Subtle Invitation (2Moons Cas...

By TheQueenMotherHateu

20.2K 1.2K 3K

Highest Ranking: #95 [Tagalog] Ako si Tee Thanapol Jarujitranon. Reyna ng mga Servant Wives. Ang nagiisang Kh... More

Disclaimer
Prologue: Mission Impossible
Mission #1 Isolating The Breath of Life
Mission #2 Facing the Horror
Mission #4 Sleeping With The Enemy
Mission #5 Touching The Hattori Hanzo Masterpiece
Mission #6 Thou Bein' Candor to Thyself
Mission #7 Sealing the First Conscious Osculate
Mission #8 Loathing the Idea of Being the Damsel In Distress
Mission #9 Brewing the Efficacious Love Potion
Mission #10 Substantiating That Them Chickens Is Ash And I'm Lotion

Mission #3 To Be The Good "Wife"

1.6K 126 325
By TheQueenMotherHateu

My Fb Page: The QueenMother Hateu

Tee's POV

"Ingatan mo ang baby natin P'Tae.."

Hindi mawala yung ngiti sa labi ko nun sinend ko yan kay P'Tae. Para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan dahil alam kong safe and sound na ang 'baby ko'.

La La La.. inaalog ko pa yung ulo ko dahil sa sobrang tuwa habang nakatitig sa phone.

Ang sarap basahin ng message nya na 'wag na daw ako mag-alala'. Paulit ulit ko binabasa hanggang sa napansin ko na may mali sa reply ko.

Unti-unti naningkit yung singkit kong mata. Bigla ako natauhan sa kalandiang nagawa ko.

Shiya!! Kelan pa ko nag desisyon na si P'Tae ang Daddy ng 'baby ko'!? Wala man lang paternity or DNA testing?! Agad-agad talaga Tee?

Teka?! Kung sya yung Daddy, so ako yung Mommy? No no no. Dapat ako yung Daddy feeling ko naman mas straight ako sa kanya.

WTF? Anong nangyayari sa mentality ko? Kelangan talaga unahin ko pa isipin kung sino ang Mommy at Daddy kesa bawiin yung nasabi ko sa kanya?

Hinga ng malalim. Inhale.. exhale..

Pano ko ba babawiin yung nasabi ko? Biro lang naman yun diba? Sa tingin ko naman hindi nya gagawing big deal. Pero bakit parang guilty ako?

Nagreply na sya!

Hindi ko alam kung bakit napapikit ako. Ayaw ko bang mabasa yung sinabi nya? O takot lang ako makita yung bunga ng kalandian na nagawa ko?

Dahan-dahan ko minulat yung mata ko at sinisilip ng paisa-isa bawat letra ng reply nya.

"Wow! 'Di ko alam na nag bunga na pala yung pag-sesex natin sa work shop kanina. Hahaha"

Shiyaa!!!!!!!

Kelangan talaga ipaalala yun? Pakiramdam ko umakyat na lahat ng dugo sa pisngi ko. Mahihiya yung pwet ng mga Baboon sa pula ng pisngi ko ngayon.

Sensitive ako sa sex na yan.

Hindi ko alam kung anong problema ko. Lalake naman ako, pero pag bagay talaga na may kinalaman sa sex, nahihiya ako. Dahil siguro pinalaki ako na conservative. Kahit sa ex-gf ko never ako nag-try makipag sex kahit gusto nya.

Para sakin, dapat lang gawin ang sex after ng kasal.

"Ai'P'Tae wag mo na nga ipaalala yun. Nakakakilabot!"

Nagflash back yung dry humping na ganap kanina. Nadumihan nanaman ang malinis na pag-iisip ko.

Hindi ko maipaliwanag kung kinilabutan ba ko? O kinilig? Bat naman ako kikiligin?! Very wrong nanaman.

"Hahaha ikaw ang nag-umpisa sa baby baby na yan. Sinakyan lang kita."

Parang iba yung naisip ko sa salitang 'sinakyan'. Napailing nalang ako at winaksi ang maduming ideya sa puro kong kaisipan.

Hindi na ko nag reply. Pero nag send pa sya ulit ng isang message.

"Bakit hindi kapa natutulog? Iniisip mo pa ba yung sex natin kanina? haha"

Mukang wala syang balak lumubay sa kakabanggit ng sex na yan!

"Hindi no! Baka ikaw ang hindi maka move on! Haha. Uhm, naglalaro talaga ako ng Garena ROV kaya di ako makatulog."

Yan nalang yung naisip ko na palusot para i-divert yung topic namin. Kinikilabutan talaga ako sa sex na yan.

Nag reply nanaman sya. Hindi ba sya busy?

"Maganda ba yang laro na yan?"

"Oo P.. maganda.."

"Wait mag download ako, sali ako sa laro mo."

Ha? Ayoko nga. For sure puro talo lang aabutin ko pag sya ang kakampi ko. Hindi naman sya marunong nito.

"Ayoko P, matatalo lang tayo. Noob ka eh! Haha."

Ang hard ko naman masyado kay P'Tae. Medyo na guilty ako.

"Hindi tayo matatalo promise! Kahit mag pustahan pa tayo."

Wow lakas ng loob ha!

"Pustahan?"

"Oo. Kapag natalo tayo sa game, ililibre kita ng dinner. Kapag nanalo naman tayo sa game, papayag ka na.."

Anong papayag sinasabi nito? Na-sense ko na kalokohan nanaman yung naiisip nya.

"Papayag saan?"

Mabilis sya sumagot.

"Papayag na makipag sex sakin hahahaha!"

WTF?! Nagbibiro lang sya diba?

"Gago ka P'Tae. Puro ka kalokohan!"

"Hahaha. Bakit akala mo ba ikaw lang pwede mang-asar?"

Hindi ko akalain na si P'Tae lang pala ang makakasabay sa pagka-bully ko.

Hindi to pwede. Hindi ako papatalo! Ako lang dapat ang bully!

"Tara na maglaro P'Tae, ng matalo kana sa pustahan. Libre na ang dinner ko bukas for sure."

"Wait. I-add mo muna account ko."

"Sige anong username?"

"TaeTee0526"

What? Bat naman ganun yung username nya? Baliw na ba sya? Birthday ba namin yung number dun?

So alam nya date ng birthday ko?

'Di ko namalayan na nakangiti na pala ako.

Hihihihi.

Inopen ko yung app at inadd ko na sya.

"Na-add na kita. Ang panget ng username mo!!"

"Hahahaha! Wag ka, sinadya ko yan para pang fanservice."

Ah. Fanservice lang naman pala. Bakit parang na disappoint ako? Ewan. Baka guni guni ko lang yun.

Naglaro na kami. What to expect? Syempre natalo kami sa game.

Ako yung nanalo sa pustahan pero 'di ko natanong yung details ng prize ko kasi nag offline na sya. Tumatawag daw kasi si Bas.

Pakiramdam ko mas lalo ako nadisappoint. Makatulog na nga lang. Pagod lang siguro ako.

---------

-Morning-

Hindi ko alam kung anong masamang prophecy ang naganap at ang aga ko nagising.

Nag-luto nalang ako ng breakfast namin dahil maaga pa talaga para mag-ayos at pumunta sa workshop.

Feel na feel ko bawat budbod ko ng asin sa niluluto ko. Feeling ko napakabuti kong wife na nagluluto para sa asawa nya.

Ang weird. Hindi ko na nagugustuhan 'tong mga phantasm na nae-experience ko mula nun maamoy ko ang 'breath of life' ni P'Tae.

"Thanapol Jarujitranon anong nangyayari sayo dinedeliryo ka ba?!"

Si Mommy yan at mukhang gulat na gulat sya sa mga nasaksihan nya dito sa kusina.

"Ma naman!"

Hinaplos nya yung noo ko at pinakiramdaman kung may mainit ba ko.

"Wala ka namang lagnat, anong ngyayari sayo anak? Nasisiraan ka na ba ng bait?"

Hala grabe si Ma oh?! Nagluto lang baliw na agad? Hindi ba pwedeng nag prapractice lang maging good wife este husband?!

"Ma naman eh!"

Mukhang alam nyo na kung kanino ako nagmana ng pagiging bully.

Inakap nya ko mula sa likod.

"Ang baby Tee ko anlaki laki na, pwede ng mag-asawa.."

Be careful what you wish for Ma, cause you might just get it.

"Ma.. bata pa ko.. atsaka magpapayaman muna ako bago mag asawa para makatulong ako sa family natin, alright?"

Bago pa magkaroon ng drama scene dito sa kusina, nagkunwari na akong busy sa niluluto ko.

Pagkatapos ko mag luto, gising na din yun mga kapatid ko at si lola para kumain.

Dahil na-inform sila ni Ma na ako yun nagluto kaya sinigurado nilang ako yun una titikim para i-check kung may lason yun pagkain. Nilabas pa nga ni lola yung 'silver spoon' para makasigurado.

Grabe sila sakin no? Pero mahal na mahal ko sila kahit inaapi nila ako parati. No pun intended.

Pagkatapos namin kumain, naligo na ako at nag-ayos.

Inahit ko din mabuti yung bigote ko. Meron daw kasi kaming photoshoot ngayon na gaganapin sa workshop camp.

Pero yun nga ba yun dahilan?

Bakit deep inside sa cerebrum ko gusto ko lang wag ma turn off si P'Tae dahil may bigote ang wifey nya.

Kilabutan ka nga Tee. Inapply mo na talaga ang pagiging Beam in real life?

Cringe-worthy na talaga yun mga naiisip ko lately. Very wrong very very.

Yan! Ang gwapo ko na talaga. Mario Maurer kabahan ka na.

Sasabihin ba ulit mamaya ni P'Tae na cute ako? Hihihi.

Hay ewan. Basta ang alam ko lang 'di ko mapigilan ngumisi sa mga naiisip ko.

Bigla nag vibrate yun phone ko.

"Malapit na ko.." Text yan ni Gi.

"K"

Lumabas na ko at naghintay sa harap ng gate namin.

Ilang minutes lang dumating na din ang bestfriend ko na pinaglihi sa dimples.

Mukhang nagulat sya dahil for the first time in forever hindi na sya papasok sa bahay namin para hintayin ako.

Pumasok na agad ako sa kotse nya.

"Hay nako! ganito nalang ba palagi? Late ka nalang palagi sa pag sundo sakin."

Nalaglag yun panga nya sa sinabi ko.

"Gago. Anong nangyari? Bat ang aga mo ngayon?"

Lumingon ako sa kanya pagkatapos ko ikabit yung seatbelt ko.

Nakangiti na sya ngayon sakin. Kailangan ko pa ba i-mention yung dimples nya na sobrang lalim o understood na yun?

"Wala naman.. for a change maybe."

"Hahahahahaha! Don't me Tee. Bakit pala hindi ka nakisali sa twitter war kagabi?"

Tawang-tawa sya sa sinabi ko. Ganon ba kahirap paniwalaan na hindi na ko late magigising?

"Anong twitter war? Wala akong alam sa ganyan. Mabait ako."

Mas lalo syang natawa sa sinabi ko. Konti nalang itatapon ko na 'tong bestfriend ko. Dapat sya ang unang nakakaalam na angel ako at puro kabutihan lang ang alam gawin.

Mabilis kami nakarating sa workshop camp dahil hindi naman traffic.

Inabutan namin na inaayos na ng mga staff yung studio para sa photoshoot mamaya.

As usual sabay nanaman sila P'Tae at Bas. Pero 'di ko na masyado pinansin yun. Mas napansin ko yun buhok ni P'Tae bagong gupit sya.

Ako naman bagong ahit. Kismet?

"P'Tae ang gwapo mo sa bagong hairstyle mo!"

Bati ko sa kanya.

Ngumiti lang sya sakin at naglakad na para ibaba yun mga gamit nya.

Yun na yun? Hindi man lang ba nya napansin na bagong ahit ako ng bigote? Wala man lang cute na remark? Pinaasa nya ko sa pag ibig na wagas.

#feelingbroken

Joke lang. 'Di naman kayo mabiro. Hindi ako umaasa. Promise.

*insert awkward smile here."

"Boys. Magpaayos na yun mga wala ginagawa sa make up artist natin. Iisa lang sya kaya dapat mag-umpisa na kayo magpaayos."

Announcement ng isang staff. Nagtitipid ba sila at iisa lang yung make-up artist?

Nauna na ko nagpaayos. Sunod si P'Tae para daw makuhanan yun mga couple shot namin right after nya ayusan.

------

Yung totoo? Bakit feeling ko lalo lang ako na awawkward kay P'Tae habang tumatagal. Hindi ko mahanap yung comfort na sinabi ng staff noong firstday ng workshop.

Ngayon mukha daw akong tensionado sa mga couple pictures namin.

Hindi ko maipaliwanag. Pero kapag tinititigan ako ni P'Tae parang malulusaw yung tuhod ko.

Anong mali sakin? Sumanib na ba sakin yung spirito ni Beam? Ewan!

Huminga ako ng malalim para kumalma.

Kaya ko 'to.

Total naman pakiramdam ko ako si Beam ngayon. Papangatawanan ko na.

Sinandal ko yung ulo ko sa balikat ni P'Tae. Ang sarap sa pakiramdam. Hindi na ko nahihiya. Eto na siguro yung 'comfort' na hinahanap ko.


*click click click*

"Yan ganyan Nong Tee! Perfect!!"

Sigaw ng photographer.

"Good shot! Okay.. Change outfit na.."

Umakbay sakin si P'Tae at naglakad kami papunta sa dressing room.

Pagpasok namin agad sya naghubad para magbihis.

"School uniform daw ba yung isusuot natin?"

Tanong nya. Nakabriefs lang sya ngayon at hinahanap yung engineering uniform nya sa mga nakahanger na damit.

Fuck!!!

Eto nanaman yung feeling na tulad ng kahapon na nakita ko syang topless.

Bakit ba fascinated ako sa katawan ni P'Tae? Lalake naman sya at lalake din ako! Hindi ko na talaga nagugustuhan yung mga weird feels na nararamdaman ko lately.

Bumaling ako ng tingin sa iba. Naghubad na din ako ng pantaas ko.

Tumabi ako sa kanya para hanapin na din yung med school uniform ko.

I tried my best na i-ignore yung naka-briefs na lalake sa tabi ko. Pero paglingon ko sa kanya nakita ko na nakatingin sya sa dibdib ko. Pero agad din nya binaling sa ibang direksyon tingin nya nun napansin nya na lumingon ako.

Ewan ko kung guni guni ko lang pero parang mas lalo lumaki yung ano. Basta yung ano. Yung nakabakat sa briefs nya.

Hindi ko na-confirm kasi nag-pants na sya. Tsaka bat naman lalake yun? As if naman ma-arouse sya sa dibdib kong flat pero pink naman.

Habang nagbibihis kami napansin ko na nahihirapan sya i-butones yung jacket ng engineering na outfit nya.

Lumapit ako sa kanya para tulungan sya.

Isa-isa ko inayos yung butones nya.

Nakangiti lang sya sakin habang ginagawa ko yun. Bigla syang nagsalita.

"Ang cute cute mo.. para na talaga kitang asawa tapos inaayusan mo ko bago pumasok sa trabaho. Haha"

Agad-agad ko sya tinulak dahil sa biro nya at tumalikod.

"Gago!" Sigaw ko sa kanya.

Nagpanggap ako na inaayos yun damit ko habang nakatalikod sa kanya.

Kailangan ko tumalikod dahil hindi ko na alam kung gaano ako ka pula ngayon. Haha.

Ang cute-cute ko daw. Take note dalawang cute yan. Mahihiya yun salitang 'plural' dahil dala-dalawa talaga ang word na ginamit nya.

Kung tuta lang siguro ako mashoshookt sya makita kung pano ko iwagwag yung buntot ko sa tuwa dahil tinawag nya akong cute.

#WinnerIsMe

Buong couple shoot namin ni P'Tae puro papuri yun natanggap ko dahil blooming daw ako at genuine daw yung feelings at expression ko sa mga picture.

Alam nyo na kung bakit. ;)

---------

Nakaupo na ako ngayon dito sa tabi ng staff na nagaayos ng mga pictures namin.

Si P'Kim at Gi na yung pinipicturan ngayon. Katatapos lang ng mga solo ni P'Kim.

Anong ginagawa ko dito sa tabi ng staff? Alam nyo na. Nagiipon nako ng mga bala para sa twitter war. Hindi pwedeng palagi nalang ako cease fire sa kanilang dalawa.

"P' pwede patingin ako ng mga picture ni P'Kim?"

Pumayag naman yun mga staff. Agad agad ko hinanap yung mga wacky pics nya at sinend sa phone ko.

Ngiting ngiti ako sa mga nakuha ko na picture nya. Revenge is real.

Naisip ko na yun kakalabasan ng twitter war mamayang gabi. Nasakin pa din ang huling halakhak. Haha.

Natapos din yun couple shoot nila at solo pics nalang ni Gi yun huling gagawin.

After nun uuwe na kami. Eto lang kasi ang activity namin today.

Nauna na nga umuwe si Godt dahil tapos na din yung insane med gang shoot namin.

Tinulungan ko na si Gi sa dressing room para makauwe na kami.

Pawis na pawis sya dahil sa suit na suot nya.

"Parang baby talaga 'tong bestfriend ko na 'to"

Kinuha ko yung panyo ko para punasan yung noo nya.

Para akong nawala sa sarili nun ginagawa ko yun. Feeling ko ang sarap nya alagaan.

Ang cute din kasi nitong bestfriend ko.

Tinulungan ko na din sya ibutones yung suit nya.

Hanggang sa maramdamn ko na may tao sa likod ko.

Si P'Tae.

"Gi hihiramin ko 'tong bestfriend mo ha, may dinner kasi kami pero iaadvace ko na ng lunch kasi nag seselos ako sa ka-sweetan nyo."

[A/N] ~ ano na???? Chapter 3 palang pero may selosan ng ganap? Kaloka!!! Abangan ang susunod na kabanata. Comment your feels and vote if napatawa ko kayo!! Hehe.

Special thanks to my sister in crime.. stoked_souL!! Mua! Haha.

Footnotes:

Silver spoon - ginagamit na pang detect ng poison noong Joseon Dynasty sa Korea.

Baboon- species ng ape na sobrang pula ng pwet.

Cerebrum - pinakamalaking part ng brain.

Kung may tanong pa kayo about sa terms na ginamit ko, please do comment para maipaliwanag ko.

The QueenMother Hateu

Continue Reading

You'll Also Like

182K 5.5K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...
14.9K 1.6K 26
Why can't Travis love Stacey even if Stacey loves him? Why do they agree in arranged marriage if there's only one-sided love occured? Does it have a...
230K 4.7K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...
259K 9.9K 62
My collection of JENLISA one shot stories. May contain some stories written in Filipino.