How to Love Again Your Ex?

By MyBurning

2K 67 60

But what if, after all these years, the guy she loved hasn't moved on yet? (book cover made by fl-werhun) More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6

Chapter 3

140 7 7
By MyBurning

"What the hell?!" Napasigaw si Justine. Sino ba naman ang hindi, restaurant niya 'to at wala ni isa ang nagsabi kung sino ang architect at interior designer niya.

"Why? Problem?" Nakangising tanong ni Ruby, tila nang-aasar pa. 

"Yes! There's a problem Ruby. Why in the hell na walang nagsabi na sila pala ang architect at interior designer ng resto ko?" 

"You never asked Jazz."

"Because I trusted you!" Naisapo na lamang niya ang kanyang noo. Hindi siya nagtanong dahil pinagkatiwalaan niya ang mga magulang at si Ruby. Paano nila nagawa 'to? Alam naman nila kung ano ang nangyari sa dating magkasintahan pero sila pa rin ang pinili. Nananadya ba sila o ano?

No, she's not bitter. The idea of him being her client is absurd! Isn't it embarassing? Habang nagmo-move on siya sa ibang bansa eh ang ex pala neto ang nagdesign ng dream resto niya? Tapos proud na proud pa siya sa designs, not knowing who's behind of the work.

"Ayos lang naman Jazz diba? Besides, you've said nakamove on ka na. May girlfriend na rin si Daryl, ano bang kinaiinis mo dun?"

"I know I've said that, and I really mean it Ruby. The thing is, why him?. Ang to be honest, ayoko nang magkaroon pa ng communications sa kanya. I'm not bitter pero ayokong mapalapit ulit sa kanya... even as a friend. Naiintindihan mo naman ako hindi ba?" Malumanay na tugon ni Justine. Tumango naman si Ruby at lumapit para yakapin ang kaibigan.

"I'm sorry Jazz. Ako yung nagpumilit para magtrabaho sila sa resto mo. I'm really really sorry," mangiyak ngiyak na sabi ni Ruby.

"It's okay. Nangyari na eh," malumanay na tugon ni Justine. 

Lumayo sa yakap si Ruby at may kinuha sa dala-dalang purse. Ang phone niya lang pala. Kinuha niya iyon at may binasang isang text na siyang nagpangiti sa dalaga. Nagtaka naman si Justine sa inakto ng kaibigan.

"I have to go Jazz, may appointment pa ako," pagpapaalam ni Ruby at mabilis na ibinalik ang phone sa loob ng purse. Hindi maipinta ang malapad na ngiti nito kaya napangisi na lamang si Justine.

"Appointment or date?" Nakangising tanong ni Justine. Lalong lumapad ang ngiti ng kaibigan.

"Pwedeng both?" Pilyang tugon nito at kumindat pa. Natawa na lang si Justine at nagpaalam na sa kaibigan.

PINUNTAHAN NI JUSTINE ang table na kinaroroonan ng magulang at nakisabay sa kanilang kumain. Hindi naman niya maiwasang mailang dahil parang may kanina pang nagmamasid sa kanya. Tumingin siya sa kanyang likod at ini-scan ang bawat tao at nag-stop naman ang kanyang mga mata kay Daryl na malalim na nagkatitig sa kanya.

Tumango lang siya at bumalik na sa pagkain. Tsk! Feeling niya nakatitig pa rin sa kanya ang binata. Muli siyang lumingon at hindi nga siya nagkamali. Nakakunot ang noo habang malalim na tinititigan pa rin siya ni Daryl. Nag-iwas ng tingin si Justine at nagpaalam sa magulang para mag-CR.

Pagdating niya sa CR ay agad na tumingin ito sa salamin. Pinagmasdan niya ang itsura at nangunot ang noo nang wala naman siyang nakitang dumi o kahit anong katawa-tawa sa muka niya. So bakit kailangan siyang titigan ng ganoon ni Daryl? Really Jazz? sarkastiko nitong tanong sa isip. Pati sa sarili ba ay in-denial pa rin siya? Fine! Kailangan nga talaga siguro naming mag-usap. But please, not now.

Pumasok siya sa loob ng isang cubicle and did her necessity. Paglabas niya ay may isang kamay na humawak sa kanyang braso at muli siyang ipinasok sa loob.

"What the heck?" Bulalas niya sa sobrang gulat. Tinignan niya ang taong gumawa nito at halos lumuwa ang kanyang mga mata nang makita si Daryl. Him, and her, together, inside a freaking cubicle.

"What do you think you're doing?" Akmang lalabas sana si Justine ngunit hinarangan siya ni Daryl at ni-lock ang pinto. "My God! This is ladies' comfort room! Anong ginagawa mo dito? And.. and what the hell? Baka may makakita sa atin!" 

"I don't care, naka-lock naman eh," he answered using his bedroom voice. Her eyes widened in surprise.

"Let's talk," sabi ni Daryl na para bang iyon ang pinaka-simpleng bagay sa mundo.

"We're already talking."

"You need to explain. Darling, I believe that I deserve that one."

Halos kilabutan naman ang dalaga nang tawagin siyang 'darling' ni Daryl, ngunit hindi niya iyon pinahalata. Umikot na lang ang kanyang mga mata at pinagkrus ang dalawang braso. "Fine. But please, can we do it outside?"

"No."

Bumuntong hininga siya at tumingin sa pinto habang pinapakinggan kung may tao ba sa labas.

"Go on, talk." Then she rested her back on the cold wall.

"Why did you left?" Deretsyahang tanong ni Daryl.

"Because we're done," mabilis namang sagot ni Justine.

"Why did you left?" Pag-ulit pa nito dahil hindi siya nakuntento sa isinagot ng dalaga. Napairap na lang si Justine dahil sa kakulitan ni Daryl, ayaw pa naman niya ng paulit-ulit.

Gusto mo talagang malaman huh?

"Why?"

"Because you're a cheater," walang emosyon na sagot ni Justine. Gusto niya ng dahilan, pwes tanggapin niya nang sagad. 

"Bakit hindi mo man lang sinabi na aalis ka? Langya Justine, halos mabaliw ako kakahanap sayo pero nasa US ka na pala. Mukha akong tanga 'nun!" Bulyaw sa kanya ni Daryl. Muling napairap si Justine. Ngayon naman susumbatan siya ni Daryl. Bakit ba umaasta eto na parang sila pa? Eh limang taon na nga ang nakalipas. Damn 5 years!

"Hiwalay na tayo 'nung mga araw na napagdesisyunan kong umalis kaya bakit pa ako mag-aabalang magpaalam sayo?"

"Damn!"

Napabalikwas si Justine sa pagkakatayo nang bigla na lamang suntukin ni Daryl nang malakas ang katabing pinto. Sa sobrang lakas ay halos mag-echo sa buong CR ang kalampag na nagawa nito.

"What the hell?" Inis na napasigaw si Justine. Kanina pa siya naiinis sa inaasal ni Daryl. At bakit ba siya nagwawala? Paano kung may makarinig sa kanila?

Kunot noong tinignan ni Daryl ang dalaga diretso sa mga mata. Humakbang siya palapit at ipinatong ang dalawang kamay sa pader, trapping her. "Justine alam mong hindi pa tayo tapos 'nung mga panahong yun! Damn we're not yet done. Nakakagago yung bigla ka na lang nawala na parang bula alam mo ba yun?"

Napalunok ng laway si Justine. "Ano bang problema mo?"

"Ikaw ang problema ko! Bigla bigla mo na lang akong iniwan. You didn't even send me an email nor a single call and text." 

"Daryl we're five years done. Why are you still bragging that crap?" Natatawang sabi ni Justine. 

Napabuntong hininga na lamang si Daryl habang malalim pa rin na nakatingin sa kanya. "Okay." Muli siyang napabuntong hininga. Hindi naman niya dapat talaga sisigawan si Justine at aaktong ganito, nadala lang kasi siya sa mga nangyari. Ang dating kasi sa kanya ay parang wala lang kay Justine na nagkaharap na ulit silang dalawa. It seems unfair when she's acting like a cold one when he's still into her.

"Whoah, what are you doing?" tanong ni Justine nang mas lumapit sa kanya si Daryl. Aatras ulit sana siya pero nakalimutan niyang pader na pala ang nasa likod niya. Mabilis si Daryl at agad siyang nahawakan nito sa braso at niyakap nang mahigpit.

"I miss you," bulong ni Daryl sa tenga nito.

Napasinghap si Justine at mabilis na naitulak si Daryl. Pakiramdam niya'y nagtaasan ang mga balahibo niya sa katawan nang niyakap siya nito. And then it hit her. Silang dalawa lang ang nasa loob ng cubicle na ito. 

  

"Where are you going?" Seryosong tanong ng binata at humawak sa braso nito nang buksan ni Justine ang pinto.

"Wala naman na tayong pag-uusapan. Maraming naghihintay sakin sa labas," sagot ni Justine. Lalakad na ulit sana siya pero mas hinigpitan ni Daryl ang pagkakahawak sa braso niya.

"Mas mahalaga pa ba sila kaysa sa akin?" Natigilan naman ang dalaga at kunot noong tinignan si Daryl. "Hinintay kita ng limang taon. I gave you the space you needed. Hindi kita pinakeelaman. Ano ba naman yung ilang minutong hinihingi ko sayo para lang magkausap tayo?"

"Daryl can you just stop? We're done. Wala na tayong pag-uusapan. Wag na lang nating ibalik yung nakaraan please? May kanya kanya na tayong buhay eh," naiiritang sabi ng dalaga.

"I don't think so Justine. You took my five years of living, I'm just retrieving on what is mine, my property... you."

"W-what?"

"I'm winning you back. By hook or by crook." Then he flashed his infamous smirk.

Her jaw almost dropped. Paano niya nasasabi ito? Halos kapusan siya ng hiningi sa mga narinig.

"Sheez! Daryl you have a girlfriend! How could you say this?" Hindi makapaniwalang tanong ni Justine.

"Makikipaghiwalay ako kay Louise." Lalong nagulat si Justine. Umiling iling siya habang nakataas sa ere ang dalawang kamay. Pakiramadam niya mababaliw siya sa mga pinagsasabi ng binata.

"You're crazy Daryl," nasabi na lamang niya atsaka mabilis na tumungo ng pintuan para makalabas. Pero hindi pa nga siya nakakalabas nang tuluyan ay may pumasok namang mga babae sa CR.

Hinigit siya papasok ni Daryl at mabilis na ni-lock ang pinto at isinandal si Justine sa pintuan habang mahigpit na nakayakap sa bewang nito.

"D-daryl," tinulak tinulak niya ito ngunit mas lalo lang siyang niyakap na mahigpit. 

"Shh," he mouthed, still looking directly in her eyes. 

They're so close to each other that they could almost inhale each breath. 

"Excuse me, may tao ba?"

Nanlaki ang mga mata ni Justine nang may kumatok sa pintuan. Gaano ba sila karami para katukin pa ang cubicle na iyon? Paano na lang pag makita silang dalawa? Tiyak na iba ang iisipin ng mga tao.

"Daryl, paa---"

"Shut up!" pabulong na sigaw ni Daryl.

"Makikita tayo," pabalik na bulong naman ng dalaga.

"Excuse me." Muling kumatok ang taong nasa labas.

"Dar---"

He shut her up, using his lips pressed against hers.

Her eyes widened and it took seconds before she could push him away. "Damn you!" Justine slapped him.

Binuksan niya ang pinto at patakbong lumbas ng CR. Bahala na kung may nakakita sa kanya, at kung makita si Daryl sa loob ng ladies' room. Bahala na kung anong isipin ng iba, basta kailangan niyang makalayo kay Daryl.

Pinili niyang pumunta sa may parking area at ipinamaypay ang dalawang kamay sa sarili upang pakalmahin ang sarili.

He didn't kissed me right? Paulit-ulit niyang tanong sa isip.

"Justine..."

Agad naman siyang lumingon sa nagtawag ng pangalan niya at nakita si Louise. Lalong bumilis ang tibok ng puso niya.

Lumapit si Louise at kapansin pansin ang kakaibang aura nito di tulad noong unang beses silang nagkita. Nakaramdam si Justine na may alam na si Louise. Na alam na nito kung sino siya sa buhay ng boyfriend niya.

"L-louise?" Bigla siyang nakaramdan ng konsensya kahit wala naman siyang ginagawang masama... except for the unexpected kiss. Namumula kasi ang mga mata ni Louise dahil sa mga nagbabadyang luha na papatulo. Sino bang hindi maiiyak kung alam mong makikipaghiwalay din sayo ang kasintahan para sa ex nito?

"Do you still love him?" Deretsyahang tanong nito at tuluyan na ngang tumulo ang mga luha. 

"No, I don't. Louise I'm sorry. I swear, wala akong balak na sirain ang relasyon niyo," puno ng sinseredad na sabi ni Justine. 

Pinunsan ni Loiuse ang kanyang mga luha at mahigpit na hinawakan ang mga kamay ni Justine. Tinignan niya ito sa mga mata na tila nakiki-usap.

"Promise me Justine na hindi mo na siya babalikan. No matter what happens. Please promise me."

Saglit na napaisip si Justine. Ganito niya ba kamahal si Daryl para magawa niyang makiusap ng ganito? Siguro nga mahal na mahal niya ang binata dahil hindi naman niya magagawang makiusap nang ganito para lang maisalba ang kanilang relasyon. 

Bumuntong hininga si Justine.

"I promise."

Continue Reading