Chapter 1

292 10 5
                                    

"SIR DARYL, mamayang 10 am po ang meeting niyo with the CEO, mamayang 12 nn naman po ang meeting niyo with Mr. Sanders of Sanders Global Emipre. And by the way po Sir, may dinner meeting din kayo with Mr. and Mrs. Trevino at 7 pm in Armani's Restaurant."

Bumagsak ang balikat ni Daryl saka sumandal sa swivel chair nito at bahagyang pinaikot-ikot iyon. Tinignan nito ang oras sa kanyang wristwatch at nakitang 9:37 am na pala, ilang minuto na lang at haharapin na naman niya ang CEO ng kumpanya. Bumuntong hininga muna siya bago humarap sa kanyang sekretarya.

"Iyon lang ba?" may bahid na sarkastiko nitong tanong.

"Oh, bago ko po makalimutan, tumawag nga po pala kanina si Ma'am Ruby kaso kausap niyo po ang Vice president kaya nag-iwan na lang po siya ng message." Tumingin ang dalaga sa hawak hawak na notebook atsaka muling nagsalita. "She said that Justine's arrival will be at 10:30 am."

Napataas ng kilay si Daryl at hinimas himas ang kanyang baba na tila nag-iisip.

"I know," tipid at mahina nitong sagot. I knew before she ever did.

"Okay, you may leave Viel," sabi nito sa sekretarya.

"Thank you Sir."

Pagkaalis ni Viel ay malakas na buntong hininga ang nagawa ni Daryl at niluwagan ang pagkakatali ng kanyang neck tie sa polo nito. Muli niyang tinignan ang oras. Halos mapasabunot siya sa buhok ng makitang 9:45 na. Ang bilis ng oras 'nyeta, ani niya sa isip.

Ipinatong na lamang niya ang dalawa paa sa mesa nito ngunit agad din iyong tinanggal nang bumukas ang pinto ng kanyang opisina at niluwa niyon si Mr. Travis Montenegro. 

Shit! Di ba uso ang katok sa matandang to?

"Why are you here?"

"Am I not allowed in my son's office? At baka nakakalimutan mong may one-on-one meeting tayo ngayon." nakangising tugon nito kay Daryl.

Pasimpleng napairap ang binata. Son? Nag-eexist pala 'yang word na yan sa loob ng kompanya... sarkastikong sambit nito sa sarili. Oo, ang ama nito ang CEO pero kahit na sila ang may-ari ng kompanya at siya ang tagapagmana ng lahat, walang special treatment na nagaganap, ika nga ng CEO, business kung business, family kung family. Kaya naman palaging stressed sa trabaho si Daryl dahil masyadong mahigpit ang ama nito lalo na't siya ang presidente ng Montenegro Forbes Corporation o mas kilalang MFC.

"You're too early for business,  Mr. CEO," reklamo nito. 

"I am always early young man, that's why we had you at the very young age," makahulugang tugon ng ama nito sabay ngisi. Muling napairap si Daryl. Akala naman kasi ng ama nito ay matutuwa siya sa mga ganyang banat. Eh ano naman kung maaga siyang pinanganak? O baka naman, wala lang siyang sense of humor ngayon para makisabay sa kaberdehan niya dahil may iba siyang iniisip?

Nagsimulang magsalita ang CEO tungkol sa financial statement ng kumpanya, bagong investors at projects, at kung anu-anong business matters na mapag-uusapan naman sa board meeting. Kaya wala sa huwisyo na tango ng tango lamang si Daryl kahit walang naiintindihan sa pinag-sasabi ng ama.

How to Love Again Your Ex?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon