Mi Amore Series#1 My Mute Maid

By jaysanj

1.9M 64.9K 17K

Putek naman si Mama! kukuha na nga lang ng maid yung pipe pa! - Left Yumi Kyo GirlxGirl story More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 49
Epilogue

Chapter 48

28.2K 943 75
By jaysanj


Left's POV

"Sure ka bang okay ka lang?" tanong ni Kuya. Pang-ilang tanong na nya ba yan sakin?

"Kuya paulit ulit tayo? okay lang ako, mawawala din itong lagnat ko." sagot ko sa kanya. Napabuntong hininga sya.

"Nag-aalala kami sayo." tumingin ako sa kanya at ngumiti.

"Mas nag-aalala ako kay maid." hindi na maganda pang manatili dito sa hospital kung nandito lang sa paligid ang mga tauhan ni lolo.

"Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan gawin ito ni lolo. Hindi lang si Nissan ang nakakaalam na ginawa nila, bakit si Nissan lang ang hinahunting nila?" hinawakan nya ang baba nya at nag-isip. Nakibitbalikat lang ako. 

Isinuot ko ang jacket ko at napaisip din kung bakit kilangan humantong pumatay si lolo. Ano bang kailangan nya? hindi pa ba sapat ang pera nya na meron sya? o baka may ibang dahilan?

"Are you guys ready?" tumingin ako sa pintuan. Laking ngiti ko nubg makita si maid kasama ni Ate Yani.

"Yes hon." sagot ni Kuya kay Ate Yani. Tumingin sakin si Kuya. "Mas nakakabuti na don muna kayo sa condo ko tumira. Hindi safe sa bahay mo o sa bahay nila Mama dahil walang magmo-monitor don sa inyo kahit madami pang bodyguard. At tsaka may secret path si lolo sa bahay nila Mama kaya sya nakatakas, baka gamitin nya yon kung nandon kayo." tumango lang ako, kung saan magiging ligtas si maid okey lang sakin.

Lumapit sakin si maid na may nagtatanong sa mukha. Hinawakan ko ang kamay nya.

"Magiging okay lang ako, mamaya lang wala na itong lagnat ko." sagot ko sa kanya dahil alam ko naman na yung lagnat ko ang pinag-aalala nya.

Bumuntong hininga sya at tumango. Napangiti ako at pinagsiklop ang mga daliri namin.

Lumabas na kami ng hospital at masasabi ko na mahigpit nga ang bantay samin dahil lagpas sa sampu ang bodyguard na nasa paligid namin kaya pinagtitinginan kami ng mga tao rito. Pero ayos lang para sa kaligtasan namin ito.

Gamit namin ang kotse ni Kuya, nasa harapan sila ni Ate Yani habang kami ni maid nasa likod. Yung mga bodyguard may sasakyan silang dala, isa nasa unahan at dalawa sa likuran namin. Parang tuloy kaming anak ng presidente ng pilipinas sa lagay namin.

Napatingin ako kay maid na sumandal sya sa balikat ko. Napangiti ako at iniligay sa bewang nya ang kamay ko. Mas kuntento ako sa ganito lang kami ni maid kaysa nung time na kami pa ni Sean na palaging may surprise at may mga pabulaklak pa at chocolate. Hindi sa ikinokompara ko silang dalawa, masaya din naman ako nung kami pa ni Sean wala lang mas sasaya pa na ganito lang kami kasimple ni maid. Isang araw nga lang kami hindi magkita namimiss ko na sya, paano pa kung sobrang tagal pa? baka nabaliw na ako non.

Naramdaman ko ang pagdampi ng malalambot na labi ni maid sa leeg ko na nagpataas ng mga balahibo ko sa katawan. Mygod, maid!

"Ma-maid." mahinang tawag ko sa kanya. Naramdaman ko ang pangiti na sa pagkasubsob nya sa leeg ko. Napakagat ako ng labi na maramdaman ko ang paghinga nya sa leeg ko.

Torture ito bes!

"Sira ulo!" natatawang sabi ni Ate Yani kay Kuya tapos tumingin sya samin ni maid. "Tumataas ba lagnat mo Left? namumula ka." nag aalala sabi nya.

"A-ah yeah sa tingin ko pero okay lang ako, don't worry." ngiting pilit ko sa kanya. Tumango sya at bumaling ulit sa unahan.

Napahinga ako ng malalim at bumaling kay maid. Napairap ako dahil ramdam ko pa din yung ngiti nya.

Nakarating kami sa condo unit ni Kuya at sa tingin ko mas dumami yung magbabantay samin dahil meron sa entrance ng parking lot, entrance ng building, sa elevator at sa tingin ko pati sa fire exit meron din. Napailing na lamang ako. 

"Dalawa lang room dito kaya kayong dalawa ni Nissan ang magkasama tapos kami naman ni Yani." sabi ni Kuya pagkatapos nyang ilapag ang gamit sa sahig.

"Nissan tulungan mo akong magluto ng kakainin natin." sumunod si maid kay Ate Yani. Sinundan lang namin sila ng tingin ni Kuya.

"Kuya, matutuloy ba kasal ninyo ni Ate Yani?" tanong ko sa kanya. Malungkot na bumaling sya sakin. "Kuya.." bumuntong hininga sya.

"Wag na muna natin pag-usapan yon. Ang mahalaga ang kalagayan ni Nissan." sabi nya. Nalulungkot ako para kay kuya History pero kaysa pilitin si Ate Yani sa ganon baka lalo pang hindi matuloy, mas okay na yung nagkabalikan sila kaysa tuluyan silang maghiwalay.

Kinuha ko ang gamit namin ni maid tsaka pumunta sa kwarto naming dalawa. Sakto lang para samin ni maid ang kwarto, hindi masikip at hindi din malawak. Inayos ko ang gamit naming dalawa at iniligay sa kabinet dito. Naupo ako sa higaan pagkatapos.

Nasa malalim ako ng pag-iisip kung paano ba ito matatapos nung marinig kong tumunog ang cellphone ko. Napakunot ang noo ko dahil hindi ko ito masyado ine-expect na tatawag sakin, pero hindi ko din naman maiwasan matuwa na tumawag sya.

"Ms. Dani." bungad ko sa kanya.

"You're smiling." napairap ako. "I missed you too, Left." natatawang sabi nya. Napa-tsk ako.

"Kamusta?" tanong ko sa kanya dahil siguradong stress na stress ito.

"Ito nakatira sa tabi ng kalsada."

"Huh?!"

Takte itong taong ito, minsan na nga lang mag-alala sa kanya pinagtri-tripan pa ako.

"Kidding." pero tumatawa pa din. "Anyway, hindi ko alam kung umabot na sayong balita na may nangyari samin ni Ms. Alonso."

"Ano?! Ms. Dani naman purkit may gusto sayo yung tao magta-take advantage ka na sa kanya tapos sa estudyante mo pa!" syempre acting lang. 

"Jeez, lasing ako okay? hindi ko alam ang nangyayari."

"Hindi alam? eh nakailang round nga kayo!"

"Sisihin mo sya." bulong nya pero narinig ko pa din. "Teka paano mo nalaman? alam mo na simula palang!" opps.

"Eh ano naman? Ms. Dani ikaw itong gumahasa sa kaibigan ko tapos iniwan mo kinaumagahan."

"What? hindi ko sya ginahasa, parehas namin ginusto ang nangyari."

"Ohhh ginusto mo din pala kaya pala nakailan din." ngising sabi ko. Natigilan sya sa sinabi ko kaya natawa ako.

Tumingin ako sa pintuan nung pumasok si maid. Nagtataka sya kung bakit nakangiti ako pero hindi nagtanong. Lumapit sya sakin at umupo sa kandungan ko. Hinawakan ko ang bewang nya.

"Oh shut up."

"Pero hindi mo dapat sya iniwanan." naging seryoso na ako. Nasaktan yung kaibigan ko sa ginawa nya.

"I have to, ilang oras na lang flight na namin."

"Bakit hindi mo man lang sya ginising? na nakapagpaalam ka." hinawakan ni maid ang pisngi ko at hinalikan ako sa labi. Nabitin ako sa halik nya dahil saglit lang yon dumampi sakin.

"Alam mo yung salitang pagod?" natawa ako ng mahina. Nagtaka tuloy sakin si maid. "Anyway, kailangan ko na ibaba, hinahanap na ako. Please bantayan mo sya. Bye."

Nakitbitbalikat ako na ibaba nya na ang tawag.

"Sinong tumawag?" malambing na sabi nya.

"Say please." napakunot noo nya at umiling.

"Kid." umalis sya sa kandungan ko. Hinawakan ko ang kamay nya para hindi sya umalis.

"Ms. Dani. Sya ang tumawag." nagtatanong na lumingon sya sakin. "Nangamusta lang pero pinag-usapan namin ang nangyari sa kanila ni Fin. Pinapabantayan nya rin ito sakin." ngising sabi ko. Mukhang may maganda naman naidulot ang nangyari sa kanila.

Hinila ko pabalik sa kandungan ko si maid. Niyakap ko sya ng mahigpit.

"Bango." isiniksik ko ang mukha ko sa leeg nya. Ang bango talaga ng maid ko. Sana hindi maubos ang amoy nya kakasinghot ko.

"Hey lovers, aalis na muna kami ni Yani. Mamimili lang kami ng pagkain." rinig kong sabi ni Kuya pero hindi ko sya nilingon. Nag-eenjoy pa ako sa position ko eh.

"Go away." nag-sign ako na umalis na sila.

"Ingat ka dyan Nissan ah? bye." nang-aasar na sabi ni Kuya. Tsk, paepal talaga yon.

"Kumain na tayo." sabi ni maid. Tumingin ako sa kanya. Tinaasan nya ako ng kilay. "Left."

"Bakit ang ganda mo?" namula sya sa sinabi ko at umiwas ng tingin. Napangiti ako. "Hoy sagutin mo ako."

"Matagal na kitang sinagot." namula ako at hindi nakarebat. "Kumain na tayo." hinila nya ako papunta sa kusina.

Tumingin ako sa kamay naming dalawa ni maid. Hawak ko na ulit sya, ayokong bitawan na naman ang kamay nya dahil baka mawala na naman sya sakin at malala mapahamak na naman sya.

Kumikilos lang naman si lolo kapag walang kasama sa pamilya namin si maid dahil kahit papaano ay ayaw nya kaming madamay pero tangina lang, hindi na tama ang ginagawa nya. Balak nyang patayin si maid, no, gusto nyang patayin si maid at hindi ako papayag mangyari yon.

"Left!" napatingin ako sa taong dumating. Napakunot ang noo ko.

"Luke, anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa pinsan ko na biglang sumulpot dito.

"Dumadalaw? Hi Nissan!" nakangiting lumapit si Luke kay maid pero humarang ako sa kanya. "Grabe wala ka pa ding pinagbago, madamot."

"May karapatan akong magdamot dahil girlfriend ko sya. Ano bang talagang ginagawa mo dito? yung mansion?" kunot ang noo kong tanong sa kanya. Nagtaas sya ng kamay.

"Chill. Hindi ko alam na lalaki ka pala." tinadyakan ko sya sa tuhod nya. "Masakit!" ngumisi lang ako sa kanya. "Nissan, makipag-break ka sa kanya, kabayo yan!"

"Aba't gago ka pala eh!" susugurin ko sana ang magaling kong pinsan pero inawat ako ni maid. "Pasalamat ka nandito si maid kundi nasa hospital ka na."

"Thank you?" bwisit ito nang aasar pa. "Nasaan si History? sya naman talaga ang pakay ko pero nandito pala si Nissan sya na ang pakay ko." pacute pa na sabi nya.

"Back off." inilayo ko sa kanya si maid. Mahirap na.

"KJ. Nga pala may dala akong red velvet cake." sabi nya sabay bigay ng dala ng cake. Kinuha yon ni maid. "Your welcome." nakangiting sabi nya. Sarap bigwasan ng mukha nito.

Umalis si maid at pumunta sa kusina.

"Wala dito si kuya kaya maari ka ng umalis." sabi ko at umupo sa sofa.

"Mamaya na nandito pa si Nissan eh." kinuha ko ang unan at ibinato sa kanya. "Selosa!" natatawang sabi nya.

"Bwisit ka! umalis ka na nga! wala kang kwenta! magdadala na nga lang ng pagkain yung parehas pa na ayaw namin ni kuya." sabi ko.

"Hindi ko naman dala yon eh, pinasuyo lang sakin. Hindi ko kayo dadalhan ng pagkain 'no ang yayaman ninyo kaya, kayang kaya ninyong bumili ng kahit anong gusto ninyo, bakit pa ako gagastos?"

"Wala ka talagang kwentang pinsan!" ngumiti sya ng pang-asar. Bwisit talaga. "Sino naman nagpadala sayo non?"

"Edi yung lolo mong masungit." bigla akong napatingin. Sa Father side ko kasi pinsan itong si Luke.

"Fuck! maid!" dali dali akong pumunta sa kusina. "Wag!" pigil ko sa kanya nung isusubo nya na yung cake. Napatigil naman sya kaya agad kong inalayo sa kanya at itinapon.

"Uy bakit mo tinapon?" tanong ni Luke. Hindi ko sya pinansin.

"May nakain ka ba?" tanong ko kay maid na nagtataka. Umiling sya kaya nakahinga ako ng maluwag.

"Ano bang nangyayari?" tanong ulit ni Luke.

"Mahabang kwento, ang mahalaga walang nakakain ng cake ng galing kay lolo dahil sigurado may lason yan." sinadya talaga ni lolo na red velvet ang cake na ibili dahil hindi kami kumakain ni kuya non kaya posibilidad na sila maid lang kumain non kaya may pagkakataong syang malason sila maid. Bwisit na matandang yon.

"What the fuck?" hindi makapaniwalang sabi ni Luke. 

Napahilamos ako ng mukha. Tumingin ako kay maid. Nakita kong natatakot sya kaya niyakap ko sya.

"I'm here maid. Hindi ko hahayaan na mapahamak ka." hindi ko hahayaan.



-------------------------------


Continue Reading

You'll Also Like

601K 38K 55
Eight different students with eight different stories. No one told them that entering Royalonda High will be one of the biggest events of their lives...
52.6M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
1M 81.1K 58
☆ 2023 Watty Award Winner ☆ ☆ Wattpad Webtoon Studios Entertainment Prize Winner ☆ Cutthroat campus drama and politics with make-believe relationship...
2.7M 52.8K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...