My Sweet Revenge

By writerwannabe143

850K 10.3K 1K

[Sweet Vengeance Series Book I] [Summary] MU na kayo. Kulang na lang sagutin mo siya. Malas mo lang at may ni... More

Preface
Chapter 1: The New Girl
Chapter 2: First Day is Disaster Day
Chapter 3: An Unexpected Turn of Events
Chapter 4: Payback Time
Chapter 6: The New Ally
Chapter 7: Rian and Juliet
Chapter 8: Never-ending Problems
Chapter 9: Mr. Know-It-All
Chapter 10: A Phonecall from Mr. Troublemaker
Chapter 11: Bitter Memories
Chapter 12: Complications
Chapter 13: The Spark
Chapter 14: Stuck With Each Other
Chapter 15: Underwater Troubles
Chapter 16: Savior of the Day
Chapter 17: The Second Heartbreak
Chapter 18: Guilt Streak
Chapter 19: Surrender
Chapter 20: A Surprising Turnaround
Chapter 21: Resistance
Chapter 22: Denial
Chapter 23: A New Start
Chapter 24: What Could've Been Us
Chapter 25: Different Paths
Chapter 26: Double Trouble
Chapter 27: Just This Moment
Chapter 28: Forfeit
Chapter 29: Release
Chapter 30: Conflicting Emotions
Chapter 31: My Personal Love Tutor
Chapter 32: Study Time is Drama Time
Chapter 33: Pick-up Confessions
Chapter 34: Indecisions
Chapter 35: Win Her Heart
Chapter 36: Enchanted
Chapter 37: Another Rival
Chapter 38: The Reason Behind It All
Chapter 39: Unworthy
Chapter 40: Those Unsaid Feelings
Epilogue
Author's Note [Must Read]

Chapter 5: Jealousy Conspiracy

25.8K 352 20
By writerwannabe143

 

June 21, 2010

 

Adrian’s POV

 

Hindi ako nagseselos. Hindi ako nagseselos. Hindi ako nagseselos. Ilang beses kong inulit-ulit sa utak ko nung araw na yun.

Hindi ko alam kung gaano katagal ko na ‘to ginagawa. Kaninang homeroom period pa ata ‘to nag-umpisa. Fifth period na ngayon. Kaya mga limang oras ko na rin ‘to inuulit-ulit.

Pumasok si Ms. Sarmiento, yung English teacher namin. At tulad ng mga teacher namin na naglecture bago sa kanya, may dala-dala rin siyang bouquet of flowers. Roses na naman. Pero ngayon, puti yung kulay.

Hindi na masyadong nagreact ang mga kaklase namin. Mukhang nasanay na rin. Isang linggo na rin naman kasi paulit-ulit na nangyayari ‘to. May papasok na teacher, tapos may dala-dalang either bouquet of flowers o box of chocolates. Minsan nga, pareho pa tapos may extra pang regalo.

“Another bouquet of roses to Ms. Rodriguez.” Tawag niya.

Tumayo yung seatmate ko at pumunta sa harap. Kinuha niya yung bouquet at tumingin kay Ms. Sarmiento. Niyuko niya yung ulo niya.

“Sorry for the inconvenience Ma’am.” Sabi niya.

Tumango si Ms. Sarmiento at ngumiti.

“Okay lang yun Ms. Rodriguez. It’s no inconvenience at all.” Sabi niya.

Tumango na rin yung seatmate ko at pumunta sa likod ng classroom, na kung saan nagkukumpulan ang halos hindi na mabilang-bilang na mga regalo dahil sa sobrang dami. Halos lahat kasi ng mga lalaki sa school, kahit mapalower level o higher level, manliligaw na niya.

Siyempre naman, alam niyo na kung sino yung tinutukoy ko diba? Sino pa kaya ang makakakuha ng ganitong klaseng atensyon maliban sa kanya? Siyempre, ang tinutukoy ko ay walang iba kundi si Naomi Rodriguez.

“Tss. Kadami-dami kasi ng manliligaw pero wala rin namang sinasagot.” Pabulong kong sinabi pagbalik niya.

Sinamaan niya ako ng tingin. Mukhang naging habit na rin niya yun kapag kinakausap ako.

“Pakialam mo ba kung sasagutin ko sila o hindi.” Ang mapait niyang salita.

“Tss. Aminin mo na kasing plano mo lang silang paasahin. Hindi ba’t yan naman talaga ang ginagawa mo kahit noon pa?” Sabat ko.

Tinaasan niya ako ng kilay.

“For your information Mr. Adrian Hilario, hindi ko sila pinapaasa. At dagdag pa dun, wala akong pinaasa noon, wala akong pinapaasa ngayon at wala akong papaasahin sa future. At wag ka ngang makapag-akusa diyan as though ako yung salarin.”

“Bakit? Hindi ba’t ikaw naman talaga?”

Nag-eyeroll naman siya.

“Whatever. There’s no point in trying to reason out with you.” Sabi niya.

“Aminin mo na kasi yung totoo. Na tama nga ako. At ikaw yung nagpaasa.”

Napatawa siya bigla.

“At ba’t ko naman aakuin ang isang bagay na hindi naman ako ang gumawa? At bakit ba ganyan ang tono ng pananalita mo sa akin? Parang nagagalit ka pa. Wag mong sabihing nagseselos ka?”

Pilit akong tumawa.

“Ako? Magseselos sa isang katulad mo? Gumunaw muna yung mundo!”

“Wag kang mag-alala. Malapit na rin naman ang 2012. Hindi na ganun katagal yung hihintayin mo!”

Biglang napatigil yung debate namin nang pumunta si Ms. Sarmiento sa harapan ng table.

“Mr. Hilario and Ms. Rodriguez, don’t tell me na gusto niyo pa ng extended session in detention?” Sabi niya habang nakataas yung kilay. Isang masamang tingin ang ibinigay niya sa amin.

Agad na napaupo nang tuwid si Naomi.

“I’m really sorry for disturbing the lesson Ma’am. Hindi na po yun mauulit muli.” Sabi niya.

Napatingin si Ms. Sarmiento sa akin.

“And what about you Mr. Hilario?”

Napayuko ako.

“Sorry po Ma’am.” Pilit kong sinabi.

“This is the last time na bibigyan ko kayo ng verbal warning. Sa susunod na mag-iingay ulit kayo, detention agad ang bagsak niyo. Understand?” Sermon ni Ma’am.

Tumango kami pareho. Bumalik na rin sa harap ng classroom si Ms. Sarmiento at pinagpatuloy yung lesson niya. Sumandig ako sa upuan ko at nagsigh. Kainis! Sermon na naman galing sa teacher. Ang ingay kasi ng napakamataray kong seatmate eh. Tuloy, kahit ako napapahamak na rin dahil sa pagkabungangera nun.

Biglang siyang may inabot na nakatiklop na papel sa akin. Napatingin ako sa kanya. Nasa harap yung titig niya. Pero alam kong sa kanya talaga galing yun. Binasa ko yung nakasulat sa loob. Isang sentence lang yung nakalagay.

This is your fault!

Kahit kailan talaga hinding-hindi nagpapaawat ‘tong babaeng ‘to. Ako na naman yung pinagbintangan kahit siya naman talaga yung may kasalanan!

Ikaw kaya yung may kasalanan. BUNGANGERA!

Sinulat ko yun tapos binalik sa kanya yung papel. Sinamaan na naman niya ako ng tingin. Hindi ko mapigilang mag-grin nang makita kong nakalukot na sa kamay niya yung papel. At inis na inis pa yung ekspresyon sa mukha niya. Pikunin talaga kahit kailan.

May susulatin pa sana siya nang biglang magring yung bell. Lunch period na.

Agad na dinismiss ni Ms. Sarmiento yung klase. Halos lahat ng mga kaklase namin nagmamadaling lumabas ng classroom para makabili agad ng lunch. Napatingin ulit ako kay Naomi. Inaayos na niya yung mga gamit niya. Ineexpect kong ipagpapatuloy niya yung debate namin kanina pero parang walang siyang planong pansinin ako. Ni hindi man lang niya ako tinitingnan. Tumayo lang siya sa kinauupuan niya at lumabas ng classroom kasama nina Ericka.

Ganun pala ha. May silent treatment pang nalalaman yung babaeng yun!

“Oy Adrian. Hindi ka pa ba bababa?” Tawag sa akin ni Vince.

Nagsigh ulit ako. Tumango ako at sumunod sa kanya.

“Saan sina Ervin at Luis?” Tanong ko habang naglalakad.

“Sumabay ulit silang dalawa kela Naomi.”

Nasanay na akong humihiwalay si Ervin sa amin kapag lunch dahil sa kambal ko, pero si Luis? Ganun na ba talaga siya kapursigidong ligawan yung babaeng yun? Ano kayang nakikita niya dun? Isang supladang demonita lang naman yun ah!

“Tss. Walang patutunguhan yang panliligaw ni Luis sa babaeng yun.” Sabi ko. “Tsaka ba’t ba ang daming manliligaw nun? Wala naman masyadong pumapansin sa kanya noon ah.” Reklamo ko.

Napaisip si Vince.

“Baka dahil sayo.”

Nalito ako sa sagot niya.

“Anong ibig mong sabihin?”

Tiningnan niya ako.

“Kasi noon, inaakala ng lahat na kayo na ni Naomi. Tsaka yung mga nakakaalam naman ng totoo, ayaw kumalaban sayo. Kaya nga konti lang yung mga naglalakas-loob na manligaw sa kanya. Pero dahil mukhang magkagalit na kayo ngayon, sinasamantala na nila yung pagkakataon habang single pa siya. Kasi wala na rin namang humahadlang sa kanila.” Sabi niya.

Tumango ako. So, ganun pala.

“Bakit? Wag mong sabihing apektado ka?” Biglang siyang nag-grin.

Sinapak ko siya sa ulo.

“Ulul. Ba’t naman ako magiging apektado? Wala naman akong pakialam sa mataray na babaeng yun.” Deny ko.

Tumawa na lang yung kumag at nagpatuloy kami sa paglalakad.

Agad kong nakita sina Ervin at Luis sa table nina Naomi pagkapasok namin ng cafeteria. Mga traydor! Sino ba talaga ang kakampi niyo?!

Nang makabili na kami ng pagkain ni Vince, bigla akong lumiko palayo sa table namin at dumiretso sa pwesto nina Ericka. Agad akong umupo ako sa bakanteng pwesto sa tabi ni Luis, na nasa tapat ni Naomi.

“Anong ginagawa mo dito?” Demanda niya.

Nakatingin rin sa akin ang mga kasamahan nila. Mukhang gulat dahil sa bigla kong pagdating. Hindi ko na sila pinansin at nanatiling nakatitig kay Naomi.

Tinaasan ko siya ng kilay.

“Bakit? Anong masama dun? Nandito yung mga kabarkada ko kaya dito na lang ako uupo. Kesa naman kaming dalawa lang ni Vince sa table namin.” Sabat ko.

Nag-eyeroll na naman siya.

“Whatever.” Sabi niya.

Biglang may sumipa sa binti ko.

“Aray!” Sigaw ko.

Agad na napunta yung tingin ng lahat sa akin. Napunta yung titig ko kay Naomi.

“May problema ba?” Tanong niya, at may paamo effect pa!

“Alam kong ikaw yung sumipa sa akin.” Sabi ko.

Napangiti siya.

“Binti mo pala yun? Sorry ha. Akala ko kasi, parte yun ng mesa. Ang tigas masyado eh. Parang bakal.” Inosente niyang ngiti. Pero alam kong deep inside, tinatawanan niya ako.

Sasabat pa sana ako nang bigla siyang tumayo.

“Sige, una na ako. Kakausapin ko pa kasi si Ms. Pineda regarding my audition for the drama club.” Paalam niya.

Tumango yung mga kasamahan niya. Bigla namang tumayo si Luis.

“Sasamahan na lang kita.” Sabi niya.

Nginitian siya ni Naomi.

“Really? Thank you very much.” Ang matamis niyang sagot.

Niligpit nila yung pinagkainan nila at dumiretso papunta sa disposal area. Pero habang naglalakad sila paalis, nakita kong lumingon si Naomi at nag-grin sa akin. Alam ko na talagang pinagtatawanan niya ako.

Malas ko lang at nakita rin yun ng napakamabait kong kambal. Tinawanan niya rin ako.

“Ohmigod. The look on your face is priceless!” Asar niya.

Sinamaan ko siya ng tingin. Pero hindi man lang niya ito pinansin.

“Aminin mo na kasing nagseselos ka!” Dagdag pa niya.

“Hindi ako nagseselos!” Halos isigaw ko na sa kanila.

Napuno na ako. Bigla akong tumayo sa kinauupuan ko at nagstorm out palabas ng cafeteria.

Hindi ako nagseselos! Hindi ako nagseselos! Hindi ako nagseselos! Paulit-ulit kong isinigaw sa isip ko.

Napatigil ako bigla nang marealize kong niloloko ko lang ang sarili ko sa pag-iisip nun. Dahil kahit ilang beses ko pang i-deny, alam ko rin naman ang totoo.

 

Hindi ako nagseselos…

 

Maliban lang kung si Naomi Rodriguez yung pinag-uusapan.

Continue Reading

You'll Also Like

11.5K 357 28
"I love to hear lies when i already know the truth" - Sierra Lexine Carter Ragucci
44K 1.9K 58
Formerly entitled "Pieces of Me" Isang pangyayari ang nakapagpabago sa takbo ng buhay niya. Sa kanyang muling pagbabalik ay baon baon niya ang pusong...
1.5M 27.4K 65
Posible bang magkasundo ang isang bad boy na tulad ni Ash at bad girl na tulad ni Atilah? Who will fall first? The bad boy Ash or the Bad girl Atilah...
8.5K 671 11
Ang sabi ni Jelena, galit siya kay Magnus. Ang sabi ni Magnus, galit din daw siya kay Jelena. Ang sabi ng mga taga-Roseville, tuwing magkikita ang d...