Love Will Find A Way

By iloveaxclu

18.7M 126K 17.8K

She is a stranger to him. He is a stranger to her. She's simple and nice. He's a playboy. Will he ever chang... More

Description
Prologue
Chapter 1 [Part 1] - Laureen
Chapter 1 [Part 2] - Luigi
Chapter 1 [Part 3] - The Dare
Chapter 1 [Part 4] - The Expert
Chapter 1 [Part 5] - Reasoning
Chapter 2 [Part 1] - The Event
Chapter 2 [Part 2] - Accident
Chapter 2 [Part 3] - Small World
Chapter 2 [Part 5] - Zoom In
Chapter 3 [Full....] - OMG
Chapter 4 [Part 1] - Guide
Chapter 4 [Part 2] - Dinner
Chapter 4 [Part 3] - Courage
Chapter 5 [Part 1] - Pancakes
Chapter 5 [Part 2] - Lost
Chapter 6 [Part 1] - First Week Funk
Chapter 6 [Part 2] - Stares
Chapter 7 [Part 1] - Rematch
Chapter 7 [Part 2] - Assumptions
Chapter 8 [Part 1] - Blue Team
Chapter 8 [Part 2] - No Guts, No Glory
Chapter 8 [Part 3] - Ripple Effect
Chapter 9 [Part 1] - Unexpected *
Chapter 9 [Part 2] - Unexpected **
Chapter 10 [Part 1] - Guilt
Chapter 10 [Part 2] - Clueless
Chapter 11 [Full....] - Mood Swings
Chapter 12 [Part 1] - Hon *
Chapter 12 [Part 2] - Hon **
Chapter 13 [Part 1] - Friday Night
Chapter 13 [Part 2] - Tick Tock
Chapter 13 [Part 3] - Every Little Thing She Does
Chapter 14 [Part 1] - The Engagement
Chapter 14 [Part 2] - Babies *
Chapter 14 [Part 3] - Babies **
Chapter 15 [Part 1] - We're In This Together
Chapter 15 [Part 2] - I Got Your Back
Chapter 16 [Part 1] - The New Us *
Chapter 16 [Part 2] - The New Us **
Chapter 17 [Part 1] - This Means War *
Chapter 17 [Part 2] - This Means War **
Chapter 17 [Part 3] - This Means War ***
Chapter 17 [Part 4] - This Means War ****
Chapter 18 [Part 1] - You've Been Invited *
Chapter 18 [Part 2] - You've Been Invited **
Chapter 19 [Part 1] - TLC
Chapter 19 [Part 2] - TLC
Chapter 19 [Part 3] - TLC
Chapter 20 [Part 1] - Steps
Chapter 20 [Part 2] - Steps
Chapter 21 [Part 1] - Changed and Unchanged
Chapter 21 [Part 2] - Changed and Unchanged
Chapter 21 [Part 3] - Changed and Unchanged
Chapter 21 [Part 4] - Changed and Unchanged
Chapter 22 [Part 1] - When The Going Gets Tough
Chapter 22 [Part 2] - When The Going Gets Tough
Chapter 22 [Part 3] - When The Going Gets Tough
Chapter 23 [Part 1] - Hard To Breathe
Chapter 23 [Part 2] - Hard To Breathe
Chapter 23 [Part 3] - Hard To Breathe
Chapter 23 [Part 4] - Hard To Breathe
Chapter 23 [Part 5] - Hard To Breathe
Chapter 23 [Part 6] - Hard To Breathe
Chapter 24 [Part 1] - Memory Lane
Chapter 24 [Part 2] - Memory Lane
Chapter 24 [Part 3] - Memory Lane
Chapter 24 [Part 4] - Memory Lane
Chapter 24 [Part 5] - Memory Lane
Chapter 24 [Part 6] - Memory Lane
Chapter 25 [Part 1] - Back In The Game
Chapter 25 [Part 2] - Back In The Game
Chapter 25 [Part 3] - Back In The Game
Chapter 25 [Part 4] - Back In The Game
Chapter 25 [Part 5] - Back In The Game
Chapter 26 [Part 6] - Back In The Game
Chapter 26 [Part 7] - Back In The Game
Chapter 26 [Part 8] - Back In The Game
Chapter 27 [Part 1] - Mr & Ms
Chapter 27 [Part 2] - Mr & Ms
Chapter 27 [Part 3] - Mr & Ms
Chapter 27 [Part 4] - Mr & Ms
Chapter 27 [Part 5] - Mr & Ms
Chapter 28 [Part 1] - All or Nothing
Chapter 28 [Part 2] - All or Nothing
Chapter 28 [Part 3] - All or Nothing
Chapter 28 [Part 4] - All or Nothing
Chapter 29 [Part 1] - Firsts
Chapter 29 [Part 2] - Firsts
Chapter 29 [Part 3] - Firsts
Chapter 29 [Part 4] - Firsts
Chapter 29 [Part 5] - Firsts
Chapter 29 [Part 6] - Firsts
What's Your Fave LWFAW Part? :)
Chapter 30 / Last Chapter [Part 1] - Every End Is A New Beginning
Chapter 30 / Last Chapter [Part 2] - Every End Is A New Beginning
Chapter 30 / Last Chapter [Part 3] - Every End Is A New Beginning
The Long Wait Is Over :) Ang Love Will Find A Way Book ay Nandito Na :)
Love Will Find A Way Book - Part 2 is out! :)

Chapter 2 [Part 4] - Post It

229K 1.5K 62
By iloveaxclu

Laureen’s POV

“What? Ihahatid ko sya sa unit nya? Ano ako yaya?”

Umiiling si Luigi sa akin. Parang sinasabi nya na wag ako papayag sa gusto ng Lolo ko.

“Come on, apo, help him”.

Kinuha ni Luigi ang cellphone ko sa kamay ko, and he composed his self, “Ok naman po ako, no need for Laureen to bring me upstairs, I can…..”

 Hindi ko naririnig ang sinasabi ni Lolo, mga sinasabi lang ni Luigi ang naririnig ko.

“But….”

"Thank you so much po for worrying about me, but really, I can...."

"It was nothing, I was just being careless and I ......."

"Ok, here she is".

Inabot ni Luigi pabalik sa akin ang cellphone ko. Parang naiinis sya.

"Hello Lo".

“Apo, go ahead help him”.

“Lo”.

“Tell him thank you for saving you and be careful later when you drive home, umuulan nang malakas dito”, and the other line went dead.

"Lo, wait", pahabol ko pero binaba na nya.

Tumahimik kami sandali.

Akward. Binasag ko ang katahimikan namin.

“Thank you daw sabi ni Lolo”, talo na ko, pero hindi ko na inestressed na that is for saving me. Ayoko nga.

“I told him….”, sabi ni Luigi, pinutol ko sya at iniakbay na lang ang isang braso nya sa akin para matulungan syang makababa, makapaglakad at makaakyat sa unit nya.

Medyo nailang ako ng konti ng naiakbay ko na sya sa akin, kakaiba ang feeling. Ang bango nya. Siguro ang sarap sumandal dito. Haha. Seryoso yun ang naisip ko, ewan ko ba. 

“Oh, careful”, sabi ni Luigi.

Kalagitnaan ng paglalakad namin ay narinig namin na nagstart na umulan. Pinilit na lang namin bilisan para hindi kami mabasa.

Ewan ko kung nagiimagine lang ako pero parang umangat ng kaunti ang braso nya na nasa balikat ko, ewan ko siguro naiilang din sya.

Tumingin sa amin ang babaeng nakasabay namin sa elevator. Actually sa kanya nakatingin ang babae. Nakangiti ito. Siguro kasing edad lang namin ito. Nginitian din ito ni Luigi pabalik. Babaero 'to isip-isip ko.

"Hi, what happened to you?", the girl said.

"Oh this, this is nothing", he said and smiled again.

Oh this is nothing. Pa-cute! Pa-cute talaga 'to masyado.

Pagdating ng 8th floor ay lumabas na kami sa elevator, at naglakad na kami papunta sa unit nya.

Tumigil sya, nasa harap na pala kami ng unit nya. He searched his pockets. May hinahanap sya. Hindi nya makita.

“Sh*t!”, sabi ni Luigi.

“Baket?”

“Nahulog ko ata sa kotse mo kanina yung keys ko nung nakatulog ako”.

“Ha?”

“Malas talaga”, bulong nya sa sarili nya. I know frustrated na sya.

Since wala naman ibang kayang bumalik sa kotse ko sa aming dalawa kundi ako lang, nagpresinta na ako, para matapos na at makauwi na ako.

Bumuntong-hininga muna ko. “Okay, hintayin mo ko, hahanapin ko sa kotse ko.” 

Bago pa sya makapagsalita ulit ay tumalikod na ako at lumakad papunta sa elevator.

Paglabas ko ng building ay malakas na ang ulan. Wala akong payong. Iniwan ko din ang bag ko sa loob ng kotse ko, susi ng kotse at cellphone ko lang ang dala ko kanina nung hinatid ko sya sa taas.

Nag-isip ako ng konti at huminto, pero napagpasyahan na sumugod na din sa ulan.

Sa loob ng kotse, hinanap ko ang keys ni Luigi. Tama sya nahulog nga sa kotse. Nakita ko itong nakalagay sa gilid ng kinauupuan nya kanina. 

Tumakbo ako papalabas ng kotse ko. Nagulat pa ako ng biglang kumulog at kumidlat. Kung sino man ang makakakita sa akin ay matatawa siguro sa reaction ko. Haha

Malamig sa lobby ng building, parang gininaw ako. Nabasa kasi ang buhok ko at ang damit ko ng malakas na ulan.

Pagdating ko ng 8th floor ay nandoon pa din sya sa pinto ng unit nya. Namamalik-mata ba ako?Napatitig sya sa akin ng makita nya ko. Di sya nagsalita, nakatitig lang sya sa akin.

Haynaku, oo na mukha na akong basang-sisiw, sige na tawanan mo na ako, kumag ka talaga.

Pero unexpected ang reaction na nakuha ko galing sya, ngumiti sya ng konti.

Pagbukas ng pinto nya, inalok nya ko na pumasok muna. Parang naiilang ako. Ako papasok sa loob ng condo niya? Hindi ko naman sya kilala. Atsaka isa pa sa ginawa nya sa akin sa bar, parang hindi dapat. Pero sabagay kilala naman sya ni Lolo. At isa pa malamang, injured nga sya eh, hala naman itulak ko na lang sya masabi lang na naihatid ko na sya sa loob.

Iniakbay ko ulit ang braso nya sa akin at tinulungan syang maglakad. Nung magkadikit kami medyo umiwas sya, siguro nalamigan.

Maganda ang loob ng condo nya. Maayos ito. Di mo aakalaing lalaki ang nakatira dito. Madaming frames ng iba’t-ibang photos ang nakasabit at naka-display. Sya kaya lahat ang kumuha non? Ang gaganda.

Nakakailang pala sa loob ng condo ng lalaki, lalaki na hindi mo kilala.

Tinuro nya ko sa sofa. Tinulungan ko sya umupo. Medyo nailang ako umupo kasi nga basa ang damit ko. Pero sumenyas ulit sya at pinaupo pa rin nya ko.

Binuksan nya ang TV, tumingin lang ako saglit pero tumayo na din ako agad.

“Thanks sa paghatid”, mahinang sabi ni Luigi.

Di ako sumagot. Tiningnan ko sya. Ang dumi nya. Haha

“Nagugutom ka ba? Gusto mo kumain?”, tanong niya.

Wow, bait-baitan si kuya? Anong nakain? Speaking of which, gutom na ko. Konti lang ang kinain ko sa merienda kanina.

“Hindi ok lang, di naman ako magtatagal”.

“Ok, pero kung nagugutom ka, meron jan sa ref, microwave mo na lang, sorry di kita maasikaso”.

Aba, mabait? Hmmm. Hindi pa din ako kumbinsido.

“Ok lang, sige. Alis na din ako”, paalam ko sa kanya.

“Sure ka? Patila ka muna ng ulan.”

“Kaya yan”.

“O-ok, kaw bahala”, utal nyang sabi.

"Sige". Paalam ko sa kanya.

"Ingat".

Umalis na ko ng tuluyan, di pa naman masyadong baha kaya nakarating naman ako ng maayos sa condo ko. Basa ako ng ulan. Pumunta na ko sa banyo para makaligo at ng makapahinga na. Pagod na pagod ako ngayong araw.

Nilinis ko ang katawan ko na nadumihan ng pintura. Medyo masakit pa ang mga bahaging tumama sa akin sa pagbagsak ko kanina. I was washing my hands and I remembered Luigi and the uneasiness when he touched my hand.

Ano ba Laureen, wala yun.

Paglabas ko ng CR dumerecho ako sa closet ko, naghanap ako ng pantulog. Sando at short ang susuotin ko. Pag hablot ko ng sando, naihulog ko ang isang blouse na nakahanger.

Natigilan ako, favorite yun ni Jeff pag suot ko yun. V-neck kasi ito at alam naman ni Jeff na hindi talaga ako nagsusuot ng may mabababang necklines. Pero ng makita namin ito sa mall, nagustuhan 'yon ni Jeff at pinasukat sa akin, sabi nya bagay naman daw at hindi malaswa. Dali-dali syang nagpakuha ng bagong stock sa sales lady at binayaran ang blouse.

Si Jeff.

Si Jeff na naman.

Sumasakit ang puso ko.

Muli ko naalala ang nakita ko kanina.

Si Jeff may kasamang babae. Ang sakit sakit.

Sya ba ang sinasabi ni Jeff na kelangan sya nito. Sya ba ang ipinalit sa akin ni Jeff?

Bakit parang masaya sila? Hindi ba ko pinanghihinayangan ni Jeff? Isa lang ba talaga ako sa mga babae nya? Umagos ang mga luha ko.

Masakit na narinig ko yung mga sinabi ni Jeff pero mas masakit pala talaga 'pag na-witness mo pa. Parang walang laman ang mga dibdib ko. I felt emptiness inside.

Napatingin ako sa full length mirror na nasa pinto ng closet ko.

Tinignan ko ang itsura ko. Maganda naman ako ah. Sexy din naman ako.  Bakit hindi na lang ako Jeff?

Bakit hindi ako? Anong kulang sa akin?

“Boring ba ko Jeff? Dahil ba hindi ako makolorete sa katawan? Hindi ako sexy manamit? Ang sakit sakit isipin Jeff",humahagulgol kong kinakausap ang sarili ko sa salamin.

“Binuhos ko ang pagmamahal ko sayo pero tinapon mo lang yun na parang wala man lang tayong pinagsamahan!”

Sumisikip ang dibdib ko sa galit.  Hinablot ko ang mga damit sa closet ko at tinapon ang mga iyon sa kama ko. Bumabalik sa akin yung mga memories namin, paano nya ko niligawan, ang mga dates namin, ang mga surprises nya sa akin.

Lahat ng mga yun wala ng kwenta ngayon.

Para akong baliw na napaupo at napayakap sa mga tuhod ko habang minamasdan ang mga damit na nakakalat sa kama ko. Humahagulgol ako.

“Ano bang gusto mo Jeff? Ayaw mo na ba talaga sa akin?”, sumisigaw ako sa galit.

Hindi ko na alam kung gaano ako katagal sa ganong posisyon. Halos mapaos na ko sa kakasigaw. Di naglaon parang wala na din akong mailabas na luha sa kakaiayak ko.

May seconds na natutulala na lang ako tapos biglang iiyak uli.

Muli akong tumayo at humablot ng mga damit sa closet at itinapon sa kama ko. Napaupo ako sa pagod. I feel very exhausted. Dahil ba sa activity ko buong araw o sa pagiiiyak? Halu-halo na.

Napansin ko na may isang 'post it' na nakadikit sa dulo ng full length mirror. Kinuha ko ito at binasa.

It says ‘Be more beautiful, be stronger!’.

Kay Charms galing 'to. Kilala ko ang sulat-kamay nya. Tama si Charms. Kelangan ko ng magpakatatag. Tama na 'to. Kelangan mas lalo akong magpaganda, show Jeff that I’m winning this break up. Tama sya.

Kumuha ako ng do-it-yourself na karton, madami ako nito. Pag nakakakita ako sa mall bumibili ako lalo na pag maganda ang design. 

Inilagay ko ang ibang mga damit ko sa karton, halos walang matira sa closet ko. Mostly pambahay lang ang naiwan at mangilan-ngilang blouse lang. Nagtira lang ako ng three pairs of jeans para pag may activity ako na kelangan naka-jeans hindi na ko maghahalungkat pa.

Pagkatapos ko ay naligo ulit ako dahil feeling ko nadumihan ako sa ginawa ko.  At tuluyan ng humiga sa kama ko na ngayon ay wala ng mga damit na nakakalat.

Niyakap ko ang unan ko. Sinabi ko sa sarili ko na huling gabi na 'to na iiyak ako.

Starting tomorrow I’ll have a different day.  A different me. 

Continue Reading

You'll Also Like

76.3K 2.3K 10
HELLO Band Series 1: Antenna fell in love with Shark the moment she saw him cry. Naniniwala kasi siyang iba magmahal ang mga lalaking iniiyakan ang m...
9.9M 122K 117
Magaling humalik. Magaling sa kama. Hindi torpe. Gwapo. Lahat ng iyan, wala kay Kendrick. Lahat ng iyan, naging dahilan para iwan...
16.4M 232K 60
Sa kwentong ito, malalaman mong hindi lahat ng tinatawag na "freak" ay dorky, nerd, or just generally not nice-looking. Dahil minsan, may mga freak d...
3.3K 1.5K 34
What's inside your mind?