100 Steps To His Heart [Publi...

By Girlinlove

28.2M 300K 100K

Now a published book under Pop Fiction || Summit Media ♥️ Go grab a copy! Si Hope ay isang simpleng babaeng m... More

[PROLOGUE] 100 Steps To His Heart
[1] Meeting Venice and the TRES GWAPITOS <3
[2] The planner
[3] LRT + Party = Confession?!
[4A] First lunch.
[4B] Nosebleed. Literally.
[5A] First REAL Conversation!
[5B] Key chain.. To His heart and my happiness?
[6A] What the freak is "DIZZY" + Field Moments <3
[6B] Iba talaga ang kamandag ng isang Bryle Ortega. <3
[7] Meeting Kuya Nathan + Bryle's Game + Date sa Kikiam-an?!
[7B] Mga kaganapan sa tindahan ni Aling Bibyan + Carlos Miguel
[7C] Wala na. Inlove na. at WALA NA DIN ANG PLANNER OMG!
[8] Magbabati kaya kami? Mukhang malabo.
[8B] Uyyy bati na kami :">
[9] Palengke date with the guy of my dreams. <3
[10] First hug! >:D< At first... OMG!
[11] Patay, nabuking ni Loyola! At ang kapalit? Goodluck!
[11B] Ang alamat ni Enzo at ang pagpapahirap ni Mico!
[12] Ang nosebleed na away ni Enzo at Mico
[12B] Challenge pala ah. Tingnan natin!
[13] Confrontations + Bawian :">
[14] MALIGAW SA GUBAT? Thank you, Lord!
[14B] Stuck sa gubat: Mico+Hope+Enzo = 20 Questions
[15] Bonding sa gubat kasama ang Tres Gwapitos!
[16] Heart to Heart talk namin ni Bryle.
[17] Bryle and Venice. Ang mag EX.
[18] GIRLINLOVE UNIVERSITY INTRAMURALS.... Na napadpad sa Quiapo.
[19] Ang text na may emoticon at ang text na wala. :|
[20] MVP ang Section F!
[21] Saving the dolphins. At right decision ba na iniwan ko siya?
[22] Unang dinner ni Mico sa bahay ko.
[23] I'm ending our Master-Slave relationship.
[24] Tita Mindy?! Mico's family, and his realizations?
[25] Miss Red Umbrella <3
[26] Dare, double dare.
[27] August 28, 2013 Enzo Miguel Gutierrez' Birthday
[28] Pag may nawawala, may natatagpuan.
[29] Bryle the Bestfriend? The Reunion ng Tres Gwapitos
[30] Tres Chikas is back!
[31] First Date. First Fight.
[32] Tita's despedida party.
[33 Part 1] Ang clingy ni Mico at badtrip si Enzo. Sinong pipiliin. Bow.
[33 Part 2] A night in jail.
[34] Wrong First Impression
[35] Dance and Kiss under the rain.
[36] Why is there only one Bryle Ortega?
[37] Tres Gwapitos' Day
[38] Pwede ba kitang ligawan?
[40] OPLAN pagbatiin si Eula at Enzo. Anong nangyari MICO?
[41] Confessions.
[42] Bati na tayo, Mico.
[43] The PLANNER
[43] Hidden Feelings
[44] Ang pagamin ni Michael Ortiz
[45] We're back to being 'NOTHING' // Closure
[46] Venice' Birthday Part 1
[47] Venice' Birthday Part 2
[48] Happy New Year, Hope Yazon!
[49.1] Training Camp
[49.2] Muling ibalik? Kung may ibabalik...
[49.3] Secret Angel, don't make me fall for you... again.
[49.4] 'Designing'
[49.5] He's Back...
[50] #100STHHSunset
[51] #100STHHValentinesBall
[52.1] #100STHHJealousGuy
[52.2] #100STHHHisPOV
[53] #100STHHUntoldSecrets
[53.2] #100STHHHisMessages
[54] #100STHHSecondChances
55 #100STHHEulasLetter
[56] #100STHHARVD
[57] #100STHHAlmostForever
[58] #100STHHSGOLs
[59.1] #100STHHMeetTheParents
[59.2] #100STHHTheKaribal
[60] #100STHHLigawan
[61] #100STHHTheTask
[62] #100STHHTheOtherSideOfHim
[63] #100STHHCEBUtifulLove
[64] #100STHHOneBigFIGHT
[65] #100STHHGalawangGutierrez
[66] #100STHHDiLangIkaw
[68] #100STHHTheFirstTime
[68] #100STHHTeamAF
[69] #100STHHGraduationDay
[70] #100STHHTheBrokenHeartedOne
[71] #100STHHOneLastTRY
[72] #100STHHHulingHiling
[73] #100STHHLastFavor
[74] #100STHHWeddingMarch
[75] #100STHHGoodbye
[END] #100STHHEpilogue
Announcement

[39] Hello, Eula

271K 3.3K 3.2K
By Girlinlove

Chapter 39

Hope’s POV

December 01, 2013! Sunday. Ilang araw na lang pasko na. Ramdam na ramdam na ang simoy ng pasko! Ramdam na ramdam ang pagmamahalan! Bakit?

Si Ate Faith at Kuya Nathan nandoon sa baba ng sofa, magkasama. Namili sila ng mga dagdag Christmas decorations sa bahay at tinutulungan nila si lola na magdecorate ngayon.

Si Bryle at Venice, M.U na! Or yun ang nafefeel namin. Walang dinadate si Bryle na babae at sila ni Venice ang palaging magkasama. Recess. Lunch. Sabay pa sila umuwi.

At kami ni Enzo? Nagliligawan pa rin. :”> M.U na din kami! Nakakakilig hindi ba? Akalain mo nga namang seswertehin ako ngayong pasko ano? <3 Alam na din ng Tres Gwapitos at Tres Chikas ang kaganapan.

“Kailan mo ba sasagutin si Enzo? Sabi mo sa akin dati magtanong lang sa’yo si Enzo kung pwedeng manligaw wala pang inhale mula sa kanya naka-oo ka na!” pangaasar pa sa akin ni Miks.

“Ano ka ba! Minsan na nga lang ako magpakipot! Atsaka, hindi ba pwedeng sagutin siya sa magandang date ng day? 14 o kaya 25 o kaya 24 o kaya 12! Yung magagandang araw!”

“Hope, hindi naman kailangang maganda ang date eh!” Advise naman ni Chelsea. Eh kahit na. Magiging special number niyo yun eh. Ang awkward naman kung 3 o kaya 9. Parang… Basta!

Speaking of Chelsea and Miks, maayos naman yung dalawa. Busy si Chelsea sa pagaayos ng papers ng pinsan niya na papasok sa school namin. Yung pinsan niya na nagmakeover sa kanya! Close sila eh. Kaedad lang daw namin siya pero noong bata sila, nagmigrate sa States. Si Miks naman, noong isang araw may kablind date. Si Jen Hipulla, section 5D. Family friend daw nila yun. Eh hindi ba hindi alam ng mama at papa niya na bakla siya? So… Para mapagtakpan ang kasarian, ayun nakipagdate siya kay Jen. Alam naman ni Jen na malambot si Miks pero matagal ng deads ang babaeng yung kay Miks kaya tinuloy pa rin niya. Sabagay, gwapo naman si Miks.

Si Mico, MIA. Missing in action! Ilang araw ng hindi nagpaparamdam. Walang text, tawag, at hindi pa siya pumapasok. Pati sina Venice hindi siya macontact. Hindi namin alam kung bakit. 

Ngayong araw, nakaassign ako na mamili ng pangdinner mamaya. Siyempre. Palengke duties ako ngayong linggo. Pero dahil level up kami ngayong Christmas Season, doon ako bibili sa may Puregold na malapit sa amin. And yes, nagadvertise ako.

“Hope, ham, porkcop, dalawang kilong manok, hotdog, atsaka mga gulay at rekado ha?” Utos ni Ate.

“Opo, alam ko na yan!” tapos nagpaalam na ako sa kanila. Pero bago ako umalis ng bahay…

Text Message

From: Enzo Gutierrez

Where are you?

Kinikilig pa rin ako kapag magkatext kaming dalawa. At minuminuto kami magkatext so minuminuto din akong kinikilig.

To: Enzo Gutierrez

Puregold. Palengke Duties! ^^

Maya maya pa, nagreply ulit siya. Ano ba yan, hindi ako makaalis ng bahay!

From: Enzo Gutierrez

Sunduin kita? Hatid kita sa Puregold? Is it far?

Sunduin pa nga daw. Ano ka ba, Enzo. Isang tricycle lang yun sa amin. Pero ganito talaga ka sweet at kaclingy si Enzo! Hindi ko inakala.

To: Enzo Gutierrez

Okay lang! Malapit lang sa akin. Sige na, maya na ko magrereply. Aalis na ako. Bye!

From: Enzo Gutierrez

Bye! Ingat ka ah? Mahalaga ka pa naman.

Ano ka ba, Enzo! Dati ang natatanggap ko lang na text na ganyan ay mula ka Miks! ‘Ingat ka, tanga ka pa naman.’ Tapos ngayon ganito na. Ay naku, Hope bonggang bongga naman yang pagheahead and shoulders mo. Lumelevel up ka kay Angel Locsin!

At bago pa nga akong magharlem shake sa kilig, sumakay na ako ng tricycle at dumeretso sa Puregold. Pagdating ko doon, binili ko agad yung nasa listahan ni ate. Noong makumpleto ko na, pupunta na sana ako sa terminal ng tricycle ng madaanan ko yung isang eskinita… At dahil chismosa ako, lumapit ako.

Oh noes, may nagaaway. Eescape na ako dito. Kaya hindi ako palaging pinapabili nina Ate dito kasi madaming mga away ng mga ‘gangsters’ dito. Gangsters daw. Utot nila. Porket maluwag ang mga damit nila at nakaleather jacket, gangster na agad?

Aalis na sana ako kaso narinig ko yung isang lalaki na sumigaw. Oh my god. Hihingi na ba ako ng tulong? Sumilip ako ng konti—Ay, ang cute naman ng feeling na gangster na yun. Kaso nabubugbog siya, saying hottie pa naman—Anak ng tinapa.

SI MICO LOYOLA BA YUN?!

Nagtago pa ako ng konti sa may likod ng poste, sumilip at—Oh hindi! Si Mico nga yun! Anong ginagawa niya dito?! Bakit siya napadpad dito? At bakit siya nakikipagbugbugan? Anong gagawin ko? Alangan namang gumawa ako ng eksena doon? Baka yakapin lang ako ng isa at tutukan ng kutsilyo… Ganon sa mga drama eh. Baka lalo pa mapahamak si Mico.

Eh anong gagawin ko?! Teka tatawag ako ng mga barangay official! Mga tambay! Mga tricycle driver! Teka Mico diyan ka lang!

Tumakbo nga ako, naghanap ako ng mga tricycle driver. Sinabi ko sakanila na mayroong nagaaway doon sa may eskenita. Dali dali naman silang tumakbo.

“Mga kuya, bilis! Kilala ko kasi yung nabubugbog!” Nagmadali silang pumunta sa lugar na tinuro ko sa kanila. Noong makarating kami doon… Teka, anong nangyari? Kanina lang si Mico ang binubugbog, bakit ngayon yung mga lalaki yung nakataob.

“Miss, sabi mo naagrabyado yung kasama mo? Lahat ba sila kasama mo?” sabay turo sa mga nakahiga na lalaki. Sinabi kong hindi ko sila kasama, nagsorry at isa isa umalis sila. Napatingin naman ako kay Mico na gulat na gulat na nakatingin sa akin.

“Hoy Mico! Anong nangyari sa’yo? Bakit ka nandito? Sino ‘tong mga lalaking ‘to? Okay ka lang ba?” Nilapitan ko siya tapos hinawakan ko yung kamay niya. Namamaga yung kaliwang mata niya, tapos may cut sa baba ng right cheek niya, putok din yung labi niya.

“Mico! Ano ka ba! Tingnan mo nga yang nangyari sa sarili mo! Bakit ka ba kasi nakipagaway?” Sinabi ko habang patuloy kong chinecheck yung body parts niya.

“Stop!” sabi niya habang tinataboy yung kamay ko na chinecheck yung mukha niya, sabay hakbang paatras sa akin.

“Bakit? May nahawakan ba akong masakit? May—“

“Stop it, Hope. You’re annoying.” Annoying?!

“Sa paanong paraan kaya ako naging annoying?! Ako pa nga itong nagaalala sa’yo eh.”

“I don’t want you to take care of me, okay? Hindi mo ba nakita? Napatumba ko ‘tong mga lalaking ‘to. I don’t need you. Leave me alone.” Ouch. Okay.

“Sorry. Nagaalala lang ako sa’yo eh.”

“Save it for someone else. Hmm, what about Enzo?” Enzo? Bakit naman nasama si Enzo dito?

Bigla akong tinalikuran ni Mico, paika-ika siya kung maglakad. Ano bang ginagawa niya? Bakit biglang ang cold niya? Dahil siguro mainit ang ulo niya sa mga lalaking ‘to. Ay naku. Nakalimutan kong itanong kung bakit hindi siya pumapasok? May kinalaman kaya ang mga lalaking ‘to? Hay naku, Mico. Bakit ka ganyan?

Paguwi ko sa bahay, nakatambay lang ako dito sa sofa. Si Ate at Kuya Nathan ang tumutulong kay lola sa pagluluto. Si Miks kasama si Jen, magkadate na naman ata. Napapadalas ang date ng dalawang yun ha. Si Chelsea naman kasama ang pinsan niya, inaayos ang papers. Kaya wala akong kasama. Buti na lang katext ko si Enzo.

To: Enzo Gutierrez

Nakita ko si Mico kanina. Nakikipagbugbugan. Galit na galit pa sa akin. Wag ko daw siya pakialaman. Ano kayang problema noon?

From: Enzo Gutierrez

That’s Mico… There are times when Bryle and I will ask where he is and he won’t even reply. If he wants to do rebel, then he will. But he usually does that because of his conflict with his mom, but now they’re okay. I don’t know why he’s doing that.

Ang haba ng reply! Isang paragraph na English. Pwede na ‘to sa essay ko.

To: Enzo Gutierrez

Hindi nga siya pumapasok eh. Okay pa ba grades niya?

From: Enzo Gutierrez

He’s Mico. He’ll manage. He’s no black belter for nothing.

Si Mico? Black Belter? Kaya pala ang galing niya. Wow!

To: Enzo Gutierrez

Grabe! Ang galing naman ni Mico! Black belter!

From: Enzo Gutierrez

We all are. Are parents enrolled us in martial arts when we were young for self defense. Kidnapping, y’know.

KIDNAP? Sabagay rich kid, pero grabe! Kidnap!

To: Enzo Gutierrez

Ang galing naman! Pero… Ano ba ‘tong si Mico! Ang pasaway! Baka bumagsak siya niyan.

Pero ako pa yung nagalala, eh kahit ata hindi siya pumasok ng mga 2 weeks mas mababa pa rin grades ko sa kanya.

From: Enzo Gutierrez

Wag ka magalala.

Okay. Mula sa isang paragraph, hanggang sa isang sentence. Moody din ‘tong si Enzo. Moody lahat ng Tres Gwapitos!

To: Enzo Gutierrez

Sungit lang!

From: Enzo Gutierrez

Puro kasi Mico. How about me?

Eh yun lang. Nagseselos naman pala ang lolo mo. Oh my god, Hope. Gandang ganda ang konsensya mo sa’yo. Ikaw na teh! Sa’yo na ang korona. Dinaig mo pa si Dyesebel at Mirabella!

To: Enzo Gutierrez

MEGANON?!

From: Enzo Gutierrez

What’s that? I can’t understand.

Ay, sorry. Kakamove on pa nga lang pala namin sa Tagalog, wag muna ang beki language.

To: Enzo Gutierrez

Nevermind. Nandito pala si Kuya Nathan, kasama si Ate tinutulungan magluto si Lola. Inggit ako. Hehe.

From: Enzo Gutierrez

You want me to go over there?

OH MY GOD. Teka lang. Hyperventilate ng onti. Naimagine ko na ‘to dati eh. Si Ate kasama yung boyfriend niya at tinutulungan si Lola. Tapos ako kasama ang boyfriend ko, nagaayos ng plato. SHOCKS! Di ko akalaing pwedeng magkatotoo. Ang gwapo ng boyfriend ni Ate, pero mas gwapo ang manliligaw ko!

From: Enzo Gutierrez

Aww, I checked with my secretary my schedule today and I still have fencing at 3:00 PM and Cello lessons at 6:00 L

Di ko kinakaya yung fencing at cello! Ako nga gitara di ko maaral.

To: Enzo Gutierrez

Okay lang! Galingan mo magfence! <3

From: Enzo Gutierrez

Because of that <3 I will really do my best. xx

May kisses pa na symbol. ARRRG ENZO!

After 1 hour and 30 minutes, ayos na ang mga pagkain. Si Ate, Kuya at Lola tinatapos na yung decorations sa bahay. Ako, nandito nanunuod ng TV. Throwback ng Meteor Garden sa ABS CBN eh. Yung Hua Ze Lei at Dao Ming Si ko. <3

Speaking of Lei at Dao Ming Si. Si Lei nakikita ko kay Enzo, at si Dao Ming Si kay Mico. Si Bryle obvious pinaghalong Mei Zhuo at Xi Men. Oh shet. Tres Gwapitos ang sarili (at mas mababait) na version ng F4 sa Girlinlove University. Oo nga ano?

AT AKO SI SHAN CAI! <3

At magkakatuluyan kami ni… Ops. Binabawi ko na. Si Mico nga pala si Dao Ming Si, at si Shan Cai at Dao Ming Si ang nagkatuluyan. HINDI PWEDE. Hope-Enzo forever and ever kahit magkaroon ng meteor shower. Kami ni Enzo ang magtutuloy ng naudlot na love story ni Lei at Shancai! <3

**

The next day…

“Mare, pumasok si Papa Mico! Oh my gosh! Namiss ko siya! Maglulunch tayo kasama sila hindi ba?” Sabi ni Miks, at teka lang… Kailan pa kami naging magkumare?!

Pagtingin ko nga, nandito si Mico! Pumasok siya! Kaso, may suot siyang shades tapos may mga bandaids yung lips at cheeks niya.

“Girl, anong nangyari kay Mico?” tanong ni Chelsea. Hindi ko naman maikwento na nakipagbugbugan kasi baka ako ang bugbugin ni Mico. Isa pa, offense yun sa school pwede siya makick out dahil doon, eh hindi ba onting onti na lang at ipapatawag na parents niya?

“Ang hot niya grabe! Grabe yung lips! Sana ako na lang yung bandaid.” Tunaw na tunaw na sinabi ni Miks. Kulang na lang tumulo yung laway!

“Teka nga, Miks, magkwento ka naman ng date niyo ni Jen! Balita ko lagi kayong magkasama ah?” tanong ko sa kanya.

“Ah, si Jen? Noong una gusto ko na talaga siya itapon sa Luneta kasama ang mga mandurukot, pero noong nagtagal naman keribels naman pala siya atey.”

“Keribels? Sa paanong paraan? Gusto mo na siya?”

“Gusto? Over my dead and gorgeous sexy baddeh! Excuse moi, mas maganda pa ako kay Jen kaya hinding hindi magkakagusto ang beauty ko sa kanya.”

“Oh eh sabi mo okay siya?”

“Okay siya kasama. Siya tigabitbit ko ng bag, siya ang kasama ko magshopping at higit sa lahat parehas naming favorite ang Ginebra at nagkakasundo kami sa mga bagay kaya kapag may ‘fake’ dates kami, keribels na! Parang lalabas lang tayo, ganenchiwa.”

Nagkatinginan na lang kami ni Chelsea at napangiti. Sige na nga payag na, sa itsura pa lang ni Miks na naglalaway kay Mico eh talagang bakla itong friend ko.

“Hey, you ready? Lunch?” Biglang sumulpot si Enzo out of nowhere. Kaming Tres Chikas naman napanganga. Hanggang ngayon hindi pa rin kaming sanay na nililigawan ako ni Enzo. Hindi pa rin kami sanay na kasama namin sila.

“Ah, sige sige.” Nagsmile siya sa akin tapos kinilig na naman ako. Haay. Paano kaya ako makakamove on sa kilig na ‘to? Kailan kaya yung titingin si Enzo tapos titingin din ako na hindi halos magtatalon na sa loob ko. Ang daya eh! Sabagay, ako naman ang mas nagmamahal, tanggap na tanggap ko yun. Masaya na nga ako at napansin niya ako at heto pa at nililigawan niya. Dream come true na talaga.

Noong makarating kami sa table, magkatabi na si Venice at Bryle na nagbabangayan na naman. Katabi naman nila si Mico na nakahalukipkip at nakasuot pa rin ng shades.

“Hi Hope, Chelsea and Miks.” Bati agad ni Venice. Si Chelsea at Venice hindi ko alam kung bakit pero may special closeness sila. Hindi sila naguusap palagi pero pansin ko na parang nilolook out nila ang isa’t isa. May nangyari ba na hindi ko alam?

Pagupo namin, mayroon na kaming mga pagkain. As usual nilibre na naman kami ni Venice, mahilig talaga siya sa mga ganito. Katabi ko si Enzo sa left, sa right si Chelsea. Si Miks naman tumabi agad kay Mico. Habang kumakain…

“Mico, ayos ka lang? Bakit ka nakashades? Tanggalin mo nga. Okay ka pa ba? Anong nangyari sa’yo?” Kinulit lang ng kinulit ni Miks si Mico. Si Mico naman hindi umiimik, ni hindi nga kumakain eh.

“Uy Mico, kumain ka na kaya, may sakit ka ba? Ilang araw kang absent sa school ah? Anong ginawa mo? Saan ka nagpunta? May mga notes ka ba? Pwede kitang pahiramin.” Derederetso lang ng salita si Miks. Lahat naman kami (kahit ang Tres Gwapitos) alam na crush ni Miks si Mico kaya nakikinig lang kami. Kahit papaano parang naging isang barkada na kaming lahat.

“Mico, patingin nga ng sugat mo, ano bang meron sa mata mo at bakit ka nakashades? May sore eyes ka ba? Patingin nga—“ tapos aalisin sana ni Miks yung shades ni Mico kaso biglang hinampas ni Mico ang kamay ni Miks palayo, nahulog yung shades niya kasabay yung pagtapon ng kamay ni Miks dahil sa hampas. Ang laki ng black eye niya sa right eye. Tsk!

“DON’T TOUCH ME! Kadiri ka! Bakla! Nasusuka ako sa’yo. Wag ka ng umasang magkakagusto ako sa’yo kasi hinding hindi, kaya pwede ba layuan mo ako!?”

Oh my god.

Natahimik lang kaming lahat.

Napahawak ako kay Enzo. Hindi ko alam kung anong una kong mararamdaman. Maawa kay Miks o maiinis kay Mico. Gusto kong dagdagan ang black eye! Ang kapal ng mukha ni Mico! Kahit kailan talaga ang sakit pa rin niyang magsalita! Ano bang problema niya?! Bakit ba bumabalik na naman siya sa ganito?

Tumayo si Miks, kinuha lahat ng mga gamit niya at tahimik na umalis sa table namin. Nasaktan ako bigla. Minsan ko lang makitang magwalk out ng tahimik si Miks. Una, noong naglunch kami sa parents niya at sinabi ng daddy niya na humahanap siya ng irereto kay Miks at proud na proud siya sa gwapo niyang anak, at pangalawa yung ngayon…

Tatayo na sana si Chelsea pero pinigilan ko siya.

Palagi kaming nagaaway ni Miks, aso’t pusa kami, pero sa ganitong sitwasyon, alam ko yung ikot at takbo ng isip niya kaya mas mabuti pang ako ang kumausap sa kanya. Naintindihan naman ni Chelsea dahil alam niyang ako lang rin ang makakaintindi kay Miks kaya umupo siya at hinayaan akong pumunta sa kanya. Bago ako umalis ng table, sinamaan ko muna ng tingin kay Mico na nakaupo doon, nakatitig sa kawalan na parang walang nangyari. Gago ka Mico Loyola. Sobrang gago mo.

**

Nakaupo si Miks sa ilalim ng centennial tree sa Girlinlove University. As usual. Kapag malungkot ‘to, dito lang namin siya nahahagilap.

Hindi siya umiiyak, nakatitig lang siya sa kawalan. Ganito masaktan si Michael Ortiz.

Tumabi ako sa kanya, parang hindi niya naramdaman na tumabi ako kasi nakatitig pa rin siya sa kawalan. Hinayaan ko lang. Kailangan niyang magisip, pero gusto kong tumabi sa kanya para alam niyang hindi siya nagiisa.

Si Miks… May problema sa pagiging left out. Kaya madaldal siya, kasi ayaw niya na mag naoOP o kaya naleleft out siya sa usapan sa school. Natatakot siyang magisa. Noong bata daw kasi siya, binubully siya ng boys at ayaw naman niyang makipaglaro sa girls dahil confused pa nga siya sa kasarian niya. Kaya noong lumaki siya, ang dami niyang insecurities sa katawan na tinatago niya sa pagiging maingay, madaldal at masiyahin niya. Pero sa kabila ng lahat, vulnerable talaga si Miks. Lalo na sa gender issues.

Noong maramdaman niya na katabi niya ako, tiningnan lang niya ako. Kapag ganitong mood si Miks ang gwapo niya. Kung tahimik naman siya mapapagkamalan mo siyang lalaki eh.

Nginitian ko lang siya.

“Tagos, Hope. Ang sakit ng sinabi ni Mico.” Sinabi niya bigla sa akin. “Alam ko naman eh. Alam ko naman na hindi siya magkakagusto sa akin kasi ganito ako, pero grabe naman yung sinabi niyang nandidiri at nasusuka siya sa akin. Ang kapal ng mukha niya. Akala mo kung sinong perpekto. Akala mo kung sinong mataas. Pakyu siya, kung ako naging lalaki mas gwapo ako sa kanya.”

Natawa ako bigla tapos noong tiningnan ako ni Miks pinigil ko yung tawa ko kaya nabilaukan ako (nalunok ko kasi yung hangin). Noong nabilaukan ako, natawa siya kaya ayun tawa lang kami ng tawa.

“Alam kong may sasabihin ka, sabihin mo na. Ready na akong makinig.” Sabi niya sa akin. Nginitian ko lang siya tapos niyakap ko siya. Yung mahigpit. Gusto ko lang maramdaman niya na kahit anong mangyari hindi siya nagiisa.

“Michael Ortiz, kahit anong mangyari mahal kita. Tandaan mo yan ha? Mahal na mahal kita. Hindi ka perpekto pero para sa akin sapat ka na.”

Naramdaman kong niyakap niya ako pabalik.

Hindi ko alam kung bakit pero gusto kong maiyak. Minsan lang ‘to. Minsan ko lang makitang nalulungkot siya. At nasasaktan ako kasi alam kong masakit ang sinabi ni Mico sa kanya. Pero wala eh. Ganoon talaga. Lahat ng tao kukundenahin ka. Lahat ng tao ijujudge ka. Lahat sila hahanapan ka ng butas. Nasayo na lang talaga yun kung magpapaapekto ka sa mga paninira nila. Pero aminin man natin o hindi, kahit gaano tayo kalakas at katigas, masakit pa rin tanggapin lahat ng mga paninira ng tao.

Limang minuto, sagad, magkayakapan lang kami doon. Yung ibang tao nga tumitingin na sa amin pero mga bwiset silang lahat. Bakit ba hindi na lang nila pakialaman ang sarili nilang buhay? Bakit ba kailangan pa nilang pakialaman ang buhay ng iba? Buti sana kung may naidudulot silang maganda.

Noong maging okay na si Miks, umalis siya sa yakap, inayos niya ang buhok niya (ang gwapo niya panuorin noong inaayos niya buhok niya) tapos tumayo.

“Hope, tandaan mo ‘to. Kakainin ni Mico lahat ng sinabi niya.” Nginitian ko lang siya.

“Simula ngayon, magmomove on na ako sa Mico Loyola na yan. Bwiset siya. Sayang lang lahat ng mugs, posters at tshirt na pinagawa ko para sa kanya. Kakainis siya! Malolosyang ako sa kanya, si Enzo na lang ako.”

Bigla ko siyang sinamaan ng tingin tapos tumawa siya.

“Joke lang, nagayuma mo na yun eh. Nanligaw na sa’yo eh. Di ko maipaliwanag.” Tapos kinanta niya yung “Gayuma” ni Abra. Bwiset na ‘to! Mas okay pa yung kanina! Balik sa normal na naman siya.

“Hoy Miks.” Sabi ko pagkatapos niyang tumayo sa kinauupuan namin.

“Ano?” Sabi niya, tapos tumayo ako. Ngumiti lang ako. Nakita kong naghihintay siya ng final words mula sa akin.

“Ilibre mo akong lunch, bwiset ka hindi ako nakakain dahil naginarte ka. Tara na! May 15 minutes pa tayo.” Nakita ko namang gusto niya akong sabunutan.

“AKALA KO KUNG ANO NA! Akala ko naman pwede ko ng iquote at iGM o kaya iTweet yung sasabihin mo! Oh jusko, Hope Yazon bakit ka ganyan!?”

“Asus, love mo naman ako kahit ganito ako.” Napatitig siya sa akin tapos ngumiti at ginulo yung buhok niya. Medyo kinilig ako. SHET Ang gwapo ni Miks ano ba ‘to. Nagtataksil ba ako kay Enzo!?

“Oo, kahit minsan tatanga tanga ka, hindi ko kakayanin kapag nawala ka.”

Ang gwapo niya. Lalaking lalaki niyang sinabi yun. Napatitig tuloy ako. Michael Ortiz!

“Oh, nganga ka diyan. Di tayo levels. Kadiri ka wag mo akong pagnasahan.” Pabirong sabi niya sa akin. Napahawak naman ako sa bibig ko para icheck kung nakanganga nga ako. Kakairita! Tumayo na kami at dumeretso sa canteen. Bumili lang kami ng burger, at dumeretso na sa classroom. Hay nako, minsan nakakaloka ‘tong mga bestfriend ko!

**

“Hope, nandiyan na naman si Enzo sa labas ng room natin. Grabe girl, ang swerte swerte mo!” sabi ni Claudette sa akin. Napatingin ako sa labas at nandoon nga si Enzo. Nilapitan ko siya.

“Uy, Enzo.” Sabi ko na namumula pa. Bakit ba hindi pa rin ako sanay na nanliligaw na siya?

“Hi, how’s your day?” tanong niya.

“Ayos naman.” Bakit ang awkward?! Bakit ba kasi ako nahihiya? Bakit ako naiilang? Kilig na kilig kasi ako, ano ba ‘to!

“Mine was dull. The only time I was with you was during lunch then the drama happened. Hey, is Miks okay? I’m sorry about Mico.” Sabi niya. English na naman.

“Okay na siya. Tingnan mo nga oh, nagsasasayaw na sa gitna ng classroom.” Tapos sinilip niya ng konti si Miks tapos ngumiti.

“Can I go in?” Sabi niya. Teka, papasok siya… sa loob ng 5F? Pero bago ko pa siya mapigilan pumasok na siya at dumeretso sa upuan ko.

“So this is where you sit.” Sabi niya habang tinitingnan yung mga notebook ko, mga gamit ko.

“OH MY GOD! ENZO GUTIERREZ!” Biglang napatili yung isa kong classmate, si Carina.

“Hi.” Bati naman ni Enzo sa mga babaeng nakapaligid sa amin. Nageexpect ako na titili sila eh, pero bigla silang tumahimik at naghi lang. Aba, nahiya ang mga baliw!

“Can I see your notebook—“ Oy wag! Pero bago ko pa makuha nabuklat na niya. Oh no.

Tumawa na nga siya. Buklat lang siya ng buklat at abot tenga ang ngiti niya.

“So, you want to be Mrs. Hope Y. Gutierrez huh? All your doodles are—“

“Oo na. Oo na! Pero 1st quarter pa kaya yan ano. Kaya… Hindi na ngayon.” Bigla siyang nagpout. Oy, wag kang ganyan please! Baka di ako makapagtimpi, maglaway ako dito.

“So, you don’t want to be Mrs. Gutierrez?” MRS. GUTIERREZ SHET! TAPOS SI ENZO PA ANG NAGSABI! Oh my god, kill me now. Seryoso, yung puso ko ang bilis ng tibok hindi na kakayanin ng mga veins o kung ano man yung malapit sa puso na diniscuss sa Biology noong second year pero nakalimutan ko na kasi nakikipagdaldalan ako kay Miks.

“Pag nag ‘Will you marry me’ ka na lang saka na ako magdedecide. Ngayon ligawan muna.” SHOCKS! Gusto ko sabunutan ang sarili ko. Ang arte arte ko! Ano ba daw yung sinabi ko!? Ang kapal din ng mukha ko minsan dapat dito kinikiskis eh!

“I’ll do everything that it takes just to get you to say yes.”

Nanghina bigla yung tuhod ko. Una sa lahat, medyo hindi pa nagsink in sa akin yung sinabi niya dahil tinranslate ko pa sa utak ko. Pangalawa, noong naintindihan ko na, SHET NA MALAGKET, Enzo! Nagiinarte lang ako kasi never pang may nanligaw sa akin at nakakakilig pala yung feeling na every break may naghihintay sa’yo sa pinto para sabihin na sabay na kayo, may nanlilibre ng lunch mo, may tutulong sa’yo sa assignment mo, at may mga taong papatay para maging nasa pwesto mo. Pero wag kang mag-alala, Enzo. Kapag satisfied na ako sa feeling na yon, iyong iyo na ang matamis kong OO! <3

“Oh, Hope, you want to go to the mall today? Let’s eat something?” Aya niya.

“Sige ba!”

Naghintay lang siya doon habang nagaayos ako ng gamit. Medyo mahinhin ko pang inayos ang gamit ko kasi nagpapacute ako. Hay, ano ka ba Hope malala na yang tama mo. Malapit na sana akong matapos ng biglang may hingal na hingal na Xylene sa labas ng pinto na hinahanap ako.

“Hope! Hope! Tawag ka—Uy, Hi Enzo. Pogi mo.” Bigla niyang sinabi tapos napatakip siya ng bibig kasi nagulat siya kasi nadulas siya. Ayan kasi, madaling madali kung ano ano ng nasasabi. Nagsmile lang si Enzo sa kanya.

“Ano ba yun, Xylene?” Tanong ko.

“Hinahanap ka ni Miss Inigo. Magmadali ka daw. Go na sa Principal’s office, ako na ang bahala kay Enzo.”

“ANO!?” Nanlisik bigla yung mata ko sa kanya.

“I mean, ieentertain ko—namin! Ng 5F! Ikaw naman! Possessive much?!” Nakita ko si Enzo na tawang tawa at mukhang ineenjoy ang kaingayan at kaguluhan sa 5F. Lipat ka na ng section, baby. Yaks. Baby. Pero uy, kinilig ako sa baby.

“Uy Enzo, kailangan kong puntahan si Miss Inigo eh. Pero madali lang siguro ‘to. Wait ka lang diyan ha? Babalikan kita, baby promi—“ Oops. Ayan kasi! Baby ako ng baby sa isip. Nakita kong nagulat si Enzo at napangiti na lang. SHOCKS NAMAN OH. Nakakailang naman yun. Tatawag na lang ako ng endearment yung baduy pa.

“Sure… Baby.”

Kyaaaah. :”> Hyperventilate ng onti. Bakit kapag siya ang tumatawag hindi naman jologs?! Nakakainis. Baby daw. ANEBE ENZO. WEG KE GENYEN KENEKELEG EKE. <3

“Hoy, bilisan mo na!” Biglang tulak naman sa akin ni Xy. Kakainis naman ‘to! Nagmomoment pa ako eh. Kaya umalis na nga ako, kumakaway kaway pa ako kay Enzo pero yung mga kaklase ko tinutulak na ako palabas. Aba gusto masolo si Enzo ha. Sure ako iintrigahin nila si Enzo baby ko.  Hope, tama na yang baby. Hindi bagay sa’yo.

Nagmadali na nga akong pumunta sa office ni Miss Inigo. Pagpasok ko doon—

“Ilang araw ng absent si Mr. Loyola, kanina lang siya pumasok nagcut pa ng afternoon classes. Marami na siyang namimiss na lessons.” Sabi ni Miss Baliton.

“Oo nga. Hindi ko alam kung paano niya hahabulin ‘to. Matalinong bata naman si Mico pero mukhang nagrerebelde siya ngayon at naapektuhan ang grades niya. Malapit pa naman ang 3rd Quarter  Finals.” (_ _”) Oh jusko, parang kailan lang nagaaral ako sa Quarterly tests ah, ngayon isa pa ulit?

Pero teka, si Mico nagcut na naman? Ano ba siya! Ano bang nangyayari sa kanya—

“Miss Yazon, nandiyan ka na pala. Halika dito.” Lumapit ako sa table niya at umupo sa chair sa gilid.

“Miss Yazon, alam mo namang ginagawa ko ang lahat para pataasin ang grades mo at para maging okay ka sa graduation. Last quarter okay ka naman sa lahat, in fact tumaas nga ang grades mo eh. Pero yung monthly test mo sa English, medyo mababa ang nakuha mo at mahihigit noon ang grades mo. Ngayon, kung gusto kong maging stable ang grades mo may ipapagawa ako sa’yo—“ Oh jusko, ano na naman ba ‘to?! Minsan iniisip ko kung talagang mababa ba ang grades ko o talagang gusto lang akong utusan ni Miss Inigo… But then again, mababa talaga kasi ang grades ko. Wag ka ng magreklamo, Hope. Baka hindi ka pa makagraduate.

“Ano po ba yun, Miss Inigo?”

“Kailangan mo lang magcompose ng song at ipasa yun sa akin. Pero siyempre dapat English.”

“COMPOSE NG SONG?! Ma’am, hindi po ako magaling diyan! Tula na lang po.”

“Inisip ko din ang tula, pero kung gusto mo ng poem then dapat may 5 paragraphs ang tula mo at dapat malalim ang meaning. Kung magcocompose ka ng kanta, basta okay yung melody at may patutunguhan ang lyrics, pwede na.”

Hindi ko alam kung bakit ginagawa sa akin ni Miss Inigo ‘to. Ikiniganda niya ba ‘to? Anong gagawin niya sa icocompose kong kanta if ever? Papatugtugin ba niya? If I know itatambak lang niya yun sa mga folders ng studyante niya. Tapos ako, eeffort pa?

Pero kung tula naman ang gagawin ko, baka maubos lahat ng dugo sa katawan ko. Si Miss Inigo fan yan ng mga poems, one time may nagpass na kaklase ko sa kanya ng poem tapos sobrang baba ng binigay niyang grade kasi daw pambata yung tula. Mataas ang standards ni Miss Inigo pagdating sa poem eh. Oh my god.

“Sige po, sige po. Magcocompose na po ako ng kanta. Pero paano niyo po malalaman yung tono?”

“Eh baka irerecord mo, iha?” sabat niya. Kakainis, pilosopo much!

“Po? Hindi po ako marunong magitara o magpiano o kung ano man.” Well, marunong naman ako ng gitara pero konti lang, tipong pastrum strum lang.

“Ako pa baa ng magproproblema niyan? Special project ko ba ‘to?” ARG KAKAINIS. Bakit baa ng hilig niya sumagot ngayon!? Nakain nitong si Ma’am!?

“Opo, sige po. Salamat po sa special project gagalingan ko po.” Sinabi ko ng boses robot. Hay nako, dagdag isipin pa ‘to. Kakairita.

Paalis na sana ako ng office ng marinig ko na naman na naguusap yung mga teachers.

“Ilang araw ng hindi umaattend ng football practice yang si Mico. Konting konti na lang aalisin ko na siya sa varsity.” OH HINDI!!!

“Ang baba na nga talaga ng grade ni Mr. Loyola, at kung aabsent pa siya delikado siyang matanggal sa honor roll. Ipapatawag ko na ang parents niya para kausapin sila sa nagiging behaviour ni Mico.” Sabi ni Miss Gellen.

Oh hindi! Hindi. Hindi. Hindi! Ano ka ba, Mico! Hindi mo ba naiisip lahat ng ‘to!? Pasaway lang talaga. Tsk, kailangan masolusyunan ko ‘to.

“Umm, good afternoon po. Narinig ko lang po kasi yung usapan niyo at kaibigan po ako ni Mico.. pwede po bang bago niyo siya alisin sa varsity at ipatawag ang magulang niya eh hayaan niyo po munang kumbinsihin ko siyang pumasok? Promise gagawin ko po lahat.” Lahat naman sila tumingin sa akin at dahil nga ayaw din nilang gawin yung mga sinabi nila, wala silang choice kung hindi ang umoo.

“Paano po kaya yung mga lessons na namiss niya? Pwede ko po bang hingin ang mga powerpoints niyo? Soft copy po? Ipriprint ko po para mabasa niya.” Lahat naman sila pumayag na gawin yun kaya hinintay ko pang lahat sila mapagsama sama lahat ng lessons nila sa powerpoint para maprint ko. Effort na effort naman ako dito ah! Bwiset ka, Loyola pag ako hindi mo nilibre after nito gugupitin ko yang eyelashes mo!

Noong makaalis ako sa office, tiningnan ko ang phone ko at may apat na missed call mula kay Enzo at dalawang text mula sa kanya.

From: Enzo Gutierrez

Hope, where are you? Tagal ka pa? I’m getting bored, plus your classmates are all staring at me.

Naku humanda sa akin bukas ang 5F! Naiimagine ko na ang pagtitig nila kay Enzo. Mas mabuti pa nga ata na ininterrogate nila si Enzo kesa maging awkward siya. Sorry, Enzo.

From: Enzo Gutierrez

Hope, my driver’s here. I can’t wait for you. Where are you? I’m so sorry. Next time na lang tayo lumabas ha? :*

Napatingin ako sa orasan ko, halos 45 minutes din siyang naghintay sa akin. Hay naku, sorry talaga Enzo. Sa susunod, babawi ako. Pero para naman kay Mico ‘tong ginagawa ko kaya okay lang. Babawi na lang ako kay Enzo.

**

The next day…

Nandito kami ngayon ni Miks sa lunch table kasama si Bryle, Venice at Enzo. Si Mico absent na naman, as usual! Si Chelsea papunta na daw.

“Hope, sorry I wasn’t able to wait for you yesterday huh?” sabi ni Enzo na kasalukuyang pinaglalaruan ang buhok ko na nakabraid.

“Okay lang. Ako kaya yung matagal ako dapat magsorry.” Sabi ko naman habang pinaglalaruan yung cellphone ni Enzo.

“You guys are so cute. Are you two together na? And Hope, alam mo bang hindi pinapagalaw ni Enzo yung phone niya unless super urgent? Wow ha. Special ka talaga.” Sabi ni Venice. Naku naman makacomment naman ‘to, eh magkaholding hands nga sila ni Bryle under the table eh. Mas cheesy kaya sila sa amin.

Noong isang araw nagaway sila kasi nagkasprain si Bryle sa basketball tapos hindi si Venice ang nagbigay ng yelo sa kanya. Oo. Nagiinarte yung dalawa. Pero ang cute nila eh.

Maya maya tumunog yung phone ko…

Chelsea del Mundo Calling…

“Hello? Hope?”

“Uy, Chels. Nasaan ka na?”

“Ay nandito, malapit na ako sa cafeteria. Kasama ko nga pala yung pinsan ko. Okay na yung mga papers niya. Exchange student siya eh. Dito siya magaaral ng one month!”

“Uy okay yan. Sige sige sasabihan ko sila. And bilisan mo na pumunta dito. Bye!” tapos binaba ko na yung phone.

“Guys, sasama daw sa atin yung pinsan ni Chelsea. Yung nagmake over sa kanya. Close yung dalawa eh. Naayos na ata niya yung papers ng pinsan niya na kasali sa exchange student program ng school niya. One month daw siya dito.” Inexplain ko.

“Really? Oh yey! More girls! Alam mo bang ilang beses ko ng winish na sana may dumagdag na girls sa friends ko kasi puro guys eh.” Reklamo ni Venice. Ay ngayon mas madami na ang girls!

Habang hinihintay namin sina Chelsea, yung iba nagsimula na kumain. Si Miks tahimik sa isang gilid. After kahapon, tahimik lang siya pag kasama ako. Hindi ko alam kung bakit. Pero kapag iba naman ang kasama niya, okay naman siya. Siguro nahihiya lang siya sa pagopen niya sa akin. Maarte talaga ‘tong baklang ‘to.

Si Enzo naman biglang kinuha yung spoon niya tapos sinubuan ako ng soup niya.

“Masarap right?” parang batang nagaabang ng sagot.

“Opo, masarap.” Ipapatikim ko sana sakanya yung lechon na order ko kaso sabi niya hindi daw siya kumakain ng lechon. Ay naku, hindi kumpleto ang buhay niya kapag hindi siya kumain ng lechon kaya..

“Aaaaah.” Tapos sinubo niya ang lechon! Wohooo! Bigla namang pumalakpak si Venice.

“Grabe, Hope. You da one na talaga. Did you know na ilang beses ko ng natry na pakainin siya ng lechon? Tsk. I’m starting to feel jealous.” Loko ni Venice.

“Oh eh bakit ka nagseselos nandito naman ako? Kahit ilang baboy pa kainin ko for you. Am I right, Love?” Teka, bakit ako? Baliw talaga ‘tong si Bryle naghanap pa ng kakampi!

“Ewan ko sa inyo basta ako masarap ang lechon, diba Enzo?” tapos nagnod lang siya. Mukhang ayaw niya talaga pero pinilit niya lang kainin. Sige na nga, pwede na yun.

Nagkukulitan lang kami doon ng biglang dumating si Chelsea.

“Hi guys.” Bati niya.

“Oh Chels, bakit hingal na hingal ka. Here oh, water.” Biglang abot ni Bryle. Natigilan bigla si Chelsea tapos napatitig si Venice kay Bryle. Tsk. Hanggang ngayon ramdam kong may gusto pa rin si Chelsea kay Bryle. L May effect pa rin si Bryle sa kanya. Pero para hindi mahalata kinuha ni Chelsea yung tubig.

“Saan ka galing? Nasaan yung pinsan mo?” tanong ko.

“Galing kaming Registrars Office. Ay teka—Ito na pala siya. Guys, pinsan ko. Meet, Eula.”

Napatingin ako bigla sa girl. Payat siya, nakaskirt tapos nakahanging na blouse. Hanggang ribs yung buhok niya at maganda siya. Simple pero malakas ang dating.

“Hello, Eula!” Bati ko naman sa kanya. Ngiting ngiti pa ako ng biglang mapansin kong natahimik si Bryle at Venice at parehas silang nakatingin kay Enzo.

Napatingin naman ako kay Enzo na nakatitig kay Eula.

“Hi, Eula.” Biglang ginreet ni Enzo. Nagsmile naman si Eula.

“Hi.” Napangiti ako bigla. Eula, manliligaw ko yan! Ang bait ano?

“Hi.” Medyo naiilang na bati ni Venice at Bryle.

Umupo si Eula, at sinimulan kong makipagkwentuhan sa kanya. Lumaki siya sa Pilipinas pero nagmigrate din sila sa States, ngayon nagexchange student siya para balikan ang Philippines. Napasabak din ako sa English kay Eula. Mas malala pa kasi may accent!

Masaya kaming nagkekwentuhan doon pero tahimik pa rin yung tatlo. Nakita ko pang nagbulungan si Venice at Bryle…

Si Enzo naman nakatitig pa rin kay Eula na parang may nakita siyang multo.
Teka nga, ano bang meron si Eula? Anong nangyayari dito? Okay lang ba sila? 

________________________

[A/N] On the side, picture of Chelsea and Eula. <3 

Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 30.5K 54
Rivalry, a basketball athlete and a culinary student had never seen herself attracted to any men. Despite her friends' persistent attempts to set her...
2.1M 60.5K 14
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...
447K 1.3K 3
A writer who had the chance to meet his portrayer and fell in love with him. -- Start: March 6, 2022 End: November 30, 2022
346M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...