Subtle Invitation (2Moons Cas...

By TheQueenMotherHateu

20.2K 1.2K 3K

Highest Ranking: #95 [Tagalog] Ako si Tee Thanapol Jarujitranon. Reyna ng mga Servant Wives. Ang nagiisang Kh... More

Disclaimer
Prologue: Mission Impossible
Mission #1 Isolating The Breath of Life
Mission #2 Facing the Horror
Mission #3 To Be The Good "Wife"
Mission #5 Touching The Hattori Hanzo Masterpiece
Mission #6 Thou Bein' Candor to Thyself
Mission #7 Sealing the First Conscious Osculate
Mission #8 Loathing the Idea of Being the Damsel In Distress
Mission #9 Brewing the Efficacious Love Potion
Mission #10 Substantiating That Them Chickens Is Ash And I'm Lotion

Mission #4 Sleeping With The Enemy

1.7K 112 288
By TheQueenMotherHateu

Tee's POV

Hindi ko ma-dedeny yun mga kislap ng mga mata ko ngayon.

Hindi ko rin mapigil yun pag-ngiti ko habang nakatingin sa daan papuntang Siam.

Real na real na ito. Wala ng atrasan.

Akala ko biro lang lahat ng sinabi nya last night. Pero akala ko lang pala yun. P'Tae is a man of his words.

'Di na nga ako umaasa na maalala nya na ililibre nya ko ng dinner. Pero ginulat nya ang sistema ko. Hindi lang kasi basta nya naalala, gusto pa nga nya i-advance kaya naging lunch and supposedly dinner namin.

"Bago ko makalimutan.. eto na nga pala yung 'baby natin'.. iningatan ko yan gaya ng sabi mo."

Napalingon ako sa kanya. Nakaupo kasi ako ngayon dito sa shotgun seat ng kotse nya.

Nakangiti sya sakin.

Hindi ko alam yung sasabihin ko kaya inabot ko nalang sa kamay nya si 'baby namin'.

Nginitian ko nalang din sya at binalik na nya yung tingin nya sa daan.

"Saan mo gusto kumain?" Tanong nya ulit sakin. Pero sa daan pa din sya nakatingin.

"Bahala ka na P'Tae.."

Aarte pa ba ko? Syempre kahit saan willing ako sumama sa kanya.

Tumango lang sya.

Hanggang makarating kami dito sa Siam, unlimited ang ngiti ko. Kanina nga sabi nya ipagbubukas daw nya ng pinto ang wifey nya pero syempre di na ako pumayag. Hiya is me. Kekeke.

Dinala nya kami dito sa mamahaling resto na hindi fine dining. Walang masyadong kumakain dahil mahal ang foods dito.

Tahimik. May privacy at sobrang romantic ng ambience ng lugar.

Hinila pa nya yung upuan para sakin bago ako umupo

May nanalo na talaga. Walang clue. Kilala nyo na diba?

Everything is perfect na talaga for a romantic lunch date.

"Order na kayo.. libre ko kaya wag kayo mag-alala sa babayaran." Utos ni P'Tae.

Nag-tinginan kami ni Bas. Mag-aapir pa nga sana kami kaso hindi abot dahil magkalayo kami ng upuan.

Umorder kami ng mga gusto namin.

Tama kayo ng nabasa. Kasama namin si Bas. Nakalimutan ko ba banggitin? Sorry.

Kanina kasi sa daan, natutulog sya sa back seat dahil napuyat daw sya kagabi. Who knows kung anong ginawa nya? Pero mag kausap sila ni P'Tae kagabi diba?

Wala na akong pake don. Basta masaya ako ngayon.

"Libre" yang salita na yan ang dahilan kung bakit kumikislap ang mga mata ko at hindi mawala yung ngiti ko on the way dito sa Siam.

Sino naman ang hindi matutuwa sa libre diba?

Tawang tawa nga si Copgi sakin kanina dahil pinangatawanan ni P'Tae na wifey daw nya ako. Sakin nag backfire yun mga biro ko.

Habang nag hihintay kami ng order, nag-paalam mag CR si P'Tae.

Kami nalang naiwan ni Bas dito.

Eto na ang pagkakataon ko.

Tapatan ng taon.

Kanino kayo kakampi?  TeamBas o TeamTee?

Nun wala na si P'Tae sa paningin ko, dali dali akong tumabi kay Bas para kausapin sya.

"Mag-usap nga tayong dalawa nong"

Nagulat sya sa sinabi ko.

"Bakit P'?"

Nilabas ko yung phone ko at inabot sa  kanya.

"I-type mo yung twitter mo para ma follow kita."

Ngumiti lang sya sakin. At mabilis na tinype yung account nya sa phone ko.

"Yan okay na P'"

Pag ka search ko finollow ko na din sya agad.

Kumagat sya sa bitag ko.

Ngayon kasama na sya sa listahan ng mga binubully ko sa twitter. Pangatlo sya sa listahan. Una si Gi, at pangalawa syempre si P'Kim.

Ha Ha Ha (Insert evil laugh effect here)

Bumalik na ko sa upuan ko.

Yun na yun.

Ano bang ineexpect nyo? Sasabunutan ko sya at magpapalitan ng dialogue na ako ang "legal wife"? Hahaha.

Walang ganun. Napakacute kaya ni Bas. Feeling ko ang sarap sarap nya alagaan. Never ko maiisip na saktan sya.

Isa pa, wala naman ako pake kung close sila ni P'Tae. Straight ako at nadadala lang siguro ako sa Beam role ko kaya may 'weird' feels ako kay  P'Tae at Gi.

Ikaw ba naman araw-araw idikit sa isang tao wala kang weird na maramdaman.

Alam na alam ko yan. Psychology major kaya ako. Ano pang silbe ng pinagaralan kong social science kung 'di ko iaappy sa sarili ko.

Infatuation. Yan ang nararamdaman ko sa kanya. Not necessary naman sa opposite sex ka lang magkakaroon ng infatuation. Minsan kahit sa same sex madedevelop din yan lalo na kapag lagi mo sya kasama, hindi malabong magkaroon ka ng admiration or passion sa kanya.

Idagdag mo pa yung kino-condition mo yung utak mo na gusto mo sya para maging effective ang acting skills mo. Big factor din ito na dapat i-consider.

Hindi naman  lahat ng infatuation kailangan maging romantic ang ending.. minsan yan din yun way kaya nagkakaroon tayo ng 'new friends' or 'bestfriends' kasi kumportable tayo sa kanila.

Yan ang assessment ko sa 'feels' ko para kay P'Tae.

I can proudly say na straight pa din ako.

----------

Pagkabalik ni P'Tae dumating na din yun mga foods namin.

Kumain na kaming tatlo. Mas masarap talaga ang food kapag libre.

Narinig ko nga na nagpabili pa si Bas ng dessert. Pumayag naman si P'Tae.

Napakasarap naman maging close ni P'Tae no? Napakagalante.

Swerte ni Bas at tinuturing daw syang bunsong kapatid ni P'Tae.

Malaki kasi yung utang na loob nya kay Bas.

Naalala ko nun audition day ang ingay-ingay nila sa agency service namin.

Natutulog ako noon sa tabi ni Gi, tapos sa kabilang side ni Gi, dun nakaupo si Bas at P'Tae.

Narinig ko na binibigyan ng pointers ni Bas si P'Tae sa mga roles na pwede nya subukan. Biruin mo yun? Walang preparation si P'Tae pero lead role ang nakuha nya.

Galing nya no? Well, hindi na ko magtataka dahil nakita ko naman acting skills nya.

Kami yung partner noong nag-audition sya as Forth. Kinuwento nya sakin na malaking tulong daw sa kanya yun mga turo ni Bas sa kanya. 'Di daw kasi nya nabasa yun novel.

Deserve din naman ni Bas yun trato sa kanya ni P'Tae ngayon. Bago lang kasi si P'Tae sa agency that day pero tinulungan agad sya ni Bas.

Napakabait na bata. Kahit ako, gusto ko din sya maging bunsong kapatid. Yun tipo kasi ni Bas parang ang sarap-sarap babyhin. Napaka-cute.

Habang iniisip ko yun mga nangyari noong audition, dumating na yun dessert ni Bas.

Pero nagulat ako dahil may nilagay din yung waiter sa tabi ng plato ko.

Custard-Fruit Cake.

Paborito ko 'to.

Tumingin ako kay P'Tae, nakangiti sya sakin.

"Favorite mo yan diba?" Tanong nya.

Tumango lang ako sa kanya.

Pano nya nalaman?

Una yung birthday ko, ngayon naman paborito kong cake.

Nag-hire ba sya ng private investigator para i-stalk ako?

Silly! Bakit naman nya gagawin yon?

After ko ubusin yung lunch ko, kinain ko na din yung dessert ko.

Eto na siguro yung pinakamasarap na custard-fruit cake na natikman ko.

Dahil kaya sa ingredients ng resto? O dahil inorder ni P'Tae para sakin 'to?

Gusto ko unti-untiin kainin kaso ang bilis kumain ni Bas, nakakahiya naman kung mag papahintay ako.

After namin kumain, nag bayad na si P'Tae at umuwi na din kami.

Una namin hinatid si Bas. Bago sya bumaba sinabi pa ni P'Tae na mag reply daw si Bas sa mga text nya. Textmate din sila? Akala ko callmate lang. Ano ba talaga?

Parang na bother ako ng very slight dahil dun. Pero 'di ko nalang inisip.

On the way na kami ngayon sa bahay ko. After nya tanungin yung address ko wala na nagsalita saming dalawa.

Napakatraffic. Para tuloy akong inantok dahil sa busog.

'Di ko namalayan nakatulog na pala ako.

"Wifey ko..... andito na tayo.."

Hindi ako nagising dahil sa sinabi nya.  Nagising ako dahil kilala ko yung amoy hininga na yun!!

The breath of life.

Hindi naman sya nag toothbrush after namin kumain ah? Bakit ang bango bango ng hininga nya?

Dali-dali kong minulat yung  mata ko at nakita ko na  malapit yung mukha nya sa mukha ko.

Shiya!

Nakatayo sya sa bukas na pinto ng kotse at nakayuko para gisingin ako.

"Hahahahahaha! Relax ako lang 'to.. ang husbey mo. Para kang nakakita ng multo! Hahaha."

Ang lakas ng tawa nya.

Kagigising ko lang pero bakit ang bilis i-proseso ng utak ko yun salitang "husbey". Hudband ko daw sya. Ang sarap pakinggan.

"Akala ko kasi halimaw ka P'Tae!"

Wala nako maisip na palusot.

"Wow ang gwapo ko namang halimaw haha!"

Tinulak ko na sya palabas ng kotse at sinubukan i-regain yung composure ko bago maglakad palabas ng kotse.

"P'Tae salamat sa lunch at paghatid"

Nag-wai ako sa kanya para mag pasalamat.

Kinurot nya yung pisngi ko bago sya nag salita.

"Basta para sa wifey kong si Beam.. sige una na ko cutie.."

Naglakad na sya papunta sa driver seat at nag drive paalis.

Napahawak ako sa pisngi ko. Cutie daw. Ako ba yun tinutukoy nya o si Beam?

Bakit hinayaan ko lang syang kurutin yun pisnge ko? Inenjoy ko pa ata.

Pakiramdam ko tuloy napaka-cute ko na din tulad ni Bas.

Ngiting ngiti ako dahil sa naisip ko.

Cute kaya talaga ako sa paningin nya? Pero Beam ang sinabi nya hindi naman Tee.

Ewan. Nevermind na nga. Baka nagprapractice lang sya ng fanservice.

Bakit ko ba iniisip yun? Hindi dapat big deal sakin yun kasi straight ako. Agree?

--------------

-3 days passed-

Last day na ng workshop namin ngayon. Ang bilis ng araw. Next week umpisa na ng shooting. Pero 'di ako kinakabahan. Napaka minor kasi ng roles ko for sure 'di ako mahihirapan.

On the way na kami ni Gi ngayon sa workshop camp. Mukhang iritable sya at wala sa mood. Natatakot tuloy ako mag salita dahil baka ipahigop nya ko sa dimple nya.

Ano kayang problema nya? Nagalit kaya sya sa upload ni P'Kim na picture nya sa twitter kagabi? Hindi na kasi sya nagparamdam after nya sabihin na 'burahin mo to P'Kim'.

Hindi ako mapakali kakaisip sa problema ng bestfriend ko... 'di ko na namalayan na nagsalita na pala ako.

"Gi galit ka ba kay P'Kim?"

Nagulat sya sa tanong ko.

"Hindi ah? Bakit naman ako magagalit?"

"Akala ko kasi nagalit ka sa upload nya na wacky pic mo.."

Hindi na sya nagsalita at nagpanggap nalang na busy sya sa pagdrdrive.

"Inlove ka na ba kay P'Kim?" Tanong ko ulit.

Napapreno sya bigla.

"Gago! san mo naman napagkukuha yan tsismis na yan."

Actually hindi na ako interesado kung bakit sya iritable. Tinanong ko yun para ma confirm if may nararamdaman din syang 'weird feels' sa partner nya sa series tulad ko.

Pagkatapos kasi ng lunch namin nila P'Tae mas lalong lumala yung 'weird feels' ko sa kanya. Grabe pagka excite ko sa mga intimate activities namin sa workshop.

Hindi ko ma-explain kung bakit ang sarap sa feels ng 'akapan' activity namin kahapon.

Si Gi kaya? Ganun na din ang nararamdaman kapag magkasama sila ni P'Kim?

"Wala naman.. uhm na eexcite ka ba makita si P'Kim?" Tanong ko ulit.

Nanlaki yung mata nya sa sinabi ko.

"Nababaliw ka na ba Tee? Straight ako bat naman ako ma eexcite sa lalake?!"

"Wala wala.. wag mo na isipin. Hehe."

May point sya dun. Straight din naman ako. Pero bakit nga ba na eexcite ako kay P'Tae?

Ewan! 'Di ko na maipaliwanag in scientific way. Naubos na ata pinag aralan ko sa Psychology.

Infatuation lang siguro 'to.

Tama.

Mawawala din 'to next week dahil wala na kaming intimate workshop activities pag nag start ang shooting.

Hindi nalang ako lalapit sa kanya kasi iba partners namin today. 'Friendship' workshop.

Partner si Bas at P'Kim. Bestfriend sila sa series.

Partners kami ni Gi at Godt. Magbabarkada kami sa series.

Si P'Tae si Bas din ang partner. Marami kasi silang interaction sa series.

Buti naman makakaiwas ako kay P'Tae today.

Pagdating namin sa workshop andon na silang lahat. Nag uumpisa na din sila P'Kim at Bas sa activity.

Agad ako tumabi kay P'Tae para manood.

Wala kasi syang katabi eh.

Ngayon ko lang na-realize na ganito pala ako 'umiwas'.

---------

Buong araw ako 'umiwas' kay P'Tae.

Basta may chance 'umiiwas' ako sa kanya.

"Uminom kaya tayo after nitong workshop?" Tanong ni P'Tae sakin.

Katabi ko sya ngayon kasi nga 'umiiwas' ako sa kanya.

Malapit na kasi kami umuwe. Last activity na 'tong ginawa ni Gi at Godt sa harap.

"Tayong dalawa lang?" Tanong ko din sa kanya. Gusto ba nya ko ma solo?

"Hindi.. tayong 6. Last day na kasi ng workshop.. after nito busy na tayo shooting."

Medyo na disappoint naman ako dun.

"Sige yayain natin sila. After nito."

....

After ng activities inaya na namin sila. Hindi daw makakasama si Godt samin kasi may lakad daw sya.

5 lang tuloy kami.

Nagpunta kami sa isang grill and bar na sikat dito sa BKK.

"Para sa magiging success ng series natin! Cheers!!!"

Nag cheers kaming 5. Nobody knows anong mangyayari sa series na pinagbibidahan namin. Magiging successful ba or hindi?

Bahala na.

Basta i-eenjoy nalang namin 'to at gagawin namin ang best namin sa pag acting kapag nag umpisa na ang shooting.

Light drinks lang yun iniinom namin.  Magdrdrive pa kasi sila mamaya.

After 1 hour.

Unang nag paalam si Bas. Hindi sya nagpahatid kay P'Tae para daw wag ma istorbo ang pag inom namin.

Sumunod na din si P'Kim dahil may date daw sila ng GF nya.

Kami nalang 3 ang natira para uminom. Ang lakas uminom ni P'Tae tapos hard na yung inorder nya para sa kanya. Pinipigilan namin sya ni Gi kasi mag drdrive pa sya pero ayaw paawat.

After 30 mins.

Bigla may tumawag kay Gi. Mommy nya at pinapauwe na sya.

Sasabay na sana ako pero wala naman maiiwan dito kay P'Tae.

"Sige na umuwe kana.. pipilitin ko lang 'tong si P'Tae umuwe."

Nagpaalam at umalis na si Gi.

Ano naman kayang problema ni P'Tae at ang lakas uminom?

Akala ko susunod na din kami kay Gi pero hindi pa pala. Umorder pa sya ng alak.

"P may problema kaba kaya ka nag lalasing?"

Sumagot sya agad. Para bang gusto nya mag open.

Nalaman ko na anniversary pala sana nila ng ex live-in partner nya ngayon. Pero nag break sila 2months ago.

Kaya naman pala.

Naka move on naman na daw sya pero hindi lang nya daw maiwasan malungkot.

Hindi na ko masyado uminom kasi mukhang ipagdrdrive ko sya mamaya at lasing na sya.

After nya maubos yun alak nya, nagbayad na kami at umuwe.

Ako yung nag drive ng kotse nya at natutulog sya sa shotgun seat ngayon

I uuwe ko nalang sya sa bahay namin kasi ayaw nya kumibo kung saan yung condo nya.

"P'Tae andito na tayo, halika na.."

Nagising naman sya at sinubukan tumayo pero nahihilo sya. Inalalayan ko sya papasok sa bahay namin.

Pagpasok ko sa bahay gulat na gulat sila mommy dahil may kasama akong lasing na lalake. Pinaliwanag ko na kasama ko sya sa work at uminom kami.

Dinala ko sya sa kwarto ko.

Pagkahiga nya tulog na sya agad. Hinubad ko nalang yun sapatos nya.

Mukhang sa lapag ako matutulog ngayon dahil sinakop na nya yung kama ko. 6footer na higante ba naman yung nahiga.

Pagkatapos ko maglatag sa lapag. Umupo muna ako sa gilid ng kama para titigan sya.

Napakagwapong nilalang.

Out of nothingness naisipan ko i touch yung labi nya na sana 'di ko nalang ginawa.

Nagising sya bigla at hinila nya ko palapit sa kanya.

Nahalikan ko sya sa labi.

Agad ako umalis sa pagkakasubsob ko sa mukha nya.

Nakapikit na sya ulit at narinig ko na may binulong sya.

"Bas...."

[A/N] ~ sorry. Masyado ata ako na inspire sa ganap ng TaeTee sa golden carpet event. Hahaha kaya ganito ang update. Anyways bahala na. Hahaha.  Comment and Vote.

Endless thanks to my sister stoked_souL  na busy ngayon sa vacation nya sa new york city pero tinutulungan pa din ako. Love you!

The Queen Mother Hateu.

Continue Reading

You'll Also Like

14.9K 1.6K 26
Why can't Travis love Stacey even if Stacey loves him? Why do they agree in arranged marriage if there's only one-sided love occured? Does it have a...
19K 1K 23
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
186K 12.3K 56
| COMPLETED | METRO MANILA, PHILIPPINES YEAR 2051 Kaya mo bang lumaban para mabuhay? O magiging duwag ka hanggang sa mamatay? Kaya mo bang makatakas...
1.2M 24K 56
just for fun