Mr. Perfect Husband (JUNOSSA...

By MarianaLiang

189K 2.1K 124

Back to zero nanaman ito kasi po ni re-upload ko anyways. Not only a perfect boyfriend but also a perfect hus... More

Prologue
Chapter 1 "Proposal"
Chapter 2 "Bridal Shower/Stag Party"
Chapter 3 "Wedding of the Century"
Chapter 4 "Till my last breath"
Chapter 5 "ex girlfriend ni Juno"
Chapter 6 "Mahal na Mahal kita Yssa"
Chapter 7 "Happy 1st month as mag-asawa tayo"
Chapter 8 "Juno's Secretary"
Chapter 9 "Heartaches"
Chapter 11 "Asan si Yssa?"
Chapter 12 "Zutto Futaride"
Chapter 13 "FEDMIN"
Chapter 14 "First Date"
Chapter 15 "Anak ko Lang Sila"
Chapter 16 "Yssa's Wedding Ring"
Chapter 17 "Ricsha"
Chapter 18 "RYULYN"
Chapter 19 "fiance ko!"
Chapter 20 "After.."
Chapter 21 "Fireworks"
Chapter 22 "Magic Mushroom"
Chapter 23 "shopping"
Chapter 24 "Fatty Liver"
Chapter 25 "Juno's Breakdown"
Chapter 26 "JUNOSSA Part 1"
Chapter 27 "JUNOSSA part 2"
Chapter 28 "Papers"
Chapter 29 "Forever & Always"
FINAL CHAPTER My Mr. Perfect Husband
Advertisements by Maria!:D

Chapter 10 "Tara na sa Japan"

5K 54 0
By MarianaLiang

Si Juno:

After kong kunin yung naiwanan kong folder sa bahay  agad akong bumalik sa office. Kasama ko  si Morigan dahil inaayos niya yung mga kailangan ko for the meeting. Ni hindi ko man lang gaanong nakausap si Yssa kanina. Nagmamadali na kasi ako. Hayst.

Pagbalik ko sa office deretso nanaman ako sa board room for tanother meeting. Anak ng kabute! Wala na bang katapusan to!?!?

After 2 hours natapos din ang meeting. Naglalakad na kami ni Morigan pabalik sa office.

“ahm sir. Asan po yung mga gamit niyo? Para mailagay na po sa sasakyan.”

“huh? Anong gamit?”

“sir yung bagahe niyo po.”

“bagahe?”

 Napahinto ako sa paglalaked.

“sir, sinabi ko na po sa inyo 3 days ago na pupunta po tayo ng Japan today.”

“aw shit!” halos mabura na ang mukha ko kakahimas ko gamit ang palad ko.

“what time ang flight?”

“6pm sir”

“ay takte! 4:30pm na! tara na sa bahay. Sumama ka na para deretso na tayong airport.”

“yes sir.”

Dumeretso agad kami sa bahay. Nakita ko si Igo pero agad din namang umalis kaya hindi ko na kinausap. Pinaiwan ko muna si Morigan sa may sala.

Agad kong kinuha yung mga gamit ko. buti naman at biglang pumasok si Yssa sa room ko kaya naman natulungan niya ako sa pag-aayos.

“ahmm..Juno gaano kayo katagal sa Japan?”

“4days lang beb.”

“4 days??” nakita kong nagulat siya at nalungkot din. Kaya naman lumapit ako sa kanya at niyakap siya.

“saglit lang naman yun beb eh. Mamimiss kita pero syempre kailangan ko din naman pumunta doon eh. Importante lang.”

“naiintindihan ko naman beb eh.”

“hmm..i love you beb.”

Hinarap ko siya sa akin at hinalikan ko siya. Gusto ko pa sana magtagal pero nagmamadali na eh. Kaya after ayusin yung mga gamit. Umalis na kami.

Si Yssa:

4 days daw mawawala si Juno. Okay lang naman sana eeh kaso kasama niya yung mukhang asong ulol na yun!! Huhuhu..malamang gumawa siya ng paraan para maging close kay Juno!! Paano na to? Paano ba naman ako hindi mapapraning eh kasi kanina nakita ko si Morigan sa may sala.

Flashback

“ahmm..ano ginagawa mo dito?”

“ahh..ikaw pala..Yssa. well pupunta lang naman kami ni Juno sa Japan.”

Tumayo siya at humarap sa akin. Nakakainis yung tingin niya sa akin Napaka devlish!!

“kaming dalawa lang.”

“ahh? Japan?”

“aww..hindi sinabi sayo? Kawawa ka naman. I’ll make sure na mgiging akin siya. Wala kasing istorbo dun. Uulitin ko, dalawa lang kami!”

Hindi ko na siya pinansin pa at pumasok na ako sa room at nakita ko si Juno na nag-aayos ng gamit kaya tinulungan ko siya.

“ahmm..Juno gaano kayo katagal sa Japan?”

“4days lang beb.”

“4 days??” as in 4 days kang lalandiin nang asong yun??

“saglit lang naman yun beb eh. Mamimiss kita pero syempre kailangan ko din naman pumunta doon eh. Importante lang.” importante kasi magsosolo kayo ni secretary mo!?!!?

“naiintindihan ko naman beb eh.” Oo naiintindihan kong mas maganda at sexy siya sa akin..T.T

“hmm..i love you beb.”

Medyo gumaan ang loob ko sa sinabing yan ni Juno. Niyakap niya ako at hinalikan. Ayoko siyang paalisin pero syempre trabaho yun eh. Kaya wala na akong magagawa.

End of flashback

Masyado akong naiistress kakaisip kaya naman lumabas muna ako sa bahay at naglibot libot. Alam niyo naman an laki ng bahay nila!! Kaya naman mga 2 houirs din ako naglibot. Pagbalik ko sa may pool nadatnan ko si Igo na umiinom. Hinayaan ko lang siya tapos pumasok na ako sa kwarto. Nanood ako ng TV.

Paglipat ko ng channel, My Neighbors Wife yung palabas. Nilipat ko pa at ang next movie naman ay No Other Woman. Wow ha! mga paalabas mga agawan ng asawa!! Nilipan ko na lang sa isang music  channel at ang kanta naman ay Kunin Mo Na Ang Lahat Sa Akin. Asar ha! Inoff ko na lang yung TV at lumabas. Makikipaginuman na lang ako!

Paglabas ko andun na din si Anya Fed. Nakikiinom!

“puede makijoin?”

Napatingin sa akin yung dalawa. Medyo nagtataka pero pumayag naman sila kaya umupo na ako.

“bakit ka naman nakikinom sa amin ha Yssa. Nag-away kayo ni Juno?” tanong ni Kuya Fed

“hindi naman.,pero kasi..napapraning ako.”

“ha? Bakit?” Igo

“kasi naman..hmmm..T.T” nangalumbaba ako.

“bakit nga?” Fed

“kilala niyo ba yung bagong secretary ni Juno?”

“yup. Si Morigan. Diba kaklase mo yun dati Fed?”

“sa isang subject lang nung college. Bakit mo naman natanong?”

“ahmm..ano ba siya ni Juno dati?”

Nagkatinginan yung dalawa. Halla! anong meron??

“ah..eh..kasi Yssa.”

“oh ano? Bakit para kang natatranta ha? Huy bakit Igo.” Eeh bakit ganun yung reaksyon niya. >.<

“eeh..ano..ah..”

“Yssa, wag kang mabibigla or what pero kasi..” napakamot ng ulo si anya Fed. Bakit ba hindi nila masabi sa akin??

“si Morigan kasi ang ano..ehh”

“anya Fed ano nga??”

“first girlfriend ni Juno.” Nagkasabay pa sila sa pagsabi.

Anak ng kamote! Bakit ngayon ko lang nalaman to?? Bakit hindi man lang sinabi sa akin ni Juno??

“matagal na yun no. wag ka na mag-alala. Tsaka alam mo naman kung gaano ka kamahal ni Juno diba?”

“pero Fed, alam mo hindi ko masisisi si Yssa kung sasama ang loob niya. Kasi may pinagsamahan din si Juno at si Morigan. Tsaka awkward na magkita ang current at ex. Ay teka..”

“oh bakit Igo?”

“now I know kung bakit nagalit si Yuki.”

“huh? Bakit naman?” kami naman ni Anya ang nacurious kay Igo.

“kasi kanina nagkita kami nila Beatrice tapos sinama ko si Yuki. Syempre namiss ko din yung mga bata kaya namanmedyo naoutcast ko si Yuki.”

“yung mga bata lang ba talaga?” binatukan ni Igo si anya Fed.

“oo naman! Pero hindi ko kasi napigilan na hindi makipagdaldalan kay Trics. Kinwento niya kasi lahat tungkol sa mga bata eh.”

“nako naman Igo. Bakit mo sinama si Achie?? Pangit talaga yun!”

“haaysst..pareho pala problema niyo.”

“bakit ikaw ba anya anong problema?”

“oo nga Fed. Ano meron sayo?”

“nakita ko kasi kanina si Jasmin. Oo tanggap ko na galit siya sa akin pero nageefort naman ako eh. Tsaka siya tong umiiwas. Kanina nga nakita ko siya sa 7/11 pero may kasama siya eh. Beh pa tawagan nila.”

Uminom na si anya Fed nang alak. Makikita mo sa kanya kung gaano siya nasasaktan.

Medyo tumahimik kami saglit.

“ahm..ano na plano natin?” tanong ni Fed. Bigla namng tumingin sa akin si Igo.

“ano Yssa, punta tayong Japan??”

“ha?”

“eh kasi andun yung mga babes natin. Sundan natin gusto mo??”

“wag na..wag na..”

Biglang tumunog yung cp ni anya Fed.

“uy nagtext si Ryu.”

“ano sabi?? Basahin mo.” Pangungulit ni Igo.

“eto na. nakajapanese pero translate ko na lang. andito ako Japan with Katelyn. Nakita ko si anya Juno with Morigan?? Bakit sila magkasama? Alam ba ni Yssa? Then kita ko achie Yuki with Michael. Bakit din magkasama yun?? Alam ba ni Igo?? Wala sila sa house. Nagsicheck-in sila sa hotel. Yun lang. sayonara.”

Sino si Michael? Tsaka bakit nasa hotel sila Juno??

“ay teka may isa pang text.”

“ano daw ulit??”

“by the way...andito din si Jasmin. Nalate siya kesa kina achie pero may kasama siyang lalake. di ko kilala. Tinawag ata siya ni achie. Magkasama silang 3 pairs sa hotel.”

Binaba ni anya Fed yung phone niya at umakbay sa amin ni Igo. Nagpalit palit ang mga tingin namin.

“ano? Tara na sa Japan?” sabi ni anya.

JAPAN

Si Juno:

Pagdating namin. Dumeretso kami sa hotel. Maiilang kasi itong si Morigan pagsinama ko siya sa bahay. Andun sila Angkong(lolo) at Amma(lola). Pero syempre magkahiwalay ang rooms namin. Pagpasok ko sa room ko agad akong nag-ayos ng gamiit at nagpalit ng damit. Tinry kong tawagan si Yssa pero di ko makontak eh kaya tinextan ko na lang. ano kaya ginagawa nun??

Anyways, gutom na ako kaya naman pumunnta na ako sa baba para bumili ng makakain. Pagpasok ko sa restaurant nung hotel nabigla ako nang makita ko sila Achie Yuki at teka bakit kasama niya si Michael?? May tumapik sa balikat ko at nakita ko si Morigan kaya naman nagsama na kaming dalawa. Tapos kinawayan naman kami ni achie kaya nagsama sama na kami sa isang table at nagorder.

“ahmm...achie bakit sobra tayo ng dalawa pang upuan?”

“ahh.papunta na dito si Jasmin at si Gino.”

“Jasmin??”

“yung girlfriend ni Fed.”

“oh wait. As in si Jasmin na classmate natin dati?? Sila na ni Fed?” singit ni Morigan.

“oo, naging sila na. teka why are they here and why are you here?”

“ay oo pala! i forgot to tell you na ako na yung umayos dun sa dapat na aayusin mo dito. nagawa ko na kanina.”

“eeh..bakit pa ako andito?? Ikaw naman oh.”

“just enjoy okay? Wala namang masama na magpahinga.”

“sus! Sana sinama ko na lang si Yssa tsaka yung mga bata.”

Hay..si achie naman! Oo mabilis magtrabaho si Achie. Kaya naman hindi na ako nashock kung naayos niya na agad yung problema.

Oh well dahil nga ganun na ang nangyari maggagala na lang kami bukas. First time din dito nila Morigan, Michael ay teka bakit kasama ni achie to?, Jasmin at itong si Gino na malay ko kung sino.

After ng dinner bumalik na kami sa mga room namin. Naglalaro ako sa laptop ko (tao din ako kaya may karapatan akong maglaro!) nang biglang may kumatok sa pinto at pagopen ko andun si Morigan kaya naman pinapasok ko siya at naupo kami sa may magkabilaang dulo ng couch. Inopen ko na lang yung TV.

“oh, anong meron?”

“a sir itatanong ko lang kung paano po bukas?”

“ahh..may schedule pa ba ako dyan?”

“actually sir yung plant visit lang po sana. Pero okay na daw po yun diba? Yung mga meetings naman po eh sabi ni ma’am Yuki na si sir Akihiro na daw po ang pupunta kasama si sir Ryu.”’

“oh nagsisimula na palang itrain ni daddy tong si Ryu. Pero teka, bakit pa napunta sa schedule ko ang Japan?”

“ang totoo sir pinalagay po yan ni ma’am Clara. Para daw po makpagpahinga kayo.”

“oh? Si mommy talaga. Sige na. gumala na lang tayo bukas. At puede ba Morgs bukas wag mo ako tawaging sir? Actually kahit ngayon.”

“ahh ehehe..nasasanay na kasi eh.”

“haha..okay. “

“naalala mo dati nung first time nating magkita? Tawag ko pa sayo nun Joe.”

“haha..oo! yun lang kasi yung natamdaan mo sa haba ng pangalan ko haha”

“haha..nakakamiss yung old days noh? Yung mga bata pa tayo.”

“oo, yung hindi pa ganito kahektik magtrabaho.”

Nagkwentuhan lang kami ni Morigan tapos natulog na after. Syempre lumabas siya ng room ko ha!! Tapos kina bukasan gumala na kami.

Si Yssa:

Kababa lang namin ng plane nila anya Fed at Igo. Oo pumunta nga talaga kami ng Japan! Wala naman yung mga bata kaya okay lang.

Nagcheck in kami sa hotel na sabi ni Ryu ay nandoon daw sila Juno. Dahil nag-iisa nga naman akong babae, mag-isa ako sa room ko tapos magkasama naman sila anya at Igo. Haayst.

Inayos  ko na yung mga gamit ko. actually medyo masakit na yung ulo ko dahil nga nag-inuman kami kanina diba? Kaya naman agad akong natulog.

Kinabukasan binulabog ako nila anya at Fed sa kwarto ko. nagdala sila ng breakfast sa room ko kasi baka makita kami nila Juno. Syempre may dala kaming mga pang disguise!

Si Igo: naka emo look na brown yung wig niya tapos may shades din siyang suot at nagmukhang rocker sa damit niya.

Si Fed: naka long hair! Haha..oo nakalonmg hair siya na black! Naka formal siya masyado. Coat and tie! Mukha siyang manyak na nagbebenta ng shampoo hahaha..

Ako? Naka parang orange na hair ako na may pagka kulot tapos naglagay ako ng nunal sa may baba ng mata ko. nag salamin din ako at balot na balot ang suot ko. mukha na akong anime na nerd!

Sa outfits namin si Igo na ang pinakamatino.

Lumabas na kami ng room namin pero tumigil muna kami sa may hallway.

Umakbay naman ulit si anya Fed sa amin ni Igo.

“Okay! Simulan na natin ang pagiging spy!!!” sigaw niya!

Nagpatong patong pa kami ng kamay. Yung ginagawa pagpompyang. Tapos tinaas namin yun at sumigaw ng “GAMBARU!!” (kaya natin to)

A/N: pakikorek na lang po if mali yung mga Jap words. Hehe..XD

Continue Reading

You'll Also Like

2.6M 163K 55
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
6.8M 179K 61
Elliana Brielle Delafuente, "the innocent girl" of the Delafuente clan with a plastic attitude will do anything just to fit in with the standard of b...
4.9M 320K 73
He is trouble incarnate. While she's a studious, well-mannered student, he's a delinquent who gets tangled up in all sorts of problems. They are comp...
64.4K 37 47
R18