KATHRYN'S POV
Bumangon ako ng maaga. May plano kasi ako ngayon. Ay hindi pala, may plano kami ni Sam. We need to get things back to where it belongs. Napakarami ng bagay ang nangyari kaya sana magwork-out ang plano. Nag-ayos kaagad ako ng sarili. I packed all of my things. Nilagay ko siya sa isang maleta and ibinaba ito kaagad right after I finished.
“Things should work as planned.” Bulong ko sa sarili.
“Hey. Bakit may dala kang maleta?” Anak ka ng tipaklong. Medyo nagulat ako kay Julia.
“You scared me.” Sabi ko.
“Aw. Sorry. By the way, bakit may dala kang maleta?” Sabi niya.
“Because we are all leaving this place for a while!” Sabi ko habang abot tainga ang aking ngiti. “Look, we all are already stressed with things that happened around us right? Kailangan natin ng break para makapagpahinga! Hindi naman masama ‘yun ‘di ba?”
Kunot-noo akong tinignan ni Julia, “You know, Kath.” Bigla siyang dumiretso sa fridge, “I think this isn’t the right time to have a vacation.” Kinuha niya ‘yung bottle na may tubig.
“Oh come on!” Sabi ko. Halata namang nagulat si Julia kasi iinom na sana siya tapos parang bigla siyang natigilan saglit. “You should be kidding me, Bhest!”
“Bhest, can’t you see the things happening on us right this time?” Sabi ni Julia. Ibinabalik niya na ‘yung bottled water.
Doon ako nagseryoso. “Ako dapat ang magtanong niyan, Julia.” Natigilan siya sa ginagawa niya dahil lumapit na ako sa kanya. “Hindi niyo ba nakikita ang nangyayari sa inyo? You are destroying the friendship that all of you made for more than 100 years.”
“Kath, were not. Hindi lang kasi ordinaryong…”
Hindi ko siya pinatapos, “Anong hindi ordinaryo sa mga nangyayari sa inyo Julia? Is there any ordinary things that happened before? Wala naman di ba? Puro extra-ordinary. Now, tatanungin kita, do you want to lose your friends?”
Nakatitig lang siya sa akin at nakita ko kung paano muling nagsalubong ang kaniyang mga kilay. “Of course, no.”
“Do you want your team na nabuo a hundred years ago na bigla na lang mawawasak?”
“No…” Bulong ni Julia habang unti-unting yumuyuko.
“Look widely, Julia. Halos wasak na kayo ngayon because of that. I knew, sa inyo ni Quen, it was just an awkward feeling right? Hindi niyo makausap ang isa’t – isa kasi nahihiya kayo? Tama ba ako?” –Ako.
Tumungo si Julia. “Hindi kasi madali sa akin ‘yun, Kath…”
Magsasalita pa sana siya pero hinarang ko ang lips niya ng aking index finger, “Hep! Stop right there, Julia!” Ngumiti ako sa kanya at muling nagpatuloy, “Kahit na anong reason mo at kahit anong dahilan ni Quen kung bakit hindi kayo nagpapansinan is not acceptable. Hindi naman ako nagiging mean, Bhest, pero, sabi mo pa nga sa akin non, buti pa ako, sigurado kong buhay si Daniel, eh si Quen patay na. O, ngayon, ibabalik ko sayo ang sinabi mo, don’t lose your faith, Julia. Si Daniel, hindi ko alam kung nasaan, ikaw, andito na si Quen! Palalagpasin mo pa ba?”
She smiled, “Kath…”
“Tama naman ako ‘di ba? Walang reason para magkahiyaan kayo! Isn’t it you love each other?”
“Yep…”
Inayos-ayos ko ang damit kwelyo ng damit niya, “Cheer up, bhest!” Sabi ko in a cheerful way, “Ang gawin mo ngayon, umakyat ka sa taas at ayusin ang damit mo, okay? We will leave after an hour.”
“Pero, hindi pa naman ako pumapayag, ha?”
“Wala ka namang magagawa eh. Go ka na sa kwarto mo, bhest. Isa pa, saying “yes” nung tinanong kita kung mahal niyo ni Quen ang isa’t isa ay isang indirect way of joining this vacation leave. Kaya please, wag ka ng makulit! Alam kong wala akong panama sa’yo kasi you are an immortal pero kaya naman kitang batukan. Dali na!” Tapos tinulak ko siya paakyat.
“Hay naku.” Napabuntong-hininga na lang si Julia at inayos na ang gamit niya.
One down!
Now, it is time to take my convincing power to a higher level. Unti-unti akong lumapit sa kwarto ni Lexi. This is harder than convincing Julia. Kakatok pa lamang ako nang biglang bumukas ang pinto.
“Hindi mo ako macoconvince, Kath. I am telling you…” Hay. May mind power nga pala si Lexi. Nakakainis. Alam niya agad.
“Ah, eh…” Wooh. Can’t say even a single thing. “Talaga?”
“Oo.” –Lexi.
“Talagang talaga?” –Ako.
“Oo nga!” –Siya.
“Sure na sure?” –Ako.
“Ang kulit mo, Kath.” Pagsasarhan niya sana ako ng pinto pero napigilan ko.
“Eh paano si Rick?” Sabi ko. NAkita ko naman ang kakaibang lungkot na dumapo sa kanyang mga mata.
“Why would I care about that killer?” Sabi niya.
“Hep! Don’t talk like you didn’t kill his relatives, too.” Sabi ko.
“But…”
“But what? Kasi pinatay niya ang mga magulang mo? I am sorry to be harsh about it, alright? I am not also insensitive with this case pero…” Napayuko muna ako. Humahanap kasi ako ng tyempo para banggitin yung nasa utak ko. “Pareho kasi kayong nasasaktan.”
Napaupo si Lexi sa gilid ng kama niya. “Masakit kasi, Kath. Knowing na ‘yung taong mahal ko ang dahilan kung bakit wala na akong mga magulang ngayon, yun ang masakit.”
“Gusto mo ba ulit mawalan ng minamahal?”
“Ayoko na, Kath… ayaw ko na.”
“Yun naman pala eh. Bakit hindi mo kausapin si Rick?”
“Hindi ko kasi alam kung anong maaaring mangyari.”
“Natatakot ka?”
“Oo, Kath.”
“Alam mo, Lex. Mas matakot ka kung makapagdecide si Rick na umalis na lang. Alam mo kung bakit? Sigurado kasi akong ang story niyo eh parang ‘yung mga nababasa ko sa watty.” Sabi ko. Anlaki talaga ng impluwensya ng wattpad sa akin.
“Watty?”-Siya. Halatang confused siya sa sinabi ko.
“Wattpad. The best online website for a huge collection of stories.” Tapos napangiti pa ako kasi naalala ko ‘yung mga kinaaadikan kong vampire stories katulad noong “Concealed Vampire” ni Author_S at yung Twisted Fate. Parang ang gwapo ng bida dun na si Angelo. I shook my head to get away from those thoughts. “By the way, back to the topic, Lexi, sabi ko nga, ang cliché na niyan. Sigurado akong iniisip ni Rick ngayon na lumayo sa’yo dahil pati siya nagulat sa nakaraan niya.”
“Siguro mabuti na rin ‘yon, Kath.”
“How can you say those words kahit hindi naman ‘yan ang sinasabi nito?” Then I pointed out her heart through my hands. “Mahal mo pa rin ba siya?”
“Sa tagal ng mahigit 100 taon naming pagsasama, minahal ko na siya ng lubos.”
“How about right this time? In this moment?”
“Mahal ko pa rin siya kaya nasasaktan ako ng ganito.”
“Yun naman pala eh. Why won’t you fight for what you feel, Lex?”
“Hindi kasi madali ‘yun, Kath. Lalo na ngayon na alam na naming ang nakaraan namin.”
“But that was already in the past!” Sabi ko naman in a serious tone.
“But bringing back the past is a very serious matter. Those things are precious to me. My parents. He killed my parents.” Sabi niya at bigla na lamanhg siyang humagulgol ng iyak.
“Lexi, what was your name back then?”
“Huh?”
“I said, what was your name back then?” Seryoso ako. I will do my best para makasama siya sa vacation leave.
“Alexandra.”
“What was Rick’s name back then?”
“Why were you asking about it?”
“Just answer it.”
“Cicero.”
Tumayo ako. “See? Hindi mo ba nakikita Lexi? Iba si Lexi kay Alexandra. Iba si Rick kay Cicero! Iba kayong dalawa sa nakaraan. Iba kayong dalawa noong naglalaban ang mga lahi niyo. Ngayon, nageexist pa ba ang Redians at ang lahi nila Rick? Hindi na ‘di ba? Hindi na madistinguish? Bakit ikukulong mo ang sarili mo sa nakaraan? Hindi k aba pwedeng maglagay ng bagong starting point sa buhay mo? ‘Yung mga taong nawawalan ng mahal sa buhay kayang patawarin ang taong naging dahilan nito, ano pa kaya kayong mga immortal na halos lahat ay nasa inyo na?”
Tumahimik ang buong kapaligiran. Napatingin na lamang si Lexi sa akin.
“Lex, I hope you can understand me. You don’t need to bring your past in the present. Hindi mo kailangan pigilan ang sarili mong mahalin si Rick. Andun na kasi ‘yun, nangyari na. Hindi kayang ibalik ng pagluluksa mo ang mga magulang mo at ang mga kauri ni Rick na pinaslang ni Alexandra. Take note, Alexandra. Hindi na ikaw si Alexandra at hindi na si Cicero si Rick. Ibang-iba na kayong dalawa, kaya please, give yourself a chance to forgive Rick.” Sabi ko.
Napayakap na lamang si Lexi sa akin at saka humagulgol ng iyak.
“Payag ka nang sumama?”
Tumungo si Lexi sa akin bilang pagpayag. “Wooh. Pinagpawisan ako sa’yo ha.” Then she smiled at me. “Prepare your things. Ikaw itong nagyaya kahapon tapos akala ko ikaw pa ang hindi sasama.”
“Kath… thank you.” Bulong ni Lexi.
“You’re always welcome. I just can’t see you ruining your friendships because of it.” Ngumiti uli ako sa kanya. “Bilisan mo na, anytime, darating na ang sundo natin.”
Nag-ayos na si Lexi. Nagulat na lang ako ng makita kong nakikinig pala si Julia sa amin. She gave me a smile like saying “Thank you.” Nakahinga ako ng maluwag. I think the plan will work-out. Sana magkaayos-ayos na silang lahat. Maya-maya pa ay bumusina na ang sasakyan sa labas.
“Andyan na sila Sam! Tara na girls!”
========================
A/N: Yow. Thank you sa support. Nagplug pa ako eh no sa chapter na ito? HAHAHAH. Eh basahin niyo pala 'yung A Twisted Fate. :D :D :D Nakakakilig yan pramis.
Salamat pala sa mga critics ko. I LOVE YOU TOO MGA PARDS. :D :D :D
Oh ayan na. Bakasyon na nila. Ano sa tingin niyo ang mangyayari? Penge namang thoughts dyan o? Especially sa mga silent readers? HAHAHAHA. <3 u mga pardz . :D