Married to Unknown

By CloudMeadows

8.7M 320K 132K

12:00 A.M. Every breath you take Every move you make Every bond you break Every step you t... More

Married to Unknown
PROLOGUE
I.
II.
III.
IV.
V.
VI.
VII.
VIII.
IX.
X.
XI.
XII.
XIII.
XIV.
XV.
XVI.
XVII.
XVIII.
XIX.
XX.
XXII.
XXIII.
XXIV.
XXV.
XXVI.
XXVII.
XXVIII.
XXIX.
XXX.
XXXI.
XXXII.
XXXIII.
XXXIV.
XXXV.
XXXVI.
XXXVII.
XXXVIII.
XXXIX.
XL.
XLI.
XLII.
XLIII.
XLIV.
XLV.
XLVI.
XLVII.
XLVIII.
Bonus Chapter: "The plan and the truth about 5 years ago."
XLIX.
L.
EPILOGUE.
Final note
Special Chapter # 1
Special Chapter # 2

XXI.

152K 5.2K 2K
By CloudMeadows

Gemma

"Bebe Harold I miss you too!"

"Pakyu."

"Later bebe Harold."

Napaungol ako dahil sa ingay sa labas. Nandito ako ngayon sa guest room. Nagpumilit kasi ako kagabi kaysa naman doon na naman ako sa kwarto ni Nicca.

Naghilamos at nagtoothbrush muna ako bago ako lumabas at naabutan ko si Hector at Harold na kumakain ng cereal sa kusina.

"Baby Gemma good morning!" Yayakapin niya sana ako kaso may nagsalita sa likuran namin.

"Who called her baby?"

"Patay kang gago ka."

Napalingon kami kay Luc na kakatapos lang mag shower at nakasuot ng itim na sweats at puting t-shirt kung saan bakat na bakat yung abs niya. Napaiwas agad ako ng tingin.

"And the two of you, what are you doing inside my house?"

"Makiki kain sana-"

"Kinamusta lang po namin si Gemma." Tumingin sa akin si Harold. Bakit ako?

"Diba?"

"Ha? O-oo?"

"Mauna na kami boss." Aangal pa sana si Hector kaso mabilis na tinakpan ni Harold ang bibig niya saka ito kinaladkad palabas. Ngayon, kaming dalawa na lang ni Luc ang naiwan dito sa kusina.

Tumikhim muna ako. "Coffee?" Hindi ako nakatingin sa kanya. "Sure."

Nagtimpla ako ng kape at isang tea. I'm guessing he likes black coffee because it suits his personality at hindi nga ako nagkakamali. Hindi niya ibinuga yung itinimpla ko. Phew.

Gumawa ako ng dalawang avocado ham sandwhich at ibinigay sa kanya yung isa. Well, this is awkward. Tahimik kaming pareho habang kumakain. Pagkatapos ay naghugas ako ng pinggan habang nasa salas siya.

Naririnig ko pa kung paano niya sinisigawan yung nasa kabilang linya. Nagpanggap nalang ako na hindi ako nakikinig sa usapan nila nang pumasok siya bigla dito sa kusina.

I gasp. Bakit wala siyang suot na pang itaas?!

"Come with me."

Napakunot noo ako. The fact that he is shirtless at inaaya niya ako....oh my god.

"B-Bakit?"

"I'll make you sweat." He said in a bored tone.

Make me sweat? Napatawa ako ng pilit habang iniisip kung anong ibig niya sabihin. Baka naman---g-g-gagawin na namin?!

"Ayoko!"

Binigyan niya ako ng nagtatakang tingin.

"Why? Makakatulong 'to sayo." Paano makakatulong y-y-yung basta yun!

"A-Ayoko pa rin."

"What are you thinking?"

Nagsimula akong pagpawisan.

"H-Ha?"

Lumapit siya bigla sa akin kaya dahan dahan akong umatras hanggang sa tumama yung bewang ko sa may sink. Bago pa man ako makaalis ay inilagay na niya agad yung kamay niya sa magkabila ko.

"You are blushing." I can feel his body heat kaya mas lalo akong namula. I need air! I tried pushing him but he caught my hands. "What are you thinking?"

"Wala!"

He smirked.

Inilapit niya sa akin yung mukha niya kaya napapikit ako. Tumatama na sa labi ko yung hininga niya. "Remove your clothes." Oh crap! Hindi ako makahinga! I'm still a virgin! Pero nagulat ako dahil bigla siyang tumawa ng mahina. "And change into your work out gear. Meet me at the gym after." Yun lang at bigla siyang nawala. Napabukas agad ako ng mata at malakas na napamura. That was so embarrasing! Ano ba 'tong pinag iisip ko? Ugh!

****

I'll make you sweat.

What he meant by that is like this:

"What did I tell you when someone grabbed your arm?"

"If that stranger is close to you, what will you do?"

"Are you paying attention?"

Right. He is teaching me self defense.

"Again!" Mabilis niya akong hinawakan sa braso at mabilis na pinaikot kaya ngayon parang nakayakap siya sa akin mula sa likod pero ang totoo niyan parang sinasakal niya na ako sa leeg. Ano na nga ulit yung first move? Hindi ako makapag isip ng maayos lalo na't ang lapit niya masyado sa akin.

"First move, Gemma."

"Uhm..." Nasa basic palang kami pero bakit parang mas mahirap pa 'to sa math?!

Narinig ko siyang bumuntong hininga saka niya ako pinakawalan.

Ang seryoso ng mukha niya kaya hindi ko maiwasang kabahan. I'm acting very very stupid--actually kanina pa. Nakita ko kung paano niya ipinikit yung mata niya at huminga ng malalim bago tumingin sa akin.

"Remember this Gemma," Lumapit siya sa akin at huminto sa harapan ko.

"Hindi sa lahat ng pagkakataon, nasa tabi mo ako para iligtas ka. There might be circumstances that you will be needing to save yourself." I nodded. He is right.

"You need to focus." I nodded again, I felt guilty.

"You need to cooperate." Tumango na naman ako.

"You need to be alert." Hindi pa ako nakakatango dahil nagulat ako nung bigla na naman niya akong tahakin at ginawa niya ulit sa akin yung ginawa niya kanina.

"Alert." He repeated.

At doon lang nag sink in lahat ng sinabi niya kanina.

Agad ko siyang sinipa sa tuhod at siniko sa leeg kaya nabitawan niya ako at doon ko kinuha yung oportunidad para tususkin siya sa mata. Pero practice lang 'to kaya hindi ko ginawang literal.

He smirked.

Keep in mind to attack the vulnerable areas.

He attack me again and as usual mas mabilis siya kaya agad niyang nailagan yung defense ko. Sinubukan ko ulit siyang suntukin kaso nailagan niya ito at sinipa yung likod ng tuhod ko. Hindi siya masakit pero sapat na para mapatumba ako.

Inilahad niya sa akin yung kamay niya at tinulungan niya akong bumangon. Nagpatuloy yung basic practice namin hanggang sa umalingawngaw yung ringtone ng phone niya.

"Go take a break." Inabutan niya ako ng bottled water at lumabas muna siya saglit para sagutin yung tawag. Siguro yun din yung kausap niya kanina?

Bumalik din siya maya't maya. "I need to go somewhere. I'll send someone to look over you. Take care of yourself okay?" He kissed my forehead bago siya umalis at napahawak ako sa noo ko. I smiled for no reason...I guess.

Ilang minuto na ang nakalipas at nakaalis na si Luc kaya naman nagshower ako saglit at pagkalabas ko ng banyo, saktong may nagdoorbell. Yun na siguro yung pinapunta niya dito.

"Saglit lang!" Dali dali akong nagpalit at pumunta sa baba. Bubuksan ko sana yung pinto kaso napatigil ako. Kung si Hector o Harold man yung pinapunta dito, dapat nakapasok na siya kasi isa siya sa pinagkakatiwalaan ni Luc. Pero sa gate pa nga lang mahigpit na yung security eh pano pa kaya niya nalagpasan yun? Paanong nasa tapat na siya ng pinto?

Napatakbo agad ako papunta sa kwarto ko at tinakpan ko yung tenga ko kasi patuloy na nagdo-door bell yung nasa labas.

Kinuha ko agad yung phone ko at tinawagan si Luc.

"Luc..."

"What's wrong? Are you okay?"

Siguro napansin niya yung nanginginig kong boses.

"Y-Yung pinadala mo ditong magbabantay sa akin--"

"Fuck it. I'm going there right now."

Biglang tumigil yung doorbell sa labas kaya naman dahan dahan kong binuksan yung kurtina sa bintana ko. Wala naman akong nakikita na nagdo-doorbell kaso may napansin ako sa may paanan ng front door. Bumaba ulit ako at dahan dahan na binuksan yung pinto at tama nga ako dahil may tumambad sa akin na isang boquet ng roses, kinuha ko yun pero agad ko rin nabitawan dahil hindi ko napansin yung mga tinik nito na maliliit kaso ang tutulis.

Pumapatak na yung dugo ko sa sahig kaya napatakbo ako sa kusina para hugasan ito.

"Gemma!"

"Kitchen!" Sigaw ko pabalik at saka dali dali kong pinunasan yung mga daliri ko.

Napatingin ako kay Luc kung saan ang dilim na ng mukha niya at napansin ko yung hawak niyang maliit na note.

"Ano yan?"

Lumapit ako sa kanya at kinuha yung hawak niyang note at hindi naman siya umangal.

-You'll be mine soon. Stay safe, Nicca.

"He was here." Napatingin ako sa kanya. "And he wants to take you away from me." His voice became more deep and husky. Napansin ko kung paano nagbago yung kulay ng mata niya kaya agad ko siyang hinawakan at sinubukan pakalmahin.

"Luc..."

Napalayo agad ako nang bigla niyang ihagis yung vase sa tabi niya. Nakita ko kung paano siya nanginginig sa galit.

Sinubukan ko ulit siyang lapitan pero agad niya aking hinila at niyakap. Nararamdaman ko kung paano niya inaamoy amoy yung leeg ko. "You're mine."

"Luc..."

"And he can't have you. Not now, not ever." Mas humigpit yung pagkakayakap niya sa akin at medyo naguguluhan na ako sa kilos niya. What is happening to him?

"Luc teka nga--"

"Do you trust me?" Nabigla ako sa tanong niya.

"Bakit? Ano bang nangyayari sa'yo?" Napasigaw ako nang bigla niya akong hawakan sa bewang at binuhat papaupo doon sa marbled table niya at ngayon nakapatong na yung kamay niya sa magkabilang hita ko.

"From now on." Hinawakan niya yung kamay ko kung nasasaan yung singsing. "I'll be twice as possessive to you." Hindi ko alam kung bakit mas bumilis yung kabog ng dibdib ko sa sinabi niya.

"T-Teka sino ba siya? Bakit niya ako gustong kunin?" May napanaginipan na akong mga bagay kung saan pilit akong kinukuha at akala ko sa panaginip lang yun pero base sa narinig kong sinabi niya kanina, baka may posibilidad na mang-yari yung mga nasa panaginip ko.

Hindi niya sinagot yung tanong ko pero inilapit niya yung mukha niya sa mukha ko.

"Just stay with me."

****

1 week after...

Isang linggo kong hindi nakita si Luc. After nung insidente na nangyari, bigla nalang siya naglaho at isang linggo na rin akong binabantayan ni Harold at Hector pero kapag tinatanong ko sila tungkol kay Luc, iniiba nila yung usapan.

Isang linggo na rin akong nakakulong dito sa isa sa mga mansion ni Luc. Oo, mas malaki at mas mahigpit ang seguridad. Hindi ko nga alam kung mansion ba 'to o palasyo. Hindi ko rin alam kung bakit ayaw nila akong palabasin.

"Gemma saan ka pupunta?" Narinig ko yung boses ni Harold. "Gabi na."

Lumingon ako at sumandal sa pinto.

"Harold, pwede naman sigurong lumabas? Kahit sa garden lang, sige na isang linggo niyo na ako kinukulong dito." Napatingin siya sa suot ko kaya agad na naman akong gumawa ng palusot.

"Ah nakalimutan kong magpalit, wala kasi akong magawa kanina kaya nagsusubok ako ng mga damit. Sandali lang naman ako diyan sa garden, kailangan ko lang talaga ng sariwang hangin." Kinagat ko agad yung dila ko pagkatapos kong mag "rason".

"Sige pero sasamahan ki-"

"Wag na! Este ayos lang ako. Babalik din naman ako e." Pinaningkitan niya ako ng tingin. Crap!

"Sige." Napahinga ako ng maluwag. "Pero sa loob ng sampung minuto at hindi ka pa bumalik, pupuntahan kita sa garden." Napatango ako kahit na gusto ko nang magtatatalon sa sobrang saya.

Binuksan ko na yung pinto at lumabas pero bago ko pa yun maisara, narinig ko siyang nagsalita.

"At kapag hindi kita naabutan sa garden, hahanapin kita o di kaya makakarating 'to kay Luc." Double crap. Napalunok nalang ako saka dahan dahang tumango.

Tuluyan na akong pumunta sa garden at napalingon sa paligid. Napatingin ako sa suot kong jeans at blouse at sakto namang nag vibrate yung phone ko.

From: Rose
Time received: 9:05 P.M.
Andito na kami sa labas ng village! Asan ka na?

Medyo kinakain na ako ng guilt pero nami-miss ko na yung mga kaibigan ko. Para akong timang na naglalakad dito at palingon lingon at dahil may mga nakabantay sa may gate, pumunta ako sa likod ng mansion kung saan walang masyadong nakabantay at doon ko inakyat yung pader. Oo may kataasan pero pinaghandaan ko talaga 'to nung umaga pa.

Nagmamadali akong tumakbo papalabas ng village hanggang sa natanaw ko nga yung pulang kotse ni Rose.

"Gemmy! Na-miss na kita at bruha ka! Asenso ka na agad?! Puro mayayaman lang ang nakatira dito at mukhang ang layo ng tinakbo mo!" Ang dami niyang sinasabi pero panay hugot lang ako ng hangin. Tatlong gate yung dalawa kong takasan at para hindi mamukhaan.

"P-Pwede ba h-ha magmaneho ka na m-muna."

"Oh sige bes hinga." Mabilis niyang pinaandar yung sasakyan kaya naman tumama sa mukha ko yung malakas na hangin.

I miss this. Tawa lang kami nang tawa ni Rose habang nagkukwento siya hanggang sa makarating kami sa maliit na club na medyo tago. Pagkababa namin ay agad na sumalubong sa akin yung mga kaibigan namin sa club at dalawang babae na hindi ko kilala.

"Ah! Gemmy si ano pala, si Cameron pala tapos si April." Napilitan akong ngumiti. Actually hindi maganda yung kutob ko sa dalawang 'to. Judgemental na kung judgemental pero mukha silang mga prosti.

"Kaibigan mo?" Bulong ko kay Rose na nakangiti pa rin.

"Baliw girlfriend yan ng mga dalawang ulupong na kaibigan natin." Napatawa na lamang ako ng pilit. Ang sama kasi ng tingin ng April na 'to.

Pumasok na kami sa loob at dumiretso sa table namin.

Nagsimula na kaming mag order ng drinks pero hanggang juice lang ako. Mahirap na.

May kanya kanya rin kaming mundo dito at mas mabuti nang kami lang ni Rose yung magkausap dahil halos makapanood na kami ng live p*rn kapag titignan pa namin yung mga magjowa.

****

Third Person

Tumayo na si April mula sa hita ni Drake at nagpunta muna sa girl's comfort room para mag re-touch. Lagpas lagpas na kasi yung lipstick niya at nagmumukha siya madungis. Nasa harapan na siya ng salamin at nagulat na lamang siya nang may pumasok na isang binata.

Susuwayin niya sana ito pero nakita niyang gwapo ito kaya hinayaan niya nalang.

Hindi rin siya umangal nang biglang ini-lock ng binata ang pinto.

"Miss?"

"April." Napakagat labi si April nang makita niya ang binata na pumunta sa likuran niya. Nakaharap kasi siya sa salamin at kitang kita niya rin ang repleksyon ng lalaki mula rito.

"Can I?" Hinawi ng lalaki ang buhok sa leeg ni April at wala siyang kamalay-malay na umiiba na ang kulay ng mata ng binata.

Ngunit iba ang nasa isip ni April. Idiniin niya ang leeg niya sa mga labi ng binata.

"Go ahead. Savour me."

"I'll take your words literally, are you sure?"

"Yes baby."

Dinilaan ng lalake ang leeg ng babae at napaungol sa sarap si April hanggang sa napalitan ito ng napaka lakas na sigaw nang ibaon ng binata ang kanyang pangil sa leeg nito. Agad namang kinuha ng binata ang panyo ni April saka ito inilagay sa kanyang bibig.

Savour me.

Wrong choice of words.

Napangisi na lamang ang babae habang dinidilaan ang dugo na umaagos pababa ng kanyang leeg.

Tumingin siya sa salamin at nakatitig din pabalik sa kanya ang mga mata ni April na mukhang wala ng kulay ngunit may natitira pa siyang hininga. Sinubukan niyang igalaw ang bibig niya at tinanggal naman ng binata ang panyong nakasuksok doon.

Gustong magsalita ni April kaso walang lumalabas.

"Come. Come with me April."

Walang malay ang mga kasamahan ni April na buhat buhat na pala siya ng isang di kilalang binata papalabas ng club pero bago iyon, napatingin muna siya sa gawi ni Gemma at napangisi siya nang maalala niya ang mga rosas na ibinigay niya kanina.

END OF CHAPTER 21













Continue Reading

You'll Also Like

White Wall By anemoia

General Fiction

1.5K 421 44
Sa event hall ng kanilang Junior's Ball, may mga antigong kanta na pinatutugtog, sa dagat na kulay ng cocktail dress at fuschia niyang labi ay nakati...
1.2M 20.7K 81
"Ang pag-ibig na pinilit, nakakapilipit." Sinong matinong babae ang itatali ang sarili sa isang beki?! P.S. Isang SUPER-DUPER-MEGA-OVER-GWAPONG BEKI.
4.6K 508 15
β€’PUBLISHED UNDER KPub PHβ€’ βœ… Complete 'Kahit hindi na ako ang mahal mo, patuloy akong aasa na balang araw ako pa rin ang nakatakda para sayo.' Carleig...
166K 4.4K 78
Every midnight: A stalker. A stranger. A phone call. I should be scared. I should not talk to him. I should not entertain him. But all I did was... f...