natin yung mga problema na dadating sa relasyon natin. Ayoko ng panandaliang Relasyon. Ayoko ng palagi na lang akong nagsisimula..Gusto ko makaabot din ako sa dulo. I like you,Rhian..i really do."

"Gu-gusto mo rin ako ?" Takang tanong nya,dahilan para mapangiti ako. Para kasi syang inosente.

"I like you,the first time you called me BABE :)" Nakangiting sagot ko.

"Eh bakit ang sungit sungit mo sakin non ?"

"Ang stubborn mo kaya noon.😒 Lalo na nung papunta tayo kila Jae Eun. Grabe kang makasiksik,yung pisngi ko nakadikit na sa windshield." Nakairap na sagot ko.

"Nakadikit ka dyan ! Di nga ako dumidikit sayo eh." Mataray na sabi nya sabay halukipkip.

"Here's your foods. Menudo a la Glaiza De Castro." Nakangiting sabi ng staff namin sa Restaurant habang inilalapag yung mga pagkain sa mesa. "Green Salad,rice,Pasta and colla a la Vaccinara. Enjoy your dinner."

"Menudo a la Glaiza De Castro talaga ?" Natatawang sabi ni Rhian habang hawak yung serving spoon."mukhang masarap tong mga niluto mo huh ?"

"May kahalong pagmamahal kasi yan." Sagot ko. " let's eat."

Habang kumakain kami ay may naalala akong itanong sa kanya.

"Rhian,sino pala yung babae kanina sa office mo ? New client ?" Takang tanong ko sa pagitan ng pagnguya.

"Ah,si Jasmine Smith. Yeah client ko sya. New project." Sagot naman nito habang nilalantakan yung menudo.

"Ow,Akala ko manliligaw mo. Grabe kasing makatingin sayo."

RaStro StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon