The Untamed Beauty and The Ha...

By cofitwiin

2K 37 8

Disney's Classic fairy tale with a twist: Mayroon tayong kasabihan na LOVE CONQUERS ALL. But will love conque... More

Prologue
Chapter 1: Meet Ana Fonetier
Chapter 2: Date With The Stranger
Chapter 3: Travis the Traitor
Chapter 4: The First Time I Saw You
Chapter 5: Bahay Mo Bahay Ko
Chapter 6: Bisita To Yaya
Chapter 7: Meet the Most Special Girls in My Life
Chapter 8: Household Chores Blues
Chapter 9: All New...
Chapter 10: Painful Past
Chapter 11: Rest-Oh-Rant
Chapter 12: Angela
Chapter 13: The Announcement
Chapter 14: Hi! I'm Mr. Confused
Chapter 16: Ana or Angela
Chapter 17: Two Halves
Chapter 18: My Angel
Chapter 19: Ana vs. Angela

Chapter 15: His Parents

51 0 0
By cofitwiin

Well well well...masyado atang mahiyain ang mga readers ko. Salamat sa inyo nakarating ako sa 200+  reads!!! Masaya talaga ako, kahit na wala akong narereceive na feedback from you dear readers. So this  chapter will be dedicated to myself haha, ala lang...

kung hindi ko sa sarili ko idededicate to, kanino? Eh wala ngang nag-iingay sa inyo?

Pero kahit ganun pa man, I will still try my best para mapaganda ko ang story ko. Hehe!!! Mwakz!

----------------------------------------------------------

Chapter 15: His Parents

Ana's POV

[Kinaumagahan...]

Napagod ako...kakaiyak :'(

Kagabi masyado yata akong napagod. Salamat kay Bryan, buti at ready ang likod niya. Hay life parang  buhay lang.

Tingin sa oras...6:30am na! Sakto namang may kumatok sa pintuan ko.

"Knock knock! Ana, labas ka na jan. Prepare yourself at ngayon na ang trabaho mo"

Oh my gosh!!! Oo nga pala! Aaaaaaaaaaah!! Sa wakas, magkakaroon na din ako ng trabaho! Ahahaha,  panandaliang pagkalimot sa kalungkutan, pero alam ko later, I will continue this emo thing.

"Ok! Saglit lang ligo lang ako!" masayang tugon ko sa kanya. Binuksan ko muna yung pinto at nakita ko si  Ivo na nakatayo.

Napatingin ako sa kanya, sa mga mata niya...

"A-Ana, teka, a-ano nangyari sa mata mo ha?" what? Bakit? Anong nangyari sa mata ko? Di ba dapat ako  ang nagtatanong niyan?

"Ivo, ano bang pinagsasasabi mo? Eh kung yan kayang mata mo ang tignan mo. Ano bang nangyari sa yo  at nagkaroon ka ng panda eyes??" nakakapagtaka naman. Hinila ko siya sa loob at itinulak sa harap ng  salamin.

"Ayan, tignan mo nga naman ang...oh my! Ang mata kooooooooooo!!!" napahawak ako sa mata ko  habang nakatingin ako sa salamin.

"Eh kaya nga kita tinatanong eh, anong nangyari sa mata mo?"

ang kuleeet naman. Hindi pa ba naman sagot mismo ang mga mata ko?

"W-wala, walang nangyari, puyat lang. SIge matutulog este maliligo na ako" at iniwan ko siya dun.  Pumasok ako sa banyo. Hawak ko ang mga damit ko nang may matapakan akong madulas kaya  tumilapon lahat ng gamit ko. Dali-dali ko namang pinulot, at sa sobrang kaba na din na nandito si Ivo sa  kwarto ko.

"Ano bang hinihintay mo? Pwede bang lumabas ka muna at maliligo ako?" hindi ako pinansin ng  halimaw na to at pinagpatuloy pa ang pagbabasa ng mag.

Kainis! Parang walang nangyari kagabi ha! Bwisit lang pag naaalala ko yun! Bwisit talaga!

Pumasok na ako sa bathroom at naligo na din.

Pero dahil nandyan sa labas si Ivo, diyos ko, dito na lang ako magbibihis sa loob. Baka mamaya may  pagnanasa din sa kin yan di lang pinapahalata.

Isinuot ko na yung mga damit ko, I already worn my brassiere and shirt na presentable naman for my  first work.

Next...

haaaaaaaaaaaa!!! Nasan panty ko??? T^T

Sumilip ako sa labas at nakita kong nandon at nakaupo pa din si  Ivo.

"Pssst!!!! Ivo!!!" tawag ko sa kanya pero di yata ako narinig. (@_@)

"Uy! Huy!" kumuha ako ng hanger at binato siya.

At ayuuun!!! Bull's Eye! Tinamaan nga siya!

"Aray naman! Bakit ka ba nambabato diyan ha!" talagang to walang kasing sungit!!! Bweset lang eh!!!

"Eh kasi, ano eh, kwan! Eeeeh! Nakakahiya!" para naman akong tanga

"Ha!! Anong ano eh, kwan! Ano ba yan??? Magbihis ka na at ihahatid pa kita sa tito ni Darren"

Ano ba tong lalakeng to!!! Maanong sumaglet, pasensya ha, di ko masabi nang diretso eh. Kayo? Kaya  niyong sabihin sa isang lalake na 'uy, nahulog yung panty ko, pakipulot nama o'!!!

This is crazy!

"Ahm, Ivo, eh kasi, yung underwear ko, nahulog yata, paabot naman ako please" puppy eye effect pa.  Haha

"WHAT!??? Underwear! Are you certain Ana!! Tong babaeng to talaga" ibang klase talagang  magreklamo eh ano? Kung inabutan na kaya ako!! Whatever makes you loser!!!

"Sige na please abutan mo na ko...^0^" at dahil wala din lang naman siyang choice, hahaha! Kinuhanan  niya din ako ng panty!!!

Ang arte ha! Two fingers pa ang gamit...tse!!!

"Hehe, lamatzzz!!!" at kinuha ko na ang aking free precious panty na nakuha ko sa isang mall noon!

Nagbihis ako at lumabas na din. Mmm, di din ako excited eh. Akalain mo 7am pa lang. Hihihi! Lumabas  ako ng banyo at mabuti naman dahil wala na siya sa kwarto ko...

$_$

$_$

$_$

Grabe, I am so excited nang humawak ng pera! Tsaka magandang impression ang first day na hindi ka  late sa trabaho.

"Ivoooo!!! Honey! We're here na!!!" ay ano ba yang sumisigaw na yan! Ang ingay eh! At ano daw? Ivo  honey? We're here na? Baka naman si Angela yan.

Naku, kahit maganda ang pagpapakilala niya sa akin, hindi ko gusto yung sinabi niya kagabi na ie-engage  siya kay Ivo, aba selosa yata ang dyosa. Hindi ako papayag.

Daylight give me thy might...

For now I call on all the forces of the universe!!!

The north, east, west, and south winds, below and behold!!!

This world's gravitational force, loosen the power,

that may this intruder be out of my life foreverrrrrrrrrrrrrrrrr!

Sa mga makapangyarihang hangin na yan, please lang ilipad niyo na si Angela papuntang ibang lugar,  basta wag niyo lang idadako ang babaeng yan dito, kawawa ang buhok niyang maganda baka makalbo  siya. Sorry ha, concern lang ako sa kanya. Baka pwede na siya sa moon, ay masyadong malapit, di  satisfied ang reyna. Sa sun, pwede na siguro siya dun.

Dahil I will never everrrrrrrrrrrrr.............teka! Ang OA naman, tsaka pano kung hindi naman si Angela  yun, e di nagkasala pa ko! Sumilip ako at tiningnan kung sino yun!

MATANDA??? Hindi ko makita nang mabuti, nakatalikod siya sa kin at nakayakap kay Ivo. At ang  matandang babae may kasamang matandang lalake.

OMG! Ang matandang babae, kamukhang kamukha ni Jane! Ay si Yome pala! Ay o, ewan, hindi! Tanga  ka talaga Ana, magkamukha yung magkapatid kaya natural lang na kamukha nilang pareho nanay nila!!!  Wow, ang ganda lang, kahit matanda na.

"So, nasan sina Jane? Si Mae?" tanong ng matandang lalake at humarap na siya sa akin, at kitang kita  ko...ikaw nakita mo ba? Hahaha, eh mukhang matandang Ivo lang ang lalakeng to eh.

"Nandun po kila lola. Pero tinext ko na po sila, They will be here in no time" sagot naman ni Ivo. Tuwang  tuwa akong nanonood sa kanila.

"Son, we heard about what happened to Yaya. We're really sorry na ngayon lang kami umuwi. Actually,  hindi din kami magtatagal dito. Baka two or three days lang kami dito, talagang importante yung inaayos  namin eh. " sabi ng matandang babae.

"Ah don't worry ma, kahit wala si yaya dito, we can still manage. Ah saglit lang po ah" rinig kong sabi  niya sa matandang babae na tinawag niyang 'ma'. Oooooh! That could be his parents. Hahaha! What a  silly little queen you are Ana!

Umakyat siya papunta dito kaya naman nagtago ako at isinara ko ang pinto.

Hinihingal ako. Feeling ko, may something na mangyayari. Huhu! O sige ako po si OA.

Natutuwa naman ako sa sarili ko! Grabe…grabeng katangahan. Kunwari isinara yung pinto tapos hindi  naman ini-lock! Stupid me! +__+

"Ana, asan ka?" tawag niya sa kin. Pero hindi ako sumagot. Nagtago ako sa ilalim ng bed. Naramdaman  ko na lang na may sumilip sa kin kaya napatingin ako sa direksyon niya.

0_0

^_^

>__<

"Ana, what are you doing there?" nanlalaki ang mga mata niya. Huhu!

"Ah, eh, kasi kwan, ano eh, ahm, ah..."

"anong ahm ehm.."

"Ah hinahanap ko yung  ref! Namisplace ko kasi eh" acceptable reason but no logic. Galing ko talaga eh.  Hehe, akalain mo namisplace ko yung refrigerator tapos hahanapin ko pa sa ilalim ng bed. Nasabi ko na  ba sa inyo na ako si Wonder Woman? I am a woman full of wondrous antics, practical jokes, and chicha!

"Really? O ano nahanap mo na ba? Baka gusto mo ding tignan sa drawers ko, pati sa toilet tignan mo na  din, wag mo kalimutan icheck sa bulsa ng pantalon ko, baka sakaling mahanap mo pa" sarcastic na sabi  niya. Eeeeeh! Ano ba yan di man lang marunong sumakay! Haaay! Tumayo na ako at hinarap siya.

"Ah, hehehe" napakamot na lang ako ng ulo at nakangiting inilayo ang tingin ko sa kanya. Ako na po  napapahiya dito. Ref! Magpakita ka na!

"Baba na tayo, my parents are waiting for us. At pagkatapos tutuloy na tayo sa trabaho mo" tsaka siya  ngumiti…at napangiti na din ako. Ngumiti siya at ngumiti din ako, bagay talaga kami! XD

Bumaba kami sa hagdan habang nakasunod ako sa kanya. God!! Nahihiya naman ako sa parents niya.  Ano kaya pagpapakilala niya? 'Ah ma, this is Ana, bagong yaya natin, ^_^'

HUWAAAAAAAAAAAT!!!! Teka hindi yata ako makakapayag na ganon ha. Teka iba dapat…

'Ah mom dad, this is Ana, ang angel ko hulog ng langit, nahulog, tinadyakan at sinipa para mahulog sa  kin' hahaha!!! Zzzzweet siya, kaso mejo brutal.

Ngingiti ngiti lang ako, at tumatawa tawa ng mahihina na nakayuko at kagat kagat pa ang kuko ko.

"Iha..." aaaaaaaaaaaaaaaaah!!! Hindi ko namalayan andito na pala ako sa harap ng mommy niya! Ang  tanga lang! This is too good to be true!

"Ah hello po sa inyo, ma'am and sir! Good morning ho" payuko yuko pa ako, nahihiya naman ako. >///<

" Ana this is my Mom, Pelagiah Pelano and Restituto Pelano, my dad" pagpapakilala niya sa mga magulang niya. Tiningnan ko ang mga mukha ng mga parents niya. Ngumiti sila, ako din ngumiti hehe, kaso pilit. Tapos yumuko lang ako ulit. Alam niyo yun? Pa-humble effect haha!

"And ma, dad, this is Ana my friend" mula sa pagkakayuko ko ay napatingin na lang ako kay Ivo. At ano  sinabi niya? Friend ko?

Friend lang?

*sigh*

"Ah really??? Wow! May kasama ka palang magandang binibini dito sa bahay! Ahahaha"

WHAT THE--bakit ganoon yung mama ni Ivo? Parang…ano ba tawag sa ganon? Na-o-obssess o  napoposses? Eeeeew! Ibang klase makatawa, hanggang ngala ngala kitang kita!

"Ikaw talaga Ivo, you never fail to make me laugh, son! How dare you say that she is your friend?  Hahaha!" sabi ng ama niya.

Alright! What's the matter with you people? Pinagtatawanan ba nila ako? Ha? HA? Pinakaayoko sa lahat  kasi yung pinagtatawanan ako eh.

Teka, ayaw ba nila ako maging friend ng anak nila? Ang sarap manghampas!!!

"Ha? Mom naman ano nangyayari sa inyo? Dad, will you please get back on your nerves? Nakakahiya sa  bisita ko" alam niyo ba kung anong nararamdaman ko ngayon?

Gusto kong umiyak, because I can see my parents sa katauhan ng mom and dad ni Ivo, and I missed  them that much. TT___TT

Napatingin ako sa kanila at tawa pa din sila ng tawa. Grabe ang saya nila ^_^

"Ma, will you please cut it out! Wala akong nakikitang nakakatawa"

Tapos bigla biglang serious mga mukha nila. Hehe ayos ah, para akong hindi nananaginip.

"Hi Ana dear. It's so nice to meet you! Wag kang mahihiya sa min dahil kilala ka namin"

0_0  ano ibig nilang sabihin?

"Oo nga Ana, nakakatext kasi namin sila Constance and Conceppy!" Constance? Conceppy?  Sino yun?

?_?

"…and they told us about the ehem relationship ehem of the two of you" ngiting ngiti ang nanay niya

^_^

*^_^*

0_0

*o_0*

"ma, don't be like that! Mga bata pa sila kaya di nila naiintindihan" pagpapaliwanag ni Ivo. Grabe, ano ba yang nanay niya, parang hindi niya nanay. Sabagay ngayon ko pa lang naman na-meet ang mama niya.

"Ah dad, ilang taon na ba ang daughters natin?" nagtanong ang mama niya sa tatay niya.

"Ahh, as far as I can remember 9 si Conceppy and 10 si Constance" sagot naman nito. Parang tanga.

"See? Matanda na ang mga sisters mo para hindi nila maintidihan ang ibig sabihin ng kiss" at sa sinabi ng mama niyang iyon, napatakip na lang siya ng bibig.

W-What the!!! Huhuhu…

Lupa oh lupa, pakinggan ang reyna

Ikaw ay bumuka at lamunin ang diyosa

Feeling ko uminit ang pakiramdam ko. Tumingin ako kay Ivo…

0.0 itsura niya!

"Hihi, sige mukhang may pupuntahan pa kayo eh, maayos ba ang room namin nak? Gusto kong magpahinga eh" at umakyat na sa taas ang dalawa. Pero nakita kong lumingon pa ang mama niya at ngumiti.

Wahaha! Nakakatuwa naman yung mama niya. Mejo napangiti ako kaya napahawak ako sa lips ko hehehe.

"Anong nginingiti ngiti mo jan?" may coldness sa voice na sinabi niya sa kin kaya nagulat ako. Never pa niya ako kinausap ng ganoon. o-o

"Ha eh, wala lang, hehe" at ngumiti pa ako ulet sa kanya

"come on, we're late" gaaaaad! Oo nga pala first day ko ngayon so dapat maaga ako.

>>Fast Forward

Nandito na kami sa ano ba to, Rest-Oh-Rant??? Ah, siguro yun ang name ng restaurant. Ang cute naman

"Ivoooo..." napatingin ako sa nagsalita, and lo! Darren? Bakit nandito si Darren??? *puzzled*

"O pre, not late, are we?" - Ivo

"Ha, ang aga niyo nga eh" Darren

"That's good, so asan si Uncle?" ano ba naguguluhan ako..ni wala man lang bang magpapaliwanag kung bakit nandito si Darren???

Hinila ko yung laylayan ng t-shirt ni Ivo. Tumingin naman siya sa kin.

"Teka, anong ginagawa ni Darren dito?" medyo pabulong na tanong ko sa kanya.

"Ha? Di ko pa ba nasabi sa yo? Sa tito niya ang restaurant na to. Halika na at kakausapin pa natin si Uncle" hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming pumasok sa management office.

***(A/N: Waaaaah!!! Namiss ko mag update! Haha, I miss my loyal readers! I hope nanjan pa din sila after a month of zero update! Masaya ako dahil nakaupdate na ako ulit, and as I promised, Iam going to give five updates.

And malungkot din, dahil </3 ako ngayon, we just broke up huhu!!! But I guess this is a good time para mag-update para may feelings di ba? Haha! But please expect for some scenes na makikisabay sa kin. Gaya ng sabi ko kanina </3</3</3 ako :-( all I need is some inspiration and friends)

But please, I'm begging for comments and votes guys. Huhuhu!

-twiin

Continue Reading