KATH’S POV
Nag-i-inat-inat ako. Para kasing napakaganda ng umaga ngayon. Kakaiba ang gising ko eh. Parang ang saya-saya. Kaagad akong nag-ayos ng sarili. Maya-maya, malamang kakatok na sila Julia at Lexi. Baka batukan na naman ako ng mga iyon. Nilingon ko ang sarili ko sa salamin.
“Hey, you!” Kinindatan ko naman ang sarili ko sa salamin, “Looking good ha? Dapat lagi kang ganyan! Masaya!”
Para akong tanga sa salamin. “Sabi ko sayo eh. Babalik yon! Tiwala lang! Kaya ikaw, tigilan mo na ang pagmumukmok. Hindi na uso ‘yan.” Inilapat ko ang mga kamay ko sa magkabilang dulo ng labi ko. “Ito, itong labi na iyan, kailangan lagging naka-smile yan.”
Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin. Masaya ako lalo na kapag nakikita ko ‘yung necklace. Ang ganda niya tignan. Alam kong hindi panaginip yung nangyari kahapon. Pinuntahan ako ni Daniel. Nakausap at nakayakap ko siya. Nabasag ang pagmomotivate ko sa sarili ko ng bigla na lamang may kumatok sa pinto.
“Hoy. Late na naman tayo, Kath.” –Julia.
“Hindi pa ha. One hour pa kaya! Excited ka masyado bhest!” Nagulat na lamang ako ng biglang nagbukas ang pinto ng kwarto ko. Pinuwersa ni Julia. Almosana ang babaeng ito. Narinig ko ang nagmamadaling yabag ng paa niya papunta sa akin.
“GISING KA NA? THIS IS… WHAT THE HELL HAPPENED TO YOU?!” Bigla nitong hinipo ang noo ko. “ARE YOU SICK? SABI KO NAMAN SAYO DI BA? KUMAIN KA NG TAMA!”
Hinawi ko ang kamay niya, “Julia, wala akong sakit, okay? I just… you know. Better than before.”
“Really? Nauntog ka na?”
Tumungo naman ako. Tinignan ako mabuti ni Julia from head to toe.
“LEXIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIII!!!!” Parang batang excited si Julia ng tinawag si Lexi. “Magbakasyon na tayo. As in now na!!!!”
“Anong ibig mong sabihin, Bhest?”
“We need to hang out. Ngayong okay ka na, kailangang magtuloy-tuloy na yan!”
Napakunot naman ako ng noo. “Pero, 1 week pa bago magtapos ang klase.”
“Ako ang bahala sa’yo! Pack your things up dahil ito ang last day natin sa school!” Nagsalita bigla si Lexi. Nasa pintuan na pala siya.
“Okay.” Wala naman akong magagawa eh pero may biglang pumasok sa isip ko.
“Wait.” Turan ko.
“Bakit, Kath?” Lumingon naman kaagad sina Julia at Lexi.
“Si Bea, sino siya sa buhay ni Sam?” Nakita ko kung paano bumakas ang kakaibang gulat sa mata nila pero kaagad din namang nawala iyon. Sinuklian naman ako ni Julia ng ngiti. Kitang-kita ko kung paano siya bumuntong hininga at isinara ang pinto. Muli silang lumapit sa akin at inakay ako paupo sa kama.
“She is Sam’s sister.” Tama ako. Kapatid nga ni Sam si Bea. Pero bakit ganoon na lang ang pag-aalala niya na makialam iyon sa plano nila? “You should at least be careful with her. She’s good and nice. Hindi naman siya masama pero medyo tuso si Bea. May mga bagay kasi na kapag gusto niya, kailangang mapasakanya. Nakita kong medyo nagkakamabutihan din kayo kaya beware.”
Tumungo-tungo ako bilang pag-unawa, “Eh si Mr. Grey?”
“Si Mr. Grey ay parang tatay namin noon noong nandun pa kami sa Dark Circle. Noong wala pa kami sa misyon na ito. It’s been a hundred years since we last met him. Walang nagbago sa physical features niya.” Sabi naman ni Lexi.
“Teka. Ano ba yang misyon na yan?” Nagkatinginan sina Lexi at Julia. Halatang may nililihim sila sa akin. “Bukod sa protektahan kaming dalawa ni Daniel, ano pa? And besides, why to protect us?”
“Okay. Enough for this convo!” Bigla namang pumalakpak si Julia. “Malelate na tayo. Remember, this is our last day. We should not miss our classes!”
“Pero…” Pipigilan ko sana sila kaso nakalabas na sila kaagad.
JULIA’s POV
Hindi dapat niyang malaman ang tungkol sa propesiya. Ni hindi ko na nga rin alam kung ano na ang totoong nangyayari. Supposed to be mauulit lang ang lahat pero iba ang nangyayari ngayon. Para bang nabago ang lahat. Para sa kaalaman ng lahat, ilang taon na naming paulit-ulit na ginagawa ito simula ng lumitaw ang dalawang hiyas. Kaso, nawawala na yung kalahati. Itinapon iyon noong mga panahong hindi pa kami pare-parehong isinisilang. Ni hindi nga rin naming alam kung saan patungo ang lintik na misyon na ito. Kung mayroon mang nakakaalam ng lahat ng ito, sigurado akong si Sam iyon. Kaso hindi niya sinasabi sa amin kung anong nangyayari. Nananatiling tikom ang bibig niya sa mga ito.
Kahit ako ay nagtataka. Nawala si Daniel. Lumitaw si Bea. Lumitaw si Mr. Grey. Para bang may kakaiba. At higit sa lahat… namatay si Quen.
Si Quen.
“Hey, Juls. Tulala ka ata, ha?” Napatingin ako sa nagsalita. Si Lexi pala.
“Ah wala.” Sagot ko. Pero kapag naiisip ko si Quen, hindi ako nagiging okay.
“Bilib ako sa’yo, Juls.” Sabi naman ni Lexi habang nagpupunas ng screen ng cellphone niya.
“Bakit naman, Lex?”
“Ang galing mo kasing i-cheer up si Kath, samantalang ‘yung sarili mo, pinaplastik mo dahil sa mga ngiti mong hindi naman tunay.” Medyo sumugat sa puso ko ang sinabi ni Lex. Tama siya.
“Sus. Anong pinagsasasabi mo??” Pabiro kong sabi.
“In denial. Kahit naman hindi ko basahin ang nasa utak mo, sigurado akong si Quen ang andyan.” Aray. Ansakit eh. Nung binanggit niya ‘yung pangalan ni Quen, kakaibang kirot ang naramdaman ko eh.
“Masisisi mo ba ako?” Napatalikod na lang ako. I am not used to cry in front of other people.
“Hay. Tara na. Kailangan niyo talaga ng isang engrandeng bakasyon. Sana makalimot kayo sa lungkot ni Kath.”
“Buti ka pa nga, okay kayo ni Rick.”
“Sssh. Don’t say that. Never compare, okay.”
Tama nga naman si Lexi. Kung buhay pa sana si Quen, malamang masaya pa kami nun. Kaso, wala eh. He died because of me.
“May ipinagtataka lang ako, Julia.” Nabali ang atensyon ko ng muling magsalita si Lexi.
“Ano ‘yun?”
“Napansin ko kasi si Sam na ngumiti noon eh. Nung sinabi natin na naging ashes si Quen?” Napaisip ako. Hindi ko napansin ‘yung pagkakataon na ‘yun.
“So?”
“It was also strange that he is not worried. Parang ang bilis niyang makarecover? Samantalang tayo parang halos ilang buwan bago nakarecover…”
“Baka naman nature niya na ‘yun…?”
“There is something different with Sam, nowadays. I can feel it through my nerves.” Alam kong seryoso si Lexi. Alam kong may something sa bawat binibitawan niyang salita ukol sa obserbasyon niya kay Sam.
“I have an idea. One more strange thing that will happen, kailangan na nating buksan ang topic tungkol sa misyon na ito. Masyadong marami ng nadadamay.” Suhestyon ko.
“Yeah, right. And the disappearance of Daniel, hindi ba’t masyado pang maaga para bigla siyang mawala?” Sabi naman ni Lexi.
“I knew that. Alam naman nating lima na 5 months ago wasn’t the real birthday of Daniel. Pero bakit sa mga sinasabi ni Kath during those times, nagkaroon na kaagad si Daniel ng manifestations?”
“I have really no idea.” Umiling-iling si Lexi.
Bigla na lamang naming narinig ang busina ng sasakyan. Nasa labas na sila Rick.
“KATH! Andyan na sila, bumaba ka na!”
Nang makalabas na sila, naalala kong hindi ko pala nadala ang bracelet ko. Yun kasi ang nagpapalakas sa akin. Kay Quen ‘yun. Ito na lamang ang natira sa kanya noong unti-unti siyang nawawala at nagiging abo.
Nang buksan ko ang pinto, laking gulat ko sa tumambas sa aking harapan.
Isang lalaki.
Hawak-hawak niya ang bracelet.
Hindi ko nga namalayang pumatak ang luha ko eh.
Ang alam ko lang, abot-tainga ang ngiti ko.
“Quen…”
=============
PS:
JULIA : Oi, author! baka mamaya panaginip na naman toh ha. sawang-sawa na ako sa panaginip. please, kung ibabalik mo si Quen, ibalik mo na. Wala ba akong chance na magkalovelife ulit?
AUTHOR_S: Hehehehe. >:)
JULIA: Hay naku.