Bribing Mr. President

By CincoMedicatus

1.5M 22.3K 1.9K

"Nate, bribe me please." More

Bribing Mr. President
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Epilogue

Chapter 28

27.1K 394 43
By CincoMedicatus

x

Chapter 28

FLASHBACK

Nate’s POV

“Hi Nate!” Napalingon ako kay Karen na tumatalon habang pumapasok sa loob ng bahay. Ngumiti ako sa kanya at binasa ulit ang mga reports na bigay ni Mama sa’kin.

“Napasyal ka? Wala si James dito.”

“Wala lang. Boring kasi sa bahay.” Ngumiti nalang ako sa kanya at tumango.

“Nga pala, Nate. May ugly girl sa labas kanina pero pinaalis ko na.” Hindi ko na siya sinagot pa. Mga gypsies lang siguro yun na naghahanap ng mga pagkain.

Umupo si Karen sa tapat ko at kumuha ng isang mansanas. Pinaglaroan muna niya ito bago sinubo at sumandal sa sofa. Tahimik lang ako habang iniintindi ang nakaka dugo ng ilong na mga reports. Inangatan ko ng tingin si Karen. Nagulat ako na nakatingin pala ito sa’kin habang nakangiti. Kung hindi ko siguro siya kilala ay kikilabotan ako sa kanya.

Hindi kami masyadong close ni Karen. Kilala ko lang siya bilang kapatid ni James. She was adopted by James’ parents dahil sa kagustohang magkaroon ng anak na babae. I’m months older than Karen kaya halos magkapareho lang kami ng year level. Nevertheless, that still doesn’t change the fact that she’s James’ baby sister. Malapit sila sa isa’t isa, I don’t know the story behind it pero ramdam ko kung gaano sila kalapit sa isa’t-isa.

“Ang boring naman.” I chuckled and looked at her.

Tinigil ko saglit ang ginagawa ko at sumandal sa upoan.

“Call your friends then. Alam mo namang wala ka talagang mapapala dito.” Umiling ako sa kanya at tumawa ng bahagya. She pouted her lips which I find cute.

“Tayo nalang ang lumabas, please?” She gave me a puppy look. I shook my head.

“Karen, there are some things that I still need to accomplish. Where’s James by the way? Sa kanya ka nalang sumama.”

 

Humalukipkip siya sa harapan ko at umirap.

“Alam mo maaga kang tatanda niyan.” Tumawa lang ako sa sinabi niya.

I know Karen’s asking for my attention. I know those moves. Hindi naman ako manhid. Karen’s pretty and I like her pero bilang kapatid lang. Malaki rin ang respeto ko sa pamilya niya kaya kailan man, I can’t give her what she wants.

After a couple of hours, umalis na si Karen sa bahay. Alam kong nagtatampo yun pero masyado lang din talaga akong abala kaya hindi ako pwedeng umalis nalang basta. I looked at my wrist watch. Gabi na pala. I stood up and grab the paperworks. Napatingin ako sa isang papel na tumakas mula sa mga folders. Napabuntong hininga ako bago ito pinulot.

It’s the love letter I got from Kareeza.

 

Naupo ako habang binabasa ulit ang nasa loob noon. Wala sa loob akong napangiti. It’s very childish yet it deeply catches me – the entire me. Napapikit ako at mahigpit itong hinawakan.

Hindi pwede.

 

Masyado na siyang off limits para sa’kin.

Napamulat ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. Mabilis kong sinagot ito nang makita sa aking screen na si Karen pala.

“Karen..”

 

“N-Nate..” Napaupo ako ng tuwid nang marinig ko ang pag-iyak niya.

“Ano’ng nangyari? Why are you crying?”

I restrained myself when I heard her sobbed even more. Ayaw na ayaw ko sa lahat ang makakakita o makakarinig ng babaeng umiiyak.

“N-Nate, si k-kuya…” I held my breath. “K-uya’s gone, N-Nate. She was found dead inside his room.”

 

I took my keys immediately as I drive all the way to their house. I thanked God that I arrived safe. Hindi pa masyadong nag-sink in sa utak ko ang nangyari. Masyado pa akong gulat na gulat sa mga nangyari. Parang noong nakaraang linggo lang ay napaka saya niya because of Kareeza tapos ano ‘to?

Mabigat ang paghinga ko habang papasok ako sa bahay. Naabotan ko doon si tita na panay ang iyak. Tinatahan siya ni tito ngayon. Nilingon ko ang second floor nila. May mga pulis na doon at medical team. And I saw Karen, nasa gilid lang siya at tulala. Her eyes were swollen at red.

“Karen..” Agad niya akong nilingon. Tumakbo siya papunta sa’kin at mabilis akong niyakap. Niyakap ko siya ng mahigpit dahilan para sa mas lalo siyang umiyak.

I closed my eyes firmly. Bakit ang bilis naman yata? I don’t really understand. Basta ang alam ko nalang wala na ang kaibigan ko. He committed suicide while holding Kareeza’s picture. Marami din ang nakapag sabi sa’min na pinaglaroan lang siya ni Kareeza. I shook my head at that time. Hindi ko lubos maisip na kaya niyang gawin ‘yon. She’s too innocent and kind to do such things.

James’ burial was held inside the memorial chapel. Mula sa likod ay dinig na dinig ko ang mura at iyak ni tita kay Kareeza. I wanted so bad to save her but I know that she deserves it. Hindi ko na nakayanan pang marinig ang mga iyak at sigawan kaya napagdesisyonan kong lumabas muna.

I grabbed my keys and jacket at mabilis na pinaandar ang motor ko.

Hindi parin talaga ako makapaniwala. Everything went too fast. Sobrang bilis na parang nakakahilo na kung iisipin mo pa. It was very quick na hanggang sa hindi mo na namalayan na andyan ka na pala estadong yan. I gripped the brakes when I realized that I’m driving pretty fast. Kumunot ang noo ko nang hindi man lang ito bumabagal. I tried my best to stop its fast pace pero mukhang wala na talagang pag-asang humina.

I firmly closed my eyes as I felt myself getting dragged by a truck.

***

Karen’s POV

 

 

I was crying the entire night when I received a sudden call from unknown number. Balewala kong pinindot ang answer button at tinapat iyon sa aking tenga.

Halos malaglag ako sa upoan nang marinig ko sa kabilang linya ang nangyari kay Nate. It was a nurse telling me that Nate was dragged by a truck. Nawalan daw ng kontrol ang motor nito at tumilapon. Agad akong lumabas ng bahay at tinawagan ang mommy ni Nate.

Kabado ako habang tinatahak ang St. Lukes. Hindi ko maiwasan ang kabahan at magalit. Samu’t sari ang mga emosyon na nararamdaman ko sa ngayon. I despise that girl so much at hindi ko na lubos maisip kung ano pa ang magagawa ko kung siya na naman ang dahilan nang pagkabangga ni Nate.

That girl! Kung alam ko lang na baliw na baliw pala ang kapatid ko sa kanya ay matagal ko na sana itong pinigilan. James is a very secretive person at nirerespeto ko ang mga bagay na ayaw niyang sabihin. But damn that respect! Dahil sa respect na yan nawala ang kuya ko. At ngayon, malaki ang kutob ko na ang Kareeza na namang yun ang dahilan!

Si Kareeza. Siya yung babaeng naabotan ko na may bitbit na love letters sa labas ng bahay ni Nate at siya rin ang babaeng naging dahilan kung bakit wala na ang kuya. Napatingin ako sa isang love letter na galing kay Kareeza. Impit ko itong binaon sa kamao ko. Urgh! I hated that girl so much that I so wanted to punch her. Abot langit na ang galit ko sa kanya. I hope she rot in hell!

“Tita!” Nilingon ako ng Mama ni Nate at agad sinalubong ng yakap.

Tita used to be a strong woman pero ibang iba ito ngayon. She was sobbing the entire night while waiting for the doctor’s words. Nate is strong too at alam kong malalagpasan niya ito. Nonetheless, this doesn’t mean na hindi na ako kinakabahan.

Pagkatapos ng ilang oras, lumabas na ang doctor. Napahinga ako ng maluwag na okay at safe na ito. Unfortunately, Nate suffered from a minor amnesia. It was nothing serious though, we just have to be more patient when explaining things to Nate. May mga bagay daw talaga na pwede niyang makalimotan.

Tumango nalang kami sa doctor at tinungo si Nate sa isang private room.

Pagkapasok ko ay naabotan ko siyang nakatingin lang sa labas ng bintana. I smiled at him when his eyes landed on me.

"How are you?" Tanong ko sa kanya. Umupo ako sa tabi ng kama niya.

Nagulat ako nang inabot niya ang kamay ko. Ang kamay ko kung saan hawak hawak ko ang isang love letter na galing kay Kareeza. Nakita ko siyang ngumiti bago nag-angat ng tingin sa'kin.

"Is this for me?" Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ako sumagot. Hindi ko alam kung saan ako mangangapa ng sagot.

"Or not?" Dugtong niya. I heard him sighed. "Baka guni guni ko lang. That kind of letter seems so familiar." He smiled at me.

Sa unang pagkakataon nakaramdam ako ng saya. Nate never gave me that smile before. Hindi ko mapigilan ang maging masaya. I've waited this moment in my entire life.

Marahan kong inabot ang kamay niya. He looked at me sincerely which melted my heart. Ngumiti ako sa kanya at tumango.

"Yes, Nate. This letter is for you. I used to send you letters like this since we were kids."

Continue Reading

You'll Also Like

44.3M 669K 73
Seven years ago... I was his stalker. Three years ago... I was his wife. Two years ago... I was his ex-wife. Simula nang hiniwalayan niya ako ay nagk...
719K 575 1
Because of one night mistake, she unexpectedly got pregnant. As soon as her grandfather discovered the disgrace she had committed, she was deported t...
731K 14K 49
💕PUBLISHED UNDER PRECIOUS HEARTS ROMANCE 💕 My name is Vienna Torres. I am pretty, sexy, smart and super rich. Nasa akin na ang lahat except Miguel...
331K 17.5K 66
Iniwan niya ang sariling buhay na kinagisnan at namuhay sa identity ng ibang tao. She never regretted it because it is the chance she wanted. The cha...