Chapter 4

132 7 2
                                    

"Ma'am Justine." Humahangos na lumapit si Camille kay Justine na kasalukuyang nagluluto sa loob ng kitchen ng restaurant niya. Kahit na siya ang may-ari, siya pa rin ang head chef ng Royal Lush.

"Hmmm?" Tanong ng dalaga habang pinaghahalo ang mga ingredients.

"May isa pong costumer na naghahanap sa inyo."

"Why?"

"Yun nga po eh, ayaw magpasabi. Kanina pa po siya gumagawa ng eksena." Sa sinabing iyon ni Camille ay napatigil sa ginagawa ang dalaga. Humarap siya dito at nag-crossed arms.

"Then tell him I'm busy." 

"Sinabi na po namin yan kaso ayaw talaga niyang umalis. Ma'am naiistorbo na po kasi niya ang ibang costumers kaya wala na akong choice kung hindi lapitan ka."

Tumango tango si Justine. Naiintindihan naman niya si Camille, ang manager ng restaurant niya.

"Fine. Ako na ang bahala," naguguluhan man ay tinanggal ni Justine ang suot suot na apron at tinapik sa balikat ang isa pa niyang head chef. "Ikaw muna ang bahala dito Joseph."

Lalabas na sana siya ng muli siyang tawagin ni Camille. "Ma'am, single pa naman kayo diba?"

"Yes?" Nangunot ang noo niya sa out of the blue na tanong ni Camille.

"Wala pa ho kayong asawa diba?" Tanong pa niya. Tumango tango si Justine.

Napakamot ng ulo si Camille na para bang sinaniban ng kahihiyan sa mga pinagtatanong nito sa boss.

"Ah eh... yung lalaki po kasing nasa labas, sabi niya asawa niya daw kayo. Sa pagkakaalala ko po kasi single kayo kaya hindi ako naniwala kaso ang pogi eh... hindi niyo po ba talaga asawa yun?"

Nanlaki ang mga mata niya. Pati ang ibang crew ay halatang nagulat sa narinig. Sino namang baliw ang magiging asawa niya?

Hindi na niya sinagot si Camille at dali daling lumabas ng kusina. Masyado siyang nacucurios kung sino ang nagpakilalang asawa niya. Ang sabi gwapo daw kaya mas ginanahan ang dalaga. Mukha mang inosente si Justine, may tinatago ding kalandian yan sa katawan.

“BAKIT KA NANDITO?” Tanong niya sa binata at sinamaan ng tingin. Mas lalo namang lumapad ang ngiti ng binata. Umupo ito at preskong isinandal ang likod sa upuan habang nasa likod ng ulo ang kanyang mga kamay.

Panatag na sana ang loob niya dahil tatlong araw na matapos ang huli nilang pagkikita noong grand opening ng Royal Lush. Akala pa naman niya, hindi na siya guguluhin ni Daryl pero mukhang nagkamali yata siya dahil nagsisimula na ito gambalain siya ngayon.

“Binibisita lang kita. Kumain ka na ba? Sabay na tayong mag-lunch. My treat... wife.”

Nanlaki ang mga mata niya sa sinabing iyon ni Daryl. Anong wife? Kelan pa sila kinasal para magkaroon sila ng korning endearment na ganyan?

How to Love Again Your Ex?Where stories live. Discover now