She's The Bad Boy's Princess

Av VixenneAnne

17M 502K 61.2K

Westside University is a home for the wealthiest, most powerful successors in the business world. Students of... Mer

A/N
Main Cast
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13.
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
FB GROUP: Princes Of Hell Club
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
FB Updates
Chapter 24
Updates
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
FB Updates
Chapter 63
BOOK 2
New Book Available!!

Chapter 35

217K 7.1K 770
Av VixenneAnne


Pinuntahan ko si Zirk sa clinic. Naawa talaga ako sa kanya, sobrang pagod na pagod siya kakahabol sa score ng team nila, bandang huli natalo pa din ang Westside. Mabuti nalang practice game palang iyon. Inabutan ko ang coach niya na sinisermunan siya, hindi ko sinasadya na marinig ang usapan nila. Nagtago na lang ako sa likod ng pinto.

“Hindi ito pwede Zirk. I know you did your best but its not good enough. Hindi pwedeng matalo ang Westside sa championship. They will play a very dirty game at kailangan nating paghandaan iyon!”

“Yes coach..” walang ganang sagot ni Zirk habang kinakapa ang tagiliran na nakabandage na ngayon. Noon ko lang ito nakitang ganun kadepress at hindi ako sanay. Parang this time, siya naman ang dapat na iche-cheer up ko.

“Magkaibigan ba kayo ni Jave Santillan?” tanong ng coach.

“Bakit?” kunot-noong tanong din ni Zirk.

“Sa kanya ko nakita ang ganoong laro. Magaling si Jave sa street basketball, pwede kang makahingi ng ilang pointers sa kanya kung panu aatake at dedepensa-”

“Shut up! Hindi ko kailangan ng tulong ni Santillan, hindi ko siya kaibigan!”

“This is not the right time to be bullheaded Zirk!”

“Pag-aaralan ko ang laro nila wag kang mag alala. Kahit hindi ako magpahinga, gagawin ko. Sinisiguro ko sayong mananalo ang team mo!”

Napakamot ng ulo ang coach. Masama ang naging timpla ni Zirk sa sinabi nito. “Kung pwede ko lang isali si Jave--”

“Hindi mo kaya. Hindi mo kayang ipasok si Jave sa basketball team dahil ayaw niya. At isa pa hindi mo siya kayang kontrolin kapag nagwala na siya sa court. What makes you think na papayag siyang turuan ang team? Nag iisip ka ba??” madilim ang anyo ni Zirk. “Ako ang gagawa ng paraan, umalis ka na lang.”

“Fine. Bahala ka. Suggestion lang naman para mapadali ang lahat. Kung ayaw mo, hahanap tayo ng ibang paraan.” iwinagayway pa ng coach ang kamay sa hangin at umiiling na lumabas ng kwarto.

Kagatlabi akong pumasok pagkatapos ng tatlong minuto. Iniinda ni Zirk ang malaking pasa nito sa tagiliran pero nang makita ako ay ngumisi na parang wala nang sakit na nararamdaman. Pride nga naman, ayaw pang ipakita sa akin na nasaktan siya sa laro kanina.

“Sofia! Nandito ka! Kikiligin na ba ako??” pabirong turan niya.

Umingos ako. “Nanood ako sa laro mo kanina..”

Nawala ang ngisi nito.

“Ang galing mo nga. Ikaw lang lahat ang bumuhat sa score ng team niyo, kung hindi dahil sayo baka natambakan kayo..”

“Talo pa rin. Nakakahiya, nandun ka pala.”

“Proud naman ako sayo. Mandaraya lang talaga ang grupong iyon. Kailangan pa nilang manakit para manalo. Ok ka na ba?”

Tumango siya. “Oo nandito ka na eh. Hindi ko talaga iniexpect na dadalawin mo ako dito, akala ko umuwi ka na, ganitong oras umaalis na kayo ni Jave eh.”

Oo nga noh? Patay. Napatingin ako sa relo. Tsk. Hinahanap na ako nun sigurado… hmm, kasama niya nga pala si Rianne. Malamang hindi.

“Alien!”

I froze. Si Paniki. Teka. Imagination ko lang ‘to. Ngiwi akong ngumiti ulit kay Zirk. “Wala si Jave eh..” sabi ko pa kay Zirk.

“Tch. Pangit na Alien!”

Tumirik ang mga mata ko. Si Paniki nga yun, hindi guni-guni ko. Humarap ako sa pinto. Nakita ko ang pikon niyang anyo. Malapit na naman siyang tubuan ng sungay sa itsura niyang iyon.

“Kanina pa kita hinahanap, nalibot ko na ang buong school. Muntik ko nang pasukin ang restricted area sa library para lang tingnan kong nandun ka!”

“Mukha ba akong papapasukin doon??” asar ko ding sagot. Sinisigawan niya ako sa harap nina Zirk at mga nars.

Dinuro niya ako ng daliri sa noo. “Sumasagot ka pa! Anong sabi ko sayo? Di ba pupunta ka ng parking eksaktong alas kwatro pagkatapos ng huling subject mo?”

“Aray!” irap ang sinagot ko sa kanya. “Kung wala pa ako, maghintay ka! Kung ayaw mong maghintay iwanan mo ako!”

Pinandilatan niya ako. “Tara na!”

Si Zirk nalang ang binalingan ko. “Ok ka na ba? Kaya mo bang magmaneho pauwi niyan?”

“Anong magagawa mo kung hindi niya kaya?” si Jave ang sumagot.

“Kaya ko na Sofia. Salamat sa pag aalala.” pero masama ang tingin niya kay Jave. “May tanong lang ako, bakit lagi kang sumasama diyan? Malapit ba sa kanya ang bahay mo?”

“Bat ang dami mong tanong? Para kang babae ah.” patuyang singit ni Jave. “Sabagay, para ka nga din palang babae maglaro. Kaya talo kayo eh.”

Hinampas ko sa balikat si Jave dahil doon. “Ang ingay mo! Tumahimik ka!”

Sasagot pa sana siya pero tiningnan ko siya ng ubod ng sama, hindi na siya umimik. “Tara na ah!” pinandilatan niya ako sabay alis.

“Wag mong pansinin yun, sira ulo lang talaga yun.”

“Matagal na.” nakatawang sagot ni Zirk. “ Hindi ko nga alam kung bakit ka nagta-tiyaga sa kanya.”

“Wala naman akong choice. Sige na aalis na ako, baka kung ano na naman ang gawin ng psychotic na yun.” pero bago ako tumalikod. “Hmmm….Zirk, may sasabihin ako pero wag kang mapipikon ah?”

“Imposible akong mapikon sayo. Espesyal ka sa kin eh.”

“K-kailangan mo ba ng tulong ni Jave? Itatanong ko kung saan niya natutunan ang street basketball, baka pwedeng magpaturo ka din doon..”

Ilang sandaling hindi sumagot si Zirk. Tapos ang tumawa. “Kaya ko na Sofia, wag kang mag alala.. tatalunin ko sa malinis na paraan ang mga mandarayang yun.”

“That’s the spirit! Kaya mo yan Zirk. Fight! Fight! Fight!” masigla kong sabi with matching kuyom pa ng kamay na ikinatuwa naman niya. Gumaan na ang mood ni Zirk, buti pa ito, mabilis lang pasayahin. Si Paniki, kailangan ko munang umiyak ng dugo para mawala ang init ng ulo.

“Sige. Alis na ako.”





“Ano bang ginagawa mo sa clinic kanina?” nakasimangot pa rin si Jave habang nagmamaneho.

“Binisita ko lang ang lagay ni Zirk, nasaktan siya sa game kanina. Kawawa nga eh, dinaya sila.”

“Hindi pandaraya yun. Taktika ng kalaban yun. Sa laro hindi importante kung paano mo ginawa, ang importante ay kung ano ang score na lumabas pagkatapos. Masyado siyang babae kung maglaro, buong buhay niya hawak niya bola di pa rin siya natuto.”

Hmp. Yabang. “Sumali ka kaya.” pasaring ko.

“Ayoko. Tigilan mo ko diyan.”

Sabi ko nga. Ayaw niya.

“Ba’t ba dikit ka ng dikit sa Zirk na yan? May gusto ka ba dun?”

Tsk. Ayan na naman siya sa mga tanong niya. “Hindi ko nga alam.”

“Bakit parang may gusto ka talaga sa kanya?” pabulong nitong sabi.

Hindi nalang ako umimik, bahala siyang magisip.

“Nag aalala ako sayo kapag hindi kita inaabutan sa parking. Tsk. May mga taga labas pa naman kanina.” seryoso niyang sabi habang mahigpit ang hawak sa manibela at diretso lang ang tingin sa daan.

Napapangiti ako pero pinipigilan ko. Ba’t kaya ganun ang nararamdaman ko sa tuwing magiging sweet siya? Bihira kasi siguro kaya ganun.

“Hindi kasi kita makontak. Nakakaasar, nakakapagod magpatakbo-takbo sa school kakahanap sayo.”

“Panu naman kita kokontakin…” bulong ko.

“Oh.” hinagis niya sakin ang itim na cellphone.

“Cellphone mo to ah.”

“Sayo na yan. Tinanggal ko na password niyan.”

Napatitig ako sa cellphone. Naexcite ako dahil andami kong gustong gawin doon, magagawa ko na ngayon! Balak ko sanang iponin ang allowance ko na binibigay ni Ms. Ysabel at balak ko ding mag apply ng trabaho sa labas para makabili ng phone..

“Panu ka? Wala ka nang cellphone?”

“Marami akong cellphone. Dapat noon pa kita binigyan, kaso baka kung sino-sino ang kontakin mo. Totoo bang wala kang number sa mga kamag anak mo dito?”

“Wala. Hindi ko nga sila kilala.”

“Good. Wag mo na silang kontakin. Hindi mo sila kailangan. Hindi ka aalis ng bahay naintindihan mo?”

Hindi ko alam kung saan ako mas maeexcite, kung sa cellphone ba o sa sinabi niya. I cleared my throat in trying to suppress a smile. Kahit pala lagi akong inaaway ng Paniking ito, kahit papanu ayaw niya din akong mawala. Wala sa loob na binuksan ko ang cellphone niya. Maiitim na mga bungo-bungo ang wallpaper ni Paniki. Sana paniki nalang nilagay niya kaysa ganito, nakakatakot. Bahagya kong itinago sa kanya ang screen ng phone, sisilip kasi ako sa gallery.

Pumitik na naman ang kakaibang ugat sa puso ko nang makita kong puro stolen shots ni Rianne ang nanduon habang nagtuturo ito ng sayaw. Ang ganda talaga ni Rianne, wala akong masabi. Kaya siguro ang pangit ng tingin ni Paniki sa akin, kasi kumpara naman talaga kay Rianne ang layo ng deperensya. Masaya na ako kanina eh, nalungkot ako bigla.

Pinagpatuloy ko ang pagtingin sa gallery. Lumipat ako sa ibang album, nacurios ako sa pangalan ng isang album, nakalagay kasi Alien. Inopen ko yun.

Nakagat ko bigla ang labi ko. Mukha ko ba nakikita ko screen ng phone ni Jave? Isang picture lang iyon, stolen shot naghihintay ako sa kanya sa parking. Ang laki ng iginaan ang pakiramdam ko. Naalala ko kasi sabi nila Ark at Jiro puro si Rianne ang laman ng facebook at gallery ni Jave.

Napansin siguro ni Jave ang pananahilik ko kaya sinilip niya din ang screen ng phone.

“Tangna!” sabay hablot ng phone mula sa kamay ko.

“Bakit..?”

“Ang ingay mo!” bigla niyang sigaw. Namumula pa. Maingay ba ako? “ Wag kang maingay nagda-drive ako! Ibibigay ko sayo to mamaya..”

Natatawa ako kasi parang guilty’ng guilty siya. Ano bang masama? Ako nga hindi ko buburahin mga selfie niya doon. Gusto ko siyang nakikita kapag nababagot ako eh. Pero syempre hindi ko sasabihin sa kanya yun.

Hay, ang saya ko. Nakalimutan ko mga problema ko sa school dahil lang may picture ako sa cellphone ni Jave. Bakit kaya?

Fortsätt läs

Du kommer också att gilla

346K 23.6K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
5.9M 194K 40
Ako si Sofia Althea Perez. Isang simpleng probinsyana na nangangarap makapagtapos ng pag aaral. Minsan iniisip kong malas na nakilala ko siya sa bus...
1.1M 28.4K 45
[COMPLETED||123017] NOTE: This story is still UNEDITED. Asahan ang mga nakakalokang grammatical and typo errors. Si Jewille Romero Cuizon ay naniniwa...
1.1M 22.9K 33
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...