Serendipity

By blueheartgreenmind

48.2K 2K 290

ser·en·dip·i·ty /ˌserənˈdipədē/ noun: serendipity; plural noun: serendipities the occurrence and development... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Epilogue
Author's Note

Chapter 27

1.2K 66 5
By blueheartgreenmind




"Hey, pogi, long time no see!" Kahit hindi pa nakikita ni Daniel kung sino ang dumating, alam na niyang si Kuya Dho iyon. Nakangiti siyang nag-angat ng tingin.





"Kuya Dho!" tumayo siya upang batiin ang kanyang manager. Kasalukuyan silang nasa loob ng kanilang mother network para makipag-usap sa isang bagong proyekto na kanyang gagawin. Gaya ng ipinangako ng manager, maraming trabaho na maghihintay pa rin sa kanya sa kanyang pagbabalik kaya naman masaya pa rin si Daniel sa kabila ng sobrang pagka-miss kay Kathryn.





"Well, ang ganda ng aura mo ngayon ha! You look sooo happy, energized and... hmm, moved on?" hinila nito ang isang silya at naupo sa kanyang tapat. Hinihintay nila ang pagdating ng big boss ng network sa isa sa mga conference room ng building na iyon. Ngumiti si Daniel. Sa tagal na nang panahon na magkasama sila ng kanyang manager, kilalang-kilala na siya talaga nito. Nakita niya na may inilabas ito sa dalang bag, at inilapag ito sa kanyang harap. Magazines, tabloids, and even broad sheets -- lahat ay naroroon ang kanyang larawan kasama ang ayon sa mga artikulo ay "mystery girl" niya-- walang iba kundi si Kathryn. Napatingin siya sa manager na tila nagtatanong kung ano ang ibig sabihin ng mga iyon.





"Kumalat yan sa showbiz news 2 weeks ago. I was trying to contact you, pero nagpalit ka pala ng number. Meron daw nakakita sa'yo sa isang bus station na may hinahabol na babae. First, akala nila si, uhmm, si Briana. P-pero sabi ng mga nakakita, hindi daw si Briana yun. I was bombared by questions na hindi ko alam kung paano ko sasagutin. Now tell me, sino ang kasama mo diyan?" seryosong tanong sa kanya ni Kuya Dho. Natahimik ang binata. Bigla kasi siyang nakaramdam ng takot. Not because nakuhanan siya ng picture na kasama si Kathryn, if he could he would shout to the world na mahal niya ang dalaga. Ang ikinatatakot niya, the showbiz media will surely be so tenacious in finding kung sino ang kasama niyang babae, lalo ngayong pag nalaman nila na he is back in Manila. Ayaw niyang madamay si Kathryn sa magulong mundo ng showbiz.





"Totoo yan, Kuya Dho! I was really running after her. She, she is special." hindi maiwasang mangiti na sabi ni Daniel ng gumuhit sa kanyang balintawtaw ang mukha ng dalaga.





"I see! May isa lamang ako tanong sa'yo, and I hope you will answer me truthfully!" napatingin dito ang binata. Kinakabahan siya na baka hilingin nito na iwan niya si Kathryn dahil hindi magiging maganda sa kanyang career. Ngayon lang niya na-realized ang mga ganong bagay, nung nasa Bataan kasi sila, pakiramdam niya walang imposible.





"Masaya ka ba, Daniel?" nag-angat ng ulo ang lalaki at tumingin sa manager bago sumagot.





"Sobra, Kuya Dho! Sobra, sobra!" nakangiti niyang pahayag dito. Naramdaman pa nga ang bigik sa kanyang lalamunan na tila maiiyak siya.





"That's all that matters, Daniel! Kung sasabihin mo na hindi ka masaya, I will tell your promptly to stop whatever is going on between you and this girl. Ayoko ng masaktan ka muli tulad nung nangyari kay, hmm, kay Briana. Basta masaya ka, wala na akong tutol!" Kuya Dho utter with so much sincerity. Niyakap ito ni Daniel. Alam niyang isa ito sa mga labis na nasaktan noong mga panahon na wala siyang ginawa kundi pahirapan ang sarili niya sa pang-iiwan sa kanya ni Bree. He appreciates that Kuya Dho is not only a manager, but a good friend.





"Don't worry about me, Kuya Dho! I'm sure I already have found the right girl. You should meet her one of these days, I'm sure you will love her too." masigla niyang pagmamalaki sa manager. Alam niyang Kathryn is so easy to love. At kahit pa sobrang bato ng puso mo, the girl can make it melt. She has that kind of personality na sobrang lovable. Di ba nga, yun ang isa sa mga nagustuhan niya sa dalaga?





"Wow! Now, I am really curious to meet this girl, what's her name again?" tanong naman ni Kuya Dho habang matamang sinusuri ang lalaki. Daniel happiness really radiates! Ngayon na lang ulit ito nakitang ganon kasaya.





"Her name is Kathryn!" nakangiting sagot muli ng binata. Hindi na yata mawawala ang nakapaskil na ngiti sa kanyang labi, and all becaue of her, his wifey!





"I will surely like to meet her! B-but, I still have something to tell you.." muli na naman napatingin dito si Daniel. And this time, his manager's face looks a little worried. Parang bigla niyang gustong kabahan.





"Ano yun, Kuya Dho?"





"Well, hmm, B-Briana, hmm, she calls off her wedding." mataman siyang tinitigan ng manager na tila tinatantiya ang kanyang magiging reaksiyon. Natigilan si Daniel sa narinig. Hindi natuloy ang kasal ni Bree? yun ang tanong ng binata sa isip.








"Kelan pa? Bakit?" tanong ng lalaki pagkaraan ng ilang saglit. Na-shocked talaga kasi siya sa narinig. Oo nga't hindi na niya masyadong naalala ang dating kasintahan while in Bataan dahil na rin kay Kathryn, pero ang alam niya, she should be married by now.





"A week ago lang bago ka bumalik dito! It became a sensational news, Daniel. Lalo pang lumakas ang bulung-bulungan ng malaman nila na wala ka din at nagbabakasyon. There were speculations na maaring sinundan ka ni Briana when she realized na ikaw pa din ang mahal niya. Kahit na anong pagtanggi namin na magkasama kayo, people won't believe us.





"Y-yung f-fiance niya, h-he was looking for you! He believes na magkasama kayo. Na baka daw yung babae na kasama mo sa Bataan ay si Briana. But we have our witness to swear na hindi si Bree ang nakita nila na kasama mo." mahabang paliwanag sa kanya ng manager.





"S-so why are you telling me this?" tanong niya muli dito.








"Just so you'll know na marami kang kakaharapin na intriga and questions. Isa pa, hanggang sa ngayon, wala pa ring nakakaalam kung saan nagpunta si Briana. I am sure people will insist na baka tinatago mo siya. And, hmm, para maihanda mo na din si, Kathryn, right? Para maihanda mo na din si Kathryn sa mga maririnig at makikita niya. You know this "world" that we're in. It won't excuse no one, not even her." hindi maiwasan ng binata na muli na namang makaramdam ng pangamba. If it's just him, wala lang sa kanya eh. Sanay na siya sa mga tsismis na kaakibat ng pagiging artista. But Kathryn? His wifey is too innocent for this kind of ruthlessness. Nahulog sa malalim na pag-iisip si Daniel.


----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


"Ayyyyyyy! Baka naman china-charot mo lang ako ha, Kathryn!" tili ni Arisse nang matapos na niyang i-kwento ang mga nangyari sa Bataan. Kinuha pa nito ang isang throw pillow na nasa kanyang maliit na sofa at pagkatapos ay padapang humiga doon. Siya naman ay nakaupo sa kanyang study table at abala sa pagta-type ng kanyang magiging pinaka-spiel para sa iba pang parte ng kanyang natapos na docu.





"Totoo yan oy! Walang halong Charito Solis." natatawang niyang sabi sa kaibigan na hindi man lang niya inaalis ang tingin sa kanyang laptop.








"Nakuu namaannn! Parang fairytale my gassssssss! Eh kinabog nyo na yang story ni Don at Elizabeth ha!" kinikilig pa din na tili ng kaibigan. Tinakpan pa nito ang mukha dahil sa sobrang kilig na nararamdaman. Naiiling-iling na lamang si Kathryn. Mahilig talaga sa mga istoryang pag-ibig ang kaibigan. Lagi nga ay may dala itong Tagalog Romance Pocketbook sa bag, at lagi nitong sinasabi na makakakilala din siya ng katulad ng mga bidang lalaki sa mga librong kanyang binabasa.








Lagi niyang ini-insist dito na kathang-isip lamang yung mga ganong lalaki. But when she met Daniel, na-realized niya na pwede din naman pala itong maging totoo. Napangiti siya ng maalala ang lalaki.








"Ayyy, ano yang ngiti na yan? Aminin mo nga sa akin, Kathryn, yung totoo lang ha, nag-momol kayo noh?" lumapit sa kanya si Arisse at tumabi ng upo.








"Anong momol?" kunot noo niyang tanong sa kaibigan. Babaeng bakla kasi ito, kaya may mga term ang kaibigan na minsan hindi niya maintindihan.





"Gaga! di mo alam yung MOMOL? Make out, make out lang! Ganyan, parang kissing, petting, flirting, squeezing saka..."








"Yuccccckk! Tumigil ka nga! Di namin ginawa yan, nu? Anong kala mo sa akin?" tumirik-tirik pa ang kanyang mata na kunwari ay diring-diri. Not for being prude, alam naman niya na parte "iyon" ng relasyon, but pre-maritals sex isn't just for her. Para sa kanya, she will give herself to someone after the wedding.








"Ang arte mag-yuck! Maganda ka, maganda ka?" natatawang tanong sa kanya ng kaibigan. Agad siyang humarap dito at nag-beautiful eyes. "Sige na nga! Maganda ka na nga, pero hmm, sapat lang! Siyempre mas maganda pa din ako." bumalik ito sa pagkakaupo sa sofa.





"O, kelan monthsarry nyo?" muli nitong tanong. Napalingon si Kathryn sa kaibigan. Oo nga, ano ba ang monthsarry nila?





"W-wala naman kaming monthsarry eh!" tipid niyang sagot kay Arisse na muli na namang nanlaki ang mga mata.








"Anooo? Lahat kaya ng couple may monthsarry? Eh teka nga, couple ba kayo?" tanong nito at lumapit na naman sa kanyang tabi. Saglit na nag-isip si Kathryn. Sinabi ni Daniel na mahal siya nito, sinabi niya din na mahal niya ito. Pero hindi naman niya naitanong kung sila ba.





"Hmm, hindi ko sure eh! P-peor mahalaga pa ba ang label? Di ba hindi naman mahalaga yun? Basta alam nyong nagmamahalan kayo, that's all that matters!" sagot niya sa kaibigan at muling ibinalik ang tingin sa kanyang laptop kaya naman nagulat siya ng batukan siya nito.





"Aray ko naman!" daing niya na kinatok katok pa ang baba.








"Tanga, tangaaaa! Kuuuuuu! Hoy, Kathryn Chandria Bernardo, invited ka sa ribbon cutting ng mga tanga sa Luneta, ikaw daw ang Guest of Honor. Kuuuuuu!" gustong matawa ni Kathryn sa nakikitang inis sa mukha ng kaibigan. Tila mas affected pa ito ng malamang wala naman silang label ni Daniel.





"Eh ano bang problema kung walang label?"





"Anong problema? Wala naman masyado! Ang ibig sabihin lang nun, kayo na parang hindi kayo. Hindi ka pwede magselos kasi hindi naman kayo. Hindi ka pwedeng mag-demand kasi hindi naman kayo. Magulong usapan yang walang label label na yan. Ang mga taong ayaw ng label, takot sa commitment." maang na napatingin dito si Kathryn. Kahit talaga may kalandian itong si Arisse ha, infairness, may sense ang sinasabi! bulong ng mataray niyang konsensiya.





"H-hindi naman g-ganon si D-Daniel!" she stammered when she realized, her friend has a point. Pero mas gusto niyang paniwalaan ang nararamdaman nila ng binata para sa isa't-isa. Their love is build in friendship. Bago ang lahat, naging magkaibigan muna sila.





"Bahala ka nga sa buhay mo! That's your life naman eh. Yours to live! Pero alam mo naman, concern lang ako sa'yo. Baka sa huli, ikaw lang ang masaktan." tinapik nito ang kanyang balikat.





"P-pero g-anon naman talaga ang love, di ba? It's taking a risk! It's accepting that you'll be hurt. Kasama naman yan, basta dapat sigurado lang tayo na sa tamang tao. And I am sure, Daniel is the right one for me." nakangiti niyang hinawakan ang kamay ng kaibigan sa kanyang balikat.








"Well, that make sense! Basta, I am happy for you, Kathryn! Alam mo naman yan, di ba?" niyakap ito ng dalaga. Pakiramdam niya, nasa kanya na ang lahat, a good career, gift of love and friendship. What more she could ask for?


-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------





Naging abala si Kathryn ng mga sumunod na araw. Next week na kasi ipapalabas ang kanyang docu, and that would be the make or break for her career. Gaya ngayon, halos subsob na ang kanyang ulo sa pagta-type. May mga last minutes changes kasi na hiniling si Ms. Lorna, kaya naman like the usual, she is cramming. Kaya naman nabigla siya ng marinig niya ang pagtawag sa kanyang pangalan.





"Ms. Kathryn Bernardo?" she glanced up. Isang unipormadong lalaki ang kanyang nakita.





"Yes? kunot ang noo niyang tanong dito. Pilit niyang inaalala kung kilala ba niya ang lalaking kaharap.








"Mam, sa DHL po kami! Papirma na lang po dito to received your package." package? Ano daw? Pakiramdam ng dalaga ay wala siyang maintindihan bukod kasi sa kulang siya sa tulog, hindi niya maintindihan kung sino ang magapapadala sa kanya ng package. Her parents is in Baguio, at kung may gusto itong ipadala sa kanya, ang mga ito ang mismong luluwas dahil walang tiwala ang kanyang papa sa mga courier.





Inabot niya ang papel at mabilis na pinirmahan. Nang masigurado naman ng lalaki na naka-pirma na siya, saglit itong umalis. Napanganga si Kathryn ng muli itong magbalik. May kasama na itong apat na lalaking iba pa, and they are all holding baskets of white roses, each are 2 dozen. Isa-isa iyong inilapag nga mga ito sa harapan ng dalaga. Ang kanyang mga kasamahan naman ay hindi na din napigilang maki-usyoso.








"Ayyy, ang taray! Magtatayo na din ba tayo ng Flower shop dito?" napatingin si Kathryn sa kaibigan. Hindi niya alam kung ano ang kanyang sasabihin, she is just too overwhelmed kaya naman imbis na siya ang kumuha ng note na kasama ng mga bulaklak ay si Arisse na lang ang tumanggap nito sa messenger bago tuluyang umalis.








"Para sa pinaka-blooming na MISIS sa buong mundo, I hope you like the flowers! I miss you a lot, Wifey ko! And I hope to see you soon." doon lang na-realized ni Kathryn na binabasa na pala ng kaibigan ng malakas ang note. Mabilis niya itong sinubukan na agawin, ngunit maagap iyon na naiwas ni Arisse sa kanya.











"FOREVER, Danielllll!!!! P.S: I'll pick you up at 7 pm tonight. Dinner my loves?" tili ng babae na halos mangisay-ngisay sa kilig. Maging ang kanilang mga kasamahan sa pamamahayag ay di na din naitago ang kilig.











Kathryn flushed. Kinikilig siyang ngumiti, and suddenly, she can't wait to see Daniel once again.










**********
A/N

Happy Sunday loves! 😘

Continue Reading

You'll Also Like

63.1M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
3.4M 133K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]
20.7M 509K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...