Chapter 3

140 7 7
                                    

"What the hell?!" Napasigaw si Justine. Sino ba naman ang hindi, restaurant niya 'to at wala ni isa ang nagsabi kung sino ang architect at interior designer niya.

"Why? Problem?" Nakangising tanong ni Ruby, tila nang-aasar pa. 

"Yes! There's a problem Ruby. Why in the hell na walang nagsabi na sila pala ang architect at interior designer ng resto ko?" 

"You never asked Jazz."

"Because I trusted you!" Naisapo na lamang niya ang kanyang noo. Hindi siya nagtanong dahil pinagkatiwalaan niya ang mga magulang at si Ruby. Paano nila nagawa 'to? Alam naman nila kung ano ang nangyari sa dating magkasintahan pero sila pa rin ang pinili. Nananadya ba sila o ano?

No, she's not bitter. The idea of him being her client is absurd! Isn't it embarassing? Habang nagmo-move on siya sa ibang bansa eh ang ex pala neto ang nagdesign ng dream resto niya? Tapos proud na proud pa siya sa designs, not knowing who's behind of the work.

"Ayos lang naman Jazz diba? Besides, you've said nakamove on ka na. May girlfriend na rin si Daryl, ano bang kinaiinis mo dun?"

"I know I've said that, and I really mean it Ruby. The thing is, why him?. Ang to be honest, ayoko nang magkaroon pa ng communications sa kanya. I'm not bitter pero ayokong mapalapit ulit sa kanya... even as a friend. Naiintindihan mo naman ako hindi ba?" Malumanay na tugon ni Justine. Tumango naman si Ruby at lumapit para yakapin ang kaibigan.

"I'm sorry Jazz. Ako yung nagpumilit para magtrabaho sila sa resto mo. I'm really really sorry," mangiyak ngiyak na sabi ni Ruby.

"It's okay. Nangyari na eh," malumanay na tugon ni Justine. 

Lumayo sa yakap si Ruby at may kinuha sa dala-dalang purse. Ang phone niya lang pala. Kinuha niya iyon at may binasang isang text na siyang nagpangiti sa dalaga. Nagtaka naman si Justine sa inakto ng kaibigan.

"I have to go Jazz, may appointment pa ako," pagpapaalam ni Ruby at mabilis na ibinalik ang phone sa loob ng purse. Hindi maipinta ang malapad na ngiti nito kaya napangisi na lamang si Justine.

"Appointment or date?" Nakangising tanong ni Justine. Lalong lumapad ang ngiti ng kaibigan.

"Pwedeng both?" Pilyang tugon nito at kumindat pa. Natawa na lang si Justine at nagpaalam na sa kaibigan.

PINUNTAHAN NI JUSTINE ang table na kinaroroonan ng magulang at nakisabay sa kanilang kumain. Hindi naman niya maiwasang mailang dahil parang may kanina pang nagmamasid sa kanya. Tumingin siya sa kanyang likod at ini-scan ang bawat tao at nag-stop naman ang kanyang mga mata kay Daryl na malalim na nagkatitig sa kanya.

Tumango lang siya at bumalik na sa pagkain. Tsk! Feeling niya nakatitig pa rin sa kanya ang binata. Muli siyang lumingon at hindi nga siya nagkamali. Nakakunot ang noo habang malalim na tinititigan pa rin siya ni Daryl. Nag-iwas ng tingin si Justine at nagpaalam sa magulang para mag-CR.

Pagdating niya sa CR ay agad na tumingin ito sa salamin. Pinagmasdan niya ang itsura at nangunot ang noo nang wala naman siyang nakitang dumi o kahit anong katawa-tawa sa muka niya. So bakit kailangan siyang titigan ng ganoon ni Daryl? Really Jazz? sarkastiko nitong tanong sa isip. Pati sa sarili ba ay in-denial pa rin siya? Fine! Kailangan nga talaga siguro naming mag-usap. But please, not now.

How to Love Again Your Ex?Where stories live. Discover now