Chapter 5

133 8 3
                                    

“DAKILA ka talaga pare. Sa lahat ng planong naisip mo, iyon pa. Hanep, bilib na talaga ako sa katangahan mo,” matawa tawang asar ni Zayn sa kaibigan nitong si Daryl.

“Gago. Sige mang-asar ka pa. Ibubunyag ko talaga kay Patricia lahat ng kalandiang taglay mo,” pangba-black ni Daryl ngunit hindi nito nasindak ang kaibigan, bagkus, tumawa pa nang mas malakas.

“Nasaan ba si Justine?” Iritadong tanong nito. Nabuburyong na siya sa pagmumukha ng kaibigan.

“Umuwi na pare,” sagot ni Zayn at nagpatuloy sa pagtawa.

Nasa ospital ngayon si Daryl. Nang matagpuan kasi siya ni Justine sa loob ng butas ng kanal ay agad itong humingi ng tulong sa taxi driver at idinala sa ospital. Hindi naman akalain ng dalaga na kaibigan pala ni Daryl ang doctor na umalalay sa kanila. Tutal may kakilala naman si Daryl sa ospital ay naisipan na niyang umuwi at iwanan na ang binata. Kating-kati na rin kasi siyang maligo dahil natalsikan pa ang katawan niya ng tubig kanal.

“Manahimik ka na nga!” Bulyaw nito sa kaibigan.

“Ang bilis talaga ng karma, ano? Lasing lasingan ka pa ah, ayan buti nga sayo.”

Napakamot na lang ng ulo ang binata dahil sa sobrang iritasyon. Kanina pa siya inaasar ni Zayn. Pasalamat na lang ito dahil doctor siya kung hindi ay kanina pa siya nakatikim ng sapak.

Pero tama nga naman ang kaibigan niya. Napakabilis ng karma. Hindi tunay na lasing si Daryl. Oo nakainom siya pero nasa tamang pag-iisip pa naman siya noon. Kakuntsaba niya ang  bartender at tinawagan si Justine para masundo siya. Naisip niya kasing pwede ulit niyang makasama ang dalaga kung gagawin niya iyon. Malay niya bang may butas ang kalsada at ang mas malala’y kanal ang kinahulugan niya. Buti na lamang at hindi baha kung hindi ay baka naalon na siya sa puso negro. Pakiramdam tuloy niya lahat na ng klaseng dumi, nasa katawan na niya.

“Umuwi ka na ‘pre. Masyado mo na akong napapasaya,” natatawang ni Zayn.

“Ang bait mo talagang kaibigan. Hindi mo man lang ba ako pagpapahingahin muna? Ang sakit sakit ng katawan ko,” reklamo ng binata.

“Wag kang mag-inarte diyan. Nahulog ka lang sa kanal. Ligo lang ang kailangan mo. Gago, ang baho mo na.”

Inamoy naman niya ang sarili at tama nga si Zayn, ang baho na niya.

Aalis na sana siya nang may naisip na naman siyang plano. Muli niyang hinarap ang kaibigan at hinawakan ito sa magkabilang braso.

“Tokneneng bakit mo ako hinawakan? Siraulo ka talaga, balak mo pang manghawa sa kadumihan mo,” pagmamaktol ni Zayn habang diring diri tinulak palayo ang kaibigan.

“Arte neto, bakla ka ba?” Pinanlakihan siya nito ng mata. “May naisip lang kasi akong plano. Tutal kaibigan naman kita kaya sa ayaw at sa gusto mo, tutulungan mo ako,” sabi ni Daryl at pilyong napangisi.

“MABABALIW NA YATA ako Ruby,” mangiyak ngiyak na sabi ni Justine sa kaibigan. Wala siya ngayon sa Royal Lush at nasa opisina ngayon ni Ruby. Kailangan niya kasi ng makakausap. Kailangan niya ng malalabsan ng sama ng loob at baka mabaliw na talaga siya kung ikikimkim niya ito sa sarili.

How to Love Again Your Ex?Where stories live. Discover now