Julia’s POV
Tahimik lang ako. Tahimik lang din sila. Hindi na kami pumasok sa classes namin. Pati sila Sam, andito na rin. Nakaupo kami lahat sa sofa ng bahay namin nila Lexi. Lahat sila nakakatitig sa nilalang na nasa harapan ng couch na kinauupuan ko. Pero ako? Hindi ko nga magawang tumingin sa kanya. Ako kasi ang naging dahilan kung bakit siya nawala.
“How come that you are alive?” Rick broke the silence. “What happened to you? I saw it with my naked eyes. I saw how you turned into ashes?” Alam kong sa tono ni Rick, naghihinala siya. “Are you true? Baka impostor ka naman? Baka naman…” Unti-unting tumatayo si Rick pero kaagad siyang pinigilan ni Lexi.
“Okay.” Napapitlag ako ng narinig ko siyang nagsalita. “I didn’t die.”
Sa mukha ng mga kasama ko ngayon, kitang-kita ko sa mga mata nila ang labis na pagtataka. Naaninagan kong nakatingin si Quen sa akin. Actually, since we gathered here, he kept on looking at me. He never did take his eyes off of me.
“How come that you didn’t die? You turned into ashes and everything puffed out? Tapos sasabihin mong…” Hindi naman nakatapos magsalita si Lexi.
“Turning into ashes isn’t a vampire’s manifestation of death.” Lalo akong nagulat ng biglang nagsalita si Sam.
“Sam? Don’t tell me…” Narinig ko naman si Lexi. Naaninagan ko naman si Kath. Halatang gulong-gulo siya. Hindi siya dapat nandito. Hindi dapat siya kasali sa conversation na ito. Pero Sam gave the permission.
“Yes, Lexi. I knew it since he disappeared. I knew it since you told me that he turned into ashes.”
“Why you didn’t even told us?!” Medyo nagtaas ng boses si Lexi.
“Because it was not the right thing to do.” Matipid na sagot ni Sam. Nakita ko ang kakaibang aura mula sa kanyang mga mata.
“How can you tell that? Hindi mo ba alam kung paano kami nagluksa? Kung paano nasaktan si Julia?” Nagulat ako ng narinig ko ang pangalan ko. Kaagad naman akong napatingin kay Quen. Nakita ko kung paano nagsalubong ang kanyang mga kilay na wari ba’y kahit may pait na gumuguhit sa kanyang mga mata.
“I knew it. Pero, kung hindi ko ginawa ‘yun, maraming maaaring madamay. Even you and Rick.”
“Teka, ha. Naguguluhan na ako dito, Sam. Ano bang alam mo na hindi naming alam? Akala ko ba team tayo? Akala ko ba magtutulungan tayo? Akala ko ba…” –Rick.
“Stop it, Lexi.” Bakit kapag si Quen ang nagsasalita, parang may automatic na kamay ang biglang gugulat sa akin?
“Don’t be mad at him. I told him not to tell you about me.” Pagpapatuloy ni Quen.
“But why?!” Balik-tanong ni Lexi.
“Kasi ayaw kong mapahamak kayong lahat. Gusto kong maaayos muna ang lahat ng bagay. Mula nang dumating si Bianca, nagbago na ang lahat.” Si Bianca. Okay, anong nagbago Quen? What’s with Bianca now? “Mula nang makawala ako sa sumpa, na-realize ko ang lahat ng bagay.”
“Stop now, Quen!” Hindi ko malaman kung bakit bigla siyang pinigil ni Sam.
“Wait. Don’t stop him, Sam.” Sabi naman ni Lexi.
“Sam, it is the right time for them to know about it.”
“Not yet, Quen.”
“Ano ba? Sam at Quen? What’s with that curse? Ano bang nangyayari? Alam niyo, gulong-gulo na kaming tatlo. Parang hindi na ata team ito. Ano bang meron sa misyon natin ngayon? May nagbago ba?” Sabi naman ni Rick.
“Malaki, Rick. Malaki ang nagbago. Sobrang laki.” –Quen.
“Shit, Quen. I said stop telling them those things!” Base sa boses ni Sam, galit na talaga siya.
“You are being unfair, Sam.” Napako ang atensyon naming kay Kath. Nagsalita siya bigla. Alam kong nagulat pati si Sam. “Kahit hindi ko alam ang tungkol sa pinagsasasabi niyo, still, karapatan pa rin nilang malaman.”
“But… it is very risky, Kath. You don’t know about it…” Medyo malumanay ang pagkakasabi ni Sam.
“You already risked it, Sam. From the moment when I saw that woman in the rooftop, yung babae sa veranda namin 5 months ago, yung nangyari kay Quen, ang paglitaw ni Bianca, ang pagkawala ni Daniel… hindi mo ba matatawag na risky yon? Hindi mo ba narerealize na lahat ng yon, napagdaan niyo kahit mapanganib? Come to think of it, Sam.” Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Kath. This is the first time that someone talked to Sam like that. “Isa pa, iyang misyon niyo na ‘yan na hindi ko rin alam kung ano, hindi yan magiging successful kung iisang utak lang ang gagalaw. Kailangan mo sila, Sam.”
“I knew that, Kath. Kaya nga ayaw ko silang mapahamak.”
“Mas lalo silang napapahamak sa paglilihim mo, Sam.” Bakas sa mata ni Kathryn ang pagiging concern sa aming lahat.
“Sam, please. Hayaan mo namang malaman namin ang lahat. Ilang beses na tayong pumalpak sa misyon. Paulit-ulit na nating ginagawa ito. Pero ngayon, nagbago na ang lahat. Yung mga dapat na mangyayari, hindi na nangyari. Puro bago. Andaming nagbago. Kaya please, Sam.” Pagmamakaawa ni Lexi. Wala pa rin akong imik. Hindi nga ako makagalaw sa kinauupuan ko.
“The prophecy.” –Sam.
“What about the prophecy?” –Rick.
“There is something in it that is not real.” –Sam.
“What are you trying to say, Sam? Na may hindi tama sa propesiya? Na ang paulit-ulit na misyon na ito ay…”
“Have you remember that the half part of the stone was stolen? Palagay ko, there is something in that na nagiging dahilan ng pagbabago ng mga nangyayari ngayon. Pero hindi natin mafigure-out ng dahil sa sumpa…” –Sam.
“Anong sumpa?” –Rick.
“All of us are cursed. The six of us. We are all cursed.” –Quen. Sumpa. Sumpa. Anong sumpa? Ito ba ang dahilan kung bakit nakalimutan ko ang tungkol sa aming dalawa ni Quen?
“Who cursed us?” Sabi naman ni Lexi.
“The council.” –Sam.
“And why did they curse us?” –Lexi.
Bumuntong-hininga si Sam. “Quen…”
“Bakit?” –Quen.
“Tell them.” –Sam.
==========================
Wow naman. Thank you sa mga naghintay ng sobra. :D :D :D
Onga pala, check niyo nga pala 'yung isang novel ko. 10 chapters lang siya.
:D :D :D
Romance na comedy na angst. Sana magustuhan niyo.
"TWISTED FATE" ang title. :)))
Click niyo po ung external link. :)))
Thank you. :)\\\
QUESTION:
Ano ang meron sa propesiya? Ito na nga ba ang simula ng totoong paglalakbay? Asan nga pala kaya si Daniel?